Search Header Logo
FILIPINO 7 KABANATA 4 ARALIN 5

FILIPINO 7 KABANATA 4 ARALIN 5

Assessment

Presentation

Education

7th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

Maricho Barrit

Used 3+ times

FREE Resource

35 Slides • 5 Questions

1

KABANATA 4

ARALIN 5

FILIPINO 7

Slide image

2

Aralin 5: ANG PAGTUNGO AT MGA HAMONG KINAHARAP NI DON JUAN SA REYNO DE LOS CRISTALES

3

KASANAYAN

Nabubuo ang iba’t ibang anyo ng salita sa pamamagitan ng paglalapi, pag-uulit at

pagtatambal

 

Nailalahad sa pamamagitan ng mga larawang mula sa diyaryo, magasin, at iba pa ang gagawing pagtalakay sa napanood na napapanahong isyu

 

Naisusulat nang may kaisahan at pagkakaugnay-ugnay ang isang talatang naglalahad ng sariling saloobin, pananaw at

damdamin

4

Kabanata 27: Ang Ikapitong Bundok (Saknong 859 – 911)


5


Sa ikapitong bundok ay nasilayan ni Don Juan ang ermitanyo na hanggang baywang ang balbas. Ibinigay ng Don sa ermitanyo ang kapiraso ng baro na noo’y binigay ng matanda na nagpalimos ng pagkain at inumin sa kaniya.


6

Nalaman ng ermitanyo ang pakay ni Don Juan ngunit sa loob ng limang daang taon na paninirahan ay hindi nito nababatid ang Reyno delos Cristales.


7

Pinatugtog nito ang kampana sa kaniyang pinto hudyat ng pagdating ng mga hayop sa Armenya ngunit wala ni isa sa kanila ang nakakaalam sa reyno. Ibinigay ng ermitanyo ang kapiraso ng baro kay Don Juan at inutusan ang olikornyo na ihatid ang prinsipe sa bahay ng kapatid nito na kapwa ermitanyo.


8

Nang makarating ay nakita niya ang ermitanyo na sayad hanggang lupa ang balbas. Muling ibinigay ni Don Juan ang kapiraso ng baro na siyang binigay ng naunang ermitanyo. Nalaman din ng ermitanyo ang pakay ni Don Juan ngunit sa loob ng walong daang taon na paninirahan nito ay hindi din niya batid ang kahariang hinahanap ni Don Juan.


9

Pinatugtog niya ang kampana na nasa pintuan at nagsidatingan ang laksa-laksang ibon. Ngunit wala sa mga ito ang nakakaalam sa kinaroroonan ng kaharian.


10

Kabanata 28: Ang Higanteng Agila (Saknong 912 – 933)



11


Huling dumating ang higanteng agila na tila pagod na pagod. Nagalit ang ermitanyo dahil mahigpit na bilin nito na sa oras na marinig ang tunog ng kampana ay kailangan makauwi agad ang mga ibon.


12

Humingi ito ng paumanhin at nagpaliwanag na siya ay galing pa sa napakalayong lugar. Bagama’t napakabilis nang kaniyang paglipad ay nahuli pa rin ito sa pagdating dahil sa kalayuan. Ang higanteng agila ay nagmula pa sa kaharian ng Reyno delos Cristales.


13

Isinalaysay ng agila kung gaano kaganda at kasagana ang lugar na nais puntahan ni Don Juan. Nagalak naman ang prinsipe dahil sa wakas ay mararating na niya ang kahariang matagal na niyang hinahanap.


14

Ipinag-utos ng ermitanyo na ihatid ng agila si Don Juan sa kaharian. Ayon sa agila ay aabutin ng isang buwang paglipad bago marating ang banyo ni Maria Blanca. Ipinasama na rin ng ermitanyo ang iba pang ibon upang dalhin ang mga gamit at pagkain ni Don Juan at ng agila sa paglalakbay.


