

Fil10_Q2_M6 Wika at Gramatika: Kaisahan sa Pagpapalawak ng Pangu
Presentation
•
World Languages
•
10th Grade
•
Practice Problem
•
Medium
Ana Mae Santos
Used 2+ times
FREE Resource
27 Slides • 15 Questions
1
By Ana Mae Santos
Modyul 6 Wika at Gramatika: Kaisahan sa Pagpapalawak ng Pangungusap
2
By Ana Mae Santos
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
Naipahahayag ang sariling kaalaman at opinyon tungkol sa isang paksa sa isang talumpati. (F10PS-IIg-h-71)
Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu. (F10PU-IIg-h-71), at
Nasusuri ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng pangungusap. (F10WG-IIg-h-64)
3
By Ana Mae Santos
Paunang Pagsubok:
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Tukuyin
kung ito ay pinalawak o hindi. Piliin ang OO kung ito ay pinalawak at HINDI naman kung hindi.
4
Multiple Choice
1. Si Jorge pala ang nagwagi sa paligsahan.
Oo
Hindi
5
Multiple Choice
2. Nakita kong naglinis si June.
Oo
Hindi
6
Multiple Choice
3. Maraming bahay ang nasira at nalubog sa baha dahil sa bagyong Ule
Oo
Hindi
7
Multiple Choice
4
Oo
Hindi
8
Multiple Choice
5. Marami ang nagpunta sa palengke upang bumili ng mga pang-
regalo sa Pasko.
Oo
Hindi
9
Record-breaking uli: 33,169 new COVID-19 cases highest sa kasaysayan ng Pilipinas
10
Naniniwala ang Commission on Elections (Comelec) na hindi makakansela ang darating na 2022 national elections kahit na nakararanas ngayon ang bansa ng malaking pagtaas sa mga kaso ng COVID-19 na maaaring umabot sa Mayo.
11
Bumuo ng pangungusap batay sa larawang nakikita.
12
Ano ba ang ibig sabihin ng pangungusap?
13
Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na may buong diwa. Ito ay binubuo ng paksa at panaguri. Ang bawat bahagi ng pangungusap ay maaring buohin pa ng maliliit na bahagi.
14
Sa pagpapalawak ng pangungusap, pinapalawak ang mga maliliit na mga bahagi sa paksa at panaguri. Nagagawa ito sa tulong ng pagpapalawak ng panaguri at paksa, at pagsasama o pag-uugnay ng dalawa o higit pang pangungusap.
Sa pagsusuri ng pangungusap ay tinitingnan kung paano ito pinalalawak.
Upang masuri ang pagpapalawak ng pangungusap kailangang malaman ang mga paraan kung paano ito ginagawa. Nagagawa ito sa tulong ng pagpapalawak ng panaguri at paksa gayondin ang pagsasama-sama o pag-uugnay ng dalawa o higit pang pangungusap. Hindi dapat na pinalalawak lamang ang pangungusap, kailangang suriin ang kasanayan at kaisahan ng pagpapalawak nito.
15
Pagpapalawak ng Pangungusap at Pagsusuri
16
Maaaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpapalawak sa panaguri sa tulong ng ingklitik, komplimento, pang-abay, at iba pa. Napalalawak naman ang pangungusap sa tulong ng paksa sa tulong ng atribusyon o modipikasyon, pariralang lokatibo o panlunan, at pariralang naghahayag ng pagmamay-ari.
Pagpapalawak ng Pangungusap at Pagsusuri
17
1. Ingklitik – tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o pang-abay.
Halimbawa:
Batayang Pangungusap: Si Dilma Rousseff ang pangulo ng Brazil.
Si Dilma Rousseff pala ang pangulo ng Brazil.
Si Dilma Rousseff ba ang pangulo ng Brazil?
Batayang Pangungusap: Ibinaba ang poverty income threshold.
• Ibinaba rin ang poverty income threshold o ang halagang dapat
kitain ng isang pamilya na may limang miyembro.
Pagpapalawak ng Pangungusap at Pagsusuri
18
Komplimento/Kaganapan – Tawag sa pariralang pangngalan na nasa
panaguri na may kaugnayan sa ikagaganap o ikalulubos ng kilos ng
pandiwa. Sangkap ito sa pagpapalawak ng pangungusap.
Halimbawa:
Sinang-ayunan ni Dilma Rousseff ang karaingan ng mamamayan.
(Tagaganap)
Ang food threshold sa almusal ay tortang kamatis, kape para sa matatanda, gatas para sa bata. (Tagatanggap)
Panaguri – Nagpapahayag ng tungkol sa paksa.
19
Ipagpapatuloy natin ang mahusay na paggamit ng pondo ng bayan.
(Layon)
Nagtalumpati ang pangulo sa plasa. (Ganapan)
Pinagaganda ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng
pagmamanipula sa mga panukat. (Kagamitan)
Dahil sa mga pagbabagong ito, ang bilang ng mahihirap na pamilya
ay bumaba mula 4.9 milyon hanggang 3.9 milyon. (Sanhi)
Nagtungo ang mga tao sa harap ng Palasyo upang makinig sa
talumpati ng pangulo. (Direksyunal)
Panaguri – Nagpapahayag ng tungkol sa paksa.
20
3. Pang-abay – Nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapuwa pang-
abay.
Halimbawa:
Batayang Pangungusap: Nagtalumpati ang pangulo.
