

Katapatan sa Salita at sa Gawa
Presentation
•
Other
•
7th - 10th Grade
•
Hard
hubert doria
Used 7+ times
FREE Resource
13 Slides • 0 Questions
1
KATAPATAN SA SALITA AT SA GAWA

2
Katapatan sa Salita at sa Gawa
Sa araling ito, palalawakin ang iyong pag-unawa sa katapatan sa salita at gawa - isang birtud na nangangailangan ng kolektibong pagkilos upang mapanatiling buhay at nag-aalab. Ang pagkakaroon mo ng malawak na kaalaman at sapat na kakayahan ang iyong magiging sandata upang maging kaisa ka sa pagpapanatili ng buhay at kinang nito. Paano nga ba tunay na maisasabuhay ang pagiging tapat sa salita at gawa?
3
Katapatan sa Salita at sa Gawa
Ang pangongopya sa klase sa oras ng pagsusulit o ng mga takdang-aralin ay isa ng lumalalang suliranin, hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo. Ito ay nakaaapekto, hindi lamang sa taong nangongopya kundi mas higit sa mga taong napipilitang makibahagi sa maling gawaing ito. Sa labis na pagiging laganap ng gawaing ito, hindi na kinikilala ng mga mag-aaral na mali ito. Labis na nakagugulat at nakalulungkot kung paano binibigyang-katwiran ng mga kabataan sa kasalukuyan ang kanilang mga pagkakamali. Ginagawa nilang tama ang mali at ang mali ay ginagawang tama.
4
Katapatan sa Salita
Ang salita ng tao na tumutulong sa atin upang maging ganap ay ginagamit at madalas na inaabuso; ang pagsisinungaling ay isang paraan ng pag-abuso rito. Ang pagsisinungaling ay pagbaluktot sa katotohanan, isang panlilinlang. Ang pagsisinungaling ay ang pagtatago ng isang bagay na totoo sa isang taong may karapatan naman dito.
Ayon sa isang artikulo mula sa internet ang sumusunod ay ang iba’t ibang uri ng pagsisinungaling.
5
Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Prosocial Lying).
Madalas na nagagawa ito para sa isang taong mahalaga sa kaniyang buhay. Halimbawa, pumunta kayo sa isang pagdiriwang sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong ibang mga kaibigan. Hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik nakaibigan dahil alam niya na hindi naman siya papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi na ninyo namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na pagagalitan siya ng kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang magsinungaling sa mga ito upang sabihin na ginabi kayo dahil sa paggawa ng proyekto sa inyong bahay. Ginawa mo ito dahil ayaw mong mapahamak ang iyong kaibigan
6
Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan (Self-enhancement Lying).
Marahil naoobserbahan mo ang ilang mga kaklase na nakagawa ng pagkakamali sa paaralan. May mga pagkakataon na ipinatatawag sa paaralan ang kanilang mga magulang. Ngunit sa halip na sabihin sa mga magulang ay makikiusap sa isang kakilala upang magpanggap na kaanak.
7
Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao (Selfish Lying).
May mga taong labis na makasarili. Ang tanging iniisip ay ang pansariling kapakanan at hindi na iniisip kung makasasakit ng kaniyang kapwa
8
Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial Lying).
Minsan kapag may galit tayo sa isang tao, lumilikha tayo ng maraming kuwento na makasisira sa kaniyang pagkatao. Ikakalat ito sa mga taong nakakikilala sa kaniya na may hangarin na sirain ang pagtingin ng mga ito sa kaniya.
9
Ibang mga dahilan kung bakit nagsisinungaling ang isang tao.
A. Upang makaagaw ng atensyon o pansin
B. Upang mapasaya ang isang mahalagang tao
C. Upang hindi makasakit sa isang mahalagang tao
D. Upang makaiwas sa personal na pananagutan
E. Upang pagtakpan ang isang suliranin na sa kanilang palagay ay seryoso o “malala”
10
KATOTOHANAN
Marahil dapat maunawaan ng bawat isa, gaano ba kahalaga ang mamuhay para sa katotohanan? Sa ganitong paraan, mas magiging madaling ipaunawa sa mga bata na mayroong kabuluhan ang pakikipaglaban para sa katotohanan, upang panindigan ang katapatan sa kaniyang salita at higit sa lahat sa gawa.
11
Pinakamahalagang dahilan sa pagsasabi ng totoo.
1. Ang pagsasabi ng totoo ang natatanging paraan upang malaman ng lahat ang tunay na mga pangyayari. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan, kalituhan at hindi pagkakasundo.
2. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa mga inosenteng tao upang masisi o maparusahan. Nangyayari ito sa mga pagkakataong ginagamit ang ibang tao upang mailigtas ang sarili sa kaparusahan.
12
Pinakamahalagang dahilan sa pagsasabi ng totoo.
3. Ang pagsasabi ng totoo ang magtutulak sa tao upang matuto ng aral sa mga pangyayari. Sabi nga nila, minsan masakit talaga malaman ang katotohanan ngunit mas magiging masakit kung ito ay pagtatakpan ng kasinungalingan.
4. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa. Ang tiwala ay inaani mula sa patuloy na pagpapakita ng magandang halimbawa ng katapatan sa kapwa.
13
Pinakamahalagang dahilan sa pagsasabi ng totoo.
5. Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento. Sa mahabang panahon gagawin mo ito para lamang mapagdugtong-dugtong ang mga kasinungalingang iyong kinatha.
6. Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa katotohanan – isang birtud na pinahahalagahan ng maraming tao.
7. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban.
KATAPATAN SA SALITA AT SA GAWA

Show answer
Auto Play
Slide 1 / 13
SLIDE
Similar Resources on Wayground
13 questions
Q4Q5 (ESP)
Presentation
•
8th Grade
9 questions
epp lesson
Presentation
•
KG
10 questions
Domáce zvieratá
Presentation
•
KG
11 questions
Letrang Kk
Presentation
•
KG
12 questions
TULA: PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN
Presentation
•
8th Grade
6 questions
Multimedia at Ako
Presentation
•
8th Grade
11 questions
karapatan at tungkulin
Presentation
•
9th Grade
13 questions
Oras Ko, Gagamitin Ko ng Wasto!
Presentation
•
9th Grade
Popular Resources on Wayground
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Fast food
Quiz
•
7th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Figurative Language Review
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
10 questions
Identify Fractions, Mixed Numbers & Improper Fractions
Quiz
•
3rd - 4th Grade
Discover more resources for Other
15 questions
Fast food
Quiz
•
7th Grade
17 questions
guess the logo
Quiz
•
8th Grade
10 questions
Candy
Quiz
•
4th - 8th Grade
10 questions
Fact Check Ice Breaker: Two truths and a lie
Quiz
•
5th - 12th Grade
10 questions
Memorial Day History and Traditions
Interactive video
•
5th - 8th Grade
20 questions
summer trivia
Quiz
•
8th Grade
14 questions
Volume of rectangular prisms
Quiz
•
7th Grade
15 questions
Middle School Fun Trivia Questions
Quiz
•
7th - 8th Grade