15

Sumakay si Don Juan sa likod ng higanteng agila at nagsimulang lumipad ng mataas.


16

Open Ended

1. Ano ba ang dapat hangaan sa isang bagay o tao, ang panlabas na anyo ba nito o panloob na katangian? Bakit?

17

Kabanata 29: Ang Reyno Delos Cristales (Saknong 934 – 960)



18


Gaya ng inasahan, nakarating ang agila at si Don Juan sa banyo ni Maria Blanca pagkatapos ng isang buwang paglipad. Hindi tumigil sa paglipad ang agila at naubos na din ang kanilang baon na pagkain. Nang makarating sa banyong paliguan ni Maria Blanca ay bumaba si Don Juan mula sa likod ng higanteng agila. Ito ay nagkubli sa likod ng halamanan.


19

Ganap na alas-kwatro ng madaling araw ay dadating ang dalaga kasama ang kaniyang dalawang kapatid upang maligo. Malalaman niya kung sino sa tatlo si Maria Blanca dahil natatangi ang kaniyang ganda.

Nagbilin din ang higanteng agila na magtago at hintayin ang pagdapo ng tatlong kalapati sa puno ng peras. Naiwan si Don Juan at naghintay.


20

Sumapit ang alas-kwatro ng madaling araw at dumapo ang tatlong kalapati sa puno ng peras. Nakita ng prinsipe si Maria Blanca at nabihag ang puso nito. Mas lalong nahaling ito nang maghubad ng damit si ang dalaga. Lumusong si Maria Blanca sa tubig at naligo. Nang magkaroon ng pagkakataon ay kinuha ni Don Juan ang mga damit ng dalaga at pinaghahalikan ito. Nabigla ang prinsesa nang makitang wala na doon ang kaniyang mga damit at nagbanta na papatayin ang sinumang kumuha ng mga ito.

21

Open Ended

2. Bakit sinasabing mas matamis ang tagumpay kung ito ay pinaghirapan o pinagsumikapan?

22

 

Kabanata 30: Ang Prinsesang si Maria Blanca (Saknong 961 – 1006)



23


Natapos nang maligo ang magkakapatid at naiwang mag-isa si Maria Blanca sa paliguan. Nagalit ito nang mapansin niyang wala na ang kaniyang damit.


24

Lumapit si Don Juan sa prinsesa at humingi ng tawad. Inihanda niya ang sarili para sa kaparusahan na ibibigay sa kaniya ni Maria Blanca.Napawi naman ang galit ng dalaga nang makita ang maamong mukha ng prinsipe. Maging ito ay nabihag na din dahil sa kakisigang taglay ng binata. Nagpakilala ito bilang bunsong anak ni Don Fernando na nagmula sa kaharian ng Berbanya.


25

Binalaan ni Maria Blanca si Don Juan na tuso at matalino ang kaniyang ama na si Haring Salermo. Ang mga nagtangkang umibig sa prinsesa ay naging batong palamuti sa hardin ng palasyo. Alam ni Don Juan na dadaan siya sa matinding pagsubok ni Haring Salermo. Kailangan sundin ng prinsipe ang bawat pag-uutos ng hari. Habang sa gabi naman ay magkikita sila ni Maria Blanca upang ipaalam dito ang unang pagsubok na kakaharapin.


26

Open Ended

3. Naniniwala ka ba sa love at first sight o pag-ibig sa unang pagkikita? Bakit?

27

Kabanata 31: Ang Ika-Unang Pagsubok ng Hari (Saknong 1007 – 1059)



28


Kinabukasan ay nagkita si Don Juan at Haring Salermo sa hardin. Pinapatuloy ng hari sa loob ng palasyo si Don Juan ngunit ito ay tumanggi sa halip ay naghintay nang ipag-uutos ng hari. Nag-utos ang hari sa kaniyang tauhan na kumuha ng isang salop ng trigong kakaani palang at ibinigay iyon kay Don Juan upang itanim. Tuwang-tuwa ang hari dahil ang pag-aakala niya ay may mabibiktima na naman siya.


