Search Header Logo
Mga Mahahalagang Tauhan sa Noli Me Tangere

Mga Mahahalagang Tauhan sa Noli Me Tangere

Assessment

Presentation

Other

9th Grade

Medium

Created by

Mary Reyes

Used 8+ times

FREE Resource

29 Slides • 16 Questions

1

Mga Mahahalagang Tauhan sa Noli Me Tangere

ARALIN 3&4

Slide image

2

CRISOSTOMO IBARAA

  • Pangunahing tauhan sa nobelang Noli Me Tangere. 

  • Anak ng pinakamayaman sa San Diego na si Don Rafael Ibarra. 

  • Nag-aral ng 7 taon sa Europa at bumalik sa San Diego dala ang pangarap at pag-ibig sa tinubuang bayan. 

Slide image

3

CRISOSTOMO IBARAA

  • Pangarap niyang makapagpatayo ng paaralan sa bayan ng San Diego upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga kabataan.

  • Ang mga prayle o pari ang siyang nagsilbing hadlang sa kanyang planong pagpapatayo ng paaralan dahil sa kasakiman at pansariling interes.

Slide image

4

CRISOSTOMO IBARAA

  • Kababata at kasintahan ni Maria Clara

  • Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral na may maunlad at makabagong kaisipan.

Slide image

5

CRISOSTOMO IBARAA

  • Kahinaan:

  • Lumaki sa ibang bansa kaya siya ay bulag sa kalupitan ng simbahan at pamahalaan sa Pilipinas.

  • Minamahal lamang niya ang bayan sapgkat narito ang kaniyang pag-ibig, kayamanan at kaibigan.

Slide image

6

MARIA CLARA DE LOS SANTOS Y ALBA O MARIA CLARA

· Kababata at iniirog ni Crisostomo Ibarra, ang bida ng mga nobela ni Rizal. 

Slide image

7

MARIA CLARA

  • Mahinhin, maganda, masunurin, mapagmahal at iba pang moralidad na bumubuo sa kalinisang-puri ng mga babae (Guerrero-Nakpil, 1999).

  • Inilarawan din ni Rizal si Maria Clara bilang isang mestiza, napakaputi, bilog ang mga mata, may malalalim na biloy sa magkabilang pisngi at may perpektong ilong. Ito ang naging pamantayan ng kagandahan sa Pilipinas.

  • Maganda at mayuming dalaga na nagpakita ng kahinaan sa simula subalit may panindigan sa huli.

8

MARIA CLARA

  • Si Maria Clara ay isang tauhan ni Rizal na kumakatawan sa maraming mukha ng kababaihan gaya ng pagiging mahina. Siya rin ang kumakatawan sa kababaihan sa panahon ng kolonyal na nakakulong sa patriyarkal na lipunang binuo ng mga Kastila. Ang kanyang pinong postura, at sopistikasyon ay sumisimbolo sa opresyong nararamdaman ng kababaihan.


  • Ginamit ni Rizal ang kaniyang karakter upang panumbalikin ang nawalang karapatan ng kababaihan sa lipunan. Ang kababaihan ay may karapatang tumindig para sa kanilang sarili. Hindi gaya ni Maria, na nakakulong sa tradisyon ng mga Kastila, karapatan ng bawat babae ang mag-isip, gumawa at magdesisyon para sa kanilang mga sarili.

9

MARIA CLARA

  • Maihahalintulad ang kaniyang karakter sa kababatang kasintahan ni Jose Rizal na si Leonor Rivera. 

  • Sumisimbolo siya sa pagiging mayumi at kadalisayan ng isang tunay na Pilipina

10

ELIAS

Isang misteryosong tauhan sa nobela na nagmula sa angkan ng mga inuusig o di kinikilala sa lipunan

Slide image

11

ELIAS

  • Siya ang tumulong kay Ibarra para makilala ang bayan

  • Mulat sa katotohanang nangyayari sa Pilipinas at nais niyang magkaroon ng pagbabago o reporma sa pamahalaan 

  • Siya ay sumisimbolo kay Andres Bonifacio o sa mga Pilipinong nais lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng sandata

