Search Header Logo
FIli 2 Q2 w1

FIli 2 Q2 w1

Assessment

Presentation

•

English

•

2nd Grade

•

Easy

Created by

GRACE MARQUEZ

Used 1+ times

FREE Resource

22 Slides • 18 Questions

1

Filipino 2

​Ikalawang Markahan Week 1

by GRACE MARQUEZ

media

2

​Ano ang target ko?

​

Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang naisasagawa mo ang layuning ito:

​

1. Nagagamit ang personal na karanasan sa paghinuha sa mangyayari sa nabasa/napakinggang teksto o kwento.

media

3

​Panuto: Basahin ang mga talata at piliin ang wastong hinuha sa mga pangyayari.

media

4

Multiple Choice

Maagang naulila sa ina ang tatlong magkakapatid. Nasa ika-anim na baitang ang panganay. Palaging malungkot ang kanilang itay. Hatinggabi na kung umuwi at lasing pa.

1

Natutuwa ang magkakapatid.

2

Nagkaroon ng malaking problema ang magkakapatid.

3

Naisipan nilang humingi ng tulong sa pamahalaan.

5

Multiple Choice

Bagong lipat sila Mildred sa Maynila. Dala nila ang kaunting naipong pera. Nagsimula sila sa pagtitinda ng pagkain sa harapan ng kanilang bahay. Dumarami ang bumibili nito araw-araw.

1

Hindi pinapansin ng mga tao ang kanilang paninda.

2

Masama ang ugali ng nagtitinda

3

Nagugustuhan ng bumibii ang kanilang pagkain.

6

​Ano ang balik-tanaw ko? Gusto mo bang malibang? Sagutan ang puzzle ayon sa mga clue na nasa ibaba. Ang mga sagot ay may kaugnayan sa ating nakaraang aralin.

7

media

8

​Isang Aral

​

Anak mayaman si Roberto. Hindi niya gaanong nadarama ang taas ng bilihin sapagkat lagi siyang maraming pera mula sa kanyang mga magulang. Wala siyang taros sa paggasta. “Isasama ko si Roberto sa lalawigan,” ang sabi ng pinsan ng nanay ni Roberto, isang araw.

9

​ “May ipapakita ako sa kanya. Ipinasyal si Roberto ng kanyang tiyo sa lalawigan. May nakita silang isang matandang lalaki na paupo-upo sa harap ng simbahan. Marumi at gusgusin ang ayos nito.

10

​Payat at maputla pa. “Noong araw, pinakamayaman ang matandang iyan dito,” ang sabi ng tiyo ni Roberto. “Hindi niya natutuhang pahalagahan ang kanyang salapi kaya nagkaganyan siya.”

11

​Hindi nakakibo si Roberto. Natigilan siya at nag-isip nang malalim. May nabuo na siyang gagawin pagbalik sa Maynila. Buo na ang kanyang pasya.

12

​Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang pamagat ng kwentong iyong binasa?

2. Sino ang batang mayaman?

3. Ano ang hilig gawin ng batang si Roberto?

4. Ano ang ipinakita ng tiyo ni Roberto sa kanya ng minasang isinama siya sa lalawigan?

13

Multiple Choice

Ano ang hindi magandang ugali ni Roberto? A. tamad B. laging nagagalit

1

tamad

2

laging nagagalit

3

pagiging gastador

14

Multiple Choice

Ano kaya ang hindi ginawa ng matandang lalaking nakita nina Roberto?

1

Hindi siya tumutulong sa mahihirap

2

Hindi niya itinago ang kanyang pera

3

Hindi niya natutuhang pahalagahan ang kanyang pera

15

Multiple Choice

Ano kaya ang maging katapusan ng kwento?

1

Nagbago si Roberto sa takot na maghirap.

2

Nagpatuloy pa rin si Roberto sa walang takot na paggasta

3

Hindi niya pinansin ang ipinakita sa kanya ng kanyang tiyo.

16

​Mula sa iyong binasang kwento, mayroon ka bang napansin dito? Tama ang iyong naiisip, may nawawalang bahagi ito na maaari mo ding mabigyan ng kasagutan sa pamamagitan ng pagbibigay mo ng iyong sariling hinuha sa batay pangyayari.

media

17

​Gawain 1 Panuto: Basahin ang mga talata at ibigay ang angkop na hinuha.

media

18

Multiple Choice

Si Ramon ay nakaramdam ng matinding gutom. .

1

Siya ay matutulog

2

Siya ay kakain.

3

Siya ay maliligo.

19

Multiple Choice

Ang magkapatid na Hanna at Yen ay araw-araw na tumutulong sa pagdilig ng mga halaman sa kanilang hardin.

1

Ang mga halaman ay mamatay.

2

Ang mga halaman ay tutubo.

3

Ang mga halaman ay malalanta.

