Search Header Logo
Pag-uulat sa mga nalikom na datos

Pag-uulat sa mga nalikom na datos

Assessment

Presentation

Other

8th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

NINO BUSANO

Used 1+ times

FREE Resource

11 Slides • 6 Questions

1

Pag-uulat sa mga nalikom na datos

Ikatlong Markahan

Modyul 2

Slide image

2

Open Ended

Ano-ano ang maaring maging hakbang kung may gusto kang malaman na katotohanan?

3

3 Philippine plants vs COVID-19

4

Mga Layunin

  • A. naiisa-isa ang mga hakbang sa paglikom ng datos mula sa pananaliksik;

  • B. nakalilikom ng datos mula sa pananaliksik; at

  • C. naiuulat nang maayos at mabisa ang mga nalikom na datos sa pananaliksik.

5

Slide image


6

Open Ended

Question image

Mula sa imahe na ipinakita, anong isyung panlipunan ang tinatalakay nito? Bilang isang kabataan, ano ang mga saloobin mo hinggil dito?

7

Slide image

8

Open Ended

Ano ang suliraning inilahad sa dokumentaryo na iyong binasa?

9

Open Ended

Batay sa iyong binasa, ano ang pagkakaunawa mo sa “age of social responsibility”?

10

Open Ended

Pabor ka ba sa pagbaba ng “age of social responsibility” nang sa gayon ay mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang tulad mo na makakuha ng trabaho kahit pa menor de edad? Bakit oo at bakit naman hindi?

11

Open Ended

Ano ang sagot mo sa tanong na, solusyon na nga ba ang pagbaba ng Edad ng “Age of Social Responsibility” para mabawasan ang mga kabataang gumagawa ng krimen?

12

Pananaliksik

Ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu

at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.


13

Klasipikasyon ng Datos

  • 1. Nakasulat o hindi nakasulat na datos – Maituturing ang datos bilang nakasulat na datos kung mayroong limbag na dokumentong kaakibat nito. Kabilang dito ang mga libro, journal, magasin, pahayagan, liham, awtobayograpiya, mapa, larawan, at iba pang kasulatan. Sa kabilang banda, ang mga hindi nakasulat na datos ay pasalitang panitikan, sining, artifact, fossil at iba pang katulad nito.

14

Klasipikasyon ng Datos

  • 2. Primarya, sekondarya, o terserang datos – Maaari ding organisahin ang datos batay sa ikalawang klasipikasyon. Naituturing na primarya ang datos kung kapanahong saksi at may tuwirang kaugnayan ito sa pinag-aaralang paksa. Sekondarya naman ang datos kung hindi ito kapanahong saksi ng paksang pinagtutuunan at gumamit lamang ng primaryang sanggunian. Tersaryang datos naman ang mga sangguniang ginamit, nagtipon, at naglagom ng mga primarya at sekondaryang datos.2.

15

Mga dapat isaalang-alang sa pag-uulat ng mga datos na nakalap sa pananaliksik:

  • 1. Siguraduhin na ang mga pinagkunan ng datos ay mapagkakatiwalaan at kinikilala upang masiguro ang kalidad at katotohanan.

  • 2. Ang mga natipon na datos ay isaayos batay sa pagkakasunod-sunod ng mga kinakailangang impormasyon na tutugon sa mga inihayag na resulta ng saliksik.

  • 3. Iugnay ang mga nalikom na datos sa angkop na nilalaman sa bahagi ng saliksik.

16

Mga dapat isaalang-alang sa pag-uulat ng mga datos na nakalap sa pananaliksik:

  • 4. Balikan, analisahin at rebisahin ang mga nakalap na datos batay sa pangangailangan nito sa saliksik.

  • 5. Komunsulta sa tagapayo upang masuri at mabigayan ng suhestiyon ang mga nakalap na datos bago ang pag-uulat ng mga ito

17

Slide image

Pag-uulat sa mga nalikom na datos

Ikatlong Markahan

Modyul 2

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 17

SLIDE