Search Header Logo
Konsepto ng Pamamahala at  Pamahalaan

Konsepto ng Pamamahala at Pamahalaan

Assessment

Presentation

History

2nd - 3rd Grade

Practice Problem

Easy

Created by

Agnes Sara

Used 9+ times

FREE Resource

17 Slides • 26 Questions

1

Konsepto ng Pamamahala at Pamahalaan

ARALING PANLIPUNAN 2

Slide image

2

LAYUNIN

Natatalakay ang konsepto ng pamamahala at pamahalaan.

Slide image

3

Ano ako magaling?

Kumusta mga bata? Nais kong subukin ang iyong kaalaman sa ating magiging aralin. Handa ka na ba? Piliin ang titik ng tamang sagot.

Slide image

4

Multiple Choice

Ito ay isang organisasyon gumagawa at nagpatupad ng

batas sa nasasakupan.

1

Komunidad

2

Pamayanan

3

Pamahalaan

5

Multiple Choice

Ano ang ibinibigay ng pamahalaan sa nasasakupan?

1

Kagustuhan

2

Kahilingan

3

Pangangailangan

6

Multiple Choice

Tawag sa pamumuno o pagiging lider ng isang

organisasyon o isang pangkat.

1

Pamamahala

2

Pakikisama

3

Pagsunod

7

Multiple Choice

Sino ang nangunguna at nangangasiwa sa gawaing

itinakda ng isang pangkat?

1

Kasapi

2

Katiwala

3

Pinuno

8

Multiple Choice

Sino ang pinakamataas na pinuno ng lokal na pamahalaan?

1

Kapitan

2

Alkalde

3

Hepe

9

Binabati kita!

Ngayon naman ay magbalik-aral tayo sa nagdaang aralin. Piliin lamang kung tama o mali ang mga ginagawa natin sa ating komunidad.

Slide image

10

Multiple Select

Nililinis natin ang mga kalat sa parke pag tayo ay namamasyal.

1

TAMA

2

MALI

11

Multiple Select

Nagsusulat tayo sa mga pader ng gusali.

1

TAMA

2

MALI

12

Multiple Select

Nagtatapon tayo ng basura kahit saan.

1

TAMA

2

MALI

13

Multiple Select

Sumusunod tayo sa batas trapiko.

1

TAMA

2

MALI

14

Multiple Select

Pinipitas natin ang mga bulaklak sa parke.

1

TAMA

2

MALI

15

Ano ang gagawin ko?

Magaling! Tumpak ang iyong mga kasagutan. Halina't simulan na natin ang ating aralin. Ooopss...bago yan ay nais kong i-type mo ang salitang mabubuo sa susunod na slide?

Slide image

16

Fill in the Blanks

Type answer...

17

Slide image

18

Basahin natin

Ang pamahalaan o gobyerno ay isang organisasyon. Ito ay may kakayanang gumawa at magpatupad ng batas sa

nasasakupang teritoryo. May kapangyarihan itong magbigay ng mga pangangailangan ng nasasakupan.

Slide image

19

Ano ang kahulugan?

Mahalagang malaman natin kung sino-sino ang mga namumuno sa ating komunidad at gayon na rin ang mga tungkulin na kanilang ginagampanan. Sa aralin na ito, matututuhan mo ang ibig sabihin ng salitang pinuno at namumuno. Mapag-aaralan mo rin ang kahalagahan ng pamahalaan.

Slide image

20

Ang pamamahala ay pamumuno o pagiging lider ng isang organisasyon o anumang uri ng pangkat. Ang pinuno ang nangunguna at nangangasiwa sa gawaing itinakda ng isang pangkat o kalipunan ng mga tao.


Slide image

21

Ang kaunlaran at katahimikan ng isang komunidad ay nakabatay sa uri ng pinuno. Kinakailangang magpakita siya ng magandang halimbawa na maaaring tularan. Matiwasay o masalimuot man ang mga nangyayari sa komunidad, ito ay nakasalalay sa uri ng pamamahala ng isang pinuno.


Slide image

22

Ang isang barangay ay pinamumunuan ng kapitan at ng kaniyang mga kagawad. Ang punong tanggapan ng kapitan at ng kaniyang mga kagawad ay ang barangay hall.


