Search Header Logo
Pagsulat gamit ang Malaking Titik, Tuldok at Kuwit

Pagsulat gamit ang Malaking Titik, Tuldok at Kuwit

Assessment

Presentation

Other

3rd Grade

Easy

Created by

Piya Eusebio

Used 4+ times

FREE Resource

4 Slides • 3 Questions

1

Pagsulat gamit ang Malaking Titik, Tuldok at Kuwit

by Sophya Eusebio

2

​Ang malaking titik (capital letters) ay ginagamit sa mga sumusunod:

​Pantanging pangngalan (names of a person): Mina, Binibining Cruz, Doktor Dela Rosa

​Ngalan ng araw (days): Lunes, Martes, Miyerkules

Ngalan ng buwan (months): Enero, Hulyo, Disyembre

​Mga pagdiriwang (celebrations/occassions): Pasko, Bagong Taon, Araw ng Paggawa

​Pamagat (titles): (aklat, kuwento, dyaryo) Ang Matsing at Ang Pagong

Pangngalan ng Maykapal (Names of God): Diyos, Panginoon, Allah

​Pantanging ngalan ng lugar, bagay o hayop (Specific name sof places, things and animals): Pampanga, Zamboanga, Safeguard, Colgate, Kitty, Oreo

​Simula ng isang pangungusap: Si Mina ay mabait.

3

Open Ended

Paano sinusulat ang mga sumusunod nang may wastong gamit ng malaking titik?

1. marso

2. pasko

3. diyos

4. lina

5. sunsilk

6. davao

7. si kiko matsing 

8. ang bata ay maingay.

4

​Narito ang ilang gamit ng bantas na tuldok (.)

​Panapos sa pangungusap: (end the sentence with)

Si Mina ay mahilig magbasa.

Sa pangngalang dinaglat (pinaikling pangalan) (shortened name/titles)

Ginoo- G. (lalaki): G. Cruz (Mr. Cruz)

Ginang - Gng. (Babae) Gng. Myrna (Mrs. Myrna)

Binibini- Bb. (Babae) Bb. Mikaela (Ms. Mikaela)

​Phoenix Publishing House, Inc. (Ang INC. ay dinaglat/pinaikli na Incorporated)

5

Open Ended

Paano ang tamang pagkakasulat ng mga sumusunod?

1. bb sofia

2. gng marites

3. g. joel

4. si nina ay masayahin

5. national bookstore inc

6

​Paggamit ng Kuwit (,)

​Paghihiwalay ng mga salita sa serye (series of words)

​- aklat, lapis at papel

​Paghihiwalay ng petsa sa taon (date)

​-Hunyo 5, 2016

​Paghihiwalay ng barangay, bayan (town), lungsod (city), lalawigan (region), bansa (country)

​- San Andres Bukid, Manila, Metro Manila, Philippines

​Dulo ng bating panimula ng liham (greeting in letters)

​-Mahal kong Mila, (Dear Mila,)

​Dulo ng bating pangwakas ng liham (closing remarks of a letter)

​- Ang iyong kaibigan, (Your friend,)

7

Open Ended

Isulat ng tama ang mga sumusunod:

1. disyembre 25 2021

2. santa ana manila

3. mahal kong kaibigan

4. aklat lapis papel pambura

5. ang iyong kaibigan

Pagsulat gamit ang Malaking Titik, Tuldok at Kuwit

by Sophya Eusebio

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 7

SLIDE