

MATH 1
Presentation
•
Mathematics
•
1st Grade
•
Hard
Lourdes Borja
Used 5+ times
FREE Resource
19 Slides • 0 Questions
1
MATH 1
Paglutas ng Suliranin Kasama ang Oras
(Araw sa Isang Linggo, Buwan sa Isang Taon,
Isa, Kalahati, at Sangkapat na Oras)

2
Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo ang pagsabi
at pagsulat ng tamang oras sa analog clock. Natutuhan
mo rin ang paglutas ng isang suliranin gamit ang iba’t
ibang pamamaraan.
3
Sa araling ito, matututuhan mo ang paglutas ng
suliranin kasama ang oras, araw sa isang linggo, buwan
sa isang taon, isang buo, kalahating oras, at sangkapat
na oras gamit ang angkop na pamamaraan.
4
Tingnan ang halimbawa sa ibaba. Suriin mo kung
paano ipinakita at inilarawan ang paglutas ng isang
suliranin.
5
Halimbawa 1:
Nagluto ng hapunan Si Aling Vilma para sa kaniyang mag-anak. Tumagal ang kaniyang pagluluto nang isang oras. Anong oras siya natapos magluto kung nagsimula siyang magluto ng Ika-6 at 30 minuto ng gabi
6
Mga tanong:
1. Anong buwan ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang araw ng mga puso? Sagot: Pebrero
2. Ano ang ika-6 na buwan ng taon? Sagot: Hunyo
3. Ano ang unang buwan ng taon? Sagot: Enero
4. Ano ang huling buwan ng taon? Sagot: Disyembre
7
Mga tanong:
1. Anong buwan ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang araw ng mga puso? Sagot: Pebrero
2. Ano ang ika-6 na buwan ng taon? Sagot: Hunyo
3. Ano ang unang buwan ng taon? Sagot: Enero
4. Ano ang huling buwan ng taon? Sagot: Disyembre
8
Solusyon: 6 : 30 p.m.
1 : 00
7 : 30 p.m.
Idagdag ang elapsed time na 1 oras o 60
minuto.
Ganap na Ika-7 at 30 minuto ng gabi o 30
minuto bago mag ika-8 ng gabi natapos
magluto si Aling Vilma.
9
Paglutas ng suliranin na may araw ng isang linggo.
Halimbawa 2:
Ganap na ika-5 ng Oktubre nagsimula ang unang
araw ng pasukan. Ito ay araw ng Lunes. Anong araw
ang ika-26 ng Oktubre?
10
Gamit ang kalendaryo tingnan kung paano nilutas
ang suliranin.
11
Solusyon:
Sa pamamagitan ng pagbilog ng mga araw sa kalendaryo, makikita natin na ang araw sa ganap na ika-26 ng Oktubre ay Lunes.
12
Iba pang solusyon: (Division Method)
26 – 5 = 21
21 ÷ 7 = 3
13
Makikita mo na walang natira o
remainder kapag ang 21 ay hinati sa 7 (7
araw sa isang linggo). Matutukoy mo
kung anong araw ang ika-26 ng
Oktubre. Dahil sa walang natira, ibig
sabihin pareho sila ng araw kung kailan
nagsimula.
Samakatuwid, ang araw na ika-26 ng Oktubre ay Lunes.
14
Halimbawa 3:
(Pagtukoy ng suliranin na may buwan sa isang taon) Ang kaarawan ni Aladino ay 2 buwan bago sumapit ang araw ng pasko. Anong buwan ang
kaniyang kaarawan?
15
Mga tanong:
1. Anong buwan ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang araw ng mga puso? Sagot: Pebrero
2. Ano ang ika-6 na buwan ng taon? Sagot: Hunyo
3. Ano ang unang buwan ng taon? Sagot: Enero
4. Ano ang huling buwan ng taon? Sagot: Disyembre
16
Tandaan:
May 12 buwan sa isang taon. Ang mga buwan na Enero, Marso, Mayo, Hulyo, Agosto, Oktubre, at Disyembre ay ang mga buwan na may 31 na araw. Ang mga buwan naman na Abril, Hunyo, Setyembre, at Nobyembre ay mga buwan na may 30 na araw lamang. Samantala, ang buwan ng Pebrero ay ang natatanging buwan na may 28 na araw lamang at 29 na araw kung leap year.
17
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawaing mabuti ang suliranin sa ibaba. Sagutin ang mga tanong sa ibaba at isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
18
Nagtungo si Lito sa bayan ng Sta. Cruz noong ika-12 ng Agosto. Magsisimula siya sa kaniyang
pag-eensayo kasama ang iba pang manlalaro
para sa darating na laban sa ika-8 ng Setyembre. Ilang
araw ang itatagal ng kaniyang pag-eensayo?
19
Mga tanong:
1. Sino ang manlalaro na nabanggit sa suliranin?
A.manlalaro B. Bata C. Lito
2. Ano ang itinatanong sa suliranin?
A.Araw ng itatagal ng pag-eensayo ni Lito
B. Ang araw ng laban ni Lito
C. Araw ng pag-alis ni Lito
D.Kailan uuwi si Lito
MATH 1
Paglutas ng Suliranin Kasama ang Oras
(Araw sa Isang Linggo, Buwan sa Isang Taon,
Isa, Kalahati, at Sangkapat na Oras)

Show answer
Auto Play
Slide 1 / 19
SLIDE
Similar Resources on Wayground
15 questions
Quarter 3: Math: Week 6
Presentation
•
2nd Grade
13 questions
MATEMATIK TAHUN 2: NILAI TEMPAT DAN NILAI DIGIT
Presentation
•
2nd Grade
15 questions
ASAS ALQURAN = HURUF ALHIJAIYYAH
Presentation
•
1st Grade
15 questions
Maikling Pagsusulit sa Filipino 1 (Q#1)
Presentation
•
1st Grade
15 questions
Katinig Mm, Ss at Bb
Presentation
•
KG
10 questions
Vui học tập tuần 12 - Khối 2
Presentation
•
2nd Grade
12 questions
Domination par les coûts 2
Presentation
•
1st Grade
15 questions
ADD
Presentation
•
1st Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
How much do you know about our Portrait of an Eagle?
Quiz
•
10th Grade
10 questions
Fast Food Slogans
Quiz
•
6th - 8th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Mathematics
20 questions
place value
Quiz
•
1st Grade
15 questions
Addition and Subtraction
Quiz
•
1st Grade
20 questions
Addition and Subtraction facts
Quiz
•
1st - 3rd Grade
20 questions
Place Value
Quiz
•
KG - 3rd Grade
10 questions
Identifying equations
Quiz
•
KG - University
15 questions
Place Value tens and ones
Quiz
•
1st Grade
15 questions
Addition and Subtraction Facts
Quiz
•
1st - 2nd Grade
10 questions
Two digit addition without regrouping
Quiz
•
1st - 2nd Grade