Search Header Logo
Makataong Kilos_ESP10_W1&2_Q2

Makataong Kilos_ESP10_W1&2_Q2

Assessment

Presentation

Other

10th Grade

Medium

Created by

Rachelle Estanislao

Used 3+ times

FREE Resource

44 Slides • 19 Questions

1

Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng isa't isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon.

​- 1 Tesalonica 5:11

2

Open Ended

Question image

Kumusta ka?

3

Fill in the Blank

Question image

Ito ay tinatawag na intellect sa Ingles.

_._._._

4

Fill in the Blank

Question image

Ang _______ ang pangunahing sangkap sa materyal na kalikasan ng tao.

5

Fill in the Blank

Question image

Ang _________ ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao.

6

Fill in the Blank

Question image

Ang ________ ay maituturing na isang karapatan (makapag-pahayag ng damdamin at saloobin, paninirahan at iba pa)

7

Fill in the Blank

Question image

Ang ________ ay likas at hindi na kailangang paghirapang halaga ng tao.

8

media

​GAWAIN 1

​Basahin at suriin ang mga sitwasyon.

Sagutin ang mga kasunod na tanong.

9

Open Ended

Sitwasyon 1. Sinabihan si Ryan ng kaniyang guro na siya ang mamumuno sa kanilang grupo sa paggawa ng isang video ad para sa kanilang klase. Lingid sa kaniyang kaalaman na may iba na palang napili ang kaniyang guro na gumawa ng nasabing video ad. Napahiya si Ryan sa kaniyang mga kaklase at kagrupo. Dapat bang magalit si Ryan sa kaniyang guro dahil pinahiya siya nito? Bakit?

10

Open Ended

Sitwasyon 2. Nakita at nabasa ni Jovanie ang isang pamamahiyang post ng isang kaklase patungkol sa isa pang kaklase sa social media. Dahil sa takot na baka madamay sya, hindi niya ito isinumbong sa kinauukulan. Mapapanagot ba si Jovanie sa kaniyang pananahimik? Bakit? Ipaliwanag.

11

Open Ended

Sitwasyon 3. Nagbilin kay Normina ang kaniyang ina na sabihan ang kaniyang ate na magluto ng tanghalian. Biglaang nagyaya ang mga kaibigan niya na mag-ML (Mobile Legends) sila kung kaya nakalimutan niyang sabihan ang kaniyang ate. May pananagutan ba si Normina sa maaaring kahinatnan dahil hindi nito nasabi ang ipinagbilin sa kaniya? Ipaliwanag.

12

media

Pagsusuri ng Makataong Kilos

Rachelle J. Estanislao

​ESP 10

​Week 1&2 - Quarter 2

​November 16, 2021

13

media

​Paano nga ba nahuhubog ang pagkatao ng tao?

14

media

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may dalawang uri ng kilos ng tao.

15

media

​1

​Ang Kilos ng Tao

Act of Man

​Ito ay mga kilos na nagaganap sa tao.

16

media

​1

​Ang Kilos ng Tao

Ito ay likas (natural) sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at

kilos-loob.

17

media

​1

​Ang Kilos ng Tao

Ang kilos na ito ay masasabing walang aspeto ng pagiging mabuti o masama kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito.

18

media
media
media

19

media

​1

​Ang Kilos ng Tao

HALIMBAWA:

  • ​biyolohikal at pisyolohikal na kilos tulad ng ​paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, paghikab, pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat, at iba pa.

20

media

​2

​Ang Makataong Kilos

Human Act

​Ito naman ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, kalayaan, at pagkukusa.

21

media

​2

​Ang Makataong Kilos

Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito.

22

media

​2

​Ang Makataong Kilos

Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagkat isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable.

23

media

24

media

​2

​Ang Makataong Kilos

Ang makataong kilos ay gawain na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsiyensiya.

