
QUARTER 2_WEEK 2_ESP 6
Presentation
•
Other
•
6th Grade
•
Hard
Sheryl Cusipag
Used 2+ times
FREE Resource
19 Slides • 0 Questions
1
by Sheryl Cusipag
2
3
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapuwa-tao na may kaakibat na paggalang at responsibilidad.
1. maipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapuwa: (Pagiging Matapat )
4
Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na gagawin. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Nakakita ka ng pitaka sa daan habang papasok ka sa paaralan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi ko papansinin. B. Itatago ko na lang.
C. Pupulutin ko at ipagtatanong. D. Pupulutin ko at ipambibili ng pagkain.
2. Anong pag-uugali ang ipinakita mo kapag isinauli mo ang bagay na hindi sa iyo?
A. Masayahin B. Matulungin
C. Matapat D. Madasalin
5
.
A. matapat B. magalang C. masipag D. matulungin
4. Nabasag mo ang bagong biling plorera ng nanay mo. Walang ibang nakakita at nakaalam sa nangyari. Ano ang dapat mong gawin?
A. Magkukunwari akong hindi ko alam kung sino ang nakabasag.
B. Sasabihin ko na lang na ang kapatid ko ang nakahulog kahit hindi naman.
C. Aaminin kong ako ang nakabasag at hihingi ako ng paumanhin sa nanay ko.
D. Sasabihin ko na natabig ng alaga naming pusa ang mesa kaya ito nahulog.
6
A. Magkakaroon ka ng maraming kaaway.
B. May kapayapaan at kagaanan ng loob.
C. Walang kapanatagan ng loob
D. Pagkalito, takot at pagsisisi
7
Sa modyul na ito, mapag-aaralan natin ang kahalagahan ng pagiging matapat sa salita at sa gawa.
Sa usapin ng katapatan, minsan ay nakatuon lamang ang pansin ng marami sa kasinungalingan bilang paglabag sa katotohanan. Nakaliligtaan na ang kilos din ng tao ay may kakayahang lumabag sa katapatan.
Ang hindi pagsasabi ng totoo o panloloko ng kapuwa ay parang isang bisyo. Kapag pinaulit-ulit ito na ginagawa, nagiging ugali na ito ng isang tao. Ang anumang uri ng pagsisinungaling ay kalaban ng katotohanan at katapatan.
Ang pagsasabi ng totoo ang natatanging paraan upang malaman ng lahat ang tunay na mga pangyayari. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan, kalituhan at hidwaan.
8
Ating balikan ang nakaraang aralin. Sagutin ang mga tanong.
1. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita na ikaw ay isang mabuting kaibigan?
2. Bakit mahalagang mapanatili natin ang mabuting pakikisama sa mga kaibigan?
3. Anong katangian ang dapat mong taglayin upang mapanatili ang magandang ugnayan ng mga magkakaibigan?
9
“Ang batang matapat, mahal ng lahat”
Tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng kasabihan sa itaas?
2. Ano-ano ang naidudulot ng pagiging matapat sa lahat ng oras?
10
Katotohanan Dapat Manaig
Constacia Paloma
Sa ating buhay, minsan ay may dumarating na napakaraming tukso para magtago ng katotohanan at bigyan kasiyahan o pabor ang sarili. Pinagtatakpan ang mga pagkakamali upang mailigtas lamang ang sarili.
Subalit dahil masipag sa pagpapaalala sa ating sariling konsensiya, apektado pa rin tayo, gaano man kaliit ang ginagawa nating pagtatago sa katotohanan. Ang ilang pakiramdam bunga ng pagsisinungaling ay pagkalito, takot, agam-agam, pagkagalit sa sarili at pagsisisi.
11
Sa gitna ng tukso sa pagtatago ng katotohanan, kinakailangang manaig ang katotohanan. Ang pagmamahal sa katotohanan ay makakatulong sa atin upang makapaglaan tayo ng sapat na panahon tungo sa pagbabago at maging permanenteng bahagi ng ating pagkatao ang pagsasabi ng katotohanan sa lahat ng pagkakataon.
