
Mga Pagbabagong Naganap sa Europa sa Gitnang Panahon
Presentation
•
Social Studies
•
8th Grade
•
Hard
DYAN DELIZO
Used 10+ times
FREE Resource
17 Slides • 13 Questions
1
Mga Pagbabagong Naganap sa Europa sa Gitnang Panahon
by DYAN DELIZO
2
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon • Politika (Pyudalismo, Holy Roman Empire) • Ekonomiya (Manoryalismo) Sosyo-kultural (Paglakas ng Simbahang Katoliko, Krusada)
3
Paunang Pagtataya
Subukang sagutin ang paunang pagtataya na magtatakda kung ano na ang iyong alam mo sa mga aralin. Piliin ang letra ng tamang sagot.
4
Multiple Choice
Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong European dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang pangunahing layunin ng Krusada?
Mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano
Mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europe
Mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
Mapalawak pa ang kapangyarihan ng Simabahang Katoliko
5
Multiple Choice
Sa panahon ng Piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: pari, kabalyero, at serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf?
Itinuturing silang natatanging sector sa lipunan.
May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.
Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.
Malaya nilang mapauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.
6
Multiple Choice
“Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil ditto, hinangad ng lahat ang proteksiyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo.” Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?
Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro
Ang sistemang Piyudalismoo ay sagot sa kahirapan ng mga tao
Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga pangkat barbaro
Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghahangad ng proteksyon
7
Multiple Choice
Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahang Katoliko. Isang bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan (Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan o sa Papacy?
Tumutukoy ito sa kapangyarihan political ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican
Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa kasalukuyan.
Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong panahong Medieval.
Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.
8
Multiple Choice
Bukod sa paglakas ng impluwensya ng simbahang Katoliko, ano ang isa sa mahalagang kaganapan sa Europe sa Panahong Medieval?
Ang pagkakatatag ng Holy Roman Empire
Nang mahirang si Pepin the Short bilang hari nga mga Franks
Nang pinag-isa ni Clovis ang iba’t ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Roman
Nang makoronahan si Charles the Great bilang emperador ng Banal na Imperyong Romano.
9
Multiple Choice
Sa Sistemang Piyudalismo sa Panahong Medieval, ano ang pinakamahalang anyo ng kayamanan sa kontinente ng Europe?
Lupa
Ari-arian
Ginto at pilak
Salapi at kayamanan
10
Multiple Choice
Sa Guild System ng Panahong Medieval, saan napabilang ang mga artisan, karpentero, at mga sastre?
Craft guild
Merchant guild
Knight guild
Handicraft guild
11
Multiple Choice
Ang Holy Roman Empire ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Romano. Sino ang naging emperador ng imperyo noong 800 CE?
Charlemagne
Charles Martel
Clovis
Pepin the Short
12
Multiple Choice
Alin sa sumusunod ang Hindi kasali sa mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval?
Ang Holy Roman Empire
Ang paglunsad ng mga Krusada
Ang pamumuno ng mga Monghe
Ang paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang institusiyon sa Gitnang Panahon
13
Multiple Choice
Sa unang mga taon ng Gitnang Panahon, ano ang kanilang sistema ng kalakalan?
Barter
Pag-aalipin
Salaping barya
Pagpapakasal sa anak bilang kabayaran
14
Apat na mga pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval:
1. Ang Paglakas ng Simbahang Katoliko Bilang Isang Institusyon sa Gitnang Panahon
2. Ang Holy Roman Empire
3. Ang Paglunsad ng mga Krusada
4. Buhay sa Europe noong Gitnang Panahon
15
Ang Paglakas ng Simbahang Katoliko Bilang Isang Institusyon sa Gitnang Panahon
1. Pagbagsak ng Imperyong Roman
Marami ang dahilan ng paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko at ng Kapapahan. Isa na rito ang pagbagsak ng Imperyong Roman noong 476 CE, na naghari sa kanluran at silangang Europe sa gitnang silangan at hilagang Africa sa loob ng halos 600 taon at bumagsak lamang sa kamay ng mga barbaro.