• Pagpapalawak: Mahusay na nagtalumpati ang pangulo kahapon at
totoong humanga ang lahat.
Panaguri – Nagpapahayag ng tungkol sa paksa.
21
Atribusyon o Modipikasyon – May paglalarawan sa paksa ng pangungusap
Halimbawa:
• Pakinggan mo ang nagpapaliwanag na opisyal na iyon.
• Ito si Dilma Rousseff ang pinakamahusay kong pangulo.
Paksa – Ang pinag-uusapan sa pangungusap.
22
2. Pariralang Lokatibo/Panlunan – ang paksa ng pangungusap ay
nagpapahayag ng lugar
Halimbawa:
• Inaayos ang plasa sa Brazil.
• Marami rin ang nasa Luneta upang makinig ng talumpati.
Paksa – Ang pinag-uusapan sa pangungusap.
23
3. Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari – Gamit ng panghalip na
nagpapahayag ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
• Maayos na maayos ang talumpati ng aking mag-aaral.
• Pakikinggan ko ang talumpati ng kapatid ko.
Paksa – Ang pinag-uusapan sa pangungusap.
24
Some text here about the topic of discussion.
Mula sa mga nakatalang paksa sa ibaba, bumuo ng mga pangungusap.
Sikaping mapalawak ito sa tulong ng panaguri o paksa.
25
Some text here about the topic of discussion.
Pandemyang dulot ng COVID-19
26
Some text here about the topic of discussion.
Halalan 2022
27
Paano nakatutulong ang
kasanayan sa pagpapalawak
ng pangungusap sa pagsulat
ng talumpati?
28
Some text here about the topic of discussion.
Pangwakas na Pagsusulit
29
Some text here about the topic of discussion.
Panuto: Tukuyin kung ano ang ginamit upang palawakin ang panaguri.
30
Multiple Choice
1. Si Danica pala ang nakatanggap ng liham ko.
Ingklitik
Komplemento
Pang-abay
31
Multiple Choice
2. Mahusay na nagtanghal ang banda kahapon.
Ingklitik
Komplemento
Pang-abay
32
Multiple Choice
3. Dahil sa katigasan ng ulo, nahulog si Jayson sa puno.
Ingklitik
Komplemento
Pang-abay
33
Multiple Choice
4. Nagtungo kami sa harap ng tindahan paaralan upang salubungin
ang mga bisita.
Ingklitik
Komplemento
Pang-abay
34
Multiple Choice
5. Si Bryan ba ang kumuha ng tinapay sa lamesa?
Ingklitik
Komplemento
Pang-abay
35
Some text here about the topic of discussion.
B. Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung papaano pinalawak ang paksa.
36
Multiple Choice
6. Nakikinig ako nang maiigi sa payo ng aking magulang.
Atribusyon
Lokatibo
Pagmamay-ari
37
Multiple Choice
7. Si Justin ang pinakamahusay na mananalumpati sa klase.
Atribusyon
Lokatibo
Pagmamay-ari
38
Multiple Choice
8. Marami ang nasa terminal ng bus na uuwi ng probinsiya.
Atribusyon
Lokatibo
Pagmamay-ari
39
Multiple Choice
9. Ang bag na nakasabit ay sa kaibigan ko.
Atribusyon
Lokatibo
Pagmamay-ari
40
Multiple Choice
10. Inaayos ang palengke kung kaya naman nakasara pa ito.
Atribusyon
Lokatibo
Pagmamay-ari
41
Basahin ang modyul 6, pahina 19-20. Unawain ang pagkakaiba ng editoryal, balita, at sanaysay.
Some text here about the topic of discussion.
Takdang-aralin
42
2. Panuto: Sumulat ng isang editoryal patungkol sa distance o online learning na alternatibong solusyon para sa paraan ng pagkatuto.
Some text here about the topic of discussion.
Takdang-aralin
Ikaw ay pupuntusan batay sa:
Nilalaman ng editoryal.......................................................................20 puntos
Organisasyon ng mga idea.................................................................10 puntos
Orihinalidad......................................................................................10 puntos
Gramatika at wastong bantas.............................................................10 puntos
Kabuonan..........................................................................................50 puntos
By Ana Mae Santos
Modyul 6 Wika at Gramatika: Kaisahan sa Pagpapalawak ng Pangungusap
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 42
SLIDE
Similar Resources on Wayground
35 questions
Konjunktiv II
Presentation
•
10th Grade
35 questions
Globalisasyon (Pananaw/ Perspektibo)
Presentation
•
10th Grade
37 questions
le Présent (Part 2)
Presentation
•
8th - 10th Grade
35 questions
Cellule
Presentation
•
9th Grade
32 questions
Ôn tập bài kiểm tra 45p số 2 Văn 12
Presentation
•
KG
36 questions
Le rat des Catacombes: Français 4/5
Presentation
•
11th - 12th Grade
32 questions
Reaction Rates and Activation Energy
Presentation
•
10th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Assessment 1
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 1 Review
Quiz
•
5th Grade
22 questions
Day 9 Equations and Inequalities Review
Quiz
•
9th Grade
10 questions
Writing and Identifying Ratios Practice
Quiz
•
5th - 6th Grade
7 questions
PYRAMID PERSPECTIVES part 1
Presentation
•
9th - 12th Grade
12 questions
Understanding the Fourth of July
Quiz
•
9th Grade
15 questions
Soccer World Cup Quiz Questions
Quiz
•
7th Grade