
Kabanata 47-51 Noli Me Tangere
Presentation
•
World Languages
•
9th Grade
•
Hard
Ethan Ting
Used 21+ times
FREE Resource
13 Slides • 0 Questions
1
Kabanata 47-51 Noli Me Tangere
Report by: Ethan Ting
2
Kabanata 47
Magkaakbay na namanasyal sina Don Tiburcio at Donya Victorina para malasin ang bahay ng mga Indio habang si Kapitan Tiyago naman ay nakikipaglaban ng lasak. Nagkatama ng tingin si Donya Victorina at ang Alperes ng mapadaan siya sa tapat ng bahay nito. Tiningnan ng Alperes and Donya mula ulo hanggang paa, ngumuso at dumura sa kabila. Sinugod ni Donya Victorina ang Alperes at nagkaroon ng mainit na pagtatalo. Binanggit ng Donya ang pagiging labandera ng Alperesa na si Donya Consolacion habang binanggit naman ng Alperesa ang pagiging mapagpanggap ng asawa ni Donya Victorina. Bago magpang-abot ang dalawa ay dumating ang Alperes at umawat si Don Tiburcio. Nasaksihan ng maraming tao ang mga pangyayari.
3
Kabanata 48
Pumunta si Don Crisostomo Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiago upang bisitahin si Maria Clara . Deskomulgado na si Don Crisostomo Ibarra ng Arsobispo. Nakita niyang magkasama si Maria Clara at si Linares sa balkon at nalungkot siya sa kanyang nakita dahil tila masaya na si Maria Clara kay Linares. Nakarating si Don Crisostomo Ibarra sa pook na pinagtatayuan ng paaralan . Nabanggit ni Don Crisostomo Ibarra kay Nol Juan na siya’y hindi na eskomulgado . Humingi si Elias kay Don Crisostomo Ibarra ng ilang oras upang makapag-usap sila dahil may importanteng sasabihin si Elias .
4
Kabanata 49
Hindi masayang sumakay si Crisostomo Ibarra sa bangka ni Elias. Sinabi ni Ibarra ang dahilan, nakasalubong niya ang Alperes at gusto nitong muli na magkausap. Saglit na napabuntong-hininga si Ibarra sapagkat biglang pumasok sa kanyang isip ang kanyang pangako kay Maria. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala.
5
Kabanata 49
Tumugon si Ibarra na anumang pagbabago na sa halip na makakabuti ay lalo pang makakasama. Nagtaka si Elias, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay naniniwala sa tinatawag na masamang kailangan. Ang mga Sibil ay walang naidudulot na kabutihan sa bayan sapagkat kanilang pinipigil at pinahihirapan ang isang tao kahit na marangal. Napag-usapan pa nila na bago itatag ang Gwardiya Sibil ay nanunulisan ang mga tao dahil sa matinding pagkagutom.
6
Kabanata 49
Binigyang diin naman ni Elias na ang mga sawimpalad na hinihingi ng bayan ay ang pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at ng isang pagtangkilik laban sa korporasyon. Sinabi naman ni Ibarra na may utang na loob na dapat tanawin ng bayan sa mga paring pinagkakautangan ng pananalig at patangkilik noon laban sa mga pandarahas ng mga may-kapangyarihan. Pero, hindi napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga sawimpalad. Ipinahayag niya kay Ibarra na sasabihin na lamang niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga bisig ang pagtitiwala na sa kapwa tao na 'di magtatamong-pala.
7
Kabanata 50
Isinalaysay ni Elias na isa siya sa mga sawimpalad kung kaya't hindi dapat mag-alinlangan si Ibarra sa kanya. Animnapung taon na ang nakakalipas, nanilbihan sa Maynila ang kanyang lalaking ninuno bilang isang Tenedor de Libros sa isang bahay-kalakal. Ito'y nasunog at ang kanyang ninuno ay napagbintangan. Namundok sila matapos ang kalunos-lunos na pangyayaring iyon. Doon nanganak ang kanyang kamag-anak ngunit kaagad ding namatay ang anak nito. Dahil sa sapin-sapin na problema, nagdesisyong magpakamatay ang lalaking ninuno ni Elias.
8
Kabanata 50
Lumipat ng lugar ang asawa nito kasama ang kanyang dalawang anak ngunit hindi pa rin naging maganda ang pakikitungo sa bayang kanilang pinaglipatan. Isang araw, hinanap ng bunso ang kaniyang ina. Laking gulat nito nang matagpuan itong patay sa isang puno ng bulak kasama ang kaniyang nakakatandang kapatid na si Balat. Walang nagawa ang bunsong anak (ang tatay ni Elias) kung hindi ang tumakas. Nagkaroon ng kasintahan ang tatay ni Elias.
