
ESP Quarter 3 Week 6
Presentation
•
Other
•
5th Grade
•
Easy
Chatleen Til-adan
Used 4+ times
FREE Resource
14 Slides • 14 Questions
1
ESP Quarter 3
Week 6
BAHAGI AKO NG MUNDO SAPANGANGALAGA
2
Most Essential Learning Competency (MELC)
Nakalalahok sa pangangampanya sa pagpapatupad ng mga batas
para sa kabutihan ng lahat (EsP5PPP-IIIg-30)
1. pangkalinisan
2. pangkaligtasan
3. pangkalusugan
4. pangkapayapaan
5. pangkalikasan
3
Pangunahing Konsepto
Ang mundo ang nagbibigay sa tao ng lahat ng kaniyang mga
pangangailangan tulad ng: hangin, tubig, pagkain, tirahan, at iba pa.
Dahil dito, marapat lamang na tayong mga tao ay gawin ang lahat ng ating makakaya upang mapanatili natin ng maayos at maganda ang mundo. Kailangan natin itong mapanatili bilang isang lugar na
matitirhan ng susunod na henerasyon ng mga tao.
4
Pangunahing Konsepto
Hindi katanggaptanggap na naghahangad tayo ng magandang matitirhan ng ating mga anak ngunit kinakalbo naman natin ang mga kagubatan, dinudumihan ang mga anyong-tubig, inuubos ang ibang mga nilalang dahil sa ilegal na pangingisda, pagkakaingin, pangangaso, at iba pa. O kaya ay dumating ang pagkakataon na may pera ka nga na pampatayo ng bahay pero wala ka naman mabiling plywood sa hardware dahil walang supply.
Kailangan nating kumilos bago mahuli ang lahat.
5
Open Ended
Anong mangyayari sa ating mga yamang-tubig kung
magpapatuloy ang mga mangingisda sa paggamit ng dinamita?
6
Kawawang mga Nilalang sa Dagat
Palubog na ang araw. Tahimik na gumagawa ang lahat ng mga nilalang sa Kaharian ni Haring Neptuno. Bigla, dumating si Pating, ang lider ng puwersang militar ng mga nilalang ng dagat.
“Haring Neptuno, nakakita ako ng dalawang bangka na maraming
lulang mangingisda. May dala silang mga dinamita! Papunta sila sa gawing ito,” pag-uulat ni Pating.
7
“Ano? Dali! Ipunin ang lahat ng nilalang sa dagat at dalhin sa ligtas
na lugar!” utos ni Haring Neptuno.
Tinipon ni Pating ang lahat at dinala sa kanilang taguan.
“Kawawang mga nilalang ng dagat! Mawawalan na sila ng
pagtataguan pagdating ng panahon kung magpapatuloy ang mga
mangingisda sa paggamit ng dinamita. Baka mamatay tayong
lahat,”pagdadalamhati ni Pating.
8
Samantala, sa hindi kalayuan, naliligo si Tulingan at ang
kaniyang anak. Wala silagn malay sa nakaambang panganib.
Nasalubong nila si Talakitok.
“O,pinsang Tulingan,mukhang masaya kayong lumalangoy. ‘Yan
na ba si Tuling? Ang laki mo na!” pagbati ni Talakitok. “Oo, pinsang
Talakitok. Dadalhin ko ang anak kong si Tuling sa ilang magagandang
lugar kung saan maaari siyang lumangoy. O, sige, pinsang Talakitok.
Magkita na lang tayo uli,” tugon ni Tulingan.
9
“Sige, pinsang Tulingan. Mag-iingat ka, paalaala ni Talakitok.
“Salamat , pinsang Talakitok . Dali ka, Tulingan. Pumunta tayo
noon,” sabi ni Tulingan .Ilang saglit pa, may napansin si Tuling.
“Inang, tingnan mo po! May mga nalalaglag na mga bagay, ano
po ang mga iyon?” tanong ni Tuling.
10
“ Huwag na huwag mong lalapitan ang mga iyon. Dali ka,
Tuling. Basta sumunod ka sa akin,” babala ni Tulingan.
Hindi kaagad sumunod si Tuling sa kaniyang nanay. Hindi niya
mapigilang lapitan ang bumabagsak na mga bagay.
“Ano ito? Para saan kaya ang taling ito?” sabi ni Tuling sa sarili.
Napansin ni Tulingan na wala na sa likuran niya si Tuling.
