

Modyul 1: Ang Pagkukusa sa Makataong Kilos
Presentation
•
Other
•
10th Grade
•
Medium
ROSINNIE REBOTE
Used 11+ times
FREE Resource
17 Slides • 10 Questions
1
By ROSINNIE REBOTE
Modyul 1: Ang Pagkukusa sa Makataong Kilos
2
Isa sa mga kadalasang naririnig ng mga kabataan mula sa mga matatanda at mga magulang ang, “Matuto ka namang magkusa dahil hindi ka na bata!” Sa ganitong pahayag, ang inaasahan nila mula sa bata ay ang pagiging responsible at may pagkukusang loob na gawin ang tama. Bakit ganoon kalaki ang inaaasahan na dapat gawin ng isang tao? Bakit ang pagkukusa ay dapat maisapuso at palaging ginagawa lalo na sa mga gawaing humahamon sa kakayahang gumawa ng tama at lalong-lalo na ang maging mapanagutan sa ating kilos o ginawang kilos?
3
ALAMIN
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: 1. Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa kalooban na malayang isinagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman. (MELC- 5.1)
2. Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan. (MELC - 5.2)
4
BALIKAN
GAWAIN 1: Balik-tanaw
Panuto: Mag-isip ng isang pangyayari sa iyong buhay na kung saan nagpapakita ng pagkukusa sa iyong kalooban ang ginawang kilos. Ibahagi ito sa klase sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan.
Mga Tanong:
Ano ang nagawa mong kilos?
Sa palagay mo tama ba ang ginawa mong kilos? Oo/ Hindi. Bakit?
Ano ang kahinatnan o naramdaman mo sa ginawang kilos?
5
SURIIN
Sa araw-araw nating buhay, hindi natin maiiwasan na tayo ay husgahan batay sa ating ikinikilos. Ang imahe natin ay nakasalalay sa ating mga kilos. Ayon kay Agapay, nakasalalay kung anong uri ng tao ang isang indibiduwal sa ikinikilos sa kasalukuyan at sa susunod pa na mga araw. Ayon pa rin sa kanya, ang kilos ang nagsisilbing salamin na nagpapakita kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili.
6
SURIIN
Dahil dito mahalaga na isipin munang maigi ang ating gagawin na kilos bago ito isakatuparan. Dapat din na maunawaan ang bawat kilos ng ibang tao para maibigay natin ang nararapat na kilos na ating gagawin. Lagi nating tandaan na ang kilos ay kaakibat ang pananagutan
7
2 URI NG KILOS NG TAO
May dalawang uri ang kilos ng tao: ang kilos ng tao (acts of man) at makataong kilos (humane act).
1. Kilos ng tao ( Acts of man).
- Mga naisasagawang kilos na labas sa kanyang kontrol na ayon sa kalikasan bilang tao
-Ang mga kilos na ito ay hindi ginagamitan ng isip (intellect) at kilos-loob (free-will).
-Walang pananagutan ang taong nagsagawa ng kilos. Halimbawa: pagkurap ng mata, paghikab, pag-ihi
8
2 URI NG KILOS NG TAO
May dalawang uri ang kilos ng tao: ang kilos ng tao (acts of man) at makataong kilos (humane act).
2. Makataong Kilos (Humane act)
- Ito ay mga kilos ng tao na isinasaagawang may kaalaman (knowingly), malaya (free) at kusa (voluntarilly)
-Ang mga kilos na ito ay ginagamitan ng isip (intellect) at kilos-loob (free will)
- Ano man ang kahiohinatnan ng kilos ay pananagutan ng taong nagsagawa ng kilos.
Halimbawa: pagnanakaw, hindi pagsabi ng totoo, pagkalat ng dumi
9
3 URI NG KILOS AYON SA KAPANAGUTAN (Accountability)
Ayon kay Aristotle
1. KUSANG-LOOB - ito ang kilos na isinasagawa nang may kaalaman at pagsang-ayon sa kahihinatnan ng kilos nito.
2. WALANG KUSANG-LOOB –kilos na isinasagawa nang walang kaalaman, walang pagsang-ayon kaya walang pagkukusa sa kilos.
3. DI KUSANG-LOOB - kilos na isinasagawa nang may kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Ibig sabihin, ang gumagawa sa kilos ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa. Ito rin ay ang sapilitan pagsagawa ng kilos.
10
11
Mga Tanong
1. Ano ang uri ng kilos ayon kay Aristotle ang komiks?
2. Ang kilos ba na ginawa ng pangunahing tauhan ay may pagkukusa sa kanilang kalooban? Oo o hindi, Ipaliwanag
3. Nararapat ba ang ginawa ng pangunahing tauhan? Oo o hindi, kung hindi ibigay ang nararapat na kilos.
12
13
Mga Tanong
1. Ano ang uri ng kilos ayon kay Aristotle ang komiks?
2. Ang kilos ba na ginawa ng pangunahing tauhan ay may pagkukusa sa kanilang kalooban? Oo o hindi, Ipaliwanag
3. Nararapat ba ang ginawa ng pangunahing tauhan? Oo o hindi, kung hindi ibigay ang nararapat na kilos.
14
15
Mga Tanong
1. Ano ang uri ng kilos ayon kay Aristotle ang komiks?
2. Ang kilos ba na ginawa ng pangunahing tauhan ay may pagkukusa sa kanilang kalooban? Oo o hindi, Ipaliwanag
3. Nararapat ba ang ginawa ng pangunahing tauhan? Oo o hindi, kung hindi ibigay ang nararapat na kilos.
16
Konsepto ng Aralin
Ang imahe ng isang tao ay nakasalalay sa kaniyang mga KILOS sa kasalukuyan at sa susunod pa na mga araw.
