
Araling Panlipunan Quarter 3 Week 1
Presentation
•
History
•
5th Grade
•
Practice Problem
•
Medium
Chatleen Til-adan
Used 23+ times
FREE Resource
23 Slides • 10 Questions
1
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan- Unang Linggo
2
Layunin:
Nasusuri ang pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol
- Pagkakaroon ng organisadong poblasyon
- Uri ng tahanan
- Pamahalaang Sentral
- Pamahalaang Lokal
- Tungkulin ng mga opisyales
3
Upang tuluyang mapangasiwaan ang kolonya, itinatag ng mga Espanyol ang isang sentralisadong pamahalaan sa Pilipinas. Ito ay nahahati sa dalawang uri ng pamahalaan: Ang Pamahalaang Sentral at Ang Pamahalaang Lokal.
4
5
Pamahalaang Sentral
- Pinakamataas na pamahalaan sa Pilipinas na pinamumunuan ng isang gobernador- heneral. Mayroon lamang dalawang sangay ng pamahalaan ang Pilipinas noong panahong ito: ang ehekutibo at hudisyal.
6
7
Ang Gobernador – Heneral (Ehekutibo)
Ang kinatawan ng hari ng Spain at pinakamataas na pinuno ng pamahalaang sentral na nakatalaga sa Pilipinas.
8
Palacio de Gobernador
Ang naging opisyal na tahanan ng gobernador-heneral na matatagpuan sa Intramuros, Maynila.
9
Miguel Lopez de Legazpi
Ang hinirang na kauna-unahang gobernador – heneral ng Pilipinas noong 1571 hanggang 1572.
10
Diego de los Rios
Ang huling gobernador – heneral ng Pilipinas noong 1898 hanggang 1899.
11
Royal Audiencia (Hudisyal)
Ang kataas-taasang hukuman sa Pilipinas noong panahong kolonyal. Ito ang nagsilbing royal court of justice ng Spain na itinatag sa pamamagitan ng Royal Decree ni Haring Felipe II noong Mayo 5,1583. Layunin ng hukumang ito na saklolohan ang gobernador-heneral sa pamamahala at pangangalaga ng mga mamamayan mula sa mga mapang-abusong pinunong Espanyol.
12
Gawain 1:
Basahin at Sagutin! Panuto: Piliin ang tsek (√) ang kung ang isinasaad sa pangungusap ay tama at ekis (x) kung mali.
13
Multiple Choice
1. Si Miguel Lopez de Legazpi ang hinirang na kauna-unahang gobernador – heneral ng Pilipinas noong 1571 hanggang 1572.
14
Multiple Choice
2.Opisyal na naninirahan ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa Palacio de Malacañang.
15
Multiple Choice
3. Ang pamahalaang sentral ang pinakamataas na pamahalaan sa Pilipinas na pinamumunuan ng isang gobernador- heneral
16
Multiple Choice
4. Ang Pamahalaang Pambayan ay pinamunuan ng gobernadorcillo at nahati sa mas maliit na yunit politikal na tinatawag na pueblo.
17
Multiple Choice
5. Kinatawan ng hari ng Spain at pinakamataas na pinuno ng pamahalaang sentral na nakatalaga sa Pilipinas ay tinatawag na Alcalde mayor.
18
Pamahalaang Lokal
Ito ay nahahati sa panlalawigan, panlungsod, pambayan, at pambarangay.
19
1.Pamahalaang Panlalawigan
Maliit na yunit ng politikal na binubuo ng alcadia o napayapang lalawigan na pinamumunuan ng alcalde mayor at corregimiento o mga hindi pa napayapang military zone na pinamumunuan ng corregidor. Karaniwan, ang mga corregidor ay mga opisyal ng military na tumugis sa mga taong hindi sang-ayon sa pamamahala ng mga Espanyol sa lugar.
20
2. Pamahalaang Panlungsod
Nahati sa iba’t ibang ciudad o mga pueblong binuo ng malalaking populasyon kung kaya’t higit na naging makapangyarihan. Pinangasiwaan ito ng isang konseho o ayuntamiento (o cabildo) sa pamumuno ng alcalde. Ang pamahalaang panlungsod ay may labindalawang konsehal, isang hepe ng pulisya, isang kalihim, at iba pang kawani ng pamahalaan. Ito rin ang naging sentro ng kabihasnan at kalakalan.
21
3. Pamahalaang Pambayan
Ang mga lalawigan ay nahati sa mas maliit na yunit ng politikal na tinawag na pueblo o bayan. Pinamunuan ito ng gobernadorcillo. Hindi limitado sa mga Espanyol ang posisyong ito. Sa katunayan, ito ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan na maaring hawakan ng isang Pilipino, o maging mestizong Tsino. Ilan sa kanilang tungkulin ay paghanda ng pardon (o listahan ng sisingilin ng tributo) at pagkalap ng mga manggagawa para sa polo y sevicio, gawaing pang – impraestruktura at quinto (o military conscription).
