Search Header Logo
Q3W1-FILIPINO SA PILING LARANGAN - AKADEMIK-Modyul 1

Q3W1-FILIPINO SA PILING LARANGAN - AKADEMIK-Modyul 1

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

Edgar Monte

Used 6+ times

FREE Resource

37 Slides • 36 Questions

1

Q3W1- Filipino sa Piling Larang (Akademik)

By Edgar Monte

2

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng isang aralin:

Aralin 1 – Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at ang Akademikong Pagsulat

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

3

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsusulat (CS_FA11/12PBOa-c-101)

2. Nakikilalang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa (CS_FA11/12PN-

Oa-c-90)

a. Layunin b. Gamit c. Katangian d. Anyo

3. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan at katangian (CS_FA11/12EP-Oa-c-39)

4. Napapahalagahan nag akademikong pagsulat sa pamamagitan ng mga gawain.​

4

Panimulang Pagtataya

Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang mga pahayag tungkol sa pagsulat.​

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

5

Multiple Choice

Ang malikhaing pagsulat at teknikal na pagsulat ay kapwa maituturing na akademikong pagsulat.

1

TAMA

2

MALI

6

Multiple Choice

Ang paggamit ng mga kolokyal at balbal na wika ay maituturing na pormal.

1

TAMA

2

MALI

7

Multiple Choice

Ang wikang Filipino ang opisyal na wika ng Pilipinas.

1

TAMA

2

MALI

8

Multiple Choice

Ang mga awit, kwento at dula ay kabilang sa akademikong pagsulat.

1

TAMA

2

MALI

9

Multiple Choice

Hindi dapat isaalang-alang ang paksa at wika at layunin sa anumang sulatin

1

TAMA

2

MALI

10

media

Aralin 1

Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at ang Akademikong Pagsulat

Some text here about the topic of discussion.

11

Tuklasin

Alam mo ba na may iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat? Para sa iba ito ay nagsisilbing aliw sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa ibamg mga ideya at kaisipan sa paraang kawili-wili at kaakitakit para sa kanila. Sa mga mag-aaral na katulad mo, ang karaniwang dahilan ng pagsusulat ay matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral bilang bahagi sa pagtatamo ng kasanayan.

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

12

Gawain 2

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa ibaba at sagutin sa abot ng makakaya. Isulat sa patlang ang inyong sagot.

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

13

Open Ended

Sa iyong sariling pananaw, ano nga ba ang kahalagahan ng pagsusulat at ang akademikong pagsulat?

14

Suriin

Ihanda ang sarili na tumuklas ng isang bago at makabuluhang aralin. Hayaang mahasa ang iyong kakayahan sa pagsulat. Kung kaya simula na natin ang pag-aaral.

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

15

Akademikong Pagsulat

Isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panliipuunan. May katangian itong pormal, obhetibo, may paninindigan, may pananagutan, at may kalinawan.

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

16

Ang Pagsusulat

Malaking tulong ang pagsusulat lalong lalo na sa mga taong nakasusulat, nakababasa at maging sa pagdokumento ng mga mahahalagang pangyayari. Ayon kay Mabelin (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring pasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman.

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

17

Layunin ng Pagsulat

Ayon kay Mabelin (2012). Ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi. Una, ito ay maaaring personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat. Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang karaniwang halimbawa nito ay ginagawa ng mga manunulat ng sanaysay, maikling kuwento, tula, dula, awit, at iba pang akdang pampanitikan.

18

Layunin ng Pagsulat

Pangalawa, ito naman ay panlipunan o pansosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunan na ginagalawan. Ang ibang halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon, at iba pa.

19

Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benipesyo na maaaring makuha sa pagsusulat:​

1. Mahahasa ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhektibong paraan.

2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinisagawang imbestigasyon o pananaliksik.

3. Mahuhubog ang kaisipan sa pamamagitan ng mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhektibo sa paglatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.

