Search Header Logo
MAPEH

MAPEH

Assessment

Presentation

Other

4th Grade

Practice Problem

Medium

Created by

Edzel Madriaga

Used 13+ times

FREE Resource

19 Slides • 20 Questions

1

MAPEH 4

Arts, P.E. & Health Week 1-2

Slide image

2

Ano ang Paghahabi o Paglalala?

Ang paghahabi o paglalala ay isang paraan ng

pagsasalit-salit ng materyal gaya ng buri, pandan o pira-pirasong papel na iniaanyo pahaba o pagbalagbag upang makabuo ng kahanga-hangang disenyo. Kilala tayo sa buong mundo sa pagiging malikhain pagdating sa paghahabi.

3


Sa pamamagitan ng paghahabi ng banig na may iba’t ibang

disenyo, kulay, at materyales na ginagamit ay naipakikita ang

paniniwala, tradisyon at damdamin ng iba’t ibang pamayanang

kultural sa bansa.

Slide image

4

Ang bawat lugar dito sa Pilipinas o sa ibang bansa ay may natatanging disenyo na nagpapakita ng kanilang kultura at tradisyon tulad ng T’nalak ng mga T’boli sa Pilipinas na tinitina ang mga hibla ng abaca para makabuo ng magandang disenyo at ang Shibori ng Japan at Indonesia


5

Batik at pagtina-tali (tie-dye

Ang batik at pagtina-tali (tie-dye) ay isang kasiningang Indones ukol sa pagtitinang hadlang-pagkit (wax-resist dyeing) na ikinakapit sa buong tela. Nagmula itong kasiningan sa Java, Indonesia. Nagagawa ang batik sa pagguguhit ng mga tuldok at linya ng panghadlang gamit ang isang kagamitang pabuga na tinatawag na tjanting, o sa paglilimbag ng panghadlang gamit ang isang selyong tanso na tinatawag na cap. Pinipigilan ng ikinapit na pagkit ang pagtitina at nang sa gayon ay pinapayagan ang artisano na piliin ang kukulayin sa pagbababad ng tela sa isang kulay, pagtatanggal ng pagkit gamit ang kumukulong tubig, at pag-uulit nito kung ninanais ang maraming kulay.

6

Seersucker

Ang Seersucker ay isang uri ng magaan na tela na gawa sa koton na nagmula sa India. Ito ay ginawa ng isang proseso ng paghabi ng slack-tension, at karaniwang ginagamit upang makagawa ng mga suit at kamiseta na pinakaangkop para sa mainit na panahon. Ang mga suit ng Seersucker ay naging tanyag sa timog ng Estados Unidos, dahil ang magaan na pantalon at kamiseta ay ginawang perpektong tela para sa mainit na klima sa Timog.

7


Matatagpuan ang tradisyon ng paggawa ng batik sa mga iba't ibang bansa; gayunman, masasabi na ang batik ng Indonesia ang pinakakilala. Ang batik Indones na gawa sa pulo ng Java ay may mahabang kasaysayan ng akulturasyon, na may mga magkakaibang disyeno na naimpluwensyahan ng mga iba't ibang kultura, at ito rin ang pinakamalinang ayon sa disenyo, kasiningan, at kalidad ng pagkakagawa.

Naipapakita natin ang angking talino sa pagdidisenyo sa pamamagitan ng prosesong tie-dye at nakamamangha kung anong linya, hugis at elemento ng kulay ang makikita sa natapos na proyekto.

8

Mga Tradisyon ng Paglalala sa Pilipinas

May tradisyon ang mga Pilipino pagdating sa paghahabi ng

banig. Gumagamit sila ng iba’t ibang materyales at dahil dito

marami silang nabubuong disenyo. Narito ang iba’t ibang lugar

sa bansa na kilala sa paglalala ng banig.

9

May tradisyon ang mga Pilipino pagdating sa paghahabi ng

banig. Gumagamit sila ng iba’t ibang materyales at dahil dito

marami silang nabubuong disenyo. Narito ang iba’t ibang lugar

sa bansa na kilala sa paglalala ng banig.


10

Ang mga Samals ng Sulu naman ay karaniwang gumagamit ng dahon ng buri at pandan. Madalas, tinitina ang mga piraso ng mga ito at pinagtatagpi upang makabuo ng isang disenyo gamit ang apat na disenyo sa paghahabi. Ito ay ang stripes, square, checkered, at zigzag.

11

Sa disenyong stripes nakikita ang mga linyang pahilis sa banig at ang bawat stripes ay nag- iiba iba batay sa iba’t ibang kulay na ginamit sa paglalala.

12

Ang disenyong checkered naman ay may kumbinasyon ng mga linyang pahilis, pahiga, at patayo. Maaaring gumamit ng dalawa o maraming kumbinasyon ng kulay upang makita ang disenyo.

13

Ang disenyong parisukat o square ay makikita sa banig sa pamamagitan ng paglalala ng may parehong kulay upang

makabuo ng parisukat na porma.

14

Ang disenyong pa- zigzag naman ay nabubuo sa pamamagitan ng pagporma ng linyang pasigsag gamit ang parehong kulay o kumbinasyon ng mga kulay sa paglalala.

15

Ang bayan ng Libertad, Antique naman ay kilala rin sa paghahabi ng banig na naging isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan. Ang banig na ginawa sa bayang ito ay hinahangad sa lokal at dayuhang mga merkado dahil sa kaniyang natatangi at buhol-buhol na disenyo.