Slide image

12

KAPITAN TIYAGO - DON SANTIAGO DE LOS SANTOS

• Mangangalakal na taga-Binondo at kinikilalang ama ni Maria Clara

Slide image

13

KAPITAN TIYAGO

  • Isa sa pinakamayaman sa Binundok dahil sa maraming negosyo at iba pang klase ng ari-arian

  • Naniniwala siyang lahat ng bagay ay may katapat na pera

  • Kumakapit siya sa mga taong mapapakinabangan niya

Slide image

14

KAPITAN TIYAGO

  • Kaibigan niya ang pamahalaan at simbahan

  • Sumisimbolo sa mga mayayamang Pilipino na sipsip at humahamak sa kaniyang mga kababayan sa paghahangad na makamit ang impluwensiya at kayamanan

Slide image

15

SISA - NARCISA

• Si Narcisa o mas kilala bilang Sisa ay ina nina Crispin (bunso) at Basilio (panganay). Inilalarawan siya sa Noli Me Tangere bilang isang babaeng maganda at kayumanggi. Bilang isang magandang dalagang Pilipinang nasadlak sa kahirapan at kawalan ng hustisya. (Hango sa https://therizalinerepublic.weebly.com/sisa.html)

Slide image

16

SISA-NARCISA

  • Ayon sa kilalang manunulat at naging diplomat na si Pura Santillan – Castrence, maaaring iniisip ni Rizal ang kanyang ina noong panahong sinusulat niya si Sisa.

  • Ipinakita ni Rizal sa pamamagitan ni Sisa ang mga karaniwang Pilipinong ina sa kanyang panahon bilang “dukha, mangmang, at kahabag-habag sa maling pagtitiis” (Ongoco 1960, 53). Ang representasyon na ito ni Sisa ay pagpapaalala ni Rizal sa kababaihan upang huwag mabuhay sa maling pagtitiis at arugain ang asawa’t anak sa tamang paraan (Ongoco 1960, 53).

17

SISA-NARCISA

• Sa katauhan ni Sisa, binubuhay ni Rizal ang pagsulong ng mga Filipina sa kanilang pantay-pantay na karapatan. Ang pagkabaliw ni Sisa ay ang sumasagisag sa kahinaan. Ito ay ang magiging hudyat ng pagsulong at paglaban ng mga Filipina sa hindi makatarungan paglilitis ng gobyerno, paghuhugas nang lipunan, at ang pang-aabuso ng mga nakakataas sa buhay. Si Sisa ang nararapat na sagisag ng pagbangon ng mga babaeng Filipina.

18

SISA-NARCISA

• Ang mga makabagong Sisa ay palagi nating nakikita sa mga balita sa radyo at telebisyon. Sila ay mga babaeng nakakaranas ng mga pag-aabuso sa kanilang mga tahanan, sa trabaho at sa lipunan. Dahil sa idealismo na ang mga babae ay “mas mababa” kumpara sa mga lalaki itinanim ng mga Kastila sa ating lipunan, maraming Filipina pa rin ang nakakaranas ng pang-aapi at hindi makatarungan pagtrato

19

SISA-NARCISA

• Ang layunin ni Rizal ay ang manawagan sa kababaihan na huwag magtiis at manahimik sa pang-aabuso at pagpapasakit ng asawa at lipunan. Hindi lamang dapat pinapairal ang puso sa pagmamahal at maging martir na asawa kung hindi magmahal nang wasto.  (Hango sa https://therizalinerepublic.weebly.com/sisa.html)

20

PADRE DAMASO

• Sinisimbolo niya ang mga taong may kapangyarihan sa lipunan natin ngayon. Katulad ni Padre Damaso, gusto rin nilang ipakita sa kanilang kapwa-tao na mas malakas at makapangyarihan sila, kaya maraming pera, at ginagawa nila ito sa maling paraan, sa halip ng paggawa ng tama. Dapat gamitin nila ang kanilang papel para sa mga mabubuting dahilan, hindi sa maling paraan, katulad ng ganitong korapsyon.