9
Kabanata 50
Handa siyang panagutan nito gayong nagbunga ang kanilang pagmamahalan at nagkaroon sila ng kambal. Ngunit dahil galing sa mayamang angkan ang babae, ipinakulong siya ng tatay nito . Naging maganda ang kinabukasan ng magkapatid at 'di naglaon ay umuwi sila sa kanilang bayan upang asikasuhin ang mga ari-arian ng kanilang mga ninuno. Ibinunyag ng isang malayong kamag-anak ang madilim na nakaraan nilang magkapatid na pinatotohanan naman ng isang utusang matanda na siya palang ama ng dalawa. Dahil dito'y nilisan nila ang bayan. Ang magkapatid ay lumuha sa pagkamatay ng ama.
10
Kabanata 50
Nagdadalamhati ang babae kasi ikinasal sa iba ang kanyang kasintahan. Pagkalipas ng anim na buwan, may nabalitaang isang bangkay ng babaeng natagpuan sa Calamba. Natitiyak na siya ang kapatid na babae ni Elias. Mula noon, si Elias ay naglagalag at nagpalipat-lipat ng tirahan. Maraming tao umaglahi sa kanya ngunit ang lahat ng ito ay hindi pinansin ni Elias. Ito ang katapusan ng kasaysayan ni Elias. Sinabi ni Crisostomo Ibarra na may katwiran si Elias. Nasabi ni Ibarra na mahirap makuha ang kanilang layunin subalit naniniwala si Elias na kapag mapapakita niya ang pagiging makabayan ay malaki ang magagawa. Ayaw ni Ibarra mamunuan ang isang pag-aalsa sa pamamagitan ng lakas sapagkat hindi pa panahon.
11
Kabanata 50
Siya nagpapagawa ng paaralan sapagkat ang bayan ay uunlad at ang landas ay mabubuksan kung may liwanag. Ngunit, naniniwala si Elias na kung walang pakikipaglaban ay wala ring kalayaan. Tutol naman si Ibarra rito. Ayaw makuha ni Ibarra ang kalayaan sa ganitong pamamaraan. Naniniwala si Elias na hindi lubos na pagkakakilala ni Ibarra sa bayan, hindi raw nakikita ang inihahandang kaguluhan. Nabanggit ni Elias ang ilang daang taong pagkakasakop sa atin subalit ang mga tao ay nagising din.
12
Kabanata 50
Naghari ang katahimikan. Itinanong ni Elias kung ano ang sasabihin niya sa mga kausap niya. Si Crisostomo Ibarra ay tumungo na dapat silang maghintay. Hindi kumibo si Elias hanggang sa sila ay makarating sa baybayin. Nagpasalamat at nagbilin din siya na huwag na siyang babatiin saan man sila magkita. Si Elias ay nagtungo sa kakahuyang malapit sa baybayin. Sinalubong ang isang tao at siyang inutusan.
13
Kabanata 51
Nakatanggap si Linares ng liham mula kay Donya Victorina. Dumating sina Padre Salvi at Kapitan Tiago. Masayang ibinalita ni Padre Salvi ang tungkol sa sulat na padala ng Arsobispo mula Maynila tungkol sa pag-alis ng ekskomunyon kay Crisostomo Ibarra. Maya-maya, dumating si Ibarra kasama si Tiya Isabel. Kumamay naman si Padre Salvi kay Ibarra at sinabing kapupuri lamang niya sa binata. Ilang saglit ay lumapit si Ibarra kay Sinang upang kausapin si Maria. Gayunman, sabi ng dalaga ay umalis na lamang ito at limutin siya ngunit gusto talaga ni Ibarra na makausap ang kasintahan. Nagmatigas si Maria at hindi hinarap si Ibarra hanggang sa umalis na ito.
Kabanata 47-51 Noli Me Tangere
Report by: Ethan Ting
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 13
SLIDE
Similar Resources on Wayground
11 questions
DESAFIO_PROVAPR_9_EF_PT_003
Presentation
•
9th Grade
13 questions
Interpretação de texto 9 ano
Presentation
•
9th Grade
12 questions
Orações subordinadas substantivas e adjetivas
Presentation
•
9th Grade
9 questions
Degas
Presentation
•
9th Grade
10 questions
Ang Papel ng Lipunan sa Tao
Presentation
•
9th Grade
11 questions
Conhecendo o Ensino Médio
Presentation
•
9th Grade
10 questions
TÍNH TAN - BẠN THUỘC CHƯA ?
Presentation
•
9th Grade
10 questions
Lição sem título
Presentation
•
8th Grade
Popular Resources on Wayground
19 questions
Naming Polygons
Quiz
•
3rd Grade
10 questions
Prime Factorization
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Fast food
Quiz
•
7th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
Discover more resources for World Languages
21 questions
Spanish Preterito verbos irregulares
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
preterito vs imperfecto
Quiz
•
5th - 12th Grade
60 questions
Realidades 1 6A Vocabulary
Quiz
•
9th - 12th Grade
40 questions
Spanish Present Tense Verbs
Quiz
•
9th Grade
20 questions
Mandatos formales
Quiz
•
9th - 10th Grade
15 questions
Saber vs. conocer
Quiz
•
9th Grade
65 questions
Preterito vs Imperfecto
Quiz
•
9th - 10th Grade
10 questions
Esp2 QC2-U3B Saber vs Conocer (2021o)
Quiz
•
9th - 12th Grade