16

Gawain Pagkatuto Bilang 1

Panuto: Piliin ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at

MALI naman kung hindi ito wasto.

17

Multiple Choice

1. Ang Basey, Samar ay tanyag sa Pilipinas sa paglalala ng banig.

1

TAMA

2

MALI

18

Multiple Choice

2. Hindi maaaring gamitin ang mga dahon ng buri at pandan sa paglalala.

1

TAMA

2

MALI

19

Multiple Choice

3. Ang mga Samals ng Sulu ay kilala rin sa paglalala ng banig.

1

TAMA

2

MALI

20

Multiple Choice

4. Kilala tayo sa buong mundo sa pagiging malikhain sa paghahabi.

1

TAMA

2

MALI

21

Multiple Choice

5. Ang buhol-buhol na disenyo ay gawa ng mga taga Libertad, Antique.

1

TAMA

2

MALI

22

Gawain Pagkatuto Bilang 2

Panuto: Pumili ng tamang salita o mga salita. Upang mabuo ang ideya ng bawat pangngusap.

23

Multiple Choice

1. Ang _________________ ay isang paraan ng pagsasalit-salit ng materyal gaya ng buri, pandan o pira-pirasong papel na iniaanyo pahaba o pagbalagbag upang makabuo ng kahanga-hangang

disenyo.

1

dahon ng buri at

pandan

2

paniniwala, tradisyon

at damdamin

3

Basey, Samar

4

Libertad, Antique

5

paglalala

24

Multiple Choice

2. Ang ______________ ay sikat na lugar sa Pilipinas sa

paglalala ng banig.

1

dahon ng buri at

pandan

2

paniniwala, tradisyon

at damdamin

3

Basey, Samar

4

Libertad, Antique

5

paglalala

25

Multiple Choice

3. Ang mga Samals ng Sulu ay karaniwang gumagamit

ng ________________________sa paglalala.

1

dahon ng buri at

pandan

2

paniniwala, tradisyon

at damdamin

3

Basey, Samar

4

Libertad, Antique

5

paglalala

26

Multiple Choice

4. Ang bayan ng ____________________ ay kilala rin sa

paghahabi ng banig dahil sa kaniyang natatangi at

buhol-buhol na disenyo.

1

dahon ng buri at

pandan

2

paniniwala, tradisyon

at damdamin

3

Basey, Samar

4

Libertad, Antique

5

paglalala

27

Multiple Choice

5. Sa pamamagitan ng paghahabi ng banig na may

iba’t ibang disenyo, kulay, at materyales na

ginagamit ay naipakikita ang _____________________

ng iba’t ibang pamayanang kultural sa bansa.

1

dahon ng buri at

pandan

2

paniniwala, tradisyon

at damdamin

3

Basey, Samar

4

Libertad, Antique

5

paglalala

28

Gawain Pagkatuto Bilang 3

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan.

Piliin ang titik ng tamang sagot.

29

Multiple Choice

1. Ito ay isang kagamitan na karaniwang ginagamit sa pagtulog lalo na sa Pilipinas at sa Silangang Asya.

1

A. dahon

2

B. damit

3

C. banig

4

D. papel

30

Multiple Choice

2. Ano ang pangunahing kagamitan na kailangang ihanda

sa paglalala?

1

A. buri

2

B. damB. panulat

3

C. banig

4

D. pagkitit

31

Multiple Choice

3. Sa paglalala, anong prinsipyo ng sining ang makikita?

1

A. paulit-ulit

2

B. pasalit-salit

3

C. parayos-rayos

4

D. paekis-ekis.

32

Multiple Choice

4. Saang lugar dito sa Pilipinas ang may pinakatanyag na

disenyo ng banig na yari sa buri.

1

A. Romblon

2

B. Tawi-tawi

3

C. Basey

4

D. Iloilo

33

Multiple Choice

5. Paano lilitaw ang magandang disenyo sa paglalala?

1

A. gamitin ang makulay na tela

2

B. gamitin ang itim na kulay

3

C. gamitin ang malamlam

4

D. gamitin ang matingkad at malamlam na kulay

34

Gawain Pagkatuto Bilang 4

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

35

Multiple Choice

1. Ang ____ sa paglalala ng banig ay may kumbinasyon ng mga linyang pahilis, pahiga, at patayo?

1

A. Disenyong pazigzag

2

B. Disenyong parisukat

3

C. Disenyong stripes

4

D. Disenyong checkered

36

Multiple Choice

2. Paano magagawang madilim ang isang kulay?

1

A. Ilagay sa dakong madilim

2

B. Haluan ng puti ang kulay

3

C. Ilagay malapit sa ilaw

4

D. Haluan ng konting kulay itim

37

Multiple Choice

3. Paano lilitaw ang magandang disenyo sa paglalala?

1

A. Gamitin ang makulay na tela

2

B. Gamitin ang itim na kulay

3

C. Gamitin ang malamlam na kulay

4

D. Gamitin ang matingkad at malalamlam na kulay.

38

Multiple Choice

4. Ano ang dapat gawin matapos ang isang gawaing sining?

1

A. Itanghal ang gawa

2

B. Linisin ang pinaggawaan

3

C. Iligpit ang gamit

4

D. Ipamigay ang mga materyales

39

Multiple Choice

5. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagpapahalaga sa iba’t ibang likhang sining?

1

A. Pagbebenta

2

B. Pagtatanghal

3

C. Pamamahagi

4

D. Pagtatago

MAPEH 4

Arts, P.E. & Health Week 1-2

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 39

SLIDE