Search Header Logo
Modyul 3: Mga Pahayag sa Pagbibigay  Pananaw

Modyul 3: Mga Pahayag sa Pagbibigay Pananaw

Assessment

Presentation

World Languages

10th Grade

Hard

Created by

Ana Mae Santos

Used 5+ times

FREE Resource

34 Slides • 13 Questions

1

media

Modyul 3: Mga Pahayag sa Pagbibigay Pananaw

ni Ana Mae Santos

2

media

Piliin ang angkop na ekspresiyon ng bawat pahayag upang mabuo ang konsepto ng pananaw sa bawat bilang.

3

Multiple Choice

1. _________________ Counsels on Diet and Food ay binanggit na ang mga tinapay na tatlong araw nang nakaimbak ay mas mabuti sa ating katawan kung ihahambing sa bagong luto at mainit na tinapay.

1

Sa ganang akin

2

Sa palagay ng

3

Batay sa

4

Ayon sa

5

Sa tingin ng

4

Multiple Choice

2. _________________ maraming Pilipino, ang pagkapanalo ni Manny Paquiao sa sunod-sunod niyang laban ay nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang kaniyang karera sa pagboboksing.

1

Sa ganang akin

2

Sa palagay ng

3

Batay sa

4

Ayon sa

5

Sa tingin ng

5

Multiple Choice

3. _________________, ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga proyekto ng pamahalaan matapos mabatid ang matinding korapsiyon ng ilang politiko.

1

Sa ganang akin

2

Sa palagay ng

3

Batay sa

4

Ayon sa

5

Sa tingin ng

6

Multiple Choice

4. _________________ Department of Social Welfare and Development,

mapanganib din sa mga bata ang paglalaro ng mga marahas na internet game

lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang isang bata.

1

Sa ganang akin

2

Sa palagay ng

3

Batay sa

4

Ayon sa

5

Sa tingin ng

7

Multiple Choice

5. _________________ mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang

pinakabatang miyembro ng komunidad sa posibleng epekto ng climate change

sa sangkatauhan upang magkaroon ng kamalayan sa tamang pangangalaga

ng mundo.

1

Sa ganang akin

2

Sa palagay ng

3

Batay sa

4

Ayon sa

5

Sa tingin ng

8

Open Ended

Panuto: Pagtambalin ang mga salitang nasa loob ng kahon na magkatulad o

magkaugnay ang kahulugan at gamitin sa sariling pangungusap. Gayahin ang

pormat na nasa ibaba sa iyong sagutang papel.

nagliliyab pagmasdan malalim na pag-iisip mahirati

pagmasid mahirap intelektuwal mahumaling

9

Open Ended

Tumutukoy ito sa akdang tuluyan na nagpapahayag ng  saloobin o pananaw tungkol sa isang paksa. Ayusin ang gulo-gulong letra  upang maibigay ang tinutukoy ng pahayag.

SNASAYAY

10

Open Ended

Kung saka-sakaling gaganapin ang eleksyon ngayon, at maaari na kayong bumoto, ano ang batayan ninyo sa pagpili ng iboboto? Bakit?

11

media

Sanaysay ang tawag sa isang akdang pampanitikang nagpapahayag ng sariling

opinyon o kuro-kuro. Isa itong uri ng akda na nasa anyong tuluyan.

12

media

Makikita sa salitang “sanaysay” ang mga salitang “sanay” at “salaysay.”

Kung pagdurugtungin ang dalawa, puwedeng sabihin ang “sanaysay” ay

“salaysay” o masasabi ng isang “sanay” o eksperto sa isang paksa.

13

media

Karaniwang ang paksa ng mga sanaysay ay tungkol sa mga kaisipan at bagay-bagay na maaaring kapulutan ng mga impormasyon na makatutulong sa pagbuo ng sariling pananaw.

14

media

Tatlong Bahagi o Balangkas ng Sanaysay

15

16

media

1. Simula – Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing paksa,kaisipan o pananaw ng may-akda at kung bakit mahalaga ang paksang

tinatalakay.

