Search Header Logo
MTB Q2 W1

MTB Q2 W1

Assessment

Presentation

English

2nd Grade

Practice Problem

Easy

Created by

GRACE MARQUEZ

Used 8+ times

FREE Resource

17 Slides • 29 Questions

1

MTB Q2 W1

by GRACE MARQUEZ

media
media
media

2

Ano ang target ko? Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na matututuhan at maisasagawa mo ang mga sumusunod: 

  • Nakikilala, nababasa at nagagamit nang wasto ang panghalip panao 

  • Nakasusulat ng talata gamit ang panghalip panao sa isang kumbensyonal na pagsulat

media

3

​Ano ako magaling?

Panuto: I-click ang tamang titik ng panghalip na bubuo sa pangungusap.

media

4

Multiple Choice

Ang Pagudpud ay matatagpuan sa Ilocos Norte. _____ ay bumisita dito noong nakaraang bakasyon. Tuwang-tuwa ako at ng aking mga magulang.

1

Ako

2

Siya

3

ito

4

Kami

5

Multiple Choice

Ang aming Mayor ay mahusay mamuno. _____ ay iniidolo ko.

1

Ako

2

Siya

3

Ito

4

Tayo

6

Multiple Choice

Masarap ang pansit batil-patong. Kumain _____ ng aking kaibigan nito.

1

ako

2

kami

3

ito

4

sila

7

Multiple Choice

Sina Iris at Jaime ay magkapatid. _____ ay kambal.

1

Ako

2

Siya

3

ito

4

Sila

8

Multiple Choice

Ang pangalan ko ay Elbert. _____ ay masunuring bata.

1

Ako

2

Siya

3

Ito

4

Sila

9

media

Aralin 1:

Panghalip Panao

10

Ano ang balik-tanaw ko?

Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang at isulat sa ang pang-uri na ginamit nito.

media

11

Open Ended

Maraming bata ang nagpapalipad ng saranggola.

12

Open Ended

Malinamnam ang kakaning inihanda ni inay.

13

Open Ended

Ang manggang hilaw ay kulay berde.

14

Open Ended

Ang aming mesa ay hugis biluhaba.

15

Open Ended

Masunuring bata si Agatha.

16

Ano ang gagawin ko?

1. Ang pangalan ko ay Jaime. Ako si Jaime.

2. Ella, ikaw ang magiging pambato ng klase sa paligsahan

ng sayaw.

3. Si Melinda ay mahilig kumain ng prutas kaya siya ay

hindi nagkakasakit.

4. Kami ang inatasang pumili ng mga sasali sa paligsahan.

5. Kayo na ang bahala sa paglilinis ng bahay bukas.

6. Pupunta sila sa palengke upang mamili ng mga gulay.

7. Tayo ay magtatanim upang may aanihin.

media

17

Ang tawag sa mga salitang inihahalili sa ngalan ng tao, bagay, pook o pangyayari ay panghalip.

Ang mga salitang ipinapalit sa pangalan ng tao ay tinatawag na panghalip panao.

media
media

18

Ako ay ginagamit kapag ang tinutukoy ng taong nagsasalita ay ang kanyang sarili, iisa ang kanyang tinutukoy.

Ikaw ay ginagamit kapag ang tinutukoy ng taong nagsasalita ay ang isang tao na kanyang kausap, iisa ang taong tinutukoy.

Siya ay ginagamit kapag ang tinitukoy ay isang tao na pinag-uusapan.

media
media
media

19

Kami ay ginagamit kapag ang tinutukoy ng nagsasalita ay dalawa o higit pa kasama ang kanyang sarili. Marami ang salitang tinutukoy ng salitang kami.

Kayo ay ginagamit kapag tinutukoy ng nagsasalita ay dalawa o higit pang kausap. Marami ang tinutukoy nito.

media
media

20

Tayo ay ginagamit kapag tinutukoy nito ang taong nagsasalita pati na ang tao o grupo na kaniyang kausap, maramihan.

media

21

Ano pa ang gagawin ko? Gawain 1

Panuto: Isulat ang tamang panghalip panao sa patlang. Tukuyin kung ito ay Ako, Ikaw, o Siya upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

media

22

Multiple Choice

Si ate April ay naglalaba. ________ ay tutulungan ko.

