Search Header Logo
ESP - MODYUL 8

ESP - MODYUL 8

Assessment

Presentation

Other

3rd Grade

Easy

Created by

DINA ALCARADO

Used 2+ times

FREE Resource

12 Slides • 35 Questions

1

ESP 3 - MODYUL 8

Ipakikita, Ipadarama, Pagmamalasakit ko sa Kapwa!

By DINA ALCARADO

media

2

LAYUNIN:

ØNakapagpapadama ng malasakit sa kapwa na may karamdaman sa pamamagitan ng mga simpleng gawain tulad ng pagtulong, pag-aalaga, pagdalaw, pag-aliw at pagdadala ng pagkain o anomang bagay na kailangan.

ØNakapagpapakita ng malasakit sa may kapansanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa mga palaro o larangan ng isport at iba pang programang pampaaralan.

ØNaisasaalang-alang ang katayuan/kalagayan/pangkat etnikong kinabibilangan ng kapuwa bata.

ØNakapagpapakita ka nang may kasiyahan sa pakikiisa sa mga gawaing pambata.

3

media

SUBUKIN

BASAHIN AT SAGUTI N ANG MGA KATANUNGAN DITO BILANG PAUNANG PAGSUSULIT

4

Multiple Choice

1. Nagkaroon ng sakit na tigdas ang iyong nakababatang kapatid. Ano ang gagawin mo?

1

Pagagalitan siya.

2

Hindi papansinin

3

Aalagaan ko siya.

4

Ikukulong ko sa kuwarto

5

Multiple Choice

2. Tinutukso ang matandang kuba sa daan ng mga bata. Lumapit si Cardo sa mga bata. Ano kaya ang ginawa niya?

1

Nakisali sa panunukso sa matandang kuba

2

Pinagsabihan ang mga bata na huwag tuksuhin ang matandang kuba.

3

Binato nila ang matandang kuba.

4

Pinagtawanan nila ang matandang kuba

6

Multiple Choice

3. Pinagtatawanan ng isang grupo ng mga bata ang batang may kapansanan sa pag-iisip, ang gagawin ko ay_______.

1

Sasabihin kong mali ginagawa nila.

2

Aalagaan ko hanggang sa gumaling siya

3

Tutulungan ko siyang tumayo

4

Pipigilan ko ang batang nambubugbog

7

Multiple Choice

4. Pinuntahan ninyo ng mga kaibigan mo ang isa ninyong kaibigan upang sumama sa paglalaro sa inyong bahay. Nadatnan ninyo siya na nakahiga sapagkat siya ay nilalagnat. Ano ang gagawin mo?

1

Yayayain pa ring maglaro

2

Titingnan lang at uuwi ng bahay

3

Aaliwin siya para hindi malungkot.

4

Wala sa nabanggit

8

Multiple Choice

5. Nabalitaan mo na ang iyong guro ay maysakit. Ano ang gagawin mo?

1

Hindi kikibo

2

Magpapasalamat dahil wala kaming pasok.

3

Pagtatawanan siya

4

Ipagdarasal ko na gumaling siya.

9

Multiple Choice

6. Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong may bingot. Hindi ninyo masyadong naunawaan ang kaniyang sinabi. Ano ang dapat mong gawin?

1

Makikinig ako sa sagot ng kaklase ko

2

Tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot upang maunawaan ng iba kong kaklase.

3

Sasabihin ko sa katabi ko ang tamang sagot.

4

Sisigawan ko siya at sabihing umupo na lang

10

Multiple Choice

7. Niyaya ka ng kaibigan mo na maglaro sa labas. Hindi ka pinayagan ng nanay mo dahil maysakit ang tatay mo. Ano ang iyong gagawin?

1

Susundin ko ang nanay ko at aalagaan ko na lang ang tatay na maysakit

2

Sasabihin ko sa kaibigan ko na may sakit ang tatay ko kaya hindi ako pinayagan ng nanay na maglaro.

3

paliliwanag sa kaibigan ang dahilan kung bakit hindi ako maaaring makipaglaro sa kanila.

4

Lahat ng nabanggit.

11

Multiple Choice

8. Nahihirapan si Katrina sa aralin ninyo sa Matematika kaya't nawawalan siya nang gana sa pagpasok sa eskuwela. Ano gagawin mo bilang kamag-aral niya?

1

Hahayaan ko lang siya na mahirapan.

2

Matutuwa akong malaman na ganoon ang nangyayari sa kaniya.

3

Tuturuan ko siyang mabuti upang matutuhan niya ito at bumalik ang gana niya sa pagpasok.

4

Pipilitin kong tulungan si Joanna upang matutuhan niya ang aralin namin sa Matematika at pagalitan kapag hindi niya maintindihan

12

Multiple Choice

9. Ang iyong kaklase ay umiiyak dahil sa sobrang pananakit ng tiyan, ano ang iyong gagawin?

1

Huwag pansinin ang pag-iyak ng kaklase.

