Search Header Logo
Ilipat(Performance Task) Aralin 1: Isang Pagbabagong-Anyo ni Palunsai

Ilipat(Performance Task) Aralin 1: Isang Pagbabagong-Anyo ni Palunsai

Assessment

Presentation

World Languages

7th Grade

Easy

Created by

Aisa Calabes

Used 3+ times

FREE Resource

10 Slides • 1 Question

1

Ilipat(Performance Task) Aralin 1: Isang Pagbabagong-Anyo ni Palunsai

by Aisa Calabes

2

​PANUTO:

Basahing mabuti ang akdang ito. Magsulat ng limang kultura ng Cordillera na nabanggit sa akdang binasa.

3

Si Busol at ang mga Ibaloi

"Takbo! Takbo! Ayan na si Busol!!" Si Busol ay isang higante na kaaway ng mga Ibaloy. Tinatakot ni Busol ang mga bata. Sinasaktan niya ang mga dalaga at binata. Sinisira niya ang tanim ng mga Ibaloy. Pinapatay niya ang alagang hayop ng mga Ibaloy. Kapag hinihigop ni Busol ang tubig sa ilog, walang mainom ang mga Ibaloy. "Shruuuppp...Ang sarap ng tubig," sabi pa ni Busol.

4

Isang araw ay nagpulong ang mga Ibaloy. "Lumaban tayo kay Busol," sabi ng lahat. "Patayin si Busol!" sigaw ng lahat. Nagbalak ang mga Ibaloy kung paano papatayin ang higante.

Si Balitok at si Kabigat ang nagpunta sa kuweba ni Busol. Sila ay magkapatid na Ibaloy.

5

Parehong matapang sina Balitok at Kabigat. Busoool! May kanyaw ang mga Ibaloy!" sigaw ni Balitok. Busoool! Maraming pagkain sa kanyaw!" sigaw ni Kabigat. Busoool! Maraming alak sa kanyaw!" sigaw ng magkapatid

6

Kumilos si Busol sa loob ng kuweba. Narinig niya ang salitang "pagkain." Narinig niya ang salitang "alak." "Darating si Busol! Kakain sa kanyaw si Busol! Iinom ng alak sa kanyaw si Busol!"

7

Nang malaman ng mga Ibaloy ang sagot ni Busol, agad silang naghanda ng kanyaw. Nagluto sila ng maraming pagkain. Nag-ipon sila ng maraming tapoy o alak na gawa sa bigas. Nag-aral ng sayaw ang mga babae. Ang mga lalaki naman ay naghukay ng isang malalim at maluwang na balon. Nilagyan nila ito ng matutulis na sibat, saka tinakpan ng kawayan at damo.

8

Lamon, Busol, lamon." "Inom, Busol, inom." Binundat ng mga Ibaloy ang higante at nilasing nang nilasing. Nagsayaw naman ang mga babae. "Sayaw, Busol, sayaw!" "Sayaw, Busol, sayaw!" Lasing na ang higante kaya sumayaw ito ng sumayaw. At ginawa ang huling hakbang. Naglulundag ang mga Ibaloy. "Lundag, Busol, lundag!" "Lundag, Busol, lundag!" Lumundag naman nang lumundag ang higante.

9

Krass! Krass! Nahulog sa hukay si Busol. Namatay ang salbaheng higante. Tuwang -tuwa ang mga Ibaloy sa pagkamatay ni Busol. Nagpatuloy ang kanilang awitan at sayawan. Naging tunay na kanyaw ang kanilang pagdiriwang.

10

​Ang binasang akda ay isang kuwentong-bayan galing sa tribong Ibaloi sa Benguet. Mababasa sa akda ang ilan sa mga Kultura ng Ibaloi dito sa Cordillera. Ang kultura ay tumutukoy sa mga ritwal, kaugalian, tradisyon, pamumuhay, pananamit, paniniwala at iba pa ng isang partkular na grupo ng tao.

11

Open Ended

Gawain:

Magsulat ng limang kultura ng Ibaloi dito sa Cordillera na nabasa sa akda.

Ilipat(Performance Task) Aralin 1: Isang Pagbabagong-Anyo ni Palunsai

by Aisa Calabes

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 11

SLIDE