1

Ako

2

Ikaw

3

Siya

23

Multiple Choice

Gusto kong mamasyal. ________ ang pipili ng lugar na pupuntahan namin.

1

Ako

2

Ikaw

3

Siya

24

Multiple Choice

Si lola ay isang mananahi. ________ ang gumagawa ng mga magagandang

1

Ako

2

Ikaw

3

Siya

25

Multiple Choice

Aybee ang tawag sa akin. ________ ay mahilig kumanta.

1

Ako

2

Ikaw

3

Siya

26

Multiple Choice

Halika dito Jun. _______ ang magliligpit ng pinagkainan.

1

Ako

2

Ikaw

3

Siya

27

Gawain 2

Panuto: Piliin wastong panghalip na ipapalit sa mga salitang nakasalungguhit.

media

28

Multiple Choice

Sina Novem at Raikin ay magpinsan.

1

Kami

2

Kayo

3

Sila

4

Tayo

29

Multiple Choice

Ako, si Jose at Adelyn ay kakain ng abokado.

1

Kami

2

Kayo

3

Sila

4

Tayo

30

Multiple Choice

Ikaw at si Benjie ay pupunta sa aking kaarawan.

1

Kami

2

Kayo

3

Sila

4

Tayo

31

Multiple Choice

Ako at si Alex ay manunuod ng balita.

1

Kami

2

Kayo

3

Sila

4

Tayo

32

Multiple Choice

Si Denver at Jett ay tumutugtog ng gitara.

1

Kami

2

Kayo

3

Sila

4

Tayo

33

Ang panghalip ay salitang ipinapalit sa ngalan ng tao, bagay, pook o pangyayari. At ang mga panghalip na ipinapanghahalili sa pangalan ng tao ay tinatawag na panghalip panao. At ilan sa mga panghalip panao ay katulad ng ako, ikaw, siya, kami, kayo, sila at tayo.

media

34

​Panuto: Buuin ang talata sa pamamagitan ng pagpili ng tamang paghalip panao na nakapaloob sa bawat saknong.

1._____ (Ako, Kami) si Paulo P. Pisco ay nakatira sa Taguig City. Mahilig 2.______ (ako, kami) sa paglalaro ng trumpo. 3.______ (Sila, Kami) ni Jelo ay mabuting magkaibigan, 4.______ (sila, tayo) Jumong, Nadine at Pedro naman ay aming mga kalaro. Tuwing linggo 5.______ (kami, tayo) ay sama-samang pumupunta ng simbahan upang magdasal at magpasalamat sa lahat ng ipinagkaloob ng Panginoon.

media

35

Kumusta na ang target ko?

Panuto: I-click ng tamang panghalip panao na bubuo sa pangungusap ng bawat bilang.

media
media

36

Multiple Choice

Clover, _____ ang inatasan ni Bb. Mateo na maging kinatawan ng klase. Makipag-usap ka daw sa kaniya.

1

ikaw

2

ako

3

sila

4

tayo

37

Multiple Choice

Ang inyong pangkat ay sasali sa patimpalak. _____ ay kailangang magsanay.

1

Ikaw

2

Ako

3

Kayo

4

Tayo

38

Multiple Choice

Mababait na mga mag-aaral sina Hermie, Anna at Cely. _____ ay nasa ikalawang baitang.

1

Ikaw

2

Ako

3

Kayo

4

Sila

39

Multiple Choice

Umakyat sa puno si Ivana at _____ ay nahulog.

1

siya

2

ikaw

3

kayo

4

sila

40

Ano pa ang kaya kong gawin?

Panuto: Hanapin ang panghalip panao na ginamit sa bawat pangungusap at i-click ang I kung ito ay tumutukoy sa isahan at M kung maramihan.

41

Multiple Choice

Kami ay gagawa ng kakanin mamaya.

1

I

2

M

42

Multiple Choice

Sila ay palaging magkasama sa pamamasyal.

1

I

2

M

43

Multiple Choice

Ikaw ang nagwagi sa patimpalak ng pag-awit.

1

I

2

M

44

Multiple Choice

Ako ay mahilig maglinis ng bahay

1

I

2

M

45

Multiple Choice

Tayo ay kailangang magsumikap sa pag-aaral.

1

I

2

M

46

media

MTB Q2 W1

by GRACE MARQUEZ

media
media
media

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 46

SLIDE