

FLORANTE AT LAURA ARALIN 4
Presentation
•
Education
•
8th Grade
•
Practice Problem
•
Easy
Maricho Barrit
Used 12+ times
FREE Resource
18 Slides • 6 Questions
1
FLORANTE AT LAURA ARALIN 4
FILIPINO 8

2
LAYUNIN
Nasusuri ang mga katangian ng akda batay sa napakinggang mga bahagi F8PN-IVd-e-35
Nalalapatan ng himig ang isinulat na orihinal na tula na may tamang anyo at kaisahan
F8WG-IVd-e-37
3
Buod ng kabanata 15 hanggang 21 nang Florante at Laura
4
Open Ended
ANO ANG PAG-IBIG PARA SA IYO?
5
Kabanata 15: Si Adolfo
6
Malungkot man dahil malayo si Florante sa kaniyang mga magulang, nanguna pa rin siya sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo. Napabalita ang una sa buong Atenas. Dito na lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang ginampanan nila kapwa ni Florante, pinagtangkaan niyang patayin ang huli. Salamat at nailigtas siya ng kaibigang si Menandro. Kinabukasan din, umuwi sa Albanya si Adolfo.
7
Open Ended
1. Paano mo ilarawan si Adolfo? batay sa pagkakakilala sa kanya ni Florante?
8
Kabanata 16: Trahedya sa Buhay ni Florante
9
Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon pa. Isang araw, tumanggap ng liham si Florante mula sa ama. Sinasabi sa sulat na namatay ang kaniyang ina. Nawalan ng malay si Florante dahil sa tindi ng kalungkutan. Hindi nakabawas sa kaniyang kalungkutan ang tapat na pakikiramay ng guro at mga kamag-aral.
10
Open Ended
2. Kung ikaw ang matalik na kaibigan ni Florante, ano ang ibibilin mo sa kanya bago siya bumalik sa Albanya?
11
Kabanata 17: Paalam, Bayan ng Atenas
12
Pagkaraan ng dalawang buwan ng matinding kalungkutan para kay Florante ay dumating ang ikalawang sulat ng kaniyang ama, kasama ang sasakyang sumundo sa kaniya. Bago umalis pinagbilinan si Florante ng gurong si Antenor na pakaingatan si Adolfo sapagkat tiyak na siya ay maghihiganti. Idinagdag pang huwag padadala si Florante sa magiliw na pakikiharap. Pinayuhan siyang lihim na maghanda nang hindi nagpapahalata. Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay Florante. Ang magkaibigan ay inihatid ng kanilang mga kamag-aral hanggang sa daungan.
13
Kabanata 18: Paghingi ng Tulong ng Krotona
14
Hindi nagtagal, nakarating sa Albanya ang magkaibigan. Pagkakita sa ama ay napaluha si Florante at muling nanariwa ang sakit ng loob sa pagkamatay ng ina. Nang mga sandaling iyon ay dumating ang sugo ni Haring Linceo, dala ang sulat ng Hari ng Krotona na humihingi ng tulong sapagkat sila ay nilusob ni Heneral Osmalik ng Persiya, ang pangalawa sa bantog na si Prinsipe Alladin na hinahangaan ni Florante, at ayon sa balita ay kilabot sa buong mundo. Sa narinig, napangiti ang Moro at nagsabing bihirang magkatotoo ang mga balita at karaniwang may dagdag na. Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama. Doon masakit man sa loob, pumayag din si Duke Briseo nang hirangin ng hari si Florante bilang heneral ng hukbo.
15
Open Ended
3. Sa iyong palagay, lumaki ba nag ulo ni Aladin dahil ang tinutukoy ni Floranteng gerero ay siya pala? Ipaliwanag ang iyong sagot.
16
Kabanata 19: Kagandahang Walang Kawangis
17
Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang dalagang kaagaw ni Venus sa kagandahan, isang kagandahang mahirap isiping makapagtataksil. Sa harap ng kagandahan ni Laura, laging nagkakamali ng sasabihin si Florante sapagkat natatakot siyang baka hindi maging marapat sa dalaga.
18
Open Ended
4. Mapipigilan ba ang isang pusong umiibig? Para sa iyo, ano ang tamang paraan ng pagpapahayag at ng pagtanggap ng pag-ibig?
19
Kabanata 20: Pangarap na Pag-ibig
20
Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa loob ng panahong ito ay di man lamang nakausap ni Florante nang sarilinan si Laura. Sa kabutihang-palad, isang araw bago umalis sina Florante upang makidigma, nakausap niya ang dalaga at nagtapat siya ng pagibig. Hindi sumagot ng “oo” ang dalaga ngunit lumuha siya nang umalis si Florante patungong digmaan.
21
Kabanata 21: Sa Krotona
22
Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang bunga ng pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na halos mawasak na ng kaaway ang kuta ng Krotona. Ngunit magiting na nagtanggol si Florante at ang kaniyang mga kawal hanggang sa hamunin ni Heneral Osmalik si Florante na silang dalawa ang magharap. Limang oras silang naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si Osmalik.
23
Open Ended
5. Bakit naging mabigat ang loob ni Florante sa kanyang pag-alis sa Albanya upang tumupad sa kanyang tungkulin bilang heneral at iligtas ang kaharian ng Krotona?
24
Kabanata 19: Kagandahang Walang Kawangis
FLORANTE AT LAURA ARALIN 4
FILIPINO 8

Show answer
Auto Play
Slide 1 / 24
SLIDE
Similar Resources on Wayground
19 questions
Fracciones
Presentation
•
KG
18 questions
Séance 7 et 8
Presentation
•
KG
18 questions
Taller de filosofia moderna
Presentation
•
8th Grade
22 questions
HIPERÓNIMOS, HIPÓNIMOS Y COHIPÓNIMOS
Presentation
•
8th Grade
15 questions
Metals, Non-Metals & Metalloids
Presentation
•
8th Grade
22 questions
NOTAS MUSICALES
Presentation
•
8th Grade
19 questions
hanyu
Presentation
•
9th Grade
20 questions
Ecuaciones de primer grado
Presentation
•
8th Grade
Popular Resources on Wayground
6 questions
PRIDE Always and Everywhere
Presentation
•
12th Grade
20 questions
Lab Safety Quiz
Quiz
•
6th Grade
26 questions
KOR Review Kahoot Questions
Quiz
•
8th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
12 questions
Unit Zero lesson 2 cafeteria
Presentation
•
9th - 12th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Riddles Riddles fun Riddles
Quiz
•
6th - 12th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade