Search Header Logo
FILIPINO 6 Q1, IKA-APAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT

FILIPINO 6 Q1, IKA-APAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT

Assessment

Presentation

•

Other

•

6th Grade

•

Hard

Created by

FLOR ENCLUNA CERTIFIED SUPER TRAINER

FREE Resource

2 Slides • 20 Questions

1

FILIPINO 6 Q1,
IKA-APAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT

(1-10) Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari bago, habang at matapos ang pagbasa

(F6PN-Id-e-12) (F6PB-IIIf-24)

2

Multiple Choice

May humintong ambulansiya sa tapat ng bahay ni Gng. Teresita Mendoza. Maraming tao ang nang-usyuso sa mga pangyayari. Ano kaya ang nangyari kay Gng. Teresita Mendoza?

1

Dadalhin sa ospital si Gng. Teresita Mendoza.

2

Naubusan ng gasolina ang ambulansiya.

3

Napahinto lamang ang ambulansiya.

4

May inihatid lamang ang tsuper ng ambulansiya kay Gng. Teresita Mendoza.

3

Multiple Choice

May inihatid lamang ang tsuper ng ambulansiya kay Gng. Teresita 2. Maraming mag-aaral ang hihinto ngayong pasukan dahil sa covid-19 bakit kaya sila hihinto? Mendoza.

1

ayaw na nilang mag-aaral

2

natatakot siya sa bagong guro

3

walang perang pantustos ang kanilang mga magulang

4

dahil natatakot silang madapuan ng hindi nakikitang sakit na ito

4

Multiple Choice

Kaarawan ni Steve ngayong araw subalit hindi man lamang naalala ng kaniyang mga magulang. Ano ang gagawin ni Steve?

1

matutulog na lang siya

2

hindi siya uuwi sa kanilang bahay

3

magagalit siya sa kaniyang mga magulang

4

hahayaan niya na lang dahil lilipas din ang araw na ito

5

Multiple Choice

Nadulas si Alvin sa balat ng saging dahil hindi itinapon ng kaniyang kapatid sa basurahan. Ano kaya ang nangyari kay Alvin?

1

gumanti sa kaniyang kapatid

2

pinagalitan niya ang bunsong kapatid

3

pinagsabihan niya ito na hindi na niya ito uulitin

4

dapat pagalitan ng kanilang ina ang kaniyang kapatid

6

Multiple Choice

Nanalo si Henry sa lotto ng sampung milyong piso. Ano ang gagawin nito sa sampung milyong piso na napalunan?

1

ibibigay sa nanay niya

2

ipamimigay lahat sa mahihirap

3

idedeposito sa bangko upang lumago ito

4

gagastuhin lahat ang kaniyang napanalunan

7

Multiple Choice

Ppatuloy na pagtatapon ng basura sa ilog

1

Ito ay maaring pagmulan ng matinding pagbabaha.

2

Ang ilog ay maaring pagkukunan ng malinis na tubig.

3

Ito ay makakatulong sa pagpapalawak ng daluyan ng tubig.

8

Multiple Choice

Pagputol ng puno sa kagubatan

1

Ito ay magdudulot ng kagandahan sa kalikasan.

2

Ito ay maaring makapagpapalawak ng kagubatan.

3

Ito ay magdudulot ng pagbabaha at pagguho ng lupa.

9

Multiple Choice

Pagbuga ng usok ng mga pabrika

1

Ito ay nakakagaan ng polusyon sa hangin.

2

Ito ay nakakadagdag ng polusyon sa hangin.

3

Ito ay nakakapagbibigay ng malinis na hangin.

10

Multiple Choice

Paggamit ng dinamita sa pangingisdaa

1

Maaaring dumami pa ang mahuhuling isda.

2

Maaaring mapabilis nito ang panghuhuli ng mga isda.

3

Maaaring ikamatay ng maliliit na isda o anumang yamang dagat.

11

Multiple Choice

Paninigarilyo sa mataong lugar

1

Maaring pagmulan ng sakit sa puso.

2

Maaring makalanghap ng malinis na hangin.