20

Multiple Choice

Si Maria ay naabutan ng malakas na ulan sa kanyang paguwi mula sa paaralan.

1

Siya ay lalangoy

2

Siya ay iiyak.

3

Siya ay mababasa.

21

Multiple Choice

Kumain ng maraming kendi si Onat.

1

Sasakit ang kanyang tiyan.

2

Sasakit ang kanyang ulo.

3

Sasakit ang kanyang ngipin.

22

Multiple Choice

Hindi gumawa ng takdang-aralin si Joy.

1

Matutuwa ang kanyang guro.

2

Pagagalitan siya ng kanyang guro.

3

Makakakuha siya ng mataas na marka.

23

​Gawain 2

Basahin ang bawat pangyayari. Ibigay ang sariling palagay sa maaring kalabasan.

media

24

​Pinutol ang mga puno sa dating luntiang kabundukan. Pinapatag ang mga bundok at pagtatayuan ng mga pabahay.

media

25

​

​Maraming sasakyan ang nagbubuga ng maiitim na usok. Arawaraw ay sumasakay ka sa ganitong uri ng sasakyan. Nakakatabi mo pa ang mamang naninigariylo.

media

26

​Ang mga mangingisda ay gumagamit ng lambat na may malalaking butas. Ibinabalik nila sa tubig ang mga maliliit na nahuhuling isda. Hindi sila gumagamit ng dinamita.

media

27

​Ang mga naninirahan sa Barangay Makulay ay nagkakaisa sa paglilinis ng kanilang kapaligiran. Nagtatanim sila ng mga puno sa paligid ng mga halamang namumulaklak. Itinatapon nila ang basura sa basurahan.

media

28

​

​Malayang umaagos ang tubig sa ilog. Iniiwasan ng mga naninirahan malapit sa ilog na magtapon dito ng basura

media

29

​Ang pagbibigay ng wastong hinuha sa pangyayari-saloobin ng pandamdamin sa binasa o pagbubuo ng sariling palagay, pasiya o kalabasan ng pangyayari ay nababatay sa mga detalyeng inilahad. Dito nililinang ang kakayahan sa pagbibigay ng pasiya o desisyon.

media

30

​Subukin ang iyong kakayahan sa pagbibigay ng sarili mong hinuha mula sa mga larawan sa ibaba.

media

31

Open Ended

Question image

Subukin ang iyong kakayahan sa pagbibigay ng sarili mong hinuha mula sa mga larawan

32

Open Ended

Question image

Subukin ang iyong kakayahan sa pagbibigay ng sarili mong hinuha mula sa mga larawan

33

Open Ended

Question image

Subukin ang iyong kakayahan sa pagbibigay ng sarili mong hinuha mula sa mga larawan

34

​Kamusta ang target ko?

​

Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon at piliin ang hinuha sa pangyayari.

35

Multiple Choice

Si Leah ay nag-aaral ng kanyang leksyon araw-araw. Isang araw, ang kanilang guro ay nagbigay ng pagsusulit.

1

Nasagutan ni Leah ng maayos at tama ang pagsusulit.

2

Hindi nakapasa si Leah sa pagsusulit.

3

Nakakuha siya ng mababang marka.

36

Multiple Choice

Umulan ng malakas. Si Ricky ay walang dalang payong at wala rin siyang kapote. Naglakad siya pauwi ng bahay habang malakas ang ulan.

1

Si Ricky ay naging malinis.

2

Si Ricky ay natuwa sa ulan.

3

Si Ricky ay nagkasakit.

37

Multiple Choice

Si Leo ay nanood ng palabas sa telebisyon hanggang hatinggabi. Wala na siyang oras para ayusin ang kanyang mga gamit sa paaralan. Nakaramdam na siya ng sobrang antok.

1

A. Nagising si Leo ng maaga.

2

Nakakuha si Leo ng mataas na marka.

3

Antok na antok siya sa klase.

38

Multiple Choice

Si Tony ay isang batang mahusay sa pagguhit. Sa buwan ng Nobyembre ay magkakaroon ng paligsahan sa pagguhit sa kanilang paaralan.

1

Si Tony ay hindi sasali sa paligsahan.

2

Si Tony ay sasali sa paligsahan at mananalo.

3

Si Tony ay matatakot na sumali sa paligsahan.

39

Multiple Choice

Panahon na naman ng bakasyon para sa mga mag-aaral. Si Nina ay tumutulong sa kaniyang mga magulang sa pagtatanim ng mga gulay sa kanilang bakuran. Sa buwan ng Hunyo ay handa na ang mga ito upang anihin.

1

Ibebenta nila ang mga gulay.

2

Kakainin nila ang lahat ng gulay.

3

Ipamimigay nila ang gulay sa kanilang kapitbahay.

40

media
pattern-tertiary
Filipino 2

​Ikalawang Markahan Week 1

by GRACE MARQUEZ

media

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 40

SLIDE