Search Header Logo
MGA AMBAG NG SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG

MGA AMBAG NG SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG

Assessment

Presentation

Social Studies

8th Grade

Hard

Created by

Ginalyn Gonzaga

Used 4+ times

FREE Resource

44 Slides • 10 Questions

1

Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

November 4, 2021

Ma'am Gonzaga

2

​Panalangin

3

​Inaasahan

Inaasahang matututuhang pahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

4

​Balitaan

media

5

​1. Tungkol saan ang balita?

​2. Bakit kailangang gunitaan ang araw na ito?

​3. Ang araw na ito ba ay masasabi mong pamana sa atin ng mga sinaunang tao? Bakit?

6

media

7

Multiple Choice

Alin ang hindi pamana ng kabihasnang Indus?

1

Epic of Gilgamesh

2

Ayurveda

3

Sewerage system

4

amayana at Mahabrata

8

Multiple Choice

Ano ang ipinatayo ni Shah Jahan para sa kanyang minamahal na asawa?

1

a. Ziggurat

2

b. piramide

3

c. Hanging Garden

4

d. Taj Mahal

9

Multiple Choice

Alin ang hindi angkop na paglalarawan sa kabihasnang Indus?

1

Makikitid ang mga kalsada sa lungsod ng Mohenjo-Daro.

2

Mataas ang antas ng kabihasnang Indus.

3

Ang mga pamayanan sa Indus ay kinikilala bilang mga kauna-unahang paninirahang sumailalim sa tinatawag na urban o city planning.

4

Gumagamit na sila ng sewerage system

10

Multiple Choice

Anong sistemang panulat ang ipinakilala ng China?

1

calligraphy

2

sanskrit

3

hieroglyphics

4

cuneiform

11

Multiple Choice

Ano ang tawag sa sasakyang hila ng kabayo at kalimitang ginagamit sa digmaan?

1

wheel

2

eskriba

3

chariot

4

papyrus

12

media

13

media

Mesopotamia

14

media

Indus

15

media

Tsino

16

media

Egypt

17

Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

November 4, 2021

Ma'am Gonzaga

18

​Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig ay nag-iwan ng kani kanilang mga pamana sa sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita ng kadakilaan, husay, at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang larangan at aspekto. Hindi natin napapansin subalit ang ilang mga bagay na ating ginagamit araw-araw ay maaaring mag-ugat sa malayong nakaraan.

19

Mesopotamia​

media

20

Ziggurat

Isang estruktura kung saan pinaparangalan at sinasamba ang diyos o patron ng isang lungsod. Sentro rin ng pamayanan ang ziggurat.

media

21

Behistun Rock

Ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong daigdig ay nalinang sa Sumer. Ito ay tinatawag na cuneiform. Noong 1847, Natuklasan ni Henry Rawlinson ang Behistun Rock na nagsilbing susi upang maunawaan ng mga dalubhasa ang mga nakasulat sa mga naiwang luwad ng lapida ng mga taga-Mesopotamia

media

22

Code of Hammurabi​

Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang Code of Hammurabi, ay isang napakahalagang ambag. Ito ay naglalaman ng 282 batas na pumapaksa sa halos lahat na aspekto ng araw araw na buhay sa Mesopotamia.

media

23

Hanging Garden of Babylon

Ang Hanging Garden of Babylon na nilikha ni Haring Nebuchadnezzar.

media

24

Epic of Gilgamesh

Sa larangan ng literatura, itinuturing ang Epic of Gilgamesh bilang kaunaunahang akdang pampanitikan sa buong daigdig. Ito ay kuwento ni Haring Galgamesh ng lungsod-estado ng Uruk sa Sumeria noong ikatlong siglo B.C.E.

media

25

​• water clock at sundial

• paggawa ng unang mapa

• paggamit ng gulong

• paggamit ng baryang pilak bilang salapi

• sexagesimal system o pagbibilang na nakabatay sa 60

• Ipinakilala ang multiplication at division table sa larangan ng matematika

• Pinaunlad nila ang astronomiya sa pamamagitan ng paghahati sa isang taon sa 12 buwan at ang isang buwan sa 30 araw

Iba pang Kontribusyon

26

Indus

media

27

Sewerage System

May sewerage system ang Mohenjo-Daro. Bukod pa dito, ​ito din ay kinikilala bilang mga kauna-unahang paninirahang sumailalim sa tinatawag na urban o city planning o pagpaplanong panlungsod. Ang mga kalsada sa matatandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa ay nakaayos na parang mga nagsasalubong na guhit o grid pattern.

media

28

Arthasastra

Isinulat ni Kautilya ang

Arthasastra noong ikatlong siglo BCE. Ito ang kaunaunahang akda o treatise hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. Si Kautilya ay tagapayo ni Chandragupta Maurya, ang tagapagtatag ng Imperyong Maurya

media

29

Ayurveda

Ang Ayurveda o

“agham ng buhay’’ ay isang mahalagang kaisipang pangmedisina ng sinaunang India. Tinawag itong “agham ng buhay’’ sapagkat binigyang-tuon nito ang pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan mula sa mga karamdaman.

media

30

Ramayana at Mahabrata

Ang dalawang epikong pamana ng India sa larangan ng panitikan. Ang Mahabharata ay isang salaysay hinggil sa matinding tunggalian ng dalawang pamilya na magkakamag- anak – ang mga Pandava na kumakatawan sa kaguluhan at kasamaan. Ang Ramayana naman ay isang salaysay tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama at ang pagsagip niya kay Prinsesa Sita, ang kaniyang asawa, na sapilitang kinuha ni Ravana, isang demonyong hari.

