

Pagsasaalang-alang ng Kapakanan at Karapatan ng Kapwa
Presentation
•
Moral Science, Philosophy, Other
•
5th Grade
•
Practice Problem
•
Easy
Chatleen Til-adan
Used 10+ times
FREE Resource
25 Slides • 13 Questions
1
ESP Week 6
2
3
Nagpapakita ba sila ng pagsaalang-alang sa kapanan ng iba?
4
Poll
Nagpapakita ba sila ng pagsaalang-alang sa kapanan ng iba?
Opo
Hindi po
5
Nananalaytay sa dugo nating mga Pilipino ang pagkabayani. Táyo ay lahi ng mga bayani. Nakatatak na sa ating kaugalian na dapat inuuna ang iba bago ang sarili.
6
Handa táyong mag-alay ng buhay para sa ating kapwa—sa ating inang bayan o bayang sinisinta. Sabi pa ni Hes us sa Bibliya, wala nang hihigit o iba pang pinakadakilang pag-ibig kundi ang pag-aalay ng sariling buhay para sa kaibigan.
7
Ang ibig sabihin nito ay ang pagsasaalang-alang lagi sa kabutihan at kapakanan ng kapwa.
8
Ang iyong mga magulang ang isang magandang halimbawa na iyong dapat tingnan. Isinantabi nila ang kanilang kapakanan mula nang ikaw ay ipinanganak. Para sa ikabubuti mo, sila ay nagtatrabaho upang ikaw ay makakain.
9
Ginagawa ang gawaing bahay upang mapanatiling malinis at ligtas ang iyong kapaligiran. Sila ang nagbigay sa iyo ng unang karapatan mong natamasa, ang karapatang mong mabuhay.
10
Sa pamilya natin unang natutuhan ang pagsasaalang-alang ng kapakanan at karapatan ng kapwa. Isa ito sa mga mabubuting kaugalian na nararapat na patuloy na isabuhay at pagyamanin ng bawat pamilya at indibidwal. Tulad na lámang ng kasunod nating kuwento.
11
Basahin at unawaing mabuti ang sumunod na kuwento. Sagutan ang mga sumunod na tanong sa susunod na slides.
12
Si Kenyan Runner Abel Mutai ay ilang metro na lámang ang layo mula sa finish line ay biglang tumigil dahil siya ay nalito sa mga signs dahil nakasulat ito sa English. Siya ay tumigil dahil inakala niyang natapos na niya ang karera.
13
Ang Spanish runner naman na si Ivan Fernandez ay nása likuran at kasunod niya. Batid ni Ivan ang pagkalito ni Abel kayâ siniAng Spanish runner naman na si Ivan Fernandez ay nása likuran at kasunod niya. Batid ni Ivan ang pagkalito ni Abel kayâ sinigawan niya itong ituloy ang pagtakbo. Sa kasamaang palad, hindi rin nakakaintindi si Abel ng Spanish.gawan niya itong ituloy ang pagtakbo. Sa kasamaang palad, hindi rin nakakaintindi si Abel ng Spanish.
14
Dahil alam ni Ivan na hindi siya naintindihan ni Abel, kayâ itinulak na lámang niya ito hanggang sa makarating sa finish line at manalo.
15
Pagkatapos ng paligsahan ay tinanong si Ivan ng isang reporter kung bakit niya ginawa iyon? Sabi niya, “ang minimithi at pangarap ko ay magkaroon táyo balang araw ng komunidad o lipunan na kung saan ang bawat isa ay nagtutulungang itulak ang bawat isa para manalo at magtagumpay.”
16
“Pero bakit hinayaan mong manalo ang taga-Kenya?”, patuloy na tanong ng reporter kay Ivan. “Sayang, ikaw dapat ang nanalo!” Sumagot si Ivan, “Ngunit aanhin ko ang karangalan at panalo? Ano bang karangalang mayroon ang isang medalya kapalit ng iisipin at lungkot ng aking ina?”
