Search Header Logo
ESP 3Q WEEK 1-2

ESP 3Q WEEK 1-2

Assessment

Presentation

Life Skills

5th Grade

Easy

Created by

Dominic Liquido

Used 1+ times

FREE Resource

12 Slides • 9 Questions

1

ESP 3Q WEEK 1-2

Pagpapakita ng mga Kanais-nais na Kaugaliang Pilipino


Slide image

2


Sa araling ito ay iyong matutuhan ang mga kanais-nais na

kaugaliang Pilipino. Tumulong at makilahok sa mga gawaing

pampamayanan na nagpapakita ng kabutihan sa kapuwa at pati

na rin ang pagtanggap sa mga panauhin sa tahanan. Mahalagang

matutunan ito upang maipakita ang pagiging mabuting Pilipino hindi

lamang sa sarili pati na rin sa ibang tao.

3

Open Ended

Makakatulong din ba ang mga katangiang ito sa iyong sarili upang maging mabuting pilipino? Ipaliwanag ang sagot.

4

Ang pagpapakita ng kanais-nais na kaugaliang Pilipino ay

nakatutulong sa atin upang maging mabuting tao sa kapuwa.

Pagtutulungan o pakikilahok sa bayanihan sa pamayanan ay lagi

nating isabuhay. 

5

basahin ang kuwento.

Tingnan kung paano nakikilahok si Kyle sa mga gawaing

pampamayanan. Sagutin ang mga tanong 

6

Sama-samang Paggawa, Tungo sa Iisang Adhikain

7


Isang araw ng Agosto, masayang ibinalita ng gurong si Bb.

Danielle Ramos sa kaniyang mag-aaral na magkakaroon ng

International Coastal Clean-up. Ito ay taunang gawain upang

maglinis ng mga kalat at dumi sa Roxas Boulevard. Tuwang-tuwa ang

mga bata lalo na si Kyle. Alam niya na isa na naman itong mabuting

gawain ng kanilang paaralan at ng mga organisador nito.

8

Sabi ni Kyle, “ Ma’m kailan po ito?” “Sa ikatlong sabado ng

Setyembre,” tugon ni Bb. Ramos. “Lahat ba kayo ay sasama?”

tanong ng guro. “Ako po sasama!” mabilis na tugon ni Kyle. Sumunod

na ring sumagot ang ibang mga mag-aaral. 

9

“Mabuti naman! Natutuwa ako at sasama kayo. Ano ba ang

ating matutuhan sa gawaing ito? Alam ba ninyo ang mararanasan

at matutuhan ninyo sa gawaing ito?” tanong ni Bb. Ramos. “Opo,

Ma’m. Katulad po ng ginawa ng klase natin noong nakaraan taon sa

barangay na malapit sa ating paaralan. Kami po ay makatutulong

sa ating bansa upang mabawasan ang mga basura. Magiging

malinis ito ng kahit na kaunti,”tugon ng isang babaeng mag-aaral.

10

“Maipapakita ko kung paano ako makatutulong sa ating

bansa. Mahihikayat ko ang iba pang mga bata na tularan ako,”

nagmamalaking sagot ni Kyle.

11

“Mabuti naman at alam ninyo ang layunin ng ating

pagpunta roon. Matapos ang ating gawain, pasusulatin ko kayo ng

isang journal ng inyong naging karanansan,” pahayag ni Bb. Ramos

12

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:



13

Open Ended

Ano ang gawaing lalahukan ng mga mag-aaral ni Bb. Ramos?

14

Open Ended

Ano ang layunin ng gawaing ito?

15

Open Ended

Ano ang ipinakita ni Kyle at ng kaniyang mga kamag-aral?

16

Open Ended

Paano natutuhan ng buong klase ang kanilang gampanin sa

pamayanan?

17

Basahin ang mga sumusunod na

sitwasyon kung paano maipakita ang iyong pakikilahok sa gawaing

pampayanan

18

Open Ended

Napansin mong nasasayang ang tubig sa inyong gripo na nasa

harapan ng inyong bahay. Natatapon ito sa kalsada habang hindi

pa dumarating ang mga magkukumpuni nito. Ano ang gagawin mo?

19

Open Ended

Nabalitaan mong maraming bahay sa kabilang barangay ang

nasira dahil sa kakatapos lang na bagyo. Ano ang gagawin mo?

20

Open Ended

Pauwi na ang iyong mga magulang. Nagbilin sila sayo na parating

ang mga pinsan mo upang bumisita sa inyong tahanan. Ano ang

gagawin mo?

21

Open Ended

Nabalitaan mong maraming bahay sa kabilang barangay ang

nasira dahil sa kakatapos lang na bagyo. Ano ang gagawin mo?

ESP 3Q WEEK 1-2

Pagpapakita ng mga Kanais-nais na Kaugaliang Pilipino


Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 21

SLIDE