Search Header Logo
PAGLALABA AT PAMAMALANTSA NG DAMIT

PAGLALABA AT PAMAMALANTSA NG DAMIT

Assessment

Presentation

Life Skills

5th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

MYRA RORALDO

Used 7+ times

FREE Resource

25 Slides • 15 Questions

1

PAGLALABA AT PAMAMALANTSA NG DAMIT

Aralin 6-7

Slide image

2


Sa aralin na ito ay tatalakayin ang wastong paraan ng paglalaba at pamamalantsa ng mga kasuotan. Mahalagang matutunan ito upang mapangalagaan ang ating mga kasuotan at upang maging responsable sa pagtulong sa mga gawaing bahay.

3

Piliin ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasabi ng totoo at MALI kung ito ay taliwas


4

Multiple Choice

Lamasin sa tubig ang maruruming damit upang lumambot ang nakakapit na mga dumi ng damit.

1

Tama

2

Mali

5

Multiple Choice

Pagsamahin ang mga de color at mga puti sa isang lagayan at lamasin ng pa ulit-ulit hanggang maging malinis ng kaunti ang tubig.

1

Tama

2

Mali

6

Multiple Choice

Pigain at paghiwa-hiwalayin ng lagayan para hindi magkahawahan ng kulay.

1

Tama

2

Mali

7

Multiple Choice

Gumamit ng sabon na matapang upang maalis ang dumi ng damit kahit pa magsugat ang iyong mga kamay sa paglalaba.

1

Tama

2

Mali

8

Multiple Choice

Pigain mabuti at isampay ang mga damit hanggang sa matuyo. Gumamit ng hanger panampay at kung wala ay isabit sa malinis na alambre.

1

Tama

2

Mali

9

Multiple Choice

Kung ang damit ay mayroon mantsa ng kalawang ng bakal, pigaan ng katas ng kalamansi na hinaluan ng asin.

1

Tama

2

Mali

10

Multiple Choice

Natapunan ng mantika ang damit at shorts ni Juan dahil sa kanyang pag prito ng isda, hinubad nia ito at nilabhan sa maligamgam na tubig at sabon.

1

Tama

2

Mali

11

Multiple Choice

Ang pagsusulsi ay pagdudugtungin ang mga hiblang naputol sa pagkapunit sa pamamagitan ng pagtatahi sa kapaligiran nito.

1

Tama

2

Mali

12

Multiple Choice

Ang pagtatagpi ay hindi na ginagamitan ng kapirasong tela upang takpan ang uwang o butas gawa ng pagkasira.

1

Tama

2

Mali

13

Multiple Choice

Sa pagliliplip, dito ay inaayos ang tupi ng laylayan o ng iba pang bahagi ng isang kasuotan.

1

Tama

2

Mali

14

Wastong Paglalaba ng Kasuotan

Ang paglalaba ng maruruming damit ay isang paraan ng pangangalaga sa damit. Sa paglalaba inaalis ang kumapit na dumi, pawis, at alikabok na nakarurupok sa tela. Napapanatili ang ayos at tumatagal ang mga damit kapag ito ay nilalabhan. 

15

Wastong Hakbang ng Paglalaba

1. Pagbukod-bukurin ang mga damit. Ihiwalay ang puting damit sa may kulay, ang maruming marumi sa di gaanong madumi at ang mga damit na may mantsa o dapat tahiin. Tahiin muna ang mga sirang damit at alisin ang mantsa bago ito labhan. 

16


2. Ibabad sa tubig ang mga damit na lalabhan upang lumambot a n g pagkakakapit ng dumi. Unahin ang puti at ang mga di-gaanong marurumi bago ang mga may kulay at maruming marumi. 

17

3. Sabunin ang mga damit. Kusuting mabuti ang mga bahaging karaniwang kinakapitan ng dumi tulad ng kuwelyo, manggas, likod, at laylayan. 

18

4. Ikula sa araw ang mga puting damit matapos itong sabunin nang pangalawang beses. Manaka-nakang wisikan ng tubig na may sabon ang nakakulang damit upang huwag matuyo. 

19

5. Banlawan ng tatlong beses ang mga damit na may kulay hanggang maalis lahat ng bakas ng sabon. Isampay ang mga damit sa malilim na lugar upang hindi kumupas ang mga kulay nito.

20

6. Matapos ikula ang mga puting damit, sabunin itong muli at pagkatapos ay banlawan nang ilang ulit hanggang maalis ang bakas ng sabon. Isampay ang mga puti sa maaraw na lugar upang lalong pumuti.