25

​Sa madaling salita, ang isang kilos ay magiging kilos ng tao (act of man) kung ang kilos na ito ay kasama sa kaniyang kalikasan (nature) at hindi niya ginagamitan ng isip o kilos-loob.

media

26

​Maaari bang ang natural o likas na kilos tulad ng paghinga, halimbawa, ay mapag-isipan at magagamitan ng pagpapasya o pagdedesisyon? Maari bang pigilan o sadyain ang paghinga?

27

Sa kabilang banda naman, maari bang ang kilos na pinag-isipan na at pinagmunihan at pinagplanuhan o ginawan na ng pagpapasya ay maging natural o likas na hindi na ginagamitan ng isip?

28

media

​Halimbawa:

Pinagplanuhan mo na at nakapagdesisyon ka na, na mag-aral sa araw ng Lunes.

Maari bang hindi mo na pag-isipan o gagamitan ng isip ito?

29

media

Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan (Accountability)

30

media

Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos upang masabing ito ay pagkukusang kilos (voluntary act).

31

media

Ang mga ito ay nasa lalim ng kaalaman at kalayaan

(degree of willfulness o voluntariness) na tinatamasa.

32

media

Ayon kay Aristoteles, may tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan:

(1) kusang-loob,

(2) di kusang-loob, at

(3) walang kusang-loob.

33

media

​1

​Kusang-loob

​Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.

34

media

Halimbawa:

Niyaya ka ng iyong kaklase na umalis ng bahay at gumala. Alam mo na bawal lumabas ng bahay ang mga batang may edad 14 gulang pababa. Sumama ka pa rin kahit na batid mo na bawal lumabas ang mga katulad mo. Nahuli kayo ng mga kawani ng barangay.

35

media

​2

Di ​Kusang-loob

Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon.

Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.

36

media

Halimbawa:

(Pagpapatuloy sa naunang sitwasyon). Noong ikaw ay niyaya ng iyong kaklase na umalis ng bahay at gumala, tinanggihan mo siya dahil alam mong bawal lumabas ng bahay. Ngunit sabi niya kapag hindi ka sumama ay puputulin na niya ang inyong pagkakaibigan. Kaya sa huli ay sumama ka pa rin sa kaniya.

37

media

​3

Walang Kusang-loob

Dito, ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos.

38

media

​3

Walang Kusang-loob

Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa o boluntaryong pagkilos.

39

media

Halimbawa:

Ang iyong kapatid na limang (5) taong gulang pa lamang ay sinundo ng iyong tiyahin sa inyong bahay para isama niya sa pamamalengke.

40

media

Mahigpit na ipinagbabawal na lumabas sa ngayon ang mga batang may edad na 14 pababa. Ang bata ay walang magiging pananagutan dahil wala naman siyang kaalaman patungkol sa batas at panuntunan sa kasalukuyan.

41

media

Eksepsiyon at Kabawasan ng Pananagutan

42

media

Ayon kay Aristoteles, may eksepsiyon, sa kabawasan sa kalalabasan ng isang kilos kung may kulang sa proseso ng pagkilos.

43

media

May apat na elemento sa prosesong ito: 1) paglalayon,

2) pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin,

3) pagpili ng pinakamalapit na paraan, at

4) pagsasakilos ng paraan.

44

media

​1

Paglalayon

Nasa sa kaniya ang kapanagutan ng kilos kung sa kabuuan ng paglalayon ay nakikita ng tao ang isang masamang epekto ng kilos.

45

media

Halimbawa.

Gusto mong gumanti sa nakaaway mong kaklase. Naisip mong patirin siya pagbaba niya sa hagdan.

46

media

Halimbawa.

Ngunit naisip mo, paano kung mahulog at mabagok ang kaniyang ulo? Pero dahil gusto mong gumanti, itinuloy mo ang iyong plano. Nagpapakita ito na may paglalayon. (Huwag na huwag mo itong gagawin sapagkat mali ito.)