22
4. Pamahalaang Pambarangay
Ang barangay ay ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaang lokal na pinamunuan ng cabeza de barangay. Karaniwan sa mga itinalagang cabeza ay ang mga katutubong datu o kamag-anak nito na naabutan ng mga Espanyol na namamahala sa sinaunang barangay.
23
Mga Tungkulin ng mga Opisyales
24
Alkalde Mayor
– ay nagsilbing gobernador ng isang lalawigan at puno ng hukuman ng unang dulugan noong panahon ng mga Kastila. Tungkulin ng isang Alkade Mayor na pangasiwaan ang pamahalaang sibil ng bawat probinsyang kanyang nasasakupan, pagpatupad ng hustisya sa mga taong nasasakupan, pangolekta ng buwis, at pagtanggol ng alkaldiya sa pag-atake ng mga taonglabas.
25
Gobernadorcillo
– ay tumutukoy sa pinuno o gobernador ng mga bayan sa Pilipinas. Sila rin ay nagsilbi bilang tagahusga sa mga korte. Ang gobernadorcillo ang siyang umakto ng mga batas o responsibilidad na mayroon ang isang lider, lalo sa aspeto ng ekonomiya at sosyal na husgado. Tungkulin din niya ang paghanda ng pardon at at pagkalap ng mga manggagawa.
26
Cabeza de barangay
- ang pangunahing tungkulin ng cabeza ay lumikom ng tribute o buwis at mapanatili ang kapayapaan sa lugar na sinasakupan.
27
Gawain 2:
Gawain 1: Tukuyin at Piliin Panuto: Suriin at unawain nang mabuti ang pahayag ng bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik ng wastong sagot.
28
Multiple Choice
1. Tawag sa kinatawan ng hari at pinakamataas na opisyal ng pamahalaan sa Pilipinas bilang kolonya.
A. Alcalde mayor
B. Conquistador
C. Gobernadorcillo
D. Gobernador-heneral
29
Multiple Choice
2. Ano ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaang lokal na pinamunuan ng cabeza de barangay?
A. Pamahalaang Lokal
B. Pamahalaang Pambayan
C. Pamahalaang Pambarangay
D. Pamahalaang Sentral
30
Multiple Choice
3. Ano ang patunay na nagbago ang kalagayang pampolitika ng mga sinaunang Pilipino sa panahong kolonyal?
A. Ang Palacio del Gobernador ay ipinagawa sa panahong iyon.
B. Pinangasiwaan ang mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang sentral at lokal.
C. Ang datu at gobernador-heneral ang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan.
D.Ang mga katutubong Pilipino ang humahawak sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.
31
Multiple Choice
4. Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa larangan ng politika ng mga Pilipino?
A. Ang gobernador-heneral ang pinakamakapangyarihang pinuno na nasa kolonya.
B. Hindi gaanong naapektuhan ng kolonyalismo ang mga Pilipino sa panahon ng pananakop.
C. Higit na naapektuhan ang mga Espanyol dahil sa pagtutol ng mga Pilipinong mamahala sila.
D. Nawalan ng kapangyarihang mamahala ang mga katutubong Pilipino at napasailalim sa mga Espanyol.
32
Open Ended
Ihambing ang pagkahati ng pamahalaang lokal sa panahon ng Espanyol sa kasakalukuyang panahon.
33
Maraming Salamat po.
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan- Unang Linggo
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 33
SLIDE
Similar Resources on Wayground
28 questions
Chemistry Review
Presentation
•
6th Grade
25 questions
Polska pierwszych Piastów - powtórzenie
Presentation
•
5th Grade
28 questions
Prehistorikong Pilipino
Presentation
•
5th Grade
24 questions
Rewolucja francuska
Presentation
•
6th Grade
27 questions
Tungo sa Pagkamit ng Kasarinlan
Presentation
•
5th - 6th Grade
23 questions
Život ljudi metalnog doba
Presentation
•
5th Grade
23 questions
3 Starożytny Egipt
Presentation
•
5th Grade
25 questions
Romuald Traugutt i powstanie styczniowe.
Presentation
•
4th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Factors 4th grade
Quiz
•
4th Grade
10 questions
Cinco de Mayo Trivia Questions
Interactive video
•
3rd - 5th Grade
13 questions
Cinco de mayo
Interactive video
•
6th - 8th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
Discover more resources for History
40 questions
Virginia Studies Review for SOLs 1
Quiz
•
5th Grade
25 questions
States and Capitals
Presentation
•
4th - 5th Grade
10 questions
Causes of the Civil War Quiz
Quiz
•
5th Grade
9 questions
Political Causes of World War 2
Presentation
•
5th - 6th Grade
10 questions
Cinco de Mayo
Quiz
•
3rd - 5th Grade
8 questions
7.03 Rosa Parks and the Montgomery Bus Boycott
Presentation
•
5th Grade
11 questions
World War 1 Lesson 28
Presentation
•
1st - 5th Grade
20 questions
Civics EOC Review
Quiz
•
5th - 8th Grade