Search Header Logo
SARSUWELA

SARSUWELA

Assessment

Presentation

Other

8th Grade

Hard

Created by

Maria Pagunsan

Used 3+ times

FREE Resource

17 Slides • 0 Questions

1

SARSUWELA

by Maria Pagunsan

2

​LAYUNIN:

A. nakikilala ang Sarsuwela at papel na ginagampanan nito sa pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino; at

B. nakasusulat ng isang pagsusuri sa papel na ginagampanan ng Sarsuwela sa pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa bansa.

3

Panoorin ang isang halimbawa ng Sarsuwela. Puntahan ang link na ito. https://www.youtube.com/watch?v=m7tbru9b2A

4

​SARSUWELA

  • ​Severino Reyes

  • ​Lola Basyang

  • ​Walang Sugat (isinapelikula, 1939 at 1957)

  • ​Ama ng Sarsuwelang Tagalog

  • ​Isinilang sa Sta. Cruz, Manila noong Pebrero 11, 1861

  • ​Rufino Reyes at Andrea Rivero

5

​Sarsuwela

​ Isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog na nahihinggil sa mga punong damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kapootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan at iba pa. Maaari ring may kinalaman ito sa suliraning panlipunan o pampolitika.

6

​SARSUWELA

  • ​patula at pasalita

  • ​binubuo ng tatlong yugto

  • ​ang tagpo ay magkahalong seryoso at katawa-tawa. Melodrama kung ito'y tawagin o di-kaya'y tragikomedya.

  • ​namulaklak noong panahon ng himagsikan at Amerikano

  • ​nanghina ito nang nakilala sa bansa ang bodabil o stage show

7

MGA URI NG DULA BATAY SA ANYO​

8

​KOMEDYA

​- Katawa-tawa

​- Magaan sa loob

​- nagtatagumpay ang tauhan

9

TRAHEDYA

  • ​Mabigat o nakasasama ng loob ang tema

  • ​pagkasadlak sa kabiguan

  • ​nagwawakas ng malungkot

10

MELODRAMA O SOAP OPERA

  • ​namimiga ng luha ng manonood na parang wala nang masayang bahagi sa buhay ng tauhan kundi pawang problema na lamang ang nangyayari sa araw-araw

11

TRAGIKOMEDYA

  • Magkahalong katatawanan at kasawian

12

SAYNETE

  • Dulang panlibangan

  • ​ Nahihinggil sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo, sa kaniyang pamumuhay, pangingibig at pakikipagkapwa

13

PARSA

  • Puro tawanan lamang kahit walang saysay ang kuwento, at ang mga aksiyon ay slapstick na walang ibang ginawa kundi magpaluan o maghampasan at magbitiw ng mga kabalbalan.

14

PARODYA

  • Mapanudyo, ginagaya ang mga kakatuwang kilos , ayos, pagsasalita at pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo o pamumuna o kaya'y pambabatikos na katawa-tawa ngunit nakasasakit sa damdamin ng pinag-uukulan.

15

PROBERBYO

  • may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain, ang kuwento'y pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay

16

MAIKLING PAGSUSULIT​

​via Quizalize (1pm)

17

​Pagpapalawak ng Aralin

  • ​Pagsusuri ng isang sarsuwela

  • ​Gawin itong malikhain

  • ​binubuo ng apat na miyembro ang bawat pangkat

  • ​Nais makita sa isasagawang gawain ang kultura o kalinangang nakita sa loob ng sarsuwela

  • ​tatagal lamang ng tatlo hanggang limang minuto ang presentasyon.

SARSUWELA

by Maria Pagunsan

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 17

SLIDE