4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan ng mag-aaral at makikilatis ang mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.​

20

Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benipesyo na maaaring makuha sa pagsusulat:​

1. Mahahasa ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhektibong paraan.

2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinisagawang imbestigasyon o pananaliksik.

3. Mahuhubog ang kaisipan sa pamamagitan ng mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhektibo sa paglatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.

4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan ng mag-aaral at makikilatis ang mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.​

21

Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benipesyo na maaaring makuha sa pagsusulat:​

5. Maaaliw sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.

6. Mahuhubog ang pagbibigay pagpapahalaga nang paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda.

7. Malilinang ang kasanayan sa pagkalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.

22

Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

Masasabing ang pagsulat ay isang talento dahil hindi lahat ng tao ay may kakayahang lumikha ng isang makabuluhang akda o komposisyon. Kaya naman upang makabuo tayo ng isang magandang sulatin ay kailangang mapukaw ang ating interes. Kailangan nating mabatid ang mga dapat tandaan sa pagsusulat partikular ng akademikong pagsulat. Narito ang mga iilan:

23

Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

1. Wika- Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat. Dapat matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling maunawaan sa uri ng taong babasa ng akda. Nararapat magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan.

24

Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

3. Layunin- Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng isusulat.

25

Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

4. Pamaraan ng Pagsulat- May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat.

a. Paraang Impormatibo- Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.

b. Paraang Ekspresibo- Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.​

26

Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

c. Pamaraang Naratibo- Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.

d. Pamaraang Deskriptibo- Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.

e. Pamaraang Argumentatibo- Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.

27

5. Kasanayang Pampag-iisip- Taglay ng manunulat ang kakayahang maganalisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.

28

6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat- Dapat ding isaalangalang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kasipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.

29

7. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin- Ito ay tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang komposisyon.

30

Mga Uri ng Pagsulat

1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)

Pangunahing layunin nito ay mahatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Karaniwang bunga ito ng ating malikot na imahenasyon o kathang-isip lamang.

Halimbawa: Maikling kwento, dula, nobela, komiks, iskrip ng teleserye, pelikula, musika, at iba pa.

31

2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)

Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan lutasin ang isang problema o suliranin.

Halimbawa: Feasibility Study on the Construction o Platinum Towers in Makati, Project on the Renovation o Royal Theatre in Caloocan City, Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina.

32

3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)

Ito ay kaugnay sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa paaralan lalo na sa pagawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.

Halimbawa: Guro- lesson plan; doktor at nars- medical report, narrative report

33

4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)

Ito ay tungkol sa sulating may kaugnayan sa pamamahayag.

Mahalagang ang mga taong sumusulat nito ay maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa kasalukuyan na kanyang isusulat sa pahayagan, magasin, o kaya naman ay iuulat sa radyo at telebisyon.

Halimbawa: balita, editoryal, lathalain, artikulo, at iba pa.

34

5. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)

Layunin ng sulatin na mabigyang pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng koseptong papel, tesis, at disertasyon.

Halimbawa: Review of Related Literature (RLL), Sanggunian

35

6.Akademikong Pagsulat (Academic Writing)

Ito ay isang intelektuwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay naktutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larang. Ito ay may sinusunod na partikular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyang pangangatuwiran. Layunin nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ginagawang pananaliksik. Kaya naman, sa modyul na ito ay lubos na tatalakayin ang mahahalagang paksa hinggil dito na tiyak na makatutulong nang malaki sa pagharap mo sa totoong buhay lalo na sa larangan ng edukasyon at pagtatrabaho.

36

6.Akademikong Pagsulat (Academic Writing)

Ito ay isang intelektuwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay naktutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larang. Ito ay may sinusunod na partikular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyang pangangatuwiran. Layunin nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ginagawang pananaliksik. Kaya naman, sa modyul na ito ay lubos na tatalakayin ang mahahalagang paksa hinggil dito na tiyak na makatutulong nang malaki sa pagharap mo sa totoong buhay lalo na sa larangan ng edukasyon at pagtatrabaho.

37

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat

1. Obhetibo- Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan ng mga impormasyon. Iwasan ang mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa haka-haka o opinyon.

