Search Header Logo
Q3W8-FILIPINO6

Q3W8-FILIPINO6

Assessment

Presentation

Other

6th Grade

Hard

Created by

ROSEMINDA BUEN

Used 6+ times

FREE Resource

17 Slides • 5 Questions

1

Q3W8-FILIPINO6

By ROSEMINDA BUEN

2

Pagsulat ng Tula at Sanaysay na Naglalarawan

3

BALIK-TANAW:

Sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa (scanning) sa sanaysay, tukuyin ang tamang impormasyon na hinihingi ng bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.

4

Ang agham at teknolohiya ay pag-aaral tungkol sa isang tiyak at mapaglikhang karunungan ng tao. Ngunit paano ito makatutulong sa pagpapaunlad ng Pilipinas? Sinasabi din natin na ang agham ay bahagi ng pangkalahatang karunungan upang mag-sanay sa sining ng pag-iisip. Ang pag-iisip tungkol sa isang paksa ay nakakabit sa paggamit ng mga salita. Ang iniisip ay nagkakaroon ng katiyakan hanggang sa ang binibigkas na mga salita ay ginagamit sa pagpapahayag. Dahil sa pumapasok na kaisipan, nagkakaroon tayo ng tiyak na pagpapakahulugan. Nagagamit natin ito sa pag- alam ng mga bagay bagay tungkol sa teknolohiya. Isinasagawa natin ang pagbubuo ng ideya, pagsusuri, pag-eeksperimento, at pagbibigay ng konklusyon. Nakakatulong ang agham lalo na sa larangan ng medisina at imbesiyon. Nakakatulong naman ang teknolohiya sa pagsulong ng elektrisidad, transportasyon, at makinarya.

5

Multiple Choice

1.    Tungkol saan ang sanaysay?

                                        

                                

1

A.      tubig at elektisidad

2

B.      agham at teknolohiya  

3

C. medisina at imbensiyon

4

  D. transportasyon at makinarya

6

Multiple Choice

2.    Saang larangan mas lalong nakakatulong ang agham?

                                  

                                    

1

A.      trabaho at benepisyo  

2

B.      edukasyon at isports

3

C.  medisina at imbensiyon

4

  D.  suliraning pang-ekonomiya

7

Multiple Choice

3.    Ano ang tawag sa pag-aaral tungkol sa tiyak at mapaglikhang karunungan ng tao?

                                                          

                                                     a

1

A.     Pagsusuri  

2

B.     Konklusyon

3

C. eksperimento

4

  D. agham at teknolohiy

8

Multiple Choice

4.    Ano ang nakatutulong sa pagsulong ng elektrisidad, transportasyon, at makinarya?

                                                             

                                                       

1

A.     Agham    

2

B.     Ekonomiya

3

C. Agrikultura

4

  D. Teknolohiya

9

Multiple Choice

5.     Paano nakatutulong ang agham sa pangkalahatang karunungan? Nakatutulong ito dahil sinasanay nito ang                            .

1

A.      sining ng pagsagot

2

B.      sining ng pag-iisip

3

C.       kritikal na pag-iisip

4

D.     sining ng pagtatanong

10

ANO ANG SANAYSAY?

11

Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na karaniwang nagpapahayag ng mga ideya, pagpuna, opinyon, detalye, pagsisiyasat, kuro-kuro, pang- araw-araw na pangyayari, politika, pananampalataya, hanapbuhay, alaala ng nakaraan, o repleksiyon sa buhay ng isang tao.

Ang sanaysay na naglalarawan ay nagpapahayag ng karanasan ng may- akda na nagpapahiwatig ng kulay, anyo, hugis, timbang, bigat, sukat, tekstura, at iba pa. Nagpapahayag din ito ng pagkakasunod-sunod ng mga paglalarawan ng tao, bagay, pook, at pangyayari na nagbibigay na malalim na pagkilatis o pagkilala sa binibigyan ng paglalarawan.

12

​MGA BAHAGI NG SANAYSAY:

1.  Simula/Panimula- ito ang pinakamahalaga dahil dito nakasalalay kung ipagpapatuloy ng mambabasa ang kaniyang binabasa. Sa simula pa lamang ay dapat mapukaw na ng may-akda ang damdamin ng mga mambabasa.

2.   Gitna/Katawan- dito naman mababasa ang mahahalagang puntos tungkol sa paksang isinulat ng may-akda. Malaman ang bahaging ito dahil ipinapaliwanag ng mabuti dito ang paksang tinatalakay o pinag-uusapan.

3. Wakas- ito ang bahaging nagsasara sa talakayang nagaganap sa gitna o katawan ng sanaysay. Dito rin nagbibigay ng hamon sa pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga Tinalakay sa paksang pinag-usapan

13

​ANO ANG TULA?

ang tula ay may sukat at tugma, ito ay binubuo ng taludtod na may pare-parehong bilang at pantig, indayog, damdamin, piling mga salita, at tayutay.