16
2. Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan
Nang lumaganap ang Kristiyanismo mula sa lungsod patungo sa mga lalawigan, sumangguni sa mga Obispo ang mga pari sa kanilang pamumuno.Nasa ilalim ng Obispo ang maraming pari na nasa iba-ibang parokya sa lungsod. Hindi lamang mga gawaing spiritual ang pinangangalagaan ng mgapari, kundi pangangasiwa ng gawaing pangkabuhayan, pang-edukasyon at pangkawang-gawa ng simbahan
17
Kapapahan (Papacy)
Tumutukoy sa tungkulin, panahon, panunungkulan, at kapangyarihang panrelihiyon bilang pinuno ng simbahang katoliko. Mayroon din siyang kapangyarihang pampulitika bilang pinuno ng estado
18
Pope
Nangangahulugang AMA na mula sa salitang Latin na Papa.
19
3. Uri ng Pamumuno sa Simbahan
Maraming mga naging pinuno ng simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas ng pundasyon ng simbahang Katoliko Roman at Kapapahan.
20
Constantine the Great
Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng Kristiyano sa buong imperyo ng Rome at ang Konseho ng Nicea na kaniyang tinawag
21
Papa Leo the Great
Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang doktrinang nagsasabing ang Obispo ng Rome bilang tagapagmana ni San Pedro, ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo
22
Papa Gregory I
Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at pagsisikap sa paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at patnubay ng Simbahan sa buong Kanlurang Europe.
23
Papa Gregory VII
Sa kanyang pamumuno ay naganap ang labanan ng kapangyarihang secular at ekleyastikal ukol sa POWER OF INVESTITURE o karapatang magkaloob ng tungkulin sa mga tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV ng Germany.
24
4. Pamumuno ng mga Monghe
Namumuhay ang mga monghe sa ilalim ng mahigpit na mga alituntunin ng monasteryo. Dahil dito malaki ang kanilang impluwensiya ng pamumuhay ng tao noong Panahong Medieval. Nagsikap sila sa paglinang at pagtanim sa mga lupain na nakapaligid sa kanilang monasteryo.
25
Monghe
Isang pangkat na tumatalikod sa makamundong pamumuhay at naninirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina
26
Ebalwasyon
Gawain: Tungkulin Ko, Alamin Mo!
Panuto: Ilarawan ang tungkulin ng mga sumusunod
27
Open Ended
Pari
28
Open Ended
Obispo
29
Open Ended
Arsobispo
30
Maraming Salamat
Mga Pagbabagong Naganap sa Europa sa Gitnang Panahon
by DYAN DELIZO
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 30
SLIDE
Similar Resources on Wayground
22 questions
KABANATA I GRADE 7
Presentation
•
7th Grade
20 questions
Aralin 1 - Noli Me Tangere (1)
Presentation
•
9th Grade
28 questions
Antas ng Wika
Presentation
•
7th - 8th Grade
22 questions
SINAUNANG KABIHASNAN
Presentation
•
8th Grade
24 questions
Cold War at Neokolonyalismo
Presentation
•
8th Grade
25 questions
Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo
Presentation
•
7th Grade
20 questions
Enero 7, 2022
Presentation
•
8th Grade
28 questions
Pagbibigay-Kahulugan sa Talinghaga
Presentation
•
8th Grade
Popular Resources on Wayground
6 questions
Secondary Safety Quiz
Presentation
•
9th - 12th Grade
10 questions
Afterschool Activities & Sports
Quiz
•
6th - 8th Grade
19 questions
ROAR Week 2026
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Lab Safety Quiz
Quiz
•
6th Grade
15 questions
Cool Tool:Chromebook
Quiz
•
6th - 8th Grade
22 questions
would you rather
Quiz
•
3rd - 11th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Social Studies
21 questions
SS8G1 & SS8E1 Review
Quiz
•
8th Grade
20 questions
Compass Rose
Quiz
•
8th Grade
16 questions
Unit 1 Section 1/A Exploration & Jamestown Quiz
Quiz
•
8th Grade
30 questions
SS8G1 Quiz Review
Quiz
•
8th Grade
17 questions
Primary vs. Secondary Sources
Quiz
•
8th Grade
18 questions
Georgia Geography CSA 20
Quiz
•
8th Grade
17 questions
Types of Government
Presentation
•
6th - 8th Grade
6 questions
Would you Rather Icebreaker
Quiz
•
8th Grade