media

31

Upanishads

Ang Upanishads, ang tanyag na koleksiyon ng mga sulatin. Naglalaman ito ng kung ano ang tama at mali, ang kahahantungan ng tao, at iba pang kaisipang pandaigdig

media

32

• Pamantayan ng bigat at sukat

• Decimal system

• Paggamot at pagbubunot ng ngipin

• Halaga ng pi (3.1416)

• Ang sistemang lagusan o drainage system

• Taj Mahal

• Pinagmulan ng mga relihiyon (Hinduism, Buddhism, Jainism, at Sikhism)

Iba pang Kontribusyon

33

Tsino

media

34

Great Wall of China

Sa panahon ng Qin,

tinatayang isang milyong katao ang sapilitang pinagtrabaho upang itayo ang Great Wall ng China. Ito ay nagsilbing simbolo ng kabihasnang Tsino sa loob ng mahabang panahon

media

35

I Ching at Bing Fa

Ang I Ching (Classic of Change) ay nagbibigay ng perspektiba at pamamaraan ng prediksyon ukol sa iba’t ibang bagay at sitwasyon sa buhay ng tao. Samantala, ang Bing Fa (Art of War) ay itinuturing na isa sa mga kauna-unahan at pinakatanyag na aklat ukol sa estratehiyang militar na isinulat ni Sun Zi o Sun Tzu noong 510 BCE.

media
media

36

Feng Shui

Ang paniniwala sa feng shui o geomancy ay nagmula rin sa China. Ang kaisipang ito ay ukol sa tamang pagbalanse ng yin at yang upang makapagdulot ng magandang hinaharap sa sinuman. Ang yin ay sumisimbolo sa kababaihan— malambot at kalmado. Samantala ang yang ay tumutukoy sa kalalakihan—matigas at masigla

media

37

• Kalendaryo

• Star map

• magnetic compass

• seismograph

• wheel barrow

• water clock

• sundial

• chopsticks

• abacus

• pamaypay

Iba pang Kontribusyon

38

• payong

• pulbura

• Ang pagsusulit sa serbisyo sibil

• Sistema ng pagsulat na inukit sa oracle bone

• Ang acupuncture sa larangan ng medisina

• Paggamit ng silk o seda

• Paglilimbag sa unang aklat dulot ng imbensiyon ng block printing

Iba pang Kontribusyon

39

Egypt

media

40

Piramide

Libingan ito ng pharaoh kung kaya sinisimbolo nito ang kapangyarihan ng mamuno. Gayundin, pinatunayan nito ang paniniwala sa buhay matapos ang kamatayan. Lahat ng kayamanan at karangyaan ng pharaoh ay makikita sa piramide bilang paghahanda sa kabilang buhay.

media

41

Book of the Dead

Ang pag-eembalsamo ay isang ritwal sa mga Egyptian at ito ay nakatala sa kanilang scroll na tinatawag na Book of the Dead.

media

42

Mummification

Ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa isang preserbasyon bago ito tuluyang ilibing. Sa isang prosesong tinatawag na mummification, Ang mga Egyptian ay gumagamit ng kemikal upang patuyuin ang bangkay. Matapos nito, ang isang mummy o embalsamadong bangkay ay pinipintahan, binabalutan ng linen, at pinapalamutian ng alahas.

media

43

Hieroglyphics

Ang hieroglyphics ay nakasulat hindi lamang sa mga papel kundi nakaukit din sa mga pampublikong gusali o kaya naman ay nakapinta sa luwad o kahoy. Ang panulat na ito ay naging mahalaga sa pagtatala at kalakalan. Ang mga rolyo ng pergamino o paper scroll ay mula sa malatambong halaman na tinatawag na papyrus.

media

44

Rosetta Stone

Noong 1789, natagpuan ng mga inhinyerong Pranses sa isang ekspedisyon ng hukbo ni Napoleon Bonaparte ang tapyas ng bato sa Nile Delta. Ito ay naglalaman ng tatlong uri ng panulat hieroglyphics. Tinawag ito na Rosetta Stone. Ito ang nagbukas sa kasaysayan ng sinaunang Egypt

media

45

• Geometry

• Medisina tulad ng pagsasaayos ng nabaling buto

• Nailimbag ng mga Egyptian ang kauna-unahang aklat na medical

• Ang araro sa panahong ito ay naimbento ng mga Egyptian

• Sagradong pagdiriwang

Iba pang Kontribusyon

46

media

47

Multiple Choice

Paggamit ng papyrus scrolls

1

MESOPOTAMIA

2

INDUS

3

TSINO

4

EGYPT

48

Multiple Choice

Ziggurat

1

MESOPOTAMIA

2

INDUS

3

TSINO

4

EGYPT

49

Multiple Choice

Civil Service Exam

1

MESOPOTAMIA

2

INDUS

3

TSINO

4

EGYPT

50

Multiple Choice

Paggamit ng chopsticks

1

MESOPOTAMIA

2

INDUS

3

TSINO

4

EGYPT

51

Multiple Choice

Mummification

1

MESOPOTAMIA

2

INDUS

3

TSINO

4

EGYPT

52

Bakit dapat pahalagahan ang kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan?

53

Bilang isang mag- aaral, paano mo pahahalagahan ang mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan?

54

Quiz

​https://forms.gle/FRXurykAvbrtmgtA6

Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

November 4, 2021

Ma'am Gonzaga

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 54

SLIDE