Slide image

21

PILOSOPO TASYO - ANASTACIO

• Isa sa mga tauhang walang kamatayan o di malilimot sa panitikang Pilipino dahil nilikha siya ni Rizal upang ilantad ang kanyang mahuhusay na ideya. Taglay niya ang katangian ni Rizal na mapagpuna sa mga nangyayari sa kapaligiran. Inspirasyon niya sa katauhan ni Tasyo ang kanyang nakatatandang katapid na lalaki na si Paciano dahil sa kanya rin siya humingi ng payo lalo na noong siya ay nasa ibang bansa. 

Slide image

22

PILOSOPO TASYO

Baliw ang tawag sa kanya ng mga mangmang o mga taong hindi nakauunawa sa kanya dahil siya ay may kakaibang isipan, kilos at pakikitungo sa kapwa


Pilosopo naman ang tawag sa kanya ng mga taong may pinag-aralan. Siya ang nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan

23

PILOSOPO TASYO

• Gumamit si Tasyo ng hiroglipiko sa lahat ng kanyang sulatin upang mabasa at maunawaan ito ng mga susunod na henerasyon 


hiroglipiko - isang uri ng pagsulat na pasagisag ang paglalarawan ng mga bagay upang hindi agad maintindihan ng mambabasa ang nakasulat


• Siya ang nilapitan ni Crisostomo Ibarra upang humingi ng payo hinggil sa kanyang panukala na magpatayo ng paaralan. 


24

PADRE SALVI - Padre Bernardo Salvi

• Isang batang pransiskano na humalili kay Padre Damaso sa bayan ng San Diego

Slide image

25

PADRE SALVI

• Masigasig siya sa pagtupad sa kanyang tungkulin sa simbahan at maingat mangalaga sa kanyang pangalan


· Hindi siya nananakit na tulad ni Padre Damaso ngunit mahilig siyang magpamulta sa tuwing may nakagagawa ng mali


• Isa siya sa itinuturing na makapangyarihan o cacique sa San Diego.  


26

PADRE SALVI - SIMBOLISMO

• Mga prayleng inaabuso ang kanilang kapangyarihan. Hindi lahat ng prayle ay mababait at maka-Diyos. 


• Gustong ipamulat sa mga Pilipino ang kasamaan ng mga prayle noon at walang sinuman ang nangahas lumaban dahil ito ay kasalanang mortal at kamatayan ang magiging resulta nito.

27

Slide image

MAY MGA KATANUNGAN PO BA TAYO?

28

Slide image

SIMULAN NATIN ANG PAGTATAYA

29

Fill in the Blanks

Type answer...

30

Fill in the Blanks

Type answer...

31

Fill in the Blanks

Type answer...

32

Fill in the Blanks

Type answer...

33

Fill in the Blanks

Type answer...

34

Multiple Choice

Kanser ng lipunan na masasalamin sa isinagawang magarbong handaan ni Kapitan Tiyago sa pagdating ni Crisostomo Ibarra mula sa 7 taong pananatili sa Europa.

1

Pagpapalakasan

2

Kaisipang kolonyal

3

Maluho at magastos

35

Multiple Choice

Ibig ipahiwatig ng pahayag ni Maria Clara na “Ibig kong malaman mong ako’y minsan lamang umibig at di ako magiging kaninuman.”

1

Ipinapakita rito ang pagiging tapat ni Maria Clara kay Ibarra.

2

Ipinapaalam ni Maria Clara kay Ibarra na mahal na mahal niya ito.

36

Multiple Choice

Bakit itinuturing ni Sisa na isang diyos ang kanyang asawa at anghel ang mga anak?

1

takot siya sa kanyang asawa at labis na mahal ang mga anak

2

hulog mula sa langit ang kanyang asawa’t mga anak

37

Multiple Choice

Ano ang pagbabagong hinihingi ng mga pinag-uusig o rebelde?

1

Igalang sa karangalan ng mga tao

2

Bawasan sa kapangyarihan ng kura at sibil

3

Magkaroon ng payapang pamumuhay

4

Lahat ng nabanggit

38

Multiple Choice

Naging matatag ba si Sisa sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay? Bakit?

