
Pagpapahayag nang may Paggalang sa anumang Ideya/Opinyon
Presentation
•
Other
•
5th Grade
•
Easy
Chatleen Til-adan
Used 9+ times
FREE Resource
13 Slides • 21 Questions
1
Quarter 2 Week 4
2
Para sa araling ito ay inaasahan na ikaw ay makabubuo at makapagpahayag nang may paggalang sa anumang ideya/opinyon ng iyong kapwa tulad na lámang nang ipinapakita sa mga larawan.
3
Ang bawat isa sa atin ay pinagkalooban ng Maykapal ng isip at Kalayaan upang malaya táyong makapagbigay ng kuro-kuro o opinyon. Sa madaling salita, táyo ay malayang makapagpahayag ng ating nararamdaman o ideya sa isang tao, bagay o pangyayari. Ngunit kasama ng malayang pagpapahayag ng ating opinion ay ang responsibilidad at tungkulin na dalá nito.
4
Bílang Pilipino, isa mga kaugalian natin ay ang pagiging magalang. Naniniwala táyo na ang tunay na pagpapahayag ng opinyon o ideya ay nakabatay sa respeto at paggalang. Nagkakaroroon ng tunay na pagkakaunawaan at kapayapaan kung nangingibabaw palagi ang paggalang lalo na sa opinyon o ideya ng iba.
5
Poll
Ikaw, iginagalang mo ba ang opinyon ng iyong mga kaibigan, kalaro, kaklase at lalo na ang ideya ng iyong mga kapatid at mga magulang?
Opo
Hindi po
6
Open Ended
Paano ka ba nagpapahayag ng iyong ideya?
7
Piliin ang OPO kung paggalang sa opinyon ang ipinapahayag ng parilala at HINDI PO naman kung hindi.
8
Multiple Choice
1. Pakikinig sa sinasabi ng kapwa
OPO
HINDI PO
9
Multiple Choice
2. Paninigaw
OPO
HINDI PO
10
Multiple Choice
3. Paglalagay ng sarili sa sitwasyon ng kapwa (empathy)
OPO
HINDI PO
11
Multiple Choice
4. Panghuhusga sa opinyon ng kapwa
OPO
HINDI PO
12
Multiple Choice
5. Pagiging mahinahon sa pagsasalita
OPO
HINDI PO
13
Multiple Choice
6. Pananakot ng kapwa
OPO
HINDI PO
14
Multiple Choice
7. Paggamit ng mga di nakakasakit na salita
OPO
HINDI PO
15
Multiple Choice
8. Pagpipilit na ang sariling opinyon ang tama
OPO
HINDI PO
16
Multiple Choice
9. Pagsasaalang-alang ng damdamin ng kapwa
OPO
HINDI PO
17
Multiple Choice
10.Paggamit ng masasakit na salita sa kapwa
OPO
HINDI PO
18
Sa ating bansang Pilipinas, mayroong táyong tinatawag na Freedom of Speech (Article III, Bill of Rights Section 4). Ito ay ang malayang pagpapahayag ng opinyon na hindi hinahadlangan ng sinoman. Ngunit ito ay mayroong limitasyon. Hindi mo maaaring gamitin ang kalayaan mo sa pagsasalita sa paninira ng puri ng iyong kapwa, pagbibintang nang walang sapat na ebidensya, pagmumura o pambabastos, pagsuway sa batas at pagsisiwalat ng pribado at maseselang impormasyon sa publiko. Ang mga ito ay may karampatang parusa kapag iyong nilabag kung kaya’t ikaw ay maging maingat sa iyong opinyon.
19
Ang pagbibigay ng opinyon sa bawat isa ay hindi isang paraan upang malaman kung sino ang tama o kung sino dapat ang manalo. Ang pagbibigay ng opinyon ay daan upang magkaroon ng bagong kaalaman at makapagbahagi ng sarling kaalaman na magtatapos sa isang makabuluhang usapan. Ang ilan sa mga paraan dito ay ang mga sumusunod:
20
Ikaw man ay sumasang-ayon o di-sumasang-ayon, makinig ka muna at pagkatapos ay maaari mong ilahad ang iyong opinyon sa maayos at mahinahong paraan.