17

media

2. Gitna o Katawan – Inilalahad sa bahaging ito ang mga pantulong na idea at iba pang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang patunayan, o suportahan ang inilahad na pangunahing kaisipan.

18

media

3. Wakas – Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuoan ng sanaysay, ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan,

at katuwirang inisa-isa sa katawan ng akda.

19

media

Ang Pangunahing Paksa at mga Pantulong na Detalye

20

media

1. Pangunahing Paksa – tumutukoy ito sa sentro o pangunahing tema sa talata. Kadalasan ay makikita sa unang pangungusap (simula) at/o huling pangungusap (konklusyon/wakas).

21

media

Halimbawa:

Kaming mag-asawa ay nagkakaroon ng mga problema. Ang aking asawa ay mahilig gumasta ng pera, samantalang ako ay matipid. Mahilig din siyang lumabas ng gabi kung kailan naman tulog na ako. Gusto rin niya ng mga isport pero ayaw ko naman ng mga iyon.

22

media

2. Mga Pantulong na Detalye – mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa paksang pangungusap.

23

media

Halimbawa:

Kaming mag-asawa ay nagkakaroon ng mga problema. Ang

aking asawa ay mahilig gumasta ng pera, samantalang ako ay matipid. Mahilig din siyang lumabas ng gabi kung kailan naman tulog na ako. Gusto rin niya ng mga isport pero ayaw ko naman ng mga iyon.

24

media

Mga Elemento ng Sanaysay

25

media

Tema

Anyo at Estruktura

Kaisipan

Wika at Istilo

Larawan ng Buhay

Damdamin

Himig

26

media

​Panoorin ang "Ang Ningning at Ang Liwanag"

mula sa Liwanag at Dilim ni Emilio Jacinto sa https://drive.google.com/file/d/12ZtVGn9xBhH-KGHKiE8VwDJkb4oq1mMi/view?usp=sharing

​2:45 - 6:36

​Maaari rin itong basahin sa https://drive.google.com/file/d/1ly9nNbIR6CFy8ucHhNcAwUJCWvcywMrm/view?usp=sharing

​sa pahina 15 at 16

27

media

1. Ano ang pangunahing kaisipan ng binasang sanaysay?

28

media

3. Tukuyin ang mga pangyayaring binanggit ng may-akda tungkol sa kalagayang palipunan noong panahong naisulat ito.

29

media

3. Tukuyin ang mga pangyayaring binanggit ng may-akda tungkol sa kalagayang palipunan noong panahong naisulat ito.

30

media

5. Sa sanaysay na nabasa, magbigay ng tigdadalawang bahaging nagpapatunay

na ito’y nagpapahayag ng opinyon o katotohanan?

31

media

Pahayag sa Pagbibigay ng Pananaw ay magagamit sa mabisang pagbibigay ng kuro-kuro, opinyon, saloobin o perspektibo sa pagsulat ng sanaysay.

32

media

Mga Ekspresiyong Nagpapahayag ng Pananaw – Inihuhudyat ng mga

ekspresiyong ito ang iniisip, sinasaad, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao.

33

media

1. Ayon, Batay, Alinsunod, Sang-ayon sa – ginagamit natin ang mga ekspresiyong ito kung mayroong matibay na batayan ng pahayag. Samakatuwid, katotohan ang isinasaad nito na maaaring magsaad ng idea o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat ng tao.

Mga Halimbawa:

a. Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20: Series of 2013 ng

Commision On Higher Education na pinagtitibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim ng General Education Curriculum o GEC sa taong 2016.

34

media

b. Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

c. Alinsunod sa itinakda ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”

d. Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, “Habang may sariling wika ang isang bayan, taglay niya ang kalayaan.”

35

media

2. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay, inaakala, iniisip ni/ng – ginagamit ang mga ekspresyong ito batay sa sariling paniniwala, idea, saloobin at perspektibo. Samakatuwid, opinyon ang isinasaad nito na hindi maaaring mapatunayan.

