Search Header Logo
GRADE 4 Pang-abay

GRADE 4 Pang-abay

Assessment

Presentation

Other

KG

Hard

Created by

Analis Ruiz

Used 2+ times

FREE Resource

7 Slides • 5 Questions

1

GRADE 4 PRESENTATION

3rd Grading Module 1 PANG-ABAY

2

BAHAGI NG KATAWAN

May nagbabadyang mangyayari sa katawan ni Ruel. 

Nagsimulang mag-ingay si Bibig. “Hay naku, gawa kami ng gawa ni Dila na kapatid. Lumasa ng lumasa sa mga pagkaing dadalhin sa isang bahaging wala namang ginagawa”, parinig nya kay Tiyan. Ang iba pang bahagi ng katawan ni Ruel ay napapaisip sa araw-araw na naririnig nila sa mareklamong si Bibig. Oo nga naman, silang lahat ay nagtatrabaho para lang malagyan ng pagkain ang tamad na si Tiyan. Inumpisahang magreklamo ni Ngipin. “Nguya, durog pero mapupunta rin lang naman kay Tiyan”, sabi nito. “Ako man ay napapagod na sa pagluluto at paghahanda ng pagkaing napupunta lang kay Tiyan!”, reklamo ni Kamay. "Hala! Ako nga ay napakalayo ng nilalakad ko para bumili ng lulutuing pagkain para kay Tiyan tamad”, sagot naman ni Paa.

3

BAHAGI NG KATAWAN

Tahimik ang hiyang-hiya si Tiyan sa mga naririnig. Subalit gustuhin man niyang siya ang gumawa ng lahat ay hindi naman niya mgawa. “Hay, hanggang tingin na lang ako sa mga masasarap na pagkain”, parinig din ni Mata. “Natatakam ako pero amoy-amoy lang ang nagagawa ko, mapupunta lahat yan kay Tiyan”, sabi ni Ilong. Pinagkaisahan nila si Tiyan. Nagsitigil sila sa mga gawain nila para wala na daw pakinabangan si Tiyan na tanggap lang ng tanggap. Tumigil si Paa sa paglalakad para mamalengke. Wala ng iluluto si Kamay. Kaya’t wala nang naipasok kina Bibig at Dila na pagkain. Pahinga si Ngipin sa pangnguya, walang amoy pagkain si ilong, at walang nakita si Mata. Tuwang-tuwa na sila dahil wala ng ginagawa. Makaraan ang ilang araw ay nakaramdam sila ng panghihina na kahit gustuhin nilang kumilos ay hindi na nila magawa. 

4

BAHAGI NG KATAWAN

“Nawala ang lakas ko”, sabi ni Paa.“Nanghihina rin ako”, hindi mailakas na sabi

ni Kamay. “Lumalabo naman ang paningin ko”, sabi ni Mata. “Papahina pang amoy ko, para akong hinihika”, sabi naman ni Ilong. “Hindi ko na rin kaya! Nauuhaw ako, bitak-bitak na ang dila”, ang nanghihinangnang sabi ni Bibig. “Naramdaman natin ang mga ito simula nang huminto tayong magtrabaho. Ibig sabihin… apektado tayong lahat kapag hindi nakakain at nakainom si Tiyan?” bulong nila sa isa’t isa. Nagsalita ang pinakamatalinong bahagi ng katawan na si Utak. “Hindi tama ang mga reklamo at akalang tamad si Tiyan. Ang totoo ay napakalaki ng nagagawa ni Tiyan sa atin. Tinutunaw niya ang ipinapasok ninyong pagkain at mula sa kanya’y dumadaloy ito pabalik sa iba’t ibang bahagi ng katawang tulad natin.

5

BAHAGI NG KATAWAN

Iyon ang magsisilbing lakas at kalusugan ng bawat isa sa atin. Kaya dapat ay nagmamalasakitan anagtutulungan tayo. Dahil lahat tayo ay bahagi ng iisang katawan”, mahabang paliwanag ni Utak. Nakaramdam ng hiya ang mga nagrereklamo. Humingi sila ng tawad kay Tiyan. Maya-maya ay nakita ni Mata si Nanay na may dalang mainit na lugaw. Inabot ito ni Kamay na agad namang naamoy ni Ilong. Isinubo kay Bibig, nilasahan ni Dila, at nginuya ni Ngipin. Nagbalik ang sigla ni Ruel, lumakas ang lahat ng bahagi ng kanyang katawan. Natuto sila. Nauunawaan na ang mga pangyayari. Mula ngayon ay makailang beses muna nilang isipin ang isang bagay bago magreklamo at magdesisyon.

6

Tanong na sasagutin sa pulong na magkasabay (synchronous session)

Tulad ng mga bahagi ng katawan na nakita ang pagkakamali at naging mabuti, tayong lahat man ay maaari ding magbago. Lalo’t nagbibigay ang ating Panginoong Diyos ng pagkakataon para gawin ito. Hindi lang para maging masaya kundi upang mapayapa ang ating buhay at lalo pang maging karapat-dapat sa ating Ama. Sa pagkakataong ito ay gagawa ka ng maikling sulat ng pasasalamat sa walang hanggang pang-unawa sa iyo ng iyong pamilya lalo na sa tuwing nagkakamali ka. Para higit na mapabuti ang relasyon mo sa kanila o sa mga taong patuloy na nagmamahal sa iyo.

7

Kahanga-hanga ang proseso ng ating kinakain di ba?

Isang mahabang paglalakbay ang nangyayari sa ating pagkain mula pagpasok nito sa bibig papunta sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan.     Halika, sundan natin ang mga pangyayari sa pagkain ni Ruel ng pizza.

KASANAYANG PANGWIKA

media

8

Fill in the Blanks

Type answer...

9

Fill in the Blanks

Type answer...

10

Fill in the Blanks

Type answer...

11

Fill in the Blanks

Type answer...

12

Fill in the Blanks

Type answer...

GRADE 4 PRESENTATION

3rd Grading Module 1 PANG-ABAY

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 12

SLIDE