Search Header Logo
KABANATA 1 GRADE 9

KABANATA 1 GRADE 9

Assessment

Presentation

Other

9th Grade

Easy

Created by

Edelyn Gramaje

Used 5+ times

FREE Resource

14 Slides • 4 Questions

1

media

​KABANATA I

2

KABANATA 1 GRADE 9

by Edelyn Gramaje

3

​MAHAHALAGANG TANONG

4

Open Ended

Bakit kailangang alamin ang iba't ibang akdang pampanitikan mula sa Timog-Silangang Asya?

5

Open Ended

Paano naktutulong ang pagkakaroo ng malawak na kaalaman sa mga panitikang namayanisa Timog-Silangang Asya upang mapahalagahan ang pagiging Asyano?

6

​ Ang kabuoan ng kabanatang pag-aaralan mo ay tungkol sa iba't ibang panitikang nagmula sa Timog-Silangang Asya. Gaano kalawak ang nalalaman mo tungkol sa mga panitikan sa rehiyong ito ng Asya? Punan ang graphic organizer ng mga bagay na nalalaman mo tungkol sa Timog-Silangang Asya partikular ang mga bansang alam mong kabilang dito.

media

7

Open Ended

Magbanggit ng sampung (10) nalalaman mo tungkol sa mga panitikan sa rehiyong Timog-Silangang Asya.  

8

media

9

Ito naman ang mga akdang iyong mababasa sa kabuoan ng kabanatang ito: Tahanan ng isang Sugarol, Timawa, Puting Kalapati Libutin Itong Sandaigdigan, Tatlong Mukha ng Kasamaan, at Makapaghihintay ang Amerika. May ideya ka ba tungkol sa mga ito?

Ngayon naman ay bibigyan kita ng maikling kaalaman tungkol saa mga akdang mababasa mo sa kabanatang ito sa pamamagitan ng mga buod nito. Siguradong kasasabikan mong basahin ang bawat akdang ito dahil sa mga kaalaman at aral na iyong makukuha rito.

10

ARALIN 1

​TAHANAN NG ISAANG SUGAROL

Ito'y isang maikling kuwento mula sa Malaysia na tumatalakay sa isang napapanahong paksa: ang pagmamalupit ng mga lalaki sa kanilang kabiyak o tinatawag na "domestic violence." Sa akdang ito makikita rin ang masaklap na kinahahantungan ng mga kabataang babaeng ipinagkakasundo sa kasal sa napakamurang edad. Nakapagmumulat ang akdang ito kaya nararapat basahin ng sinuman lalong-lao na ng mga kabataan upang magabayan silang huwang munang sumabak sa mga seryosong desisyon tulad ng pag-aasawa nang wala sa tamang panahon.

media

11

ARALIN 2

TIMAWA​

Mula sa Pilipinas ang nobelang ito na isinulat ni Agustin C. Fabian. Tampok dito ang kuwento ng buhay ni Andres Talon. Siya ay isang binatang nagmula sa hirap at hinimak sa sariling nayon subalit sa halip na magmukmok at tanggapin na lang ang kapalaran ay bumangon at kinasangkapan ang kinamulatang kahirapan at pagsubok sa buhay upang mabago ang takbo ng kanyang buhay. nakipagsapalaran siya sa Estados Unidos hanggang sa maging isang ganap na doktor sa kabila ng di birong hirap na dinanas. Nang sumiklab ang digmaan ay napabilang siya sa pangkat ng mga doktor na ipinadala ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos upang maglingkod sa Pilipinas.

​ Tunghayan sa akda kung paano niya isinalaysay ang kanyang karanasan at buhay sa nakaraan na nagbigay-liwanag sa kanyang aksiyon at kils partikular sa pakikitungo sa kanyang mga kasamahan sa trabaho.

media

12

​ARALIN 3

​PUTING KALAPATI LIBUTIN ITONG SANDAIGDIGAN

Isang tulang pangkapayapaan ang mababasa sa araling ito sa panulat ni Usman Awang mula sa Malaysia. Alamin kung ano ang magagawa ng kalapati sa paglibot nito sa buong mundo at ng kalapating sa paglibot nito sa buong mundo at kung ano ang sinisimbolo nito sa buhay ng tao.

media

13

​ARALIN 4

​TATLONG MUKHA NG KASAMAAN

Isang sanaysay ang tampok sa araling ito na isinulat ng dating Prime Minister ng Burma (Myanmar). Dito ay kanyang tinalakay ang kalagayang sosyal ng kanilang bayan at kung ano ang mga bagay na dapat iwasan upang matalo ang kasamaang kanyang binabanggit.

media

14

​ARALIN 5

​MAKAPAGHIHINTAY ANG AMERIKA

Isang mahusay na doktor ang makikilala mo sa dulang ito ngunit gaya ng isang pangkaraniwang ama ng tahanan ay nais niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya at naniniwala siyang hindi niya ito magagawa kung mananatili siya sa Pilipinas. Alamin kung bakit sa huling bahagi ng dula ay nasabi niyang makapaghihintay ang Amerika at paano siya nakumbinsi ng kanyang pamilyang manatili na lamang sa bansang sinilangan.

media

15

Basahin at sagutin ang mga mahahalagang tanong na siya ring mahahalagang tanong na inyong sasagutin sa pag-aaral ng kabanatang ito. Mag-isip o magdagdag pa ng mahahalagang tanong na sa iyong palagay ay maaari ding masagot sa pag-aaral ng kabanatang ito tungkol sa akdang nagmula sa Timog-Silangang Asya.

16

Open Ended

Mag-isip o magdagdag pa ng  dalawa o higit pang mahahalagang tanong na sa iyong palagay ay maaari ding masagot sa pag-aaral ng kabanatang ito tungkol sa akdang nagmula sa Timog-Silangang Asya.

17

SANGGUNIAN:

Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma (Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan)​

18

SALAMAT​

CARITAS CHRISTI URGET NOS​

media

​KABANATA I

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 18

SLIDE