2

Isumbong sa magulang na ang kaklase ay maingay.

3

Sabihin sa guro at tulungang pumunta sa klinika ng eskuwelahan.

4

Sabihin sa kaklase na pumunta siya ng mag-isa sa klinika o di kaya’y umuwi na lang

13

Multiple Choice

10. Ang lahat ay nararapat gawin sa isang matandang bulag na naglalakad at tumatawid sa daan maliban sa isa. Alin dito?

1

Alalayan at akayin upang makatawid nang ligtas.

2

tulak-tulak at hilahin upang makatawid nang mabilis sa daan.

3

Sabihing tutulungan mo siya sa kaniyang pagtawid dahil delikado ang lugar.

4

Mabilis at humaharurot ang mga sasakyan kaya tutulungan ang matanda sa pagtawid

14

Aralin 1: Ipakikita, Ipadarama, Pagmamalasakit ko sa Kapwa!

Ang pakikitungo sa kapwa nang maayos at pagbibigay ng respeto at paggalang, pakikinig at bukas ang loob sa opinyon at pananaw ng iba, pagtanggap ng puna at pagkakamali ay nagpapakita ng mabuting pakikipagkapwa-tao. Sa yunit na ito mahalagang nalinang na ninyo ang mahalagang pag-uugali tulad ng pagdama at pag-unawa sa damdamin, paggalang, kabutihan, pagkamatapat at pagkabukas-palad

ESP 3

15

BALIKAN

Gumawa ng Thank You Card para sa bawat miyembro ng pamilya na nagpakita o nagpadama ng pagmamahal at pag-aaruga tuwing ikaw ay may karamdaman. Ibigay ito sa kanila ng may saya sa puso.

ESP 3

16

TUKLASIN

Paano natin ngayon maipakikita ang pagmamalasakit sa mga may kapansanan at sa ating kapwa ngayong hindi tayo makalabas para ipaabot ang ating tulong sa kanila. May alam ba kayo o may napanood na balita tungkol sa isang tao o grupo na nagpaabot ng kanilang tulong sa kabila ng kanilang kapansanan at estado sa buhay? Subukan mong maging isang tagahatid ng balita sa telebisyon o sa radyo. Paano mo ito ipababatid o ibabalita sa mga tao ang kabayanihan at kabutihan nila?

ESP 3

17

Open Ended

Gumawa ng sariling pag-uulat tungkol dito. Magsulat ng maikling talata tungkol sa pamagat sa ibaba.

"Balitang Kabayanihan"

18

Open Ended

Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Sumulat ng isang pangungusap kung ano ang dapat mong gawin.

1. May bingot at pangit ang itsura ng bata kaya iniwan siya ng kaniyang ina sa labas ng simbahan.

19

Open Ended

Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Sumulat ng isang pangungusap kung ano ang dapat mong gawin.

2. Nakita mong napilayan ang iyong kaklase at di makatayo.

20

Open Ended

Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Sumulat ng isang pangungusap kung ano ang dapat mong gawin.

3. Pag-uwi mo na bahay nakita mong nilalagnat ang iyong kapatid at giniginaw.

21

Open Ended

Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Sumulat ng isang pangungusap kung ano ang dapat mong gawin.

5. Umiiyak ang iyong kaibigan dahil sa sakit ng tiyan niya.

22

media

I-guhit at Punan ang Graphic Organizer ng mga salitang maaring mong ipakita o ibigay sa iyong kapwa na maysakit at may kapansanan. Gawin sa inyong kuwaderno

Some text here about the topic of discussion.

ISAISIP

23

ISAGAWA

I-CLICK ang masayang mukha kung ang pangungusap ay nagpapakita ng tamang pag-uugali. I-CLICK naman ang malungkot na mukha kung hindi.

BASAHIN AT UNAWAIN ANG BAWAT PANGUNGUSAP.

24

Multiple Choice

1. Pamimintas sa mga pagdiriwang at palatuntunan sa pamayanan/ paaralan.

1
2

25

Multiple Choice

2. Hindi pagbabahagi ng mga natutuhang aralin o leksiyon sa mga lumiban sa klase.

1
2

26

Multiple Choice

3. Pagtulong sa kapwa na nangangailangan ng tulong.

1
2

27

Multiple Choice

4. Pakikipag-away sa batang may kapansanan

1
2

28

Multiple Choice

5. Pagtulong sa mga kamag-aral sa paggawa ng takdang aralin at iba pang gawain sa paaralan.

1
2

29

Multiple Choice

6. Pagsali sa mga programa ng barangay at pamahalaan.

1
2

30

Multiple Choice

7. Kusang-loob na tumutulong sa mga gawaing pampaaralan.

1
2

31

Multiple Choice

8. Makikibahagi at makikiisa sa programang Tree Planting at Clean Up Drive sa pamayanan

1
2

32

Multiple Choice

9. Maging aktibo sa proyektong pambarangay para makatulong sa kapwa na nangangailangan.

1
2

33

Multiple Choice

10. Hikayatin ang kapuwa mag-aaral sa mga proyektong pagpapaganda at pagpapalinis ng paaralan

1
2

34

FORMATIVE TEST

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin at I-CLICK ang bilog ng ng tamang sagot.

