Search Header Logo
Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Assessment

Presentation

Moral Science

5th Grade

Practice Problem

Medium

Created by

Lily Dolliente

Used 10+ times

FREE Resource

17 Slides • 9 Questions

1

Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Matalinong Pagpapasya para sa Kaligtasan

Slide image

2

Sa pagtatapos ng aralin natin sa araw na ito, kayo ay inaasahang;

  • Nakasusunod ng may masusi at matalinong pagpapasya para sa kaligtasan.

  • 4.1. paalala para sa mga panoorin at babasahin

  • 4.2. pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at paalaala kung may kalamidad EsP5PPP - IIc – 26

3

Slide image

4

Slide image


5

Mga Tanong:

  •  Ano-ano ang ipinahihiwatig ng mga larawang ito sa iyo? 

  • Ano ang dapat mong gawin kapag may sakuna tulad ng lindol?

  • Ano ang unang pumapasok sa iyong isipan sa tuwing naririnig o napapanood mo ito?

6

Sa kasalukuyan,

maraming mga nangyayari sa ating kapaligiran na hindi natin inaasahan at nangangailangan ng agarang aksiyon. Gamit ang modernong teknolohiya, nagkakaroon tayo nang karagdagang kaalaman na makatutulong sa atin upang maging alerto tayo at ligtas sa lahat ng pagkakataon.

7


Magiging ligtas tayo kung tayo ay makasusunod nang may masusi at matalinong pagpapasya. Ang bawat gawain ay may kalakip na paalaala at alituntunin na dapat sundin nang may pag-iingat para sa kaligtasan.

8


Ang mga sakuna tulad ng lindol ay mga pangyayaring hindi maiiwasan ngunit maaring paghandaan upang tayo ay maligtas sa tiyak na kapahamakan. Maari itong maiiwasan kung tayo ay may matalinong pagpapasya. Gayundin sa mga panoorin at babasahing hindi angkop sa iyong edad, maaring maiwasan ang mga ito kung ikaw ay marunong sumunod sa mga paalala.

9

Mga Paalala para sa Kaligtasan Kaligtasan sa Sunog

Slide image

10


  • 1.Huwag paglaruan ang posporo at lighter.


  • 2.Alamin ang mga maaring maging emergency exit sa inyong tahanan.

  • 3.Maging alerto sa mga amoy at usok sa bahay.


  • 4.Kung sakaling magkaroon ng sunog, huwag magtago sa loob ng bahay, sikaping makalabas agad at makalayo sa sunog.


  • 5. Para makaligtas kung sakaling may sunog, dumapa at gumapang palabas. Mas madaling makahinga kung mababa.

    a at gumulong hanggang

11

  • 6.Kung nasusunog ang iyong damit: Huminto, dumapa at gumulong hanggang mapatay ang apoy.

  • 7.Magkaroon ng plano ang pamilya kung saan lalabas kung sakaling magkasunog.

  • 8.Magsagawa ng fire drill para magkaroon ng sapat na kahandaan.


  • 9.Pag-usapan kung saan magkikita-kita sa labas ng bahay. Huwag na huwag bumalik sa nasusunog na bahay.

  • 10. Idispley ang emergency number na maaaring tawagan.

12

Kaligtasan sa Lindol

Bago ang lindol

  • Maging alerto sa pag-uga lalo na kung ito ay lumalakas.

  • Maghanda ng mga emergency supply katulad ng de-bateryang radyo, flashlight, first aid kit, tubig at isang linggong imbak na pagkain.

  • Alamin ang main switch ng inyong elektrisidad, gas at tubig para kung magkaroon ng emergency maisara agad.

13

Habang Lumilindol

  • Kung ikaw ay nasa loob ng bahay manatili sa kinalalagyan. Pakiramdaman ang kapaligiran at lumipat sa ligtas na lugar.


  • Kung ikaw ay nasa loob ng bahay at nagluluto patayin ang kalan at isara ang tangke ng gas. Pumunta sa ligtas na lugar.


  • Kung ikaw ay nasa labas ng bahay, pumunta sa lugar na maluwag ang espasyo upang makaiwas sa mga bagay na maaring bumagsak.

14

Pagkatapos ng Lindol

  • .  Tingnan kung may mga nasaktan. Tiyakin na ligtas ang tao sa iyong paligid.

  • Tingnan kung may sira ang bahay o gusali. Kung malaki ang pinsala kailangang masuri ng mga eksperto.

  • Kung may naamoy na gas, sabihan ang miyembro ng pamilya na lumabas ng bahay. Sikaping mabuksan ang bintana at pinto. Kung magagawa nang maingat at ligtas, isara ang tangke ng gas.

  • Kung walang kuryente, tanggalin ang lahat ng mga nakasaksak na de-koryente.

15

Kaligtasan sa Baha

  • Maging alerto,


  • Tiyakin  na  may  mga  nakahanda  na  emergency  supplies  at  ang  mga mahahalagang dokumento


  • Maging handa sa paglikas.


  • Pagaralan ang plano ng pamilya. Nararapat na mabigyan ng kaalaman sa nakalaang lugar kung saan magkikita-kita kung sakaling magkahiwa-hiwalay

16

Piliin ang puso (❤) kung ang pahayag ay nagpapakita ng matalinong 

pagsunod at pagpapasya sa mga alituntuning pangkaligtasan at (⚠)tatsulok kung hindi.

17

Multiple Choice

Iwasang makipagtalo sa mga usaping may kinalaman sa inyong kaligtasan upang hindi malagay sa alanganin ang inyong buhay.

1
2

18

Multiple Choice

Isumbong sa mga awtoridad ang mga nagtitinda ng mga malalaswang panoorin at babasahin.

1
2

19

Multiple Choice

Isipin lagi ang magiging epekto ng gagawing pagpapasya.

1
2

20

Multiple Choice

Hingin ang gabay ng mga nakakatanda sa pagbubukas ng mga website upang maiwasan ang mga ipinagbabawal na palabas.

1
2

21

Multiple Choice

Makisiksik ka sa mga mag-aaral na nagsisiksikan palabas ng silid kapag may sunog sa paaralan.

1
2

22

Fill in the Blank

Type answer...

23

Fill in the Blank

Type answer...

24

Fill in the Blank

Type answer...

25

Open Ended

Gumawa ng tatlo hanggang limang pangungusap na nagpapaliwanag nang kahalagahan ng masusi at matalinong pagpapasya sa panahon ng sakuna o kalamidad.

26

Takdang-Aralin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano-ano ang mga dapat mong gawin upang maging ligtas sa sakuna tulad ng lindol at pagbaha?

2. Nakaranas ka na ba ng sakuna/kalamidad? Ano ang ginawa mo?

3. Ano ang dapat mong tandaan upang mapanatili ang kaligtasan?

4. Bakit kinakailangang bigyan ng sapat at wastong kaalaman ang mga tao tungkol sa kaligtasan?

Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Matalinong Pagpapasya para sa Kaligtasan

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 26

SLIDE