17
18
19
Open Ended
1. Ano ang nangyari kay Abel Mutai at siya ay tumigil sa pagtakbo bago makarating ng finish line?
20
Open Ended
2. Bakit itinulak ni Ivan Fernandez si Abel Mutai hanggang finish line?
21
Open Ended
3. Bakit hinayaan ni Ivan Fernandez si Abel Mutai na manalo sa paligsahan?
22
Open Ended
4. Ano ang magandang ugali ang ipinakita ni Ivan Fernandez?
23
Open Ended
5. Tutuluran mo ba ang magandang ugali Ivan Fernandez? Ipaliwanag ang iyong sagot.
24
Bukod sa iyong mga magulang, marami pang mga indibidwal na maaari mong maging huwaran o halimbawa ng pagsasaalang-alang ng mga kapakanan ng iba, tulad ng mga banal na tao o santo, bayani ng ating bansa at sa kasalukuyan ay ang ating mga OFW at fronliners at marami pang iba na tahimik na nag-aalay ng buhay para sa iba.
25
Bagamat ikaw ay batà pa at maaaring hindi mo pa kayang tumbasan ang pag-aalay ng buhay nila para sa kapwa, ikaw naman ay maaaring magsaalang-alang ng kapakanan at karapatan ng kapwa sa abot ng iyong makakaya.
26
Maari mo itong magawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng simpleng túlong sa kanilang pangangailangan, pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa mga palaro o larangan ng isport at pagtatangol kung sila ay inaapi. Ito ay dapat mong gawin sa iyong kapwa sa mga panahong higit nilang kailangan ang túlong, pag-aalaga o pagkalinga.
27
Magbigay ng halimbawa ng taong nais mong tulungan at paano mo siya matutuungan.
28
Open Ended
Magbigay ng halimbawa ng taong nais mong tulungan at paano mo siya matutuungan.
29
Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap sa ibaba.Isulat kung ano ang iyong mga gagawin sa sitwasyong nabanggit.
30
Open Ended
1. May sakit ang iyong nanay pero gusto mo sanang manood ng TV. Ano ang gagawin mo?
31
Open Ended
2. Hinihikayat ka ng mga kaibigan mo na huwag isali sa laro ninyo ang kapitbahay ninyong may kapansanan. Ano ang gagawin mo?
32
Open Ended
3. Napapansin mo na laging ikaw na lámang ang tinatawag ng iyong teacher para mag-recite. Alam mo na gusto rin ng iba mong kaklase ang mag-recite. Ano ang gagawin mo?
33
Open Ended
4. Alam mo na sa tuwing nakakakita ka ng may kapansanan ay dapat nagbibigay-daan upang sila ang mauna sa pilahan. Ngunit ang isa mong kaklase ay ayaw pumayag dahil nauna raw siya sa pila sa canteen. Ano ang gagawin mo?
34
Open Ended
5. Madalas kinukutya ang isa mong kaibigan ng iba mo pang kaibigan. Alam mong hindi ito mabuti. Ano ang gagawin mo?
35
Buoin ang mahalagang kaisipang ito.
36
37
Poll
Naintindihan ba ang ating aralin?
Opo
Hindi po
38
ESP Week 6
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 38
SLIDE
Similar Resources on Wayground
32 questions
Kultura ng mga Sinaunang Pilipino
Presentation
•
5th Grade
31 questions
PE and Health Week 5-6
Presentation
•
4th Grade
32 questions
Q1W4 FIlipino
Presentation
•
5th Grade
35 questions
G5 Pagbabagong Pampulitika sa Panahon ng Espanyol
Presentation
•
5th Grade
34 questions
Pagpapahayag nang may Paggalang sa anumang Ideya/Opinyon
Presentation
•
5th Grade
36 questions
PAGPAPAHALAGA SA MGA SINAUNANG KAGAMITAN O KASANGKAPAN
Presentation
•
5th Grade
37 questions
Pangangge Tengenan
Presentation
•
5th Grade
32 questions
Q2 Modyul 3: Ang Mabuting Pakikipagkaibigan
Presentation
•
6th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Safety Day 2026 – Student Review
Quiz
•
9th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Moral Science
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Columbus Day and Indigenous People's Day
Interactive video
•
5th - 8th Grade
20 questions
Mixtures and Solutions Practice
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Mastering Multiplication Facts 1-10
Quiz
•
5th Grade