Search Header Logo
QUARTER 2_WEEK 1_ESP 6

QUARTER 2_WEEK 1_ESP 6

Assessment

Presentation

Other

6th Grade

Hard

Created by

Sheryl Cusipag

Used 3+ times

FREE Resource

16 Slides • 0 Questions

1

QUARTER 2_WEEK 1_ESP 6

by Sheryl Cusipag

2

Pagtupad sa Pangako

Sa katapusan ng modyul na ito inaasahang mauunawaan mo kung paano maipakikita ang paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapuwa. Inaasahang malilinang ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pang-unawa na:

1.    maipakikita ang kahalagahan ng pagtupad ng pangako o pinagkasunduan;

2.    mapananatili ang pagiging mabuting kaibigan; at

3.    makatutupad sa pangakong binitawan.

3

Subukin

I.  Panuto: Suriing mabuti ang bawat sitwasyon. Lagyan ng masayang mukha J kung ito ay nagpapakita ng pagtupad ng pangako at lagyan naman ito ng malungkot na mukha L kapag hindi ito nagpapakita ng pagtupad ng pangako.

​__1. Gusto ng iyong mga kaibigan na mag-ensayo para sa inyong pagtatanghal sa Biyernes. Tinawagan mo ang iyong nanay upang magpaalam na ikaw ay gabi na makauuwi.

__2. Lumiliban ang iyong kamag-aral tuwing klase ng Matematika.

__3. Nakalimutan mong ikaw pala ang naatasang maghugas ng pinggan kagabi.

__4. Isinasauli mo ang anumang iyong hiniram sa takdang-oras.

__5.Pumapasok ka sa klase nang hindi mo nagagawa ang iyong takdang-aralin.

4

Aralin 1 Ako ay May Isang Salita

Bilang isang tao, responsibilidad natin na panagutan ang anumang binitawang salita. Nakikilala ang ating pagkatao kung tayo ay marunong tumupad sa pangakong binitawan. Walang simple o kumplikado, mahirap o madaling gawin na pangako, dahil laging nakabigkis sa ating mga salita ang pananagutan sa pagtupad nito. Kayat nararapat lamang na pag-isipang mabuti bago magbitaw ng isang pangako. Laging tandaan na ang pagiging mapanagutan sa pagtupad ng pangako ay tanda ng mabuting pagkatao o karakter. Ang karakter ang nagpapatibay sa pagkakaroon ng tiwala na bunga ng pagiging mapanagutan.

media

5

__6. Nagplano ka ng ibang lakad kasabay ng binyag ng iyong pinsan sa Linggo samantalang pumayag kang dumalo.

__7. Isinauli mo ang librong iyong hiniram sa silid-aklatan.

__8. Ipinangako mo sa iyong nanay na hindi ka na manghihiram sa iyong pinsan ng laruang robot, ngunit sinabihan mo ang pinsan mong sa kaniya na ang iyong teddy bear kung ipahihiram niya ang robot niya.

__9. Lingguhan kang dumadalo sa pagsamba sa Diyos.

__10. Inaasahan ng iyong nanay na makakauwi ka ng 4:00 ng hapon ngunit nang nakarating ka ay 5:30 na ng hapon dahil nagkaroon kayo ng pagpupulong sa paaralan.

6

Tuklasin

​Pag-aralan ang sitwasyon:

“Nangako si Anna sa kanyang tatay na pagbubutihan na niya ang kanyang pag-aaral dahil mababa ang nakuha niyang marka sa pagsusulit. Ngunit nagpatuloy si Anna sa panonood ng telebisyon at paglalaro ng online games tuwing pag-uwi niya.”

·     Tinutupad ba ni Anna ang kanyang pangako sa ama?

·      Anong katangian ni Anna ang ipinakita sa sitwasyon?

·      Ano kaya ang naramdaman mo kung ikaw ang tatay ni Anna?

·      Bakit mahalaga na tuparin ang mga pangako?​

media

7

Ang sitwasyong pinag-usapan ay may kaugnayan sa akrostik/tulang babasahin sa kaliwa.

Akrostik

  • Ito ay isang tula o iba pang uri ng kasulatan kung saan ang unang titik ng bawat linya ay bumubuo ng espesyal na salita o mensahe.

media

8

Sagutin:

1.    Ayon sa akrostik, ano ang yaman na itinuturing ng mga batang tulad mo?

2.    Ano ang dapat gawin kung nagbitaw ka ng isang salita?

3.    Ano ang katumbas ng isang pangako?

Pagyamanin

Panuto: Basahin at unawain ang kwento. Sagutin ang pagkatapos.

​Pangako: Hindi Dapat Mapako

Isa si Luis sa mga mag-aaral sa ikaanim na baitang. Ang mga magulang ni Luis ay masipag at may isang salita. Laging sinasabihan ng kaniyang mga magulang si Luis, “Kapag ikaw ay nangako o nagbitiw ng isang salita, dapat mo itong tuparin. Malaki ang pananagutan ng tao sa bawat salitang sinasambit niya.”

9

Nagkaroon ng isang Paligsahan sa Paaralan. Isa si Luis sa mga napili bilang kinatawan ng kaniyang seksiyon upang magsalita sa paligsahan sa pagtatalumpati. Mahirap lang ang pamilya ni Luis ngunit maayos sa gamit. Pero nais ni Luis na maging sa entablado ay maayos din siyang tingnan. Ang puting polo at itim na pantalon niya ay maayos pa ngunit ang kaniyang sapatos na itim ay sira na. Sinabihan ng kaniyang Ina si Luis na manghiram muna siya ng sapatos sa kaniyang pinsan. Nakahiram si Luis at sinabi niya na ibabalik din ito pagtapos ng paligsahan.