Some text here about the topic of discussion

35

Multiple Choice

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagmamalasakit sa taong may karamdaman.

1

Pag-alalay sa taong may sakit

2

Pagtulong sa pagpapainom ng gamot.

3

Hindi pagbisita sa taong may karamdaman.

4

Pag-aalay ng panalangin sa taong may sakit

36

Multiple Choice

2. Nagkasakit ang nanay ni Pilar kaya hindi ito makagawa ng mga gawaing bahay. Ano kaya ang dapat gawin ni Piar?

1

Maglalaro.

2

Maglalaro ng cellphone

3

Manood ng telebisyon

4

Gawin ang mga gawaing bahay

37

Multiple Choice

3. Ilang araw ng hindi pumapasok ang iyong kaklase sa paaralan dahil maysakit siya. Ano ang nararapat mong gawin para maipakita ang pagmamalasakit sa kanya?

1

Dadalawin at dadalhan ng pagkain o prutas.

2

Hahayaan na lang na absent ito.

3

Aantayin na lang itong pumasok.

4

Wala sa nabanggit

38

Multiple Choice

4. Nakita ni Mico na may pilay na sasakay ng jeep at aakyat ito. Kung ikaw si Mico, ano ang iyong gagawin?

1

Mauunang umakyat sa loob ng jeep.

2

Aalalayan at tutulungang makapanhik ito.

3

Di na lang papansinin at magsasawalang-kibo na lang.

4

Sasakay na lang sa ibang jeep

39

Multiple Choice

5. Niyaya ka ng iyong kaklase na dumalaw sa may sakit ninyong kaklase, ano ang iyong magiging tugon?

1

Ah! Saka na lang ako dadalaw may gagawin pa ako.

2

May lakad kami hindi ako makakasama.

3

Sige pumunta tayo at dalhan natin ng pasalubong.

4

Di ako makakasama baka hanapin ako ni Inay

40

Multiple Choice

6. Tuwing kailan mo dapat ipapakita ang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga taong may karamdaman?

1

Kapag may pagkakataon

2

Paminsan-minsan

3

Kapag maalala

4

Palagi

41

Multiple Choice

7. Ang iyong lolo ay nagpapakita ng panghihina at hindi siya makatayo sa kanyang higaan. Ano ang maaari mong gawin para maibsan ang nararamdaman niyang sakit?

1

Hahayaan na lamang siya kasi nakakainis siya

2

Pagtawanan, kasi hindi siya makatayo

3

Papanoorin na lamang siya

4

Tutulungan siyang makatayo at ibigay ang lahat ng kaniyang pangangailangan.

42

Multiple Choice

8. Alin ang hindi nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa na may karamdaman?

1

Pagbibigay ng masustansiyang pagkain

2

Pagdalaw at pagpapasaya sa may karamdaman

3

Paglaan ng oras para mapakinggan at maibigay ang lahat ng kaniyang kahilingan.

4

Hindi papansinin dahil abala lang ito sa oras ng paglalaro mo.

43

Multiple Choice

9. Maysakit ang iyong tita sa probinsiya, kaya napagpasyahan ng inyong pamilya na dadalawin ninyo ito sa araw ng Sabado. May lakad kayo ng iyong mga kaibigan sa araw na iyon, ano ang iyong magiging pasya?

1

Magdadahilan na marami kang gagawin at tatapusin na mga takdang aralin

2

Sasama ka sa kanila na masama ang loob

3

Matutulog ka maghapon

4

Sasama sa pamilya sa pagdalaw sa tita

44

Multiple Choice

10. Napansin mong hindi maganda at matamlay ang iyong kamag-aral. Wala pa ang inyong guro, ano ang nararapat mong gawin.

1

Ipagbawalang-bahala ang kaniyang naradamdaman

2

Pagtatawanan siya dahil matamlay siya

3

Sasamahan siyang pumunta sa klinik

4

Hayaan na lamang siyang matulog sa upuan niya

45

media

46

media

Gawin ang Gawain I at II sa PAGYAMANIN modyul 8, mga pahina 4 - 5 .Gawin sa Kuwaderno. Kuhanan ng larawan ang ginawa at ipasa sa google classroom

TAKDA

47

media

ESP 3 - MODYUL 8

Ipakikita, Ipadarama, Pagmamalasakit ko sa Kapwa!

By DINA ALCARADO

media

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 47

SLIDE