Mga Halimbawa:

a. Sa paniniwala ko, ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.

36

media

b. Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan.

c. Sa tingin ng maraming guro, ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi lamang nakasalalay sa kanila kundi maging sa mga magulang sa

pagbibigay ng patnubay at suporta sa kanilang mga anak.

37

media

d. Pinaniniwalaan kong higit na dapat pagtuonan ng pamahalaan ang isyu tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.

e. Sa tingin ng maraming guro, ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi lamang nakasalalay sa kanila kundi maging sa mga magulang sa

pagbibigay ng patnubay at suporta sa kanilang mga anak.

38

media

1. Sa isang banda, Sa kabilang dako – ginagamit natin mga ekspresyong ito kung magbabago ang tema at paksa ng pinag-uusapan sa isang pahayag.

Mga Halimbawa:

a. Sa isang banda, mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan ang mga anomalya sa kanilang pamahalaang lokal nang sa gayo’y masuri nila kung sino ang karapat-dapat na ihalal para mamuno sa kanilang lungsod.

39

media

2. Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika hindi tuloy malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa kamay ng mga politikong pinagkatiwalaang mamuno dito.

 

40

media

3. Samantala, Habang – ginagamit ang samantala sa mga kalagayang mayroong taning o "pansamantala." Ginagamit naman ang habang kung ang isang kalagayan ay walang tiyak na hangganan, o "mahaba."

Mga Halimbawa:

a. Samantala, mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano nila nais makita ang kanilang bansa sa susunod na mga taon. Matalinong pagpapasya ang kailangan kung sino ang karapat-dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto.

b. Maraming mga tao ang lugmok sa kahirapan habang ang iba ay

nagpapakasasa sa kaban ng bayan.

41

media

Piliin ang pinakaangkop na sagot upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

42

Multiple Choice

1. _________________ tauhang si Psyche sa Mitolohiya, “Kapag mahal mo ang

isang nilalang, ipaglalaban mo ito.”

1

Ayon sa

2

Sa paniniwala ko

3

Alinsunod sa

4

Sa tingin ko

5

Inaakala ng

43

Multiple Choice

2. _________________ Ordinansa, upang maiwasan ang pakalat-kalat na mga

alagang hayop, nagpanukala ang bayan na “aso mo, itali mo.”

1

Ayon sa

2

Sa paniniwala ko

3

Alinsunod sa

4

Sa tingin ko

5

Inaakala ng

44

Multiple Choice

3. _________________, kahit maraming problema sa pamilya, hindi ito ang

hadlang upang makamit niya ang tagumpay sa buhay.

1

Ayon sa

2

Sa paniniwala ko

3

Alinsunod sa

4

Sa tingin ko

5

Inaakala ng

45

Multiple Choice

4. _________________ maraming mag-aaral, ang tanging makapagpapaunlad sa

kanilang pamumuhay ay ang makapagtapos ng pag-aaral.

1

Sang-ayon sa

2

Sa paniniwala ko

3

Alinsunod sa

4

Sa tingin ko

5

Inaakala ng

46

Multiple Choice

5. _________________, kailangan ang pagkakaisa ng mamamayan upang

mapalago at mapaunlad ang pamumuhay ng indibidwal sa isang lipunang

kinagagalawan o kinabibilangan.

1

Sang-ayon sa

2

Sa paniniwala ko

3

Alinsunod sa

4

Sa tingin ko

5

Inaakala ng

47

​Pangkatang Gawain:

​Suriin ang sanaysay na nakaatang sa inyong pangkat.

Pagsusuri ng Sanaysay

BAHAGI​

Simula

Gitna

Wakas

PAKSA

Pangunahing Paksa

Pantulong na Detalye

ELEMENTO

Tema

Anyo at Estruktura

Kaisipan

Wika at Istilo

Larawan ng Buhay

Damdamin

Himig

media

Modyul 3: Mga Pahayag sa Pagbibigay Pananaw

ni Ana Mae Santos

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 47

SLIDE