Search Header Logo
BALIK-ARAL/REVIEW SA FILIPINO 6 (UNANG MARKAHAN)

BALIK-ARAL/REVIEW SA FILIPINO 6 (UNANG MARKAHAN)

Assessment

Presentation

Other

6th Grade

Easy

Created by

jonhila pingol

Used 16+ times

FREE Resource

8 Slides • 20 Questions

1

BALIK-ARAL/REVIEW SA FILIPINO 6

(UNANG MARKAHAN)

2

​FILIPINO 6

Panuto: Basahin at pag-aralang mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang.

media

3

Multiple Choice

1.    Ito ay isang bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lugar, pook, hayop, at pangyayari.

1

Pandiwa    

2

Pang-abay            

3

Pangngalan    

4

  Pang-uri

 

4

​2-4. Tukuyin ang Uri ng Pangngalan ng nakasalungguhit na salita.

5

Multiple Choice

2. Ang mga parol ngayon ay usong-uso na dahil papalapit na ang kapaskuhan at tayong mga Pilipino ay nasasabik rito.

1

 lansakan                     

2

pambalana       

3

pantangi         

4

  tahas o konkreto

 

6

Multiple Choice

3. Si Cecile Licad ay isang tanyag na piyanista sa buong mundo. Maaga siyang natutong tumugtog ng piyano.

1

lansakan                      

2

pambalana     

3

pantangi        

4

tahas o konkreto

7

Multiple Choice

4. Nagdiwang ang mga guro ng “World Teachers’ Day” noong Oktobre 5, 2022 upang pahalagahan ang kanilang ginawang sakripisyo at sa kanilang magiging sakripisyo.

1

lansakan                      

2

pambalana     

3

pantangi        

4

tahas o konkreto

8

​(5-8). Tukuyin ang Uri ng Pangngalan Ayon sa Konsepto o Uri ng Pambalana ng nakasalungguhit na salita.

9

Multiple Choice

5.  Ang pagiging matulungin ay likas na sa maraming Pilipino lalo na ngayon na tayo ay dumaranas ng pandemya.

1

basal o di-konkreto   

2

lansakan       

3

tahas o konkreto 

4

pambalana

 

10

Multiple Choice

6. Ang arnis ay isang sinaunang laro na ginagamitan ng isang pares ng yantok.

1

basal o di-konkreto   

2

lansakan         

3

tahas o konkreto

4

pambalana

 

11

Multiple Choice

7.  Isang kumpol ng mga bulaklak ang ibinigay ko sa aking ina para sa kaniyang kaarawan.

1

basal o di-konkreto    

2

lansakan          

3

tahas o konkreto

4

 pambalana

12

Multiple Choice

8.  Marami ang nahuhumaling sa bagong labas na Apple iPhone XR smartphone na kahit mga YouTube influencer o YouTuber ay napapabili na nito dahil magandang gamitin kahit na may kamahalan.

1

basal o di-konkreto  

2

lansakan 

3

tahas o konkreto

4

pambalana

13

Multiple Choice

9.  Ito ay tumutukoy sa isang Uri ng Kailan ng Pangngalan na kung saan isang pangngalan lamang at gumagamit ng pamilang na isa at tangi.

1

isahan

2

dalawahan    

3

maramihan

4

tambalan

14

​(10-11). Tukuyin ang Uri ng Kailanan ng Pangngalan ng nakasalungguhit na salita.

15

Multiple Choice

10. Dalawang keso ang kaniyang inilagay sa niluluto niyang spaghetti para sa Noche Buena mamaya.

1

isahan        

2

dalawahan        

3

maramihan                

4

 tambalan

16

Multiple Choice

11. Maraming bisita ang dumalo sa ikalabinwalong kaarawan ni Sofia at naging puno ng kasiyahan, kantahan, at sayawan ang gabing iyon.                 

1

isahan        

2

dalawahan        

3

maramihan                

4

 tambalan

17

Multiple Choice

12. Ang “Isang Himala” ay isang orihinal na komposisyon at awitin ng “December Avenue” na inilabas ngayong Agosto, 2021.        

1

isahan        

2

dalawahan        

3

maramihan                

4

 tambalan

18

​(13-16.) Tukuyin ang Uri ng Kasarian ng Pangngalan ng nakasalungguhit na salita.

19

Multiple Choice

13.    Ang Enchanted Kingdom ay isang “amusement park” na maituturing na isa sa mga sikat na pasyalan dito sa Pilipinas at matatagpuan sa Sta. Rosa, Laguna.

1

di-tiyak      

2

panlalaki      

3

pambabae       

4

walang kasarian

20

Multiple Choice

14.    Si Juanito ay nakapagbakasyon rin sa Pilipinas pagkatapos ng ilang taong pagtratrabaho sa ibang bansa.

1

di-tiyak      

2

panlalaki      

3

pambabae       

4

walang kasarian

21

Multiple Choice

15.    Si Tiya Amelia ang may pinakamasarap na bersiyon sa pagluluto ng adobo kung kaya’t mas napapakain ako ng marami kapag siya ang nagluluto.

1

di-tiyak      

2

panlalaki      

3

pambabae       

4

walang kasarian

22

Multiple Choice

16.    Marami ang nagbabakasyon sa Tacloban kapag darating na ang kapistahan upang tunghayan ang samut-saring aktibidad at magliwaliw sa lugar na tinaguriang “Pintados Festival.”

1

di-tiyak      

2

panlalaki      

3

pambabae       

4

walang kasarian

23

(17-20). Basahin ang kasunod na pangungusap at tukuyin mula rito ang pangngalang nakasaad sa loob ng panaklong o parenthesis ayon sa kayarian nito.

24

Multiple Choice

17.    (Payak) “Ang pisara sa kabilang klasrum ay hindi na ginagamit kung kaya’t inilipat sa aming klasrum para mapakinabangan.”

1

inilipat        

2

 pisara

3

ginagamit 

4

  mapakinabangan

25

Multiple Choice

18. (Maylapi) “Ang larawan ng aking lola ay pinalamutian para mas maging maganda ito sa mga tao”.

1

bato

2

larawan

3

maganda

4

perlas

26

Multiple Choice

19.    (Tambalan) “Bahag-buntot ang palayaw ni Angela sa kanilang bahay dahil ayaw na ayaw niyang lumalabas ng mag-isa lang.

1

ayaw na ayaw

2

bahag-buntot

3

mag-isa

4

palayaw

27

Multiple Choice

20.    (Inuulit) “Pagsapit ng hapon ay minu-minutong tinitingnan ni Greg ang kanyang relo para hindi siya mahuli sa pagsundo sa kanyang anak na nasa paaralan.”

1

anak

2

hapon

3

minu-minuto

4

paaralan

28

MAY KATANUNGAN?

​​Maaari kayong makipag-ugnayan sa akin sa: jpingol@stefti.edu.ph

Maraming Salamat po.

media

BALIK-ARAL/REVIEW SA FILIPINO 6

(UNANG MARKAHAN)

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 28

SLIDE