Nawawala si Tuling! “Saan siya nagpunta? Dapat akong bumalik at
hanapin siya,” sabi ni Tulingan sa sarili.
11
Pabalik na si Tulingan nang magulat siya sa isang malakas na
pagsabog.
“Naku! Doon nagmula sa pinanggalingan namin ang pagsabog. Baka
doon naiwan si Tuling! Tuling! Anak ko!” paiyak na nasabi ni Tulingan.
12
Gawain sa Pagkatuto:
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa papel ang iyong
sagot.
13
Open Ended
1. Ano ang nangyari kay Tulingan at sa anak niyang si Tuling?
14
Open Ended
2. Paano sinisira ng dinamita ang dagat at mga nilalang na
namumuhay dito?
15
Open Ended
3. Paano nakaaapekto sa sangkatauhan ang pagkawasak ng
mga yamang-tubig?
16
Gawain sa Pagkatuto:
Panuto: Isulat ang / sa patlang kung nagpapakita ng pagpapatupad
ng batas sa kalinisan at kaligtasan ng lahat at X kung hindi.
17
Multiple Choice
1. Nagkaroon ng clean-up drive sa Brgy. Santol sa pangunguna ng kanilang kapitan.
18
Multiple Choice
2. Mayroong karampatang multa ang sino mang magtatapon
ng basura sa lugar ng Brgy. Santol.
19
Multiple Choice
3. Nakakalat kung saan-saan ang basura.
20
Multiple Choice
4. Nagkakaroon ng eartquake drill sa mga kawani ng
barangay upang maging handa sa mga paparating na lindol.
21
Multiple Choice
5. Ni-rerecyle ng mga kababaihan ng barangay ang mga
empty bottles mula sa kani-kanilang bahay upang gawing
parol.
22
Gawain sa Pagkatuto:
Panuto: Piliin ng ang bilang na nagpapahayag ng pagpapatupad ng mga batas pangkapayapaan para sa kabutihan ng lahat. Biyak na puso kung hindi.
23
Multiple Choice
Ipinapatupad ang curfew sa Brgy. Masagana tuwing ika-10
ng gabi.
24
Multiple Choice
2. Maraming mga menor de edad ang nakakakalat sa kalsada
kahit malalim na ang gabi.
25
Multiple Choice
3.Malimit ang pag vivideoke ng pamilya Manalo kahit malalim
na ang gabi.
26
Multiple Choice
_4. Pinagmumulta sa Brgy. Mapayapa ang kung sino man ang
nagdudulot ng ingay tuwing gabi.
27
Multiple Choice
5. Nagkakaroon ng karera ng motorsiklo kung saan nagdudulot
ng ingay na nakakadisturbo sa mga tao.
28
Maraming Salamat!
ESP Quarter 3
Week 6
BAHAGI AKO NG MUNDO SAPANGANGALAGA
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 28
SLIDE
Similar Resources on Wayground
20 questions
S1 4eme Evolution des objets techniques
Presentation
•
4th Grade
21 questions
arts
Presentation
•
5th Grade
20 questions
4TH QUARTER_FILIPINO (KINDER 2)
Presentation
•
KG
19 questions
Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Napakinggang Teksto
Presentation
•
5th Grade
25 questions
Pangngalan
Presentation
•
5th Grade
22 questions
Mga Pilipinong lumaban para sa Kalayaan at Kasarinlan
Presentation
•
5th Grade
20 questions
CĐ 8.3
Presentation
•
KG
19 questions
Prépa de commande complet
Presentation
•
KG
Popular Resources on Wayground
5 questions
A Home on the Shore
Quiz
•
3rd Grade
28 questions
US History Regents Review
Quiz
•
11th Grade
6 questions
A Horse Tale
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
10 questions
Juneteenth History and Significance
Interactive video
•
5th - 8th Grade
20 questions
Dividing Fractions
Quiz
•
5th Grade
55 questions
A Long Walk to Water Final Review
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
Equation Word Problems
Quiz
•
7th Grade
Discover more resources for Other
10 questions
Juneteenth History and Significance
Interactive video
•
5th - 8th Grade
20 questions
Dividing Fractions
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
5th Grade
17 questions
Multiply and Divide Fractions
Quiz
•
5th Grade
40 questions
Flags of the World
Quiz
•
KG - Professional Dev...
30 questions
Multiplication Facts 1-12
Quiz
•
2nd - 5th Grade
20 questions
Adding and Subtracting Fractions
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Simplifying Fractions
Quiz
•
5th Grade