Search Header Logo
Modyul 8 at 9 - Filipino - Q2

Modyul 8 at 9 - Filipino - Q2

Assessment

Presentation

Other

6th Grade

Medium

Created by

veda anne

Used 1+ times

FREE Resource

21 Slides • 16 Questions

1

Modyul 8 at 9 - Filipino - Q2

by veda anne

2

​PAKSA

3

​PAKSA

Ano ba ang paksa?

Ang paksa ay ang pangunahing pinag-uusapan sa isang akda gaya ng kuwento, sanaysay, balita, talumpati at iba pang kaugnay na tekstong maaaring nabasa, napakinggan o napanood. Ito ang pinakatuon o sentro sa akda.

4

​Basahin ang talata sa ibaba at ating tukuyin ang paksa nito.

Tinamnan ng binhi. Kung ang lupa ay alaga sa pataba, higit ding lulusog ang binhing tumutubo rito. Tutubuan ito ng malalaking ugat na hindi mabubuwag ang pagkakapit sa lupa.

Ang paksa ng talatang nabasa mo ay tungkol sa tinamnan ng binhi.

5

Tandaan!

  1. Ang bawat talata sa isang sanaysay o teksto ay naglalaman ng paksa.

  2. Paksa ang tawag sa pangkalahatang diwa na tinutukoy ng isang talata sa sanaysay o teksto.

  3. Maaaring makuha ang paksa sa pamamagitan ng masusing pang-unawa sa bahagi ng isang sanaysay o teksto.

  4. Ang paksa sa isang sanaysay o teksto ay maaari ding matagpuan sa unahan, sa gitna, o sa dulong bahagi ng talata.

6

Pagsasanay 1 (Paksa)

Piliin ang Tama o Mali kung ang may salungguhit ay tumutukoy sa paksa ng talata.

7

Multiple Choice

Maraming mag-aaral mula sa pribadong paaaralan ang lumipat sa pampublikong paaralan dahil marami sa kanilang magulang ay nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya. Ayaw nilang pahintuin ang kanilang mga anak dahil naniniwala sila na makakaapekto ito sa pag-unlad nang pagkatuto ng kanilang mga anak. Tunay na mahalaga ang edukasyon

1

TAMA

2

MALI

8

Multiple Choice

Sinunod ng mga tao ang safety measures protocol. Marami ang nakasuot ng face mask at maging ang face shield ay kailangan na rin. Natatakot silang mahawahan ng kumakalat na virus. Iniiwasan na rin lumabas ng bahay kung hindi naman mahalaga.

1

TAMA

2

MALI

9

Multiple Choice

Marami ang patuloy na nanalangin na matigil na ang pandemya. Ang mga tao ay nagkaroon ng malalim na paniniwala sa Diyos. Sila ay nagsisimba sa pamamagitan ng on-line mass sa media. Ang mga pamilya ay sama-samang ring nananalagin sa kanilang mga tahanan.

1

TAMA

2

MALI

10

​Pagsasanay 2 (Paksa)

Basahing mabuti ang mga teksto. Ibigay ang paksa ng bawat teksto/talata na may nakasulat na bilang.

11

Multiple Choice

Kung lubos na maiintindihan ng bawat mag-aaral ang tunay na kahalagahan ng edukasyon, maiiwasan sana ang karaniwang suliraning hinaharap ng mga kabataan ngayon gaya ng di-planadong pagbubuntis, maagang pag-aasawa at pagtigil sa pag-aaral.

1

Mabawasan ang mga suliranin sa mga kabataan.

2

Sagabal ang edukasyon sa araw-araw na buhay.

3

Malaman ng kabataan ang tungkol sa pagbubuntis.

4

Ang tunay na kahalagahan ng edukasyon sa bawat mag-aaral

12

Multiple Choice

Ang edukasyon ay isang bagay na hinding-hindi maaagaw ninuman. Ito ay kailanagan upang maisakatuparan ang pangarap ng isang bata. Sa pamamagitan nito siya ay mahuhubog upang magkaroon ng matatag na pundasyon nang sa gayon ay hindi ito manghina ni masira sa pagharap nito sa mga pagsubok at suliranin ng buhay.

1

Ang edukasyon ay isang bagay na hindi maaagaw ninuman.

2

Ang edukasyon ay isang materyal na bagay.

3

Ang edukasyon ay malawak at hindi madaling matutunan.

4

Ang edukasyon ay nanatiling pangarap lamang sa iba.

13

Multiple Choice

Di nga ba’t ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan? Kaya dapat lang na magkaroon ng tama at angkop na edukasyon para naman ang pangarap ng ating mga ninuno na mabuting kinabukasan para sa bayan ay makamtan.

1

Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.

2

Ang edukasyon ay basehan ng tagumpay.

3

Ang kabataan ang lalaban para sa ating bayan.

4

Ang pag-asa ng bayan ay pangarap lamang.

14

ASPEKTO AT ​POKUS NG PANDIWA

15

​ASPEKTO NG PANDIWA

Ang Aspekto ng Pandiwa ay nagsasaad kung ang kilos ay naganap, nagaganap, at magaganap pa lamang. May tatlong aspekto ang pandiwa:

16

1. Aspektong Naganap - Ang aspektong naganap ay nagsasaad kung ang kilos ay nasimulan o natapos na. Halimbawa: naglakad, tumulong

2. Aspektong Nagaganap - Ang aspektong nagaganap ay nagsasaad ng kilos na kasalukuyang ginagawa o nangyayari. Halimbawa: naglalakad, tumutulong

3. Aspektong Magaganap - Ang aspektong magaganap ay nagsasaad ng kilos na pinaplano pa lamang o gagawin pa lamang. Halimbawa: maglalakad, tutulong

17

media

18

Pagsasanay 1​ (Aspekto ng Pandiwa)

Pliin ang angkop na pandiwa na kukumpleto sa pangungusap.

