Search Header Logo
2ND Q Filipino 8

2ND Q Filipino 8

Assessment

Presentation

Other

8th Grade

Hard

Created by

Rhaffy Onofre

Used 4+ times

FREE Resource

12 Slides • 10 Questions

1

2ND Q Filipino 10

by Rhaffy Onofre

2

Multiple Choice

1. Akdang pampanitikan na may sukat at tugma.

1

ALAMAT

2

TULA

3

PARABULA

4

PABULA

3

Ang tula o panulaan ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin ng makata o manunulat nito. Kilala ito sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo. Nagpapahayag ito ng damdamin at magagandang kaisipan gamit ang maririkit na salita.

4

Sa Huling Silahisni: Avon Adarna

Inaabangan ko doon sa Kanluran,

Ang huling silahis ng katag-arawan,

Iginuguhit ko ang iyong pangalan,

Sa pinong buhangin ng dalampasigan.

Aking dinarama sa hanging habagat,

Mga alaala ng halik mo’t yakap,

Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap,

Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.

5

ELEMENTO NG TULA

​- Sukat

​- Saknong

​- Tugma

​- Kariktan

​- Talinhaga

6

Multiple Choice

2. Tumutukoy sa bilang ng pantig bawat taludtod.

1

SUKAT

2

SAKNONG

3

TUGMA

4

TALINHAGA

7

  • May apat na uri ng sukat ito:

    • Wawaluhin – walong pantig

    • Lalabindalawahin – sandosenang pantig

    • Lalabing-animin – labing-anim na pantig

    • Lalabing-waluhin – labing-walong pantig

8

SUKAT - ​tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong,

  • Pantig – ang paraan ng pagbasa

  • Halimbawa:

    • isda = is/da = dalawang pantig

    • Ako ay isang tao = A/ko/ay/i/sang/ta/o = pitong pantig

9

Ang buhay man ay mahirap

Di titigil sa pangarap

Ating makakamit ito‘

Yan ang pangako ko sa yo”

10

Multiple Choice

3. Magkakaparehong tunog sa hulihang pantig ng bawat talutod.

1

SUKAT

2

SAKNONG

3

TALINHAGA

4

TUGMA

11

KAHIT SAAN ni Jose Corazon de Jesus

Kung sa mga daang nilalakaran mo,

may puting bulaklak ang nagyukong damo

na nang dumaan ka ay biglang tumungo

tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . . Irog, iya’y ako!

Kung may isang ibong tuwing takipsilim,

nilalapitan ka at titingin-tingin,

kung sa iyong silid masok na magiliw

at ika’y awitan sa gabing malalim. . .

Ako iyan, Giliw!

12

Multiple Choice

4. Isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya.

1

SUKAT

2

SAKNONG

3

TALUDTOD

4

TUGMA

13

Tula para kay Crush ni Black Ballpens

Isinulat ko itong madamdaming tula

Dahil sa pagtibok ng puso kong bigla

Alam kong ito’y hindi kapani-paniwala

Ngunit dahil sa’yo ako’y naging isang makata

​Hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman

Sa lalaking ito’y lubhang tinamaan

Kung hindi ako nagkakamali,

George ang kanyang pangalan.

​Nung una naming pag-uusap

Parang ako’y nasa ulap

Siya lang ang pinakamimithing pangarap.

14

Multiple Choice

5.Ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw.

1

KARIKTAN

2

SAKNONG

3

TALINHAGA

4

PAHIWATIG

15

Multiple Choice

6.tumutukoy sa paggamit ng simbolismo at mga salitang may konotatibong kahulugan

1

KARIKTAN

2

SAKNONG

3

TALINHAGA

4

PAHIWATIG

16

Multiple Choice

7. Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.

1

TUGMA

2

TALINHAGA

3

KARIKTAN

4

TULA

17

​MGA ANYO NG TULA

Malayang taludturan – walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo. Ito ay karaniwang ayon sa nais ng manunulat. Ang mga tulang isinulat ni Alejandro Abadilla ang halimbawa ng mga tulang nasa anyong malayang taludturan.

Tradisyonal – may sukat, tugma, at mga matalinhagang salita. Ang ilan sa mga halimbawa ng tulang nasa anyong tradisyonal ay ang mga tulang isinulat ni Dr. Jose Rizal, isa na dito ang “Isang Alaala ng Aking Bayan“.

Blanco Berso(May sukat na walang tugma) – mga tulang may tiyak na bilang ang pantig ngunit ang huling pantig ay hindi magkakasingtunog o hindi magkakatugma.

Malayang Berso(Walang sukat na may tugma) – mga tulang walang tiyak na bilang ang pantig sa bawat taludtod ngunit ang huling pantig ay magkakasintunog o magkakatugma.

18

Multiple Choice

8. Anyo ng tula na may sukat at tugma.

1

TRADISYUNAL

2

MALAYANG TALUDTURAN

3

BLANGKO BERSO

4

MALAYANG BERSO

19

Multiple Choice

9. Anyo ng tula na may sukat ngunit walang tugma.

1

TRADISYUNAL

2

MALAYANG TALUDTURAN

3

BLANGKO BERSO

4

MALAYANG BERSO

20

Multiple Choice

10. Anyo ng tula na walang sukat at tugma

1

TRADISYUNAL

2

MALAYANG TALUDTURAN

3

BLANGKO BERSO

4

MALAYANG BERSO

21

Mga Elemento ng Tula

1.Sukat – tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula. May iba’t ibang sukat ang isang tula, halimbawa nito ay wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin at lalabing-waluhin na pantig

2. Tugma – tumutukoy sa magkakaparehong tunog sa huling pantig ng bawat taludtod

3. Kariktan – tumutukoy ito sa kagandahan ng tula sa pamamagitan ng paggamit ng larawang-diwa at malalalim na salita

4. Talinghaga– ang paggamit ng matatalinghagangpahayagtulad ng mgaidyoma, eupemistikongpahayag at mgatayutay

5. Pahiwatig– tumutukoysapaggamit ng simbolismo at mgasalitang may konotatibong kahuluga

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

22

TUNAY NA KAIBIGAN ni: Eugene

Kaibigan, naalala mo pa ba?

Ang araw na lagi tayong magkasama?

Ikaw at ako, tayong dalawa,

ay masayang naghahabulan sa may kalsada.

Kaibigan, natatandaan mo pa ba?

Nagkasakit ka’t sa iyo’y walang nag-alaga?

Mabuti na lang naroon ako.

Walang araw at gabing inalagaan kita.

Kaibigan, hindi mo ba nakalimutan?

Ang pagtangi kong mahal pala kita?

Nagulat ka, at napaurong ang dila.

Natigilan, natahimik, at mulagat ang mata

pattern-tertiary

2ND Q Filipino 10

by Rhaffy Onofre

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 22

SLIDE