3

Maaring makapagbigay ng kaginhawaan sa pakiramdam.

12

FILIPINO 6 Q1,
IKA-APAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT

(11-20) Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyon:

·         sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin, (F6PS-Id-12.22)

·         pagbabahagi ng obserbasyon sa paligid (F6PS-IIc-12.13)

·         pagpapahayag ng ideya (F6PS-IIIf-12.19)

·         pagsali sa isang usapan (F6PS-IVg-12.25)

·         pagbibigay ng reaksiyon (F6PS-IVh-12.19)

13

Multiple Choice

Gusto mong lumabas kasama ang iyong mga kaibigan. Paano ka magpapaalam sa iyong mga magulang?

1

Aalis po ako kasama ng aking mga kaibigan.

2

Hinihintay na ako ng aking mga kaibigan sa labas, paalam.

3

Maaari po ba akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan?

4

Payagan ninyo akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan.

14

Multiple Choice

Gusto mong makipaglaro sa labas kasama ang inyong mga kaibigan. Humingi ka ng pahintulot sa iyong ina ngunit ayaw kang payagan dahil sobrang init sa labas. Ano ang iyong sasabihin?

1

Sige na inay, payagan na po ninyo ako.

2

Aalis pa rin ako, Inay kahit hindi ninyo ako papayagan.

3

Opo, Inay, gagawa nalang po ako ng aking takdang-aralin.

4

Naku, Inay, wala naman po akong gagawin dito sa bahay kaya payagan na ninyo ako.

15

Multiple Choice

Nakita mong hindi wasto ang paggawa ng proyekto ng iyong kagrupo at ikaw ang nakakaalam ng tamang paggawa nito. Paano mo ito sasabihin?

1

Mali ka, hindi ganiyan ang paggawa nito.

2

Ihinto mo na iyang ginagawa mo kasi mali naman.

3

Dapat sana sinabihan ninyo ako bago kayo gumawa.

4

Maaari ba akong magbigay ng suhestiyon sa paggawa ng ating proyekto?

16

Multiple Choice

Pinuri ka ng iyong guro dahil sa husay mo sa pagguhit. Ano ang tama mong isasagot?

1

Wala iyon, Ma’am.

2

Magaling po talaga ako.

3

Maraming salamat po, Ma’am.

4

Syempre naman po, kasi may pinagmanahan.

17

Multiple Choice

Lalabas na sana si Angie sa kanilang silid-aralan ngunit nag-uusap ang kaniyang mga kamag-aral sa may pintuan. Ano ang nararapat niyang sabihin?

1

Padaan nga.

2

Makikiraan po sa inyo.

3

Umalis nga kayo diyan.

4

Huwag kayong humarang sa pintuan.

18

Fill in the Blanks

Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang at MALI kung hindi.

“Ate, pakikuha po ng libro ko sa itaas”, ang sabi ni Maica sa nakatatanda niyang kapatid.

Type answer...

19

Fill in the Blanks

Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang at MALI kung hindi.

“Naniniwala po ako na mas magiging matagumpay ito kung magtutulungan tayong lahat”, wika ni Aling Sita.

Type answer...

20

Fill in the Blanks

Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang at MALI kung hindi.

“Maaaring tama po kayo, pero hindi po kaya makabubuti kung sumangguni muna tayo sa ating mga kabaranggay?” ang tugon ni Mang Jun.

Type answer...

21

Fill in the Blanks

Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang at MALI kung hindi. 

“Hindi ko kailangan ang opinyon mo”, padabog na sabi ni Mycel.

Type answer...

22

Fill in the Blanks

Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang at MALI kung hindi. 

“Maaari po ba akong pumunta sa plasa kasama ang aking mga kaibigan?” Ang paalam ni Junryll sa kanyang mga magulang.

Type answer...

pattern-tertiary
FILIPINO 6 Q1,
IKA-APAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT

(1-10) Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari bago, habang at matapos ang pagbasa

(F6PN-Id-e-12) (F6PB-IIIf-24)

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 22

SLIDE