21

Maraming Pilipino ang naglalaba araw-araw ng kanilang baro. Babae man o lalaki ay kailangang maglaba. Bihira lang naman ang may kayang bumili ng washing machine. Ngunit may masamang epekto sa katawan ang maling paraan ng paglalaba. Marami sa atin ang sumasakit ang likod, kamay at tuhod dahil sa paglalaba. Una, kapag umupo tayo ng matagal sa bangkito ay sasakit na ang ating likod. Ang pagbubuhat ng mabigat na palanggana ay masama din sa likod. Pangalawa, kapag nakatalungko ng matagal sa bangkito ay maninigas na ang tuhod at mahihirapan na itong madiretso. At pangatlo, sa katagalang paglalaba ay mamamanhid at sasakit na ang mga kamay. 

22

Pamamalantsa ng Damit

23

Piliin ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay tama at MALI kung ito ay mali. 

24

Multiple Choice

1. Ihanda ang lahat ng kailangan. Plantsa, plantasahan o kabayo na may makapal at malambot na sapin, pangwisik, mga sabitan o hanger at malinis na basahan na pambasa.

1

Tama

2

Mali

25

Multiple Choice

2. Hindi na kailangan ang tubig sa pagplantsa.

1

Tama

2

Mali

26

Multiple Choice

3. Itago ang plantsa habang mainit pa.

1

Tama

2

Mali

27

Multiple Choice

4. Hindi na kailangang baligtarin ang damit.

1

Tama

2

Mali

28

Multiple Choice

5. Ugaliing magbasa ng kamay pagtapos mamalantsa

1

Tama

2

Mali

29

Wastong Hakbang sa Pamamalantsa

1. Ihanda ang lahat ng kailangan. Plantsa, plantasahan o kabayo na may makapal at malambot na sapin, pangwisik, mga sabitan o hanger at malinis na basahan na pambasa. 

30


2. Ihanda ang paplantsahin. Bukod-bukod rin ito- blusa at polo, pantalon, palda, mga panloob, panyo. Hindi na ito kailangang wisikan o basaing sabay-sabay kung may pandilig ang plantsa. Kung wala naman, mainam na gamitin ang sprayer o pangwisik. 

31

3. Subukin ang init ng plantsa sa isang basahan, hindi sa plantsahan at lalong hindi sa damit. Ang iba ay gumagamit ng dahon ng saging para dumulas ang plantsa. 

32

4. Maingat na plantsahin ang mga bahagi ng damit ayon sa pagkakasunod-sunod. Maaring maiba ito ayon sa yari ng damit at sa pangangailangan. 

33

Blusa o polo

4.1 Blusa o polo – unahin plantsahin ang kuwelyo, isunod ang manggas, bahagi ng balikat sa likuran at unahan ng blusa o polo, harapan at ang ibang bahagi. 

34

Palda

4.2 Palda- unahing plantsahin ang bulsa, bahagi ng baywang o sinturera, at zipper. Unatin ang buong palda at plantsahin ang mga pleats. 

35

Short/Pantalon

4.3 Short/Pantalon- Unahing plantsahin ang mga bulsa at isunod ang bahagi ng tahi sa zipper, isunod ang bahagi ng baywang at sinturera patungo sa balakang at hita ng pantalon.Iwasan ang dobleng piston. 

36


4.4 May kasuotang sa kabaligtaran pinaplantsa tulad ng mga may burda, may disenyo na maaring manikit. Ginagawa rin ito sa mga lace. Nakababawas sa pangungupas ang ganitong paraan.

37

5. Isampay nang maayos sa mga sabitan ang mga pinalantsa. Ang mga iba pang kasuotan at kagamitan ay maayos na tiklupin at itago nang ayon sa pangkat.

38

Pinaplantsa ang damit upang maging makinis, maayos at maganda. Upang makatipid sa kuryente, kapag namamalantsa, baligtarin muna ang lahat ng mga bago plantsahin ang mga ito. Ibinabagay ang temperatura o init ng plantsa sa uri ng kasuotan. Ang mga damit ay kailangan plantsahin upang maging maayos tingnan. Ang taong maayos manamit ay kagalang-galang at kaaya-ayang tingnan at nagbibigay tiwala sa sarili saanman o kaninuman makikisalamuha. Upang makatipid sa kuryernte baligtarin munang lahat ang damit bago plantsahin. 

39

Maaari mo bang sabihin sa amin ang iyong natutunan sa araw na ito?

Slide image

40

Maraming salamat mga bata!!!!!

Slide image

PAGLALABA AT PAMAMALANTSA NG DAMIT

Aralin 6-7

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 40

SLIDE