47

media

​2

Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin.

Ang pamamaraan ba ay tugma sa pag-abot ng layunin at hindi lamang kasangkapan sa pag-abot ng naisin? Dito ay ginagamit ang tamang kaisipan at katuwiran.

48

media

Halimbawa.

Gusto mong magpabili ng bagong cellphone sa iyong tatay. Naisip mo na para maibili ka ay magpapakabait ka at gagawin mo ang mga gawaing bahay at mga iniuutos niya.

49

media

​3

Pagpili ng pinakamalapit na paraan.

Sa puntong ito, itatanong mo: Nagkaroon ba ng kalayaan sa mga opsiyon na pagpipilian o pinili lamang ang mas nakabubuti sa iyo na walang pagsasaalang-alang sa maaaring epekto nito?

50

media

Halimbawa.

Gusto mong makakuha ng mataas na marka ngayong taong panuruan. Sa halip na pag-aralan at gawin ang mga gawaing pagkatuto nang mag-isa upang mas matuto, ay pinagawa mo ang mga ito sa iba (sa iyong tutor).

51

media

​4

Pagsasakilos ng paraan.

Dito ay ginagamit ang kilos-loob na lalong nagpapalakas ng isang makataong kilos upang maging tunay na mapanagutan.

52

media

Halimbawa.

Kung ating ipagpapatuloy ang naunang halimbawa, sa kagustuhan mong makakuha ng mataas na marka ay itinuloy mo ang pagpapasagot ng iyong mga modyul sa iyong tutor kahit na alam mong ito ay pandaraya at hindi mabuti.

53

Multiple Choice

Ito ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas (natural) sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob.

1

Ang Kilos ng Tao (Act of Man)

2

Ang Makataong Kilos (Human Act)

3

Ang Pananagutan (Accountability)

4

Kusang-loob

54

Multiple Choice

Ito naman ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, kalayaan, at pagkukusa.

1

Kusang-loob

2

Pananagutan

3

Ang Makataong Kilos (Human Act)

4

Ang Kilos ng Tao (Act of Man)

55

Multiple Choice

Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos upang masabing ito ay ________________.

1

pagkilos

2

kusang-loob

3

di kusang-loob

4

pagkukusang kilos (voluntary act)

56

Multiple Choice

Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.

1

walang kusang-loob

2

kusang-loob

3

di kusang-loob

4

pananagutan

57

Multiple Choice

Dito, ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao.

1

Walang Kusang-loob

2

di kusang-loob

3

kusang-loob

4

Makataong Kilos

58

Multiple Choice

Ang sumusunod ay ang mga Eksepsiyon at Kabawasan ng Pananagutan MALIBAN sa isa:

1

Paglalayon

2

Pananagutan ng Kilos

3

Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin

4

Pagpili ng pinakamalapit na paraan

59

Multiple Select

Ayon kay Aristoteles, may tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan, Ano-ano ang mga ito?

1

Kilos ng Tao (Act of Man)

2

Kusang-loob

3

Di Kusang-loob

4

Makataong Kilos (Human Act)

5

Walang Kusang-loob

60

Multiple Choice

Pagdala ng drayber ng taxi sa ospital sa kaniyang matandang pasahero na inatake sa puso. Ito ay ginamitan ng _____________.

1

Isip

2

Kilos-loob

3

Mapanagutang Pagkilos

61

Multiple Choice

Pagsauli nang sobrang sukli sa tindera sa palengke. Ito ay ginamitan ng _____________.

1

Isip

2

Kilos-loob

3

Mapanagutang Pagkilos

62

Multiple Select

Pagsasalita habang natutulog. Ito ay ginamitan ng _____________.

1

Isip

2

Kilos-loob

3

Mapanagutang Pagkilos

63

​Maraming Salamat po! :)

Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng isa't isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon.

​- 1 Tesalonica 5:11

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 63

SLIDE