29

Si Don Juan naman ay umuwi ng malungkot dahil batid niyang malabong mangyari na tumubo agad ang trigo at makapaghanda ng tinapay para sa hari kinabukasan. Pinawi ng prinsesa ang pag-aalala ng prinsipe. Sinabihan ito ng dalaga na magpahinga at matulog nalang dahil siya na ang bahala. Ginamit nito ang mahika blangka para tupadin ang utos ng hari.


30

Sa kalaliman ng gabi ay isinabog ni Maria Blanca ang trigo at agad din itong namunga. Pagkatapos ay inani niya ang mga bunga at dinala ito sa lutuan ng tinapay. Bago muling sumikat ang araw ay namasa na ng mga Intsik na tagapaggawa ng tinapay ang mga trigong inani. Namangha ang hari dahil siya ay hinainan ng tinapay na may iba’t-ibang kulay at hugis mula sa isang supot ng trigo lamang.


31

Open Ended

4. Bakit marami ang nakalilimot sa binitiwang pangako? Tama bang maghintay sa pagbabalik ng isang minamahal kahit walang katiyakang siya’y babalik pa? Bakit?

32

 

Kabanata 32: Ang Ikalawang Utos ng Hari (Saknong 1060 – 1096)



33


Nagkita si Don Juan at Haring Salermo para sa ikalawang pagsubok.

 

Habang nasa hardin ay may inilabas ang hari na isang prasko na may lamang labindalawang negrito at pinakawalan ito sa karagatan. Utos ng hari na hulihin ang lahat ng iyon at muling isilid sa prasko. Nais ng hari na makita iyon kinaumagahan upang makaligtas sa kaparusahang kamatayan.


34

Malungkot na nakipagkita si Don Juan kay Maria Blanca dahil sa pangambang hindi niya makumpleto ang labindalawang negrito dahil sa lawak ng karagatan. Pinayapa ni Maria Blanca si Don Juan at inutusang kumuha ng ilaw. Nang sumapit ang ikaapat ng madaling araw ay nagtungo ang dalawa sa tabing dagat. Ginamit ng prinsesa ang kaniyang mahika at inutusan ang mga negrito na bumalik sa prasko kung ayaw nilang matikman ang kaniyang galit.


35

Kinaumagahan ay nakita ng hari ang prasko at ang labindalawang negrito sa loob nito. Nagalit ang hari dahil hindi niya magawang kitilin si Don Juan katulad ng ginawa niya sa ibang mga nagtangkang manligaw sa kaniyang anak. Umisip ito ng mas mabigat na pagsubok.


36

Open Ended

5. Paano mo magagawang kalakasan ang mga kahinaan mo sa iyong buhay? May bigay ng halimbawa.

37

Kabanata 33: Ang Paglipat sa Bundok (Saknong 1097 – 1122)



38


Muling nagkita si Don Juan at Haring Salermo sa hardin para sa susunod na pagsubok. Nais ng hari na itapat ang bundok sa harap ng kanyang durungawan upang pumasok sa palasyo ang sariwang hangin. Bilin ng hari na mailipat ito bago pa man sumikat ang araw.


39

Nakipagkita muli si Don Juan kay Maria Blanca at kita sa mukha nito ang pangamba. Muling pinayapa ng prinsesa ang prinsipe at sinabing siya na ang gagawa noon.

 

Nang sumapit ang madaling araw ay tumungo si Maria Blanca sa bundok habang si Don Juan naman ay namamahinga. Pinalakad ng dalaga ang bundok sa Palacio Real gamit ang malakas na hangin.


40

Pagsapit ng umaga, nabigla ang hari nang makita niya ang bundok sa tapat ng kaniyang durungawan.

 

Hindi makapaniwala ang hari na muling malalagpasan ni Don Juan ang kaniyang pagsubok.


KABANATA 4

ARALIN 5

FILIPINO 7

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 40

SLIDE