Dapat nating isaalang-alang na sa bawat kilos na pinili ay may kapanagutan. May pananagutan ka sa iyong kilos kung ito ay isinagawa nang may KAALAMAN, KALAYAAN at may PAGKUKUSA.
Ang bigat ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ay nakabatay sa bigat ng KAGUSTUHAN na gawin ang isang kilos.
17
TAYAHIN
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at isulat ang sagot sa sagutang papel.
18
Multiple Choice
1. Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan?
a. Walang kusang- loob
b. Di kusang-loob
c. Kusang-loob
d. Kilos ng tao
19
Multiple Choice
2. Alam mong bawal at labag sa iyong kalooban ang “dagdag timbang” pero ginawa mo pa rin dahil katwiran mo, ginagawa naman ito ng lahat ng nagtitinda sa palengke. Anong uri ito ng kilos ayon sa kapanagutan?
a. Walang kusang- loob
b. Di kusang-loob
c. Kusang-loob
d. Kilos ng tao
20
Multiple Choice
3. Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ayon kay Aristotle?
a. Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang-ayon
b. Ang kilos ay hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan
c. Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa dito
d. Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya
21
Multiple Choice
4. Ikaw ay laging tumutugon sa tawag ng komunidad sa panahon ng pangangailangan, sinisiguro mong kahit na maliit na bagay ay may maitutulong ka sa inyong lugar. Sa gawaing tulad nito, may kapanagutan ka ba sa kahihinatnan ng iyong kilos? Bakit?
a. Wala, dahil hindi masama ang layunin o intensiyon ng pagtulong
b. Wala, dahil kusa kong ginawa ito at walang pumilit
c. Oo, dahil mayroon akong lubos na pagkaunawa sa kalikasan ng aking gagawin at kahihinatnan nito
d. Oo, kung may masamang magiging bunga ng aking ginawa
22
Multiple Choice
5. Bakit hindi mapanagot ang taong nagsagawa ng kilos sa walang kusang-loob na uri ng kilos?
a. May depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa sa kilos
b. Ang tao ay walang alam kaya’t walang pagkukusa sa kilos
c. Ang tao ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa
d. Ang tao ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng kilos
23
Multiple Choice
6. Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawan gaya ng paghikab, reaksiyon sa pagkagulat o pagkurap ng mata ay mga halimbawa ng ______.
a. Kilos ng tao
b. Di kusang-loob
c. Kusang-loob
d. Nakasanayang kilos
24
Multiple Choice
7. Nakapulot si Elsa ng bag na naglalaman ng pera. Alam niyang hindi niya dapat buksan ito dahil hindi niya pag-aari pero nagbabasakali siyang makakita ng pagkakakilanlan ng may-ari ng bag. Sa sitwasyong ito, alin ang maituturing na makataong kilos?
a. Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng pera
b. Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari
c. Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari
d. Nagbabasakaling makilala ang ma-ari ng bag
25
Multiple Choice
8. Buong husay na ginagawa ni Elmer ang kaniyang mga proyekto sa lahat ng kaniyang asignatura. Alam niyang mataas na grado ang katumbas nito at tiyak na ikatutuwa ng kaniyang mga magulang. Bakit kusang-loob na uri ng kilos ang nasa sitwasyon?
a. Maliwanag sa halimbawa na kusa at may lubos na kaalaman si Elmer sa ginagawa niya
b. Maliwanag na hindi niya namamalayang nagagawa pala niya nang maayos ang kaniyang proyekto
. Maliwanag na hindi niya ginusto ang kaniyang ginagawa dahil lamang sa kagustuhan niyang matuwa ang kaniyang mga magulang
d. Ang sitwasyon ay hindi nagpapakita ng kusang-loob na uri ng kilos kundi ito ay walang kusang-loob
26
Multiple Choice
9. Ang tao ay may kapanagutan kung ang kilos ay malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng ______________________.
a. kalikasan
b. kusang loob
c. kilos-loob
d. konsensiya
27
Multiple Choice
10. Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos sapagkat sa bawat kilos na ginawa nang may pang-unawa ay may _____________________.
a. kalikasan
b. kapanagutan
c. kilos-loob
d. konsensiya
By ROSINNIE REBOTE
Modyul 1: Ang Pagkukusa sa Makataong Kilos
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 27
SLIDE
Similar Resources on Wayground
19 questions
Kwarter2-Modyul4
Presentation
•
10th Grade
22 questions
Nomenclatura
Presentation
•
9th - 10th Grade
22 questions
Clasificación de la materia
Presentation
•
10th Grade
21 questions
Czworokąty - powtórzenie
Presentation
•
10th Grade
23 questions
Geometric Mean
Presentation
•
10th Grade
23 questions
Chemical Equations-Counting Atoms(TEK 7C)
Presentation
•
10th Grade
21 questions
Człowiek i reżim polityczny 2zst
Presentation
•
10th Grade
21 questions
CARBON AND ITS COMPOUNDS
Presentation
•
9th - 10th Grade
Popular Resources on Wayground
24 questions
PBIS-HGMS Day 10
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 3
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 3 Review
Quiz
•
5th Grade
35 questions
Lufkin Road Middle School Student Handbook & Policies Assessment
Quiz
•
7th Grade
18 questions
Geo 11.3 Area of Circles and Sectors
Quiz
•
9th - 11th Grade