Search Header Logo
Q1 W5 ESP5

Q1 W5 ESP5

Assessment

Presentation

Other

5th Grade

Medium

Created by

Chatleen Til-adan

Used 2+ times

FREE Resource

7 Slides • 19 Questions

1

Q1 W5 ESP5

by Chatleen Til-adan

2

Pagkakaisa sa Pagtatapos ng Gawain

3

​Gawain sa Pagkatuto 1

Piliin ang ibig sabihin ng pahayag

4

Multiple Choice

paggawa ng di inuutusan

1

 a. tungkulin

2

b. pagtutulungan

3

c. pagkukusa

4

d. pagkakaisa

5

e. gawain

5

Multiple Choice

kooperasyon sa gawain

1

 a. tungkulin

2

b. pagtutulungan

3

c. pagkukusa

4

d. pagkakaisa

5

e. gawain

6

Multiple Choice

inaasahang gampanin

1

 a. tungkulin

2

b. pagtutulungan

3

c. pagkukusa

4

d. pagkakaisa

5

e. gawain

7

Multiple Choice

sama-samang paggawa

1

 a. tungkulin

2

b. pagtutulungan

3

c. pagkukusa

4

d. pagkakaisa

5

e. gawain

8

Ang pangkat ni Ben ay inatasan ng kanilang guro sa

Araling Panlipunan na magpakita ng isang katutubong sayaw.

Bilang lider ng grupo, kaagad nagpatawag si Ben ng pagpupulong

sa kanilang mga kasama. Lahat sila ay may kani-kaniyang gawain

na dapat gampanan. Kaagad naman nilang ginawa ang mga ito ng

may pagkukusa.

Sa araw ng kanilang pagtatanghal ay naging maganda ang

kanilang presentasyon. Lahat ay napahanga lalong-lalo na ang

kanilang guro. Tinanong sila kung paano nila ito nagawa ng

maayos sa maikling panahon. Napangiti lamang si Ben at sumagot

ng maikling tugon, “Ang tingting kapag pinagsama-sama ay nagiging

matibay”.

​Basahing mabuti ang kuwento at sagutin ang sumusunod na mga tanong.

9

Open Ended

1. Ano ang katangiang ipinakita ng pangkat ni Ben?

10

Open Ended

2. Paano ginampanan ni Ben ang kaniyang tungkulin bilang lider ng grupo?

11

Open Ended

3. Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi tumulong ang mga

kasapi ng grupo sa kanilang gawain?

12

Open Ended

4. Kung ikaw ay bahagi ng pangkat ni Ben, ano ang mararamdaman mo?

Bakit?

13

Open Ended

Ipaliwanag ang kasabihan, “Ang tingting na pinagsama ay nagiging

matibay”.

14

​Suriin

​ Ang pagkakaisa ay makatarungang kilos. Bakit? Kasi, sa pakikiisa, ibinibigay

mo sa kapuwa kung ano ang nararapat. Kung kaya mahalaga ito sa pagtatapos

ng anumang gawain. Patunay na may pagkakaisa sa pangkat ang pag-iral

ng pagtutulungan, pakikilahok at pagkukusa.

​May pagtutulungan kung sama-sama ang lahat sa paggawa upang matamo

ang layunin. Anumang gawain, basta’t tulong-tulong ang bawat miyembro, ay

magiging magaan ito.

Bawat miyembro ng pangkat ay may mahalagang tungkulin na dapat gawin.

Ang pagpapahalaga sa tungkulin ay naipababatid sa pakikilahok at

pagkukusangloob.

15

​Ang pakikilahok o kooperasyon ay pahayag ng pagsuporta sa ikatatagumpay ng gawain. Tanda rin ito ng pagpapahalaga sa iniatas na tungkulin sa pangkat. Mas malalim ang kahulugan ng pakikilahok kung ito ay kinusa. Ang pagkukusa obolunterismo ay malayang pagkilos o pagganap para sa kabutihang panlahat.

Patunay ito sa pagmamahal at pagmamalasakit mo sa iyong gawain at kapangkat. Malaki man o maliit, ang iyong ambag sa pagtatapos ng isang gawain o proyekto ay may halaga.

16

​Gawain Pagkatuto 3

Piliin ang masayang mukha kung ang pahayag sa ibaba ay nagpapakita

ng pagkakaisa sa paggawa at malungkot na mukha kung hindi.

17

Multiple Choice

1. Pagdalo sa mga pagpupulong ng mga miyembro ng pangkat.

1
2

18

Multiple Choice

2. Pakikilahok sa palitan ng opinyon kung paano gagawin ang proyekto.

1
2

19

Multiple Choice

3. Pagsasaliksik sa silid-aklatan kung paano higit na mapabubuti ang paggawa.

1
2

20

Multiple Choice

4. Patuloy na paglalaro samantalang gumagawa ng proyekto ang mga kasamahan.

1
2

21

Multiple Choice

5. Pakikinig sa opinyon ng ibang miyembro ng pangkat.

1
2

22

Multiple Choice

6. Pagsunod sa utos ng pinuno ng pangkat.

1
2

23

Multiple Choice

7. Pamimintas sa ideya ng kasama.

1
2

24

Multiple Choice

8.Pagtulong sa kasama na tapusin ang bahagi nito sa proyektong ginagawa

pagkatapos gawin ang sariling bahagi.

1
2

25

Multiple Choice

9. Pagtatago ng mga materyal na kailangan upang hindi magamit ng kasama.

1
2

26

Multiple Choice

10.Pagbati sa mga kasama kapag natapos ang proyekto.

1
2

Q1 W5 ESP5

by Chatleen Til-adan

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 26

SLIDE