Search Header Logo
Q3W2-Filipino

Q3W2-Filipino

Assessment

Presentation

Other

6th Grade

Hard

Created by

ROSEMINDA BUEN

Used 13+ times

FREE Resource

15 Slides • 5 Questions

1

Q3W2-Filipino

PAG IISA-ISA NG ​MGA ARGUMENTO NG BINASANG TEKSTO

By ROSEMINDA BUEN

2

1.  Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan (F6PN-IIIe19)

2.  Naiisa-isa ang mga argumento sa binasang teksto (F6PB-IIIe-23)

3

BALIK-TANAW:

Basahin ang nilalaman ng isang tekstong pang-impormasyon at sagutin ang kasunod na mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.

4

Nag-umpisa na naman ang tag-ulan. Nangangahulugan lamang ito na maraming mga sakit ang maaaring umatake. Isa na  sa  mga  sakit  na  maaaring makuha natin mula sa tag-ulan ay ang nakamamatay na Dengue Virus. Ang Dengue  ay nagmumula  sa isang virus na dala ng isang uri ng lamok na kung tawagin ay Aegis Aegypti. Ang lamok na ito ay umaatake mula 10:00 ng umaga hanggang  4:00  ng hapon. Nabubuhay ang lamok na ito sa malinis na tubig taliwas sa kaalaman ng iba na ang mga kiti-kiti ay maaari lamang mabuhay sa maruming tubig. Karaniwang makikita ang mga kiti-kiti na maaaring pagmulan ng mga lamok na ito sa mga alulod, sirang mga gulong, at mga nakaimbak na tubig sa mga timba at drum na walang takip.

5

Multiple Choice

1.  Saan nakukuha ang sakit na Dengue?

                          

                        

1

A.   sa marumimg tubig 

2

B.    sa maruming hangin  

3

  C. sa maruming basura

4

D. sa kagat ng lamok na may dalang virus

6

Multiple Choice

2. Alin sa mga sumusunod na lugar ang maaaring pamugaran ng mga lamok na may Dengue Virus?

                                                                 

1

A.   masikip   

2

  B. malinis

3

C. matubig 

4

D. malawak

7

Multiple Select

3.  Paano tayo makakaiwas sa sakit na Dengue?

1

A.   Matulog nang maaga.

2

B.    Magsuot ng mahahabang damit.

3

C.    Huwag lumabas ng bahay mula umaga hanggang hapon.

4

D.    Linisin ang kapaligiran at kumain ng masustansiyang pagkain.

8

Multiple Choice

4.  Bakit kailangan nating sugpuin ang sakit na Dengue?

1

A.   sapagkat nakakairita na ang mga lamok

2

B.    sapagkat ang sakit na ito ay nakamamatay

3

C.    sapagkat mahihirap lamang ang tinatamaan nito

4

D.    sapagkat uso ngayon ang mga lamok sa paligid

9

Multiple Choice

5.  Ano ang layunin ng awtor sa mga inilahad na impormasyon?

                                      

1

A.   magpabatid 

2

  B. magmatuwid  

3

  C. mangaral 

4

D. manako

10

PAGBASA

11

​"ANG PIRING NG BATAS"

NASA

media

12

1.    Ano ang tinatalakay sa tula?

2.     Bakit may takip ang mata ng dilag na may hawak ng timbangan? Ano ang sinisimbolo nito?

3.     Totoo nga kayang nagkakaroon ng kawalang-katarungan sa paggawad ng hustisya sa ating bansa? Patunayan.

4.     Paano maaaring mahinto ang ganitong kalakaran? Sino-sino pa ang makatutulong sa mga biktima ng kawalang-katarungan upang makamit ang patas na hustisya?

5.     Anong mensahe ang ipinararating ng tula sa mambabasa?

13

A. Pagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan

***Ang pagbubuod ay pagtatala ng mahahalagang ideya at mga sumosuportang ideya o datos ng mga nabasa o napakinggang teksto, artikulo, balita, panayam, isyu at iba pa sa sariling pananalita.

14

Mga paraan na dapat tandaan sa pagbubuod:

​​

1.    Basahin muna nang buo ang kuwento o ang nais mong ibuod.

2.    Alamin mo ang pinakapaksa nito.

3.     Maaari ka nang magsimulang magbuod kapag natipon na ang lahat ng impormasyon.

4.    Iwasang maglagay ng mga detalye katulad ng halimbawa at ebidensiya.

5.    Mainam na gumamit ng mga salita na nagbibigay transisyon tulad ng kung gayon, gayunman at bilang pangwakas.

6.    Huwag ka ring magsingit ng mga opinyon.

15

B.Pag-iisa-isa ng mga argumento sa binasang teksto

Ang argumento ay paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging  makatuwiran ang isang panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na argumento.

Ang layunin nito ay upang baguhin ang takbo ng pag-iisip ng mambabasa at hikayatin silang kumilos at tanggapin ang kaniyang paliwanag tungkol sa isang suliranin o konsepto.

16

​PANGWAKAS NA GAWAIN:

GAWIN ITO SA MALINIS NA PAPEL AT IPASA THRU MESSENGER O PM.​

17

Basahin at unawain mong mabuti ang seleksyon.

"Mas Makapangyarihan ang mga Lalaki"

18

Sa ilang dahilan, iginigiit ng mga lalaki ang kanilang kapangyarihan sa maraming paraan. Mas malalakas ang lalaki. Matagal silang  mapagod.  Pansinin lamang kung  paano sila magbasketbol, o maglipat ng sako-sakong bigas sa trak, o kumayod bilang karpintero. Mas matatapang ang lalaki. Hindi sila sumisigaw kapag nakakakita ng daga, alam nila ang gagawin kapag nakaharap ang ahas, at hindi sila natatakot maglakad sa madidilim na lansangan kung gabi. Mas matitipid ang lalaki. Iisang barong Tagalog ang maaari nilang isuot sa bawat pagtitipon. Maaari rin iisa lamang ang kanilang kurbata at iisa rin ang pares ng pantalon. Higit na mapag-isip ang lalaki. Hindi sila padalos-dalos. Malinaw nilang napaghihiwalay ang tama sa mali. Hindi napangingibabawan  ng damdamin ang kanilang mga  pagpapasya.  Sumasang- ayon ka ba na mas  makapangyarihan ang mga lalaki sa mga babae?

19

​1. Ano ang mga dahilan kung bakit iginigiit ng mga lalaki na mas makapangyarihan sila kaysa sa mga babae?

a}

b}

c}

2.​ Ibuod ang lathalain batay sa balangkas. ipagpatuloy ang pangungusap sa ibaba.

​***Iginigiit ng mga lalaki na mas makapangyarihan sila dahil____________________________________________.

20

THANK YOU !!!

media

ROSEMINDA B. BUEN-GURO SA FILIPINO

Q3W2-Filipino

PAG IISA-ISA NG ​MGA ARGUMENTO NG BINASANG TEKSTO

By ROSEMINDA BUEN

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 20

SLIDE