19

Multiple Choice

Si inay ay __________ ng pansit at biko sa makalawa.

1

nagluto

2

nagluluto

3

magluluto

20

Multiple Choice

Ako ay __________ araw-araw.

1

naligo

2

naliligo

3

maliligo

21

Multiple Choice

__________ si Obet ng tsokolate kahapon.

1

Kumain

2

Kumakain

3

Kakain

22

Multiple Choice

Si inay ay __________ ng pansit at biko sa makalawa.

1

nagluto

2

nagluluto

3

magluluto

23

Ang tawag sa mga pandiwang ito na sumasagot sa tanong na sino, saan, ano, para kanino, sa pamamagitan ng ano at bakit ay pokus ng pandiwa.

Ang Pokus ng Pandiwa ay tumutukoy sa ugnayan o relasyon ng pandiwa at ng paksa ng pangungusap.

24

Multiple Choice

__________ si Obet ng tsokolate kahapon

1

Kumain

2

Kumakain

3

Kakain

25

​POKUS NG PANDIWA

1. Pokus sa tagaganap o aktor- nasa aktor ang pokus kapag ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Ginagamitan ito ng mga panlaping um, mag at maka.

Halimbawa: Magkukumpuni ako ng mga sirang upuan.

Ang paksa na ako ang tagaganap ng kilos na magkukumpuni.

26

​POKUS NG PANDIWA

2. Pokus sa gamit- ang paksa sa pangungusap ang kasangkapan o bagay na ginamit upang maisagawa ang kilos. Ang panlaping ginagamit ay ipang. Ang ipang ay nagiging ipan o ipam depende sa sinusundang titik. Ang ipang ay nagiging ipan kapag ang sinusundang titik ay nagsisimula sa d, l, r, s at t. Nagiging ipam kapag ang sinusundang titik ay nagsisimula sa p at b. Nanatiling ipang kapag ang sinusundang titik ay nagsisimula sa g, h, k, m, n, w at y.

Halimbawa: Ipampunas mo ang bagong basahan sa mga bintana.

Ang paksa sa pangungusap na ang bagong basahan ang kasangkapan o bagay na ginamit para maisagawa ang kilos na ipampunas

27

​POKUS NG PANDIWA

​3. Pokus sa layon - kung ang layon ang paksa ng pangungusap. Gumagamit ng panlaping -in/hin, an/han.

Halimbawa: Pakikintabin ko ang sahig.

Ang paksa sa pangungusap na ang sahig ang layon ng kilos na pakikintabin.

28

​POKUS NG PANDIWA

4. Pokus sa tagatanggap - kung ang pinaglalaanan o tagatanggap ng kilos ang paksa ng pangungusap. Ang panlaping ginagamit ay i at ipag.

Halimbawa: Igagawa ko kayo ng masarap na meryenda.

Ang paksa sa pangungusap na kayo ang tagatanggap o pinaglalaanan ng kilos na igagawa

29

​POKUS NG PANDIWA

5. Pokus sa direksiyon - kung ang paksa ng pangungusap ay ang direksiyon o tinutungo ng kilos. Ang panlaping ginagamit ay in, an/han.

Halimbawa: Pinuntuhan ko na rin ang kuwarto.

Ang paksa sa pangungusap na ang kuwarto ang direksiyon o tinutungo ng kilos na pinuntahan.

30

​POKUS NG PANDIWA

6. Pokus sa sanhi – kung ang paksa ay nagsasaad ng sanhi o dahilan. Ang panlaping ginagamit ay ika at in.

Halimbawa: Ikinabahala kaagad ang hindi niya pagkakita kina tatay at nanay.

Ang paksa sa pangungusap na ang hindi niya pagkakita kina tatay at nanay ang sanhi o dahilan ng kilos na ikinabahala.

31

​POKUS NG PANDIWA

7. Pokus sa ganapan – kung ang paksa ay ganapan o pinangyarihan ng kilos. Ginagamitan ito ng panlaping pag, in at han

Halimbawa: Bakit pinagsayawan mo po ang mesa?

Ang paksa sa pangungusap na ang mesa ang ganapan o pinangyarihan ng kilos na pinagsayawan​

32

Pagsasanay (Pokus ng Pandiwa)​

Kilalanin kung anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit sa pangungusap.

33

Multiple Choice

Ang palaruan ay pinagdausan ni Myra ng kanyang kaarawan.

1

ganapan

2

direksyon

3

sanhi

4

tagatanggap

34

Multiple Choice

Pinasyalan namin ang Venice Grand Canal.

1

ganapan

2

direksyon

3

sanhi

4

tagatanggap

35

Multiple Choice

Si Jandy ay ipinagsaing ni Nanay ng kanin.

1

ganapan

2

direksyon

3

sanhi

4

tagatanggap

36

Multiple Choice

Ang pagkanta ni Linda ay ikinasaya ni Mila.

1

ganapan

2

direksyon

3

sanhi

4

tagatanggap

37

Multiple Choice

Ang sandok ay ipinangkuha ni Nanay ng liston sa kawali.

1

ganapan

2

gamit

3

sanhi

4

direksyon

Modyul 8 at 9 - Filipino - Q2

by veda anne

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 37

SLIDE