
Pagbibigay-Kahulugan sa Talinghaga
Presentation
•
Education
•
8th Grade
•
Easy
Myline Umali
Used 3+ times
FREE Resource
16 Slides • 12 Questions
1
Pagbibigay-Kahulugan sa Talinghaga
by Myline Umali
2
Pagbibigay-Kahulugan sa Talinghaga
Ang araling ito ay naglalayong magkapaglinang ng sariling kakayahan na makapagbigay-kahulugan sa mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag na ginamit sa iba’t ibang uri ng panitikan gaya ng tula, balagtasan, alamat, maikling kwento at epiko ayon sa kasingkahulugan o kasalungat na kahulugan
3
Multiple Choice
Ano ang tawag sa bulkan na ito?
Bulkang Taal
Bulkang Mayon
Bulkang Pinatubo
4
Multiple Choice
Saang lalawigan o probinsiya matatagpuan ang bulkang ito?
Batangas
Bicol
Zambales
Mindoro
5
Open Ended
1. Ano-ano ang alam mo tungkol sa bulkang ito? Magbigay ng dalawang
katangian nito?.
6
Talinhaga
Ang talinghaga ay ang paraan ng pagsasalita na may lalim at pakipakahulugan bilang repleksyon ng mga tunay na pangyayari sa buhay ng tao. Ang mga talinghagang ito ay nagbibigay ng lalim sa kahulugang nais ipahiwatig nito. Maliban sa Bibliya, marami ring talinghaga ang matatagpuan sa mga tula, alamat, epiko at iba pang uri ng akdang-pampanitikan.
7
Daragang Magayon
ni Damiana Eugenio
Katulad ng lahat ng alamat, nangyari ang kuwentong ito noong unang panahon. Naganap ito sa payapang rehiyon ng Ibalong, sa maliit na bayan ng Rawis, na pinamumunuan ng makatarungang datung si Makusog. Ang asawa ng datu na si Dawani ay namatay sa panganganak.
8
Kaya’t nanatiling iisa ang anak ni Datu Makusog -isang anak na babaeng walang kapares sa kagandahan at kabaitan, si Daragang Magayon. Hindi tuloy nakapagtataka kung bakit dumadayo ang napakaraming manliligaw mula sa ibang tribu, kabilang na ang nasa malalayong bayan, upang mabihag ang puso ng dalaga. Ngunit wala ni isa sa mga binatang ito ang nakakuha ng pagtingin ng magandang binibini. Wala, kahit ang makisig at mapagmataas na si Pagtuga, ang dakilang mangangaso at datu ng Iraga.Kahit pa pinaulanan ni Pagtuga ng mga handog na ginto, perlas, at iba pang kayamanan ang ama ni Magayon, ay hindi pa rin nito nakuha ang loob ng dalaga.
9
Ngunit wala ni isa sa mga binatang ito ang nakakuha ng pagtingin ng magandang binibini. Wala, kahit ang makisig at mapagmataas na si Pagtuga, ang dakilang mangangaso at datu ng Iraga. Kahit pa pinaulanan ni Pagtuga ng mga handog na ginto, perlas, at iba pangkayamanan ang ama ni Magayon, ay hindi pa rin nito nakuha ang loob ng dalaga. Isang katangi-tanging binatilyo ang nagpakita si Rawis: si Ulap, ang tahimik ngunit matapang na anak ni Datu Karilaya ng Katagalugan. Naglakad siya nang malayo upang makita ng sarili niyang mga mata ang ipinagbunying kagandahan ni Daragang Magayon.Ngunit hindi katulad ng ibang manliligaw, nagdahan-dahan si Ulap. Tiniisniya ang magnakaw lamang ng mga sulyap mula sa malayo habang nagtatampisaw si Daragang Magayon sa ilog ng Yawa. Pagkatapos ng isang maulang gabi, pumunta ulit si Magayon sa Ilog Yawa upang magtampisaw. Nadulas siya sa batuhan at nahulog sa malamig na ilog.
10
Dagli-dagling sumaklolo si Ulap at binuhat ang nangangatog na dilag pabalik sa dalampasigan. Ito ang naging simula ng pag-iibigan ni Daragang Magayon at ni Ulap.Ilang beses pang nagtagpo si Ulap at si Daragang Magayon. Hanggang sa isang araw, sinundan ni Ulap si Magayon sa pag-uwi. Pagdating sa bahay ni Datu Makusog, buong lakas nang loob na ibinaon ni umiwas ng tingin. Dahil dito, napagtanto ni Datu Makusog na umiibig ang kaniyang nag-iisang anak, kaya’t hindi na siya nagpahayag ng kahit anong pagtanggi. Tuwang-tuwa si Magayon at si Ulap. Binalak nilang gawin ang kasalan pagkalipas ng isang buwan upang mabalitaan ni Ulap ang kaniyang mga kababayan, at upang makapaghandananghusto para sa pagdiriwang. Mabilis na kumalat ang magandang balita. Nakarating agad ito kay Pagtuga, na namula sa galit.
