
ESP 5- Quarter 2 Week 7-8
Presentation
•
Other
•
5th Grade
•
Practice Problem
•
Easy
Chatleen Til-adan
Used 8+ times
FREE Resource
17 Slides • 13 Questions
1
ESP 5- Quarter 2 Week 6
2
Natutuhan mo na ang tunay na pagmamalasakit sa kapwa ay naipapakita sa pamamagitan ng pagbibigay ng túlong sa nangangailangan at pagtatanggol sa mga inaaping kalaro, kaklase o kaibigan.
3
Sa pagkakataong ito, inaasahan na maipapakita mo na ikaw ay nakikilahok sa mga patimpalak o paligsahan na ang layunin ay pakikipagkaibigan at nagagampanan mo nang buong husay ang anumang tungkulin sa programa o proyekto gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan.
4
Pagmasdan ang sumunod na larawan. Sila ba ay nakikilahok sa mga programa o proyekto?
5
Basahin at unawaing mabuti ang sumunod na tula. Sagutan ang mga sumunod na tanong
6
P. Monterola
Kaibigan, ikaw ba ay nalulungkot,
Walang makakalaro at nababagot?
Kaibigan, halika’t sumama,
Sapagkat may saya sa pakikipagkapwa.
7
Kaibigan, ikaw ba ay nalulumbay,
Walang kumakausap at umaagapay?
Kaibigan, halika’t sumali,
Sapagkat kawili-wili ang mga palaro, paligsahan o klase.
8
Kaibigan, ikaw ba ay naiinip,
Walang ginagawa, tulala’t nananaginip?
Kaibigan, halika’t makiisa,
Sapagkat may pag-asa sa mga pampaaralan na programa.
9
Open Ended
1. Ano-anong pakiramdam o pinagdaraanan ang mga nabanggit sa tula?
10
Open Ended
2. Ano-ano naman ang dapat gawin sa mga nadarama o pinagdaraanang nabanggit?
11
Open Ended
3. Bakit kailangang makikipagkaibigan?
12
Open Ended
4. Bakit kailangang sumali sa palaro, paligsahan o klase?
13
Open Ended
5. Bakit kailangan na makiisa sa mga pampaaralan na programa?
14
Open Ended
6. Ikaw, sa palagay mo, kailangan bang makipagkaibigan at lumahok sa mga programa o proyekto ng iyong komunidad at lalo na sa iyong paaralan?
15
Nangangailangan ng pakikiisa ng mga mag-aaral at batang tulad mo ang karamihan sa mga gawaing pampaaralan upang maging matagumpay ito. Ilan dito ay ang mga palaro, paligsahan, pagdiriwang at iba pa.
16
Ang pakikiisa sa mga gawaing ito tulad ng paglalaro at pakikilahok sa mga programa ay nakatutulong upang mapagyaman ang sarili sa kagandahang–asal at pakikipagkaibigan.
17
Ikaw, bílang kabahagi at miyembro ng isang pamilya at pamayanan ay may tungkuling dapat gampanan. Ang tungkuling nakaatang sa iyo ay dapat gawin mo nang buong puso, may kasiyahan at pakikiisa na hindi naghihintay ng anumang kapalit.
18
Open Ended
Ano ang tungkulin na dapat mong gampanan sa inyong pamilya?
19
Ang tunay na pakikilahok at pakikiisa sa mga gawaing pampaaralan ay nakikita kung ginagawa itong bukal sa kalooban at hindi napipilitan lámang. Hindi rin ito namimili o umaayaw sa anumang gawain.
20
Gumagawa ito ng paraan na pagkasyahin o gamitin ang anumang teknolohiya o gamit na mayroon lámang. Ito ang tatak Pinoy. Ganito ang tunay na Pilipino. Pinagkakasya at ginagawan ng paraan ang anumang mayroon at káya. Mabuhay ka! Mabuhay ang kaugaliang Pilipino!
21
Piliin ang tsek (✔) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pakikiisa o pakikilahok sa programa. Ekis (X) naman kung hindi.
22
Multiple Choice
1. Si Vince Ryan ay mahilig sumali sa mga paligsahan sa barangay upang magkaroon ng bagong kakilala at mga kaibigan.
23
Multiple Choice
2. Si Lance Perry ay mahilig mamintas sa mga palabas at programa sa kanilang paaralan.
24
Multiple Choice
3. Mahilig tumulong sa mga gawaing pampaaralan si Pearl na may ngiti sa mga labi habang ginagawa ito.
25
Multiple Choice
4. Ipinagyayabang lagi ni Yana ang pagiging kabahagi niya sa patimpalak sa pag-awit sa kanilang bayan.
26
Multiple Choice
5. Maganda ang naging palabas ng Grade 5–A Mabini kahit na hindi kumpleto ang teknolohiyang ginamit nila.
27
28
29
Draw
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sa iyong sagutang papel, kopyahin at
sagutan ang gawain. Itala ang mga programa, palatuntunan, paligsahan at
pagdiriwang na isinasagawa sa inyong paaralan sa tsart na katulad ng
nása ibaba. Lagyan ng tsek () ang ikalawang hanay kung nilahukan mo
ito at ekis () naman kung hindi. Sa ikatlong hanay, iguhit ang iyong
naramdaman ng isagawa ito. Ilagay ang masayang mukha () kung
nasiyahan ka at malungkot () na mukha naman kung hindi. Sa hulíng
hanay, isulat kung bakit ito ang iyong naramdaman.
30
ESP 5- Quarter 2 Week 6
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 30
SLIDE
Similar Resources on Wayground
25 questions
Recuperação 01 (Pensamento Computacional)
Presentation
•
KG
22 questions
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Presentation
•
5th Grade
22 questions
Q3 Week 8 ESP
Presentation
•
5th Grade
19 questions
1st Quarter EPP-Agriculture Gawain sa Pagkatuto #3
Presentation
•
5th Grade
25 questions
Polska pierwszych Piastów - powtórzenie
Presentation
•
5th Grade
22 questions
EPP 4 - 3RD QUARTER SUMMATIVE TEST
Presentation
•
4th Grade
27 questions
Economia azul
Presentation
•
KG
20 questions
Manewry
Presentation
•
4th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Safety Day 2026 – Student Review
Quiz
•
9th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Other
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Columbus Day and Indigenous People's Day
Interactive video
•
5th - 8th Grade
20 questions
Mixtures and Solutions Practice
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Mastering Multiplication Facts 1-10
Quiz
•
5th Grade