Slide image

23

Nakapaloob naman ang barangay sa isang bayan o lungsod. Ang mga namamahala sa bayan o lungsod ay tinatawag na “lokal na pamahalaan”. Ito ay pinamumunuan ng Alkalde o Mayor, Bise-alkalde o Vice-mayor, at mga konsehal. Nakikipagtulungan ang mga pinuno ng bawat barangay sa mga pinuno ng local na pamahalaan sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Ang punong tanggapan ng mga pinuno ng lokal na pamahalaan ay ang munisipyo o City hall.


Slide image

24

May iba pang namumuno sa komunidad na hindi bahagi ng pamahalaan. Sila ang punong tagapangasiwa ng iba pang mga pook sa komunidad. Ang ilan sa kanila ay ang pinuno ng pook- dalanginan, tulad ng pari, imam, at pastor; punong guro na pinuno ng paaralan; at hepe ng pulis na pinuno ng kapulisan ng komunidad. Sa ating mga tahanan ang namumuno dito ay ang ating ama at ina.


Slide image

25

Ano pa ang gagawin ko?

Inaasahan ko na naunawan mo ang pagtalakay sa ating aralin. Ngayon naman subukin natin sagutin ang susunod na slides. Piliin lamang kung Tama o Mali ang bawat pangungusap.

Slide image

26

Multiple Select

Ang pamamahala ay pamumuno sa isang organisasyon o anumang uri ng pangkat.

1

TAMA

2

MALI

27

Multiple Select

Hindi dapat alamin ng namumuno ang gusto ng mga mamamayan.

1

TAMA

2

MALI

28

Multiple Select

Malaki ang bahaging ginagampanan ng isang pinuno.

1

TAMA

2

MALI

29

Multiple Select

Dapat magtulungan ang pinuno at mga kasapi upang magtagumpay ang mga proyekto.

1

TAMA

2

MALI

30

Multiple Select

Kung hindi maayos ang pamumuno, magiging magulo ang mga tao.

1

TAMA

2

MALI

31

Multiple Choice

Nangangalaga sa kalusugan ng mamamayan.

1
2
3
4
5

32

Multiple Choice

Nagpapanatili ng katahimikan at kaligtasan ng nasasakupan barangay.

1
2
3
4
5

33

Multiple Choice

Naghahanapbuhay upang matustusan o maibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya.

1
2
3
4
5

34

Multiple Choice

Nagpapahayag ng kautusan ng Diyos ayon sa Banal na Aklat o Bibliya.

1
2
3
4
5

35

Multiple Choice

Sinisiguradong maayos at ligtas ang mga mag-aaral.

1
2
3
4
5

36

Ano ang natamo ko?

  • Ang pamahalaan o gobyerno ay isang organisasyon.

  • Ang pamamahala ay pamumuno o pagiging lider ng isang organisasyon o anumang uri ng pangkat.

  • Mahalaga ang isang pinuno para sa kaayusan, kaligtasan, katahimikan at kaunlaran ng isang komunidad.

37

Kumusta na ang target ko?

Para sa huling pagsubok, sagutan ang susunod na gawain. Piliin lamang ang tamang sagot.

Slide image

38

Multiple Choice

Saan nakabatay ang kaunlaran at katahimikan ng isang komunidad ?

1

pamumuno

2

taong nasasakupan

3

pamayanan

39

Multiple Choice

Sino ang nangunguna at nangangasiwa sa gawaing

itinakda ng isang pangkat?

1

katiwala

2

mga kasapi

3

namumuno

40

Multiple Choice

Ano ng tawag sa isang organisasyon na may

kakayanang gumawa at magpatupad ng batas sa

nasasakupan?

1

komunidad

2

pamayanan

3

pamahalaan

41

Multiple Choice

Ano ang maidudulot sa komunidad kung maayos na naglilingkod ang pinuno nito?

1

Magsasarili ang mga tao

2

Magiging magulo ang komunidad

3

magiging maunlad ang komunidad

42

Multiple Choice

Sino ang namumuno sa mga pook-dalanginan?

1

Alkalde at bise-alkalde

2

Pari, Pastor, Imam

3

Pangulo

43

Binabati kita!

Matagumpay mong natapos at naunawaan ang ating aralin.

Patuloy lang pag-ibayuhin ang iyong pag-aaral.


Love lots,

Teacher Sara

Slide image

Konsepto ng Pamamahala at Pamahalaan

ARALING PANLIPUNAN 2

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 43

SLIDE