Dumating ang araw na itinakda para magtalumpati si Luis sa kaniyang paaralan. Si Luis ay nanalo bilang pangalawa ngunit nagustuhan ng mga hurado ang kaniyang talumpati at nais siyang isama sa pang-rehiyon na patimpalak. Nagagalak si Luis ngunit nangako siya na isasauli agad ang hiniram niyang sapatos. Payo ng kaniyang mga magulang na kapag nangako, dapat tuparin mo kahit kailangan mo pa ito. Ang salita mo ay marapat mong pangatawanan. Dahil yan ang magsasabi kung anong klase ng iyong pagkatao. Kahit mahirap lamang, dapat may dangal at pananagutan ka. Isinauli ni Luis ang hiniram niyang sapatos. Nalaman ng gurong tagapayo ni Luis at sinabi niya ito sa mga hurado. Bilang premyo ay binigyan si Luis ng bagong sapatos.

10

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1.    Ano ang laging bilin ng mga magulang ni Luis sa kaniya?

2.    Sa lahat ba ng pagkakataon ay dapat tayong tumupad sa ating ipinangako? Bakit?

3.    Ano ang kabutihang maidudulot ng pagtupad sa pangako?

11

Tandaan...

Ang pagtupad sa pangako ay ang pagsusumikap na gawin ang isang bagay na ipinangako sa isang tao. Ito ay pagpapakita ng paggalang. Kapag tinupad mo ang iyong pangako, ikaw ay magkakaroon ng reputasyon bilang taong maaasahan at mapagkakatiwalaan. Ito ay daan ng isang maayos at matiwasay na pagsasamahan.

Itinuturing tayong maaasahan kapag tinutupad natin ang ating binitawang salita. Itinuturing tayong mapagkakatiwalaan at maaasahang nilalang. Kaya naman, pinakikinggan tayo kung anuman ang ating sasabihin.

12

TAYAHIN

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1.    Usapan ninyong magkakaibigan na manood ng cultural show sa plasa. Nakatakda kayong magkita-kita sa hintayan ng sasakyan na malapit sa inyong paaralan sa ika-5 ng hapon. Hindi dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mong nauna na sila sa plasa. Ano ang reaksiyon mo?

A.    Ipangangako sa sarili na hindi na sila kakaibiganin.

B.    Umiyak at huwag makipag-usap sa kanila sa susunod na makita sila.

C.   Magpapasalamat na maaga pa napatunayan na ang kanilang totoong pagkatao.

D.   Magpasiya na kausapin sila tungkol sa nangyari at sabihin kung ano ang naramdaman tungkol dito.

​2.   Hiniram ng kaibigan mo ang aklat mo sa Matematika. Ipinangako niyang isasauli iyon pagkaraan ng dalawang oras. Matagal kang naghintay, pero hindi bumalik ang kaibigan mo. Ano ang reaksiyon mo?

A.    Aawayin ko siya at hindi na kakausapin pa.

B.    Magpahiram lamang sa mga gamit kung sa tabi mo lang siya gagamit.

C.   Kumbinsihin ang sarili na walang magandang idudulot ang pagpapahiram ng mga gamit.

D.   Kausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang oras na pinag-usapan.

 

13

3.  Ipinangako ng tatay mo na bibilhan ka ng bagong pares ng rubber shoes. Nang dumating siya, hindi mo gusto ang tatak ng sapatos na binili niya para sa iyo. Sabi niya sa iyo, “Anak, ito lang ang tatak ng sapatos na kaya kong bilhin.”

Ano ang reaksiyon mo?

A.    Magalit sa tatay ko.

B.    Maawa sa tatay ko.

C.   Tanggapin nang buong-puso ang sapatos na binili niya.

D.   Ipangako sa sarili na hindi na masyadong aasa mula ngayon.

​4.    Napagkasunduan ninyong magkakaibigan na gagawa kayo ng proyekto sa ika-7 ng umaga. Alam mong kailangan kang gumising nang maaga para sa takdang- oras. Ano ang gagawin mo upang makatupad ka sa napag-usapan?

A.    Susubukan kong pumunta nang maaga.

B.    Ihanda ko ang mga kailangan dalhin at pupunta doon sa oras na gusto ko.

C.   Ihanda ko ang mga gagamitin at gigising nang maaga upang makapunta sa takdang-oras.

D.   Marami naman kaming gagawa ng proyekto kaya kahit na mahuli ako.

14

​5.  Palaging nahuhuli ang pangkat nina Alyana sa mga pangkatang gawain sa klase ni Bb. Reyes. Ano ang mainam na gawin ng mga bata upang matapos nila ito sa takdang oras?

A.    Gawin ito nang mabilis ngunit maayos.

B.    Isumiti na lamang kahit kulang ang gawain.

C.   Isa na lamang ang gumawa upang maging mas mabilis ito.

D.   Magtulungang gawin ito nang maayos at mabilis upang matapos sa takdang oras.

15

Assignment   ESP 6

November 17,2021

1. Isaisip letrang B., p. 8

2.Isagawa ,p.9

​3.Karagdagang Gawain,p. 11

  Deadline of Submission: November 20,2021

16

THANK YOU

Grade 6!!!

Keep safe always!!!

QUARTER 2_WEEK 1_ESP 6

by Sheryl Cusipag

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 16

SLIDE