Search Header Logo
FILIPINO Q3 W1

FILIPINO Q3 W1

Assessment

Presentation

Arts

3rd Grade

Practice Problem

Easy

Created by

Elly Vedasto

Used 2+ times

FREE Resource

9 Slides • 19 Questions

1

FILIPINO Q3 W1

>> Ano ako magaling?

>> Ano ang balik-tanaw ko?


Slide image

2

Panuto: Piliin ang titik ng kasinglkahulugan ng mga salita na

may salungguhit.

3

Multiple Choice

1. Munti man ang bahay nila, ito ay malinis.

1

pandak

2

maliit

3

malaki

4

maganda

4

Multiple Choice

2. Ang paligid ay maaliwalas.

1

maliwanag

2

makulay

3

mabango

4

maganda

5

Multiple Choice

3. Tanyag na manlalaro ang binata.

1

matao

2

sikat

3

malakas

4

mahusay

6

Multiple Choice

4. Umani ng papuri sa mga manonood ang mang-aawit.

1

pagbati

2

pasasalamat

3

pabuya

4

tulong

7

Multiple Choice

Pinatibay ng pagsubok ang kanyang loob.

1

pinatatag

2

pinalaki

3

pinatayo

4

pinaganda

8

Ibigay ang kahulugan ng mga salita ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.

9

Multiple Choice

Hindi pumapalya si Mang Andoy sa pagpapadala sa kanyang

pamilya.

1

sumasablay

2

nagsasara

3

tumatakbo

4

nagsusuot

10

Multiple Choice

Inaanyayahan siyang kumain sa tahanan nito.

1

iniimbitahan

2

sinasama

3

pinupuntahan

4

inaayawan

11

Multiple Choice

Ikinabahala ni Mang Andoy ang nangyari sa anak.

1

ikinatuwa

2

ikinatakot

3

ikinalungkot

4

ikinasaya

12

Multiple Choice

Upang maibsan ang pag-aalala ng asawa nangako siyang hindi

na muling babalik pa sa Iraq.

1

mabawasan

2

mawala

3

malagpasan

4

makalimutan

13

Multiple Choice

Kasama si Mang Andoy sa pumayag upang bayaran ng triple.

1

doblehin

2

tatluhin

3

apatin

4

limahin

14

Open Ended

Ikaw ba ay nagmamahal sa iyong tatay?

15

Open Ended

Paano mo

ipinapakita ang pagmamahal mo sa iyong ama?

16

Open Ended

Ano ang

ginagawa mo tuwing Father’s Day?

17

Mang Andoy: Ulirang Ama

Tatlo ang anak ni Mang Andoy at Aling Sofia. Si Laila ay ang panganay na nasa kolehiyo. Si Marie, ang pangalawa ay nasa hayskul at ang bunsong si Oscar ay nasa ikatlong baitang ng elementarya.

18


Dating drayber ang hanapbuhay ni Mang Andoy sa isang pagawaan. Nang maghayskul na ang panganay, naisipan niyang magtrabaho sa Saudi bilang drayber. Natanggap naman siya. Ngayon, apat na taon na sa Saudi si Mang Andoy. Tumatawag na lang siya sa kanyang pamilya tuwing Linggo. Minsan sa isang buwan na lang kasi siya nakasusulat sa pamilya. Madalas kasi siyang bumibiyahe. Pero hindi naman pumapalya si Mang Andoy sa pagpapadala ng pera sa kanyang pamilya.

19

Maraming kuwento si Mang Andoy tungkol sa mga karanasan niya. Minsan ay may nakilala siyang isang kababayan na nakapag-asawa ng isang taga-Saudi. Inanyayahan siyang kumain ng tanghaling-tapat sa tahanan nito. Ipinasyal din siya nito sa lungsod noong mag dapithapon. Pero ang kadalasang ikinukuwento niya ay ang hirap ng pagmamaneho sa disyerto at ang matinding lungkot na nadarama niya. Tanging larawan ng pamilya lang kasi ang kapiling niya.


Sa huling balita niya ay nagkakahirapan na raw pumasok sa bansang Iraq dahil sa panganib na dulot ng mga terorista at mga bombang nakatanim. Maraming drayber ang tumatangging maghatid ng mga langis o pagkain sa Iraq. Pero nang sila ay alukin ng tripleng bayad para sa serbisyo, kasama si MangAndoy sa pumayag.

20

Isang araw ay may dumating na telegrama sa kanyang pamilya. Nakalagay roon na nasa ospital si Mang Andoy. Nasabugan ng landmine ang trak na minamaneho niya. Tinawagan ng pamilya ang telepono ni Mang Andoy pero walang sumasagot. Makaraan ang isang linggo, nakatanggap si Aling Sofia ng tawag mula sa

asawa. Maayos naman daw siya at walang dapat na ikabahala ang pamilya. Kahit anong pilit ni Aling Sofia na pauwiin si Mang Andoy ay hindi ito pumayag.


Ipagpapatuloy raw niya ang pagtatrabaho roon. Pero para maibsan ang pag- aalala ng asawa, na ngako siyang hindi na bibiyahe pa sa Iraq.

21

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan

22

Open Ended

1. Ano ang pamagat ng kuwentong iyong binasa?

23

Open Ended

2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

24

Open Ended

3. Bakit tinaguriang ulirang ama si Mang Andoy?

25

Open Ended

4. Sa iyong palagay, kapag hindi na bumalik si Mang Andoy sa

ibang bansa ano ang mangyayari sa kanyang pamilya?

26

Open Ended

5. Para sa iyo, tama ba ang naging desisyon ni Mang Andoy?

27

Open Ended

6. Mula sa kuwento, magbigay ng mga tambalang salita na

ginamit.

28

Maraming salamat sa pagsagot!

Tatalakayin natin ito sa ating online class.

FILIPINO Q3 W1

>> Ano ako magaling?

>> Ano ang balik-tanaw ko?


Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 28

SLIDE

Discover more resources for Arts