Tulang naglalarawan ay isang uri ng tula, ito ay nagpapahayag ng emosyon, isang kalagayan, pook o pangyayari na gustong ilarawan ng may akda o makata. Ito rin ay ginagamitan ng patalinhagang salita.

14

"ANG GANTIMPALA SA MGA PABAYA​"

Napakadilim at napakalakas ng hangin sa buong Maynila na nagdulot ng mataas na pagbaha sa malaking bahagi nito. Sa aming lugar sa Fairview, Quezon City, walang ni ga-talampakang baha kaming natamo ngunit noong rumaragasa ang ulan, ang aking dibdib ay parang bolang patalbog-

talbog habang naririnig ko ang pagdampi ng mabibigat na patak ng ulan sa aming bubungan at kaluskos ng malakas na bulong ng hangin. Ang pakiramdam na ito ay pinaigting nang sinabayan ng mala-pintong pagalit na ibinagsak ng kulog at kidlat.

15

Noong unang araw ng pag-ulan, palihim ako na nananalangin na sana ay umulan pa para mawalan muli ng klase. Ayun, lumakas ang ulan at idineklarang walang klase. Dahil sa labis na pagkabagot tumutok na lamang ako sa aking mga paboritong palabas, balita sa telebisyon, at nag- internet upang maging una sa mga anunsyo patungkol sa klase para sa susunod pang araw at malaman din ang sitwasyon ng aking mga kababayan. Habang nanonood ako ng balita nangingilid ang aking luha, napaupo na lamang sa isang tabi at naglalaro sa aking isipan na paano kung naroon ako sa sitwasyon na yun? Naiisip ko ang bawat pangyayari. Weeeng! Weeeng! Weeeng! Ito na ang hudyat upang sinupin ang kagamitan. Kasabay sa malakas na pag-iyak ng langit tila ba’y isdang nagkukumahog ang mga tagapagligtas na lumalangoy sa kulay tsokolate, amoy palengke at mabasurang tubig na sumasakop sa kalsada ng kalakhang Maynila para mailikas ang mga tao. Ang mga residenteng inililigtas ay nanginginig, namumutla, at kumakalam ang sikmura. “O Diyos ko, tulungan nyo po kami” tanging daing nila.

16

Labis na nakalulungkot ang tinatamasa ng ating bansa ngayon ngunit hindi ko rin naman maiba- ling ang sisi sa kalangitan, mga puno, halaman, at hayop sa mga sakunang kagaya na lamang nito dahil kung ating susuriin ay ang kapabayaan din naman ng mga tao ang dahilan nito. May kasabihan nga tayong, “ang basurang itinapon mo ay babalik sa iyo”. Sana nagsilbing aral ito upang mabago tayo sa masasama nating gawain kagaya na lamang ng pagtatapon ng basura kung saan- saan na kalaunan ay bumabara sa mga estero. Naniniwala akong hindi pa huli ang lahat sa pagbabago kaya magsikap tayo para sa ating

inang bayan dahil tayo at ang susunod pang henerasyon rin ang makikinabang dito.

17

"​ Kaming Anak-Dalita"

Marami kayong maririnig tungkol sa amin Na pawang anak-pawis at alilang-kanin. Sadyang ganito raw ang aming papel.

Sana kami ay inyong lubusang kilalanin.

Marami sa amin ay matalas ang utak.

At tiyak na maraming makapal ang palad,

Isinilang nang nakasadlak sa hirap.

At hindi ibig na maghirap pa rin bukas.

18

Hindi kami makuskos-balungos

At wala sa amin ang mahaba ang buntot.

Sinasamantala ng mga sampay-bakod ang aming pagiging mababa ang loob.

Hindi man kami nakahiga sa salapi, hindi naman maitim ang aming budhi.

Sa gaya namin puno ng lunggati, Hindi kami nagtataingang kawali.

Sa mga tulad naming nagdurusa Hindi nakapinid ang aming tainga. Ngunit bakit ba kahit sukat ang bulsa Laging mahapdi ang aming bituka?

19

​PAGSAGOT SA MGA GAWAIN:

Gawain 1.1 A.Sagutin ang mga tanong ayon sa sanaysay at sa tulang naglalarawan.

20

Gawain 1.2 Pagsulat ng sanaysay na naglalarawan

Panuto: Sumulat ng sanaysay na naglalarawan. Pumili ng paksa sa ibaba.

a.   Kapaligiran Ko, Pananagutan Ko!

b.   Tapat Mo, Linis Mo

c.      Galing ng Pilipino, Kilala sa Mundo

21

THANK YOU​

22

media

Some text here about the topic of discussion.

Thank You

media

Q3W8-FILIPINO6

By ROSEMINDA BUEN

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 22

SLIDE