12
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang ipinapahiwatig ng sanaysay?
2. Ano ang kadalasang dahilan ng pagsisinungaling?
3. Ayon sa sumulat, ano-ano ang mga epekto ng hindi pagsasabi ng katotohanan sa tao?
4. Ano naman ang maidudulot ng pagsasabi ng katotohanan?
5. Sa anong sitwasyon maisasabuhay ng mga tao ang pagmamahal sa katotohanan?
13
“Ang pagiging matapat, mapanagutan at mahabagin ay mga ugaling dapat ipagmamalaki. Ang taong nagpapakita ng ganitong ugali saanman at kailanman na makakamit ang tunay na kaligayahan at magkakaroon ng isang maayos, payapa at maunlad na pamumuhay.”
14
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa iyong papel ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi wasto.
1. Sa pangangalap ng katotohanan, kinakailangan ang mga datos sa tunay na pangyayari at katiyakan ng tamang impormasyon.
2. Maaring hindi sabihin ng mga tao ang katotohanan kung paminsan-minsan lamang naman.
3. Ang katapatang nakikita sa tao ay nagiging daan para makapagpabago ng iba.
4. Ang katapatan ang daan patungo sa kabanalan.
15
6. Ang banyagang salitang white lies ay tinatawag na simpleng kasinungalingan.
7. Ang pagsisinungaling maliit man o malaki ay itinuturing na mali at kasalanan.
8.Ang pagkalito, takot, agam-agam, pagkagalit sa sarili, at pagsisisi ay ang mga maaaring maramdaman ng bawat isa tuwing siya ay nagsisinungaling.
9. Ang pagiging mapagpasensiya ay makatutulong sa tao upang makapaglaan siya ng sapat na panahon tungo sa pagbabago.
10.Kapayapaan sa isip at damdamin, kagaanan at kapanatagan ng loob ang dulot ng pagsasabi ng katotohanan
16
1. TAMA
2. MALI
3. TAMA
4. TAMA
5. TAMA
6. MALI
7. TAMA
8. TAMA
9. TAMA
10. TAMA
17
Quarter 2, Week 3
December 1,2021
1. Subukin letrang B, p.4
2. Pagyamanin letrang A at B, p. 8
3. Isagawa,p. 10
4. Karagdagang Gawain, p.12
Deadline of Submission: December 4, 2021
18
Ingat palagi...!!!
19
by Sheryl Cusipag
by Sheryl Cusipag
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 19
SLIDE
Similar Resources on Wayground
11 questions
Maria i Walenty Gąsiorowscy
Presentation
•
KG
13 questions
ESP 6 WEEK 4
Presentation
•
6th Grade
13 questions
REC. INTERPRETAÇÃO DE TEXTO
Presentation
•
7th Grade
16 questions
Gamit at Kaukulan ng Pangngalan
Presentation
•
6th Grade
11 questions
"O caderno da avó Clara" - Capítulos 6 e 7
Presentation
•
6th Grade
10 questions
Interpretação de texto - Estudo Orientado
Presentation
•
6th Grade
18 questions
Zróżnicowanie ludności Europy. Migracje
Presentation
•
6th Grade
10 questions
DESAFIO_PROVAPR_7_EF_LP_001
Presentation
•
6th Grade
Popular Resources on Wayground
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Brand Labels
Quiz
•
5th - 12th Grade
Discover more resources for Other
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Brand Labels
Quiz
•
5th - 12th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Decimal Place Value
Quiz
•
4th - 6th Grade
20 questions
Elements, compounds, and mixtures
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Area of Parallelograms and Triangles
Quiz
•
6th Grade
22 questions
Ratio and Ratio Tables
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Add and Subtract Integers
Quiz
•
6th - 8th Grade