1

Hindi dahil siya ay nabaliw nang mawala ang kanyang mga anak

2

Hindi dahil hinayaan niyang malulong ang sarili sa masasamang bisyo

39

Multiple Choice

"Tingnan mo ang mahinang tangkay na iyan. Siya'y yumuyuko kapag umiihip ang hangin na parang ikinakanlong ang sarili. Sapagkat kung siya'y magpapakatigas sa tayo, mababakli siya at malalagas ang kanyang mga talulot. Kaya pararaanin niya ang hangin saka siya muling tutuwid na taglay ang kanyang mga talulot. " ANO ANG NAIS IPAKAHULUGAN NG PAHAYAG?

1

Sunod-sunuran ang batas sa kamay ng simbahan dahil mas nakapangyayari ito

2

Pagpapakumbaba sa mga makapangyarihan

3

Kaapihan ng mga tao at kawalan ng hustisya sa bayan na magdudulot ng paghihimagsik

4

Hindi nakamit ang kalayaan

40

Multiple Choice

"Ang bayan po'y di dumaraing dahil siya'y pipi, di tumitinag dahil natutulog. Subali't darating ang panahong malalantad ito sa inyo at mapakikinggan ang kanyang mga panaghoy. Pagsapit ng araw na ito, sasambulat sa lahat ng dako ang mga naipong luha; himutok at buntong-hiningang sa matagal na panahong kinimkim sa puso ng bayan."ANO ANG NAIS IPAKAHULUGAN NG PAHAYAG?

1

Sunod-sunuran ang batas sa kamay ng simbahan dahil mas nakapangyayari ito

2

Pagpapakumbaba sa mga makapangyarihan

3

Kaapihan ng mga tao at kawalan ng hustisya sa bayan na magdudulot ng paghihimagsik

4

Hindi nakamit ang kalayaan

41

Multiple Choice

“Ang pamahalaa’y kasangkapan lamang ng simbahan. Ang pamahalaa’y naniniwalang kaya lamang siya natatag sapagkat nakasandig siya sa pader ng kumbento at babagsak kung siya’y iniwan”. ANO ANG NAIS IPAKAHULUGAN NG PAHAYAG?

1

Sunod-sunuran ang batas sa kamay ng simbahan dahil mas nakapangyayari ito

2

Pagpapakumbaba sa mga makapangyarihan

3

Kaapihan ng mga tao at kawalan ng hustisya sa bayan na magdudulot ng paghihimagsik

4

Hindi nakamit ang kalayaan

42

Multiple Choice

.” Mamamatay akong hindi nakikita ang ningnging ng bukang-liwayway sa aking bayan!” ANO ANG NAIS IPAKAHULUGAN NG PAHAYAG?

1

Sunod-sunuran ang batas sa kamay ng simbahan dahil mas nakapangyayari ito

2

Pagpapakumbaba sa mga makapangyarihan

3

Kaapihan ng mga tao at kawalan ng hustisya sa bayan na magdudulot ng paghihimagsik

4

Hindi nakamit ang kalayaan

43

Multiple Choice

Bakit sinabi ni Ibarra na wala siyang kakayahang magpasok ng pagbabago sa ating bansa gayong mayaman siya?

1

Wala siyang kapangyarihang makialam sa pamahalaan

2

Isa rin siyang Pilipino kaya wala rin lang mangyayari

3

Hindi niya alam kung sino ang kanyang lalapitan

4

Kagagaling lamang niya sa Espanya kaya wala siyang alam sa mga nangyayari sa Pilipinas

44

Multiple Choice

Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag ni Ibarra na di pa panahon upang magkaroon ng pagbabago ang ating pamhalaan

1

Wala siyang karapatan na magpasok ng pagbabago

2

Hindi pa handa ang mga tao sa pagbabago sa ating bansa

3

Gusto niyang manatiling sakop ng Espanya ang Pilipinas

4

Hindi pa panahon ng pagbabago dahil sakop tayo ng Espanya

45

Slide image

KUNG MAY MGA KATANUNGAN, MALAYA PONG SUMANGGUNI SA GURO...

Mga Mahahalagang Tauhan sa Noli Me Tangere

ARALIN 3&4

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 45

SLIDE