11
Nang mangaso si Datu Makusog, dinakip siya ni Pagtuga. Nagpadala si Pagtuga ng mensahe kay Magayon, nagbabantang papatayin ang kaniyang ama at maghahasik ng digmaan saka niyang bayan kung hindi siya pakakasalan. Sinunod ni Magayon ang kahilingan ni Pagtuga, labag man sa kaniyang kalooban. Agad-agad na inihanda ang kasalan. Nang malaman ni Ulap ang masaklap na pangyayari, nagmadali siya pabalik ng Rawis kasama ang pinakamagigiting niyang mandirigma. Kasisimula pa lamang ng seremonya nang dumating sina Ulap. Sa halip naisang pagdiriwang para sa kasal, isang madugong labanan ang naganap. Napuno ang langit ng mga palaso. Napuno ang hangin ng tunog ng nagkikiskisang bolo. Nagtuos si Ulap at si Pagtuga, isang labanan para sa kamay ng nag-iisang si Magayon.
12
Nadaig at napaslang ni Ulap si Pagtuga. Masayang sinalubong ni Magayon si Ulap, akmang yayakapin —nang biglang isang ligaw na palaso ang tumama sa likod ng dalaga. At habang sapo-sapo ni Ulap ang nag-aagaw-hininga niyang iniibig, bigla siyang sinibat sa likod ng isang kawal ni Pagtuga. Agad na hinataw ni Datu Makusog ang kawal ng kaniyang minasbad, isang matalim na bolo.Pagkatapos ng mabilis na pangyayaring iyon, tumahimik ang lahat ng mandirigma. Tumigilang digmaan. Sa halip na marinig ang kasiyahan ng isang pagdiriwang ng kasalan, mga hikbi at hagulgol para sa mga pumanaw ang lumutang sa hangin. Kahit na halos walang makita dahil sa walang-tigil na pagluha si Datu Makusog, naghukay siya nang naghukay.
13
Nang matapos, nilibing niya ang kaniyang nag-iisang anak na si Magayon, at ang nag-iisa nitong pag-ibig na si Ulap, nang magkatabi at magkayakap.Habang lumilipas ang mga araw, unti
-unting tumaas ang lupang pinaglibingan kina Ulap at Magayon. Tumaas ito nang tumaas, at di nagtagal, sinamahan ito ng pagyanig ng lupa at pagtilapon ng nagbabagang mga bato. Naniniwala ang mga matatanda na kapag nangyayari ito, ginagalit ni Pagtuga ang bulkan upang maibalik sa kaniya ang mga kayamanang iniregalo niya kay Magayon—mga regalong inilibing kasama ng dalaga sang-ayon sa mga lumang paniniwala. May mga araw kung kailan natatakpan ng mga ulap ang tuktok ng bulkan.Sinasabi ng mga matatanda na kapag nangyayari ito, hinahalikan ni Ulap si Magayon. At kung pagkatapos nitoay marahang dumampi ang ulan sa magiliw na libis ng bulkan, naniniwala ang mga matatandang lumuluha si Ulap.
14
Open Ended
SINO-SINO ANG MGA TAUHAN SA KWENTO?
15
Open Ended
Ano ano ang iba’t ibang suliranin na nabanggit sa alamat.?
16
Open Ended
1. Isa-isahin ang mga matatalinghagang salita o pangungusap na nagpapakita ng talinghaga.
17
1. Alamin ang kahulugang ipinapakita ng matatalinghagang salita.
Mabihag ang puso
18
1. Alamin ang kahulugang ipinapakita ng matatalinghagang salita.
Magnakaw lamang ng sulyap /
Nakaw tingin
19
1. Alamin ang kahulugang ipinapakita ng matatalinghagang salita.
Lakas loob
20
1. Alamin ang kahulugang ipinapakita ng matatalinghagang salita.
Minasbad
21
1. Keyboard ka ba? Type kasi kita.
2.Dilim ka ba? Kasi nung dumating ka, wala na akong nakitang iba.
3.Nag-review ka ba? Baka kasi sagutin mo na ako mamaya.
4.Utang ka ba? Habang tumatagal lumalaki na interes ko sa iyo.
5.Tea ka ba? Kasi TEAnamaan na ako sa iyo.
22
Open Ended
Ano ang tawag sa mga halimbawa na ibinigay?
23
Fill in the Blanks
Type answer...
24
Fill in the Blanks
Type answer...
25
Fill in the Blanks
Type answer...
26
Fill in the Blanks
Type answer...
27
Fill in the Blanks
Type answer...
28
Pagbibigay-Kahulugan sa Talinghaga
by Myline Umali
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 28
SLIDE
Similar Resources on Wayground
22 questions
Szkolnictwo w Niemczech
Presentation
•
KG
19 questions
PLANÉTA ZEM
Presentation
•
KG
19 questions
La acentuación, la sílaba y su división
Presentation
•
8th Grade
21 questions
Element ,compound and mixture
Presentation
•
7th Grade
20 questions
Enero 7, 2022
Presentation
•
8th Grade
20 questions
Aralin 1 - Noli Me Tangere (1)
Presentation
•
9th Grade
22 questions
Resuscytacja KO
Presentation
•
8th Grade
20 questions
Pertumbuhan Ilmu Pengetahuan Pada Masa Abasiyah
Presentation
•
8th Grade
Popular Resources on Wayground
20 questions
"What is the question asking??" Grades 3-5
Quiz
•
1st - 5th Grade
20 questions
“What is the question asking??” Grades 6-8
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
Fire Safety Quiz
Quiz
•
12th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
34 questions
STAAR Review 6th - 8th grade Reading Part 1
Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
“What is the question asking??” English I-II
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
47 questions
8th Grade Reading STAAR Ultimate Review!
Quiz
•
8th Grade