21
Ito ay isang paraan upang mas maunawaan ang opinyon ng kausap. Sa pakikipag-usap sa kapwa, iwasang gumamit ng nakakasakit na salita tulad ng pagmumura at pambabastos.
22
Ang magandang ugnayan ay palaging nagtatapos sa magandang usapan.
23
Basahin at unawain ang sumusunod na tanong at sitwasyon sa ibaba.
24
Multiple Choice
1. Sa bansang Pilipinas, mayroong tinatawag na freedom of speech (Article III, Bill of Rights Section 4). Ano ang kahulugan nito?
A. malayang pagsasabi ng opinyon na sa hulí dapat ikaw ang tama.
B. malayang pagpapahayag ng opinyon na hindi hinahadlangan ng sinoman.
C. malayang pagpapahayag ng opinyon hinggil sa pribado at maseselang usapin sa publiko.
D. malayang pagsasabi ng lahat ng iyong gusto sa kapwa, nakakasakit man ito ng damdamin o hindi.
25
Multiple Choice
2. Ang mga sumusunod ay ang limitasyon ng freedom of speech sa Pilipinas maliban sa:
A. pagsuway sa batas
B. paninirang puri sa iyong kapwa
C. hindi pag sang-ayon sa opinyon ng kapwa
D. pagsisiwalat ng pribado at maseselang impormasyon sa publiko
26
Multiple Choice
3. Dapat ba ay palagi kang sumang-ayon sa opinyon ng iyong kapwa?
A. Opo, upang hindi masaktan ang damdamin ng iyong kapwa.
B. Opo, dahil mas mahalaga ang opinyon ng kapwa kaysa sa sariling opinyon.
C. Hindi po, dahil hindi naman sila ang tama sa lahat ng oras.
D. Hindi po, dahil maaaring maging mas makabuluhan ang usapan kung magbabahagi ng mga sariling opinyon sa kapwa.
27
lagyan ng (☺) kung ito ay nagpapakita ng paggalang sa opinyon at ( ☹ ) naman kung hindi.
28
Multiple Choice
1. Hinihintay ni Dave na matapos ang pagbibigay ng opinyon ng kaniyang kausap bago ito sumagot.
29
Multiple Choice
2. Sinisigawan ni Peter ang kaibigan sa tuwing hindi nito nagugustuhan ang mga opinyon tungkol sa kaniya.
30
Multiple Choice
3. Kahit hindi sang-ayon ang mga ka-grupo ni Yen ay ipinagpatuloy pa rin niya ang sariling kagustuhan para magawa ang kanilang proyekto.
31
Multiple Choice
4. Hindi man sang-ayon si Gel sa opinyon ng kaibigan ay nakinig muna itong mabuti at saka ipinahayag ang opinyon niya.
32
Multiple Choice
5. Palaging iminumungkahi ng lider na si Mike na magbigay ng opinyon ang kaniyang mga miyembro upang mas mapaunlad ang kanilang mga proyekto.
33
Poll
Naintindihan mo ba ang ating aralin ngayon?
Lubos na naintindihan ang aralin.
Kailangan pa ng kaunting tulong upang lubos na maintindihan ang ating aralin.
34
Quarter 2 Week 4
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 34
SLIDE
Similar Resources on Wayground
31 questions
esp7q3w56
Presentation
•
KG
30 questions
Filipino 5 - Review Test
Presentation
•
4th - 6th Grade
28 questions
Filipino 5, Kwarter 4, Linggo 4
Presentation
•
5th Grade
29 questions
FILIPINO 9 (PARABULA AT TAYUTAY)
Presentation
•
4th Grade
28 questions
Prehistorikong Pilipino
Presentation
•
5th Grade
30 questions
Ikapitong Linggo Aralin 7 (Pagpapahayag ng Saloobin)
Presentation
•
5th Grade
22 questions
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Presentation
•
5th Grade
27 questions
Economia azul
Presentation
•
KG
Popular Resources on Wayground
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Brand Labels
Quiz
•
5th - 12th Grade
Discover more resources for Other
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Brand Labels
Quiz
•
5th - 12th Grade
16 questions
Fast Focus Science - Standard 5.8.A
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Decimal Place Value
Quiz
•
4th - 6th Grade