2. Pormal- Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na madali ng maunawaan ng mga mambabasa. Ang tono o ang himig ng impormasyon ay dapat maging pormal din.

38

3. Maliwanag at Organisado- Sa paglalahad ay nararapat na maging malinaw at organisadong mga kaisipan at datos. Nakikitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng pangungusap na binubuo nito. Ang pangunahing paksa ay dapat nabibigyang-diin sa sulatin.

4. May Paninindigan- Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang mapagbago-bago ng paksa. Ang layunin nito ay mahalagang mapanindigan hanggang sa matapos ang isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat ng napiling paksa.

39

5. May Pananagutan- Ang mga sanggunian na ginamit sa mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Ito ay isang etika at pagbibigay galang sa awturidad na ginamit bilang sanggunian

40

​Pagyamanin

Pagtatalakay ang araling binasa

Gawain 3.1

Panuto: Sagutin at unawain ang mga sumusunod na katanungan.

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

41

Open Ended

Ano kahulugan ng akademikong pagsulat batay sa iyong binasa?

42

Open Ended

Ano-ano ang kabutihang dulot ng akademikong pagsulat sa buhay ngayon at sa susunod pang mga taon?

43

Open Ended

Bilang isang mag-aaral, naniniwala ka bang dapat talagang kunin ng lahat ang kurso at asignaturang ito? Ipaliwanag ang sagot.

44

Open Ended

Isa-isahin ang mga layunin at kahalagahan ng pagsusulat. Naranasan mo na ba ang benepisyo upang higit na mapaunlad ang iyong kasanayan?

45

Open Ended

Ano-ano ang gamit o pangangailangan sa pagsusulat? Alin dito sa palagay mo ang pinakamahalaga?

46

Open Ended

Ano ano ang mga kakailanganin sa pagsusulat na sa tingin mo ay napakahalaga. Ipaliwanag nang puspusan ang bawat isa.

47

Open Ended

Alin sa mga katangiang dapat na taglayin ng isang akademikong pagsulat ang alam mo na dapat na pagbutihin?

48

Open Ended

Sa mga sulating napag-aralan, alin dito ang pinakagusto mong gawin?

49

Gawain 3.2

Upang mas malinang ang iyong kaalaman subukan ang gawaing ito.

Panuto: Isulat sa journal ang sagot sa tanong na ito:

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

50

Open Ended

Bakit mahalagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan, at katangian ng pagsulat partikular ang pagsulat ng akademikong sulatin?

51

Gawain 4.1

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at alamin kung anong uri ng sulating pang-akademiko ang nilalarawan nito. Isulat sa patlang ang inyong sagot.

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

​Isaisip

52

Open Ended

Ang pangunahing layunin ng pagsulat na ito ay ang pagbuo ng isang pagaaral o proyekto.

53

Open Ended

Ang mga paraan na argumentatibo, deskriptibo, impormatibo, naratibo, at ekspresibo ay nakapaloob sa pangangailangang ito.

54

Open Ended

Anyo ito ng pagsulat na ang layunin ay mahatid ng aliw at makapukaw ng damdamin at makaantig ng imahinasyon.

55

Open Ended

Gamit kung saan pangkalahatang umiikot ang pangunahing ideyang dapat nakapaloob sa sinusulat.

56

Open Ended

Ito ay anyong dapat mahasa sa mga propesyonal gaya ng mga doktor, nars, ihenyero at iba pa.

57

Open Ended

Ito ay nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang pagsulat.

58

Open Ended

Layunin ng pagsulat nito ay nakabatay sa sariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama gaya ng tula, dula, awit, at iba pang katulad.

59

Open Ended

Ang sulatin itong may nauugnay sa pagpapahayag gaya ng pagsulat ng balita, editoryal, lathalain at iba pa.

60

Open Ended

Ito ay maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan sa institusyong pang-edukasyon.

61

Open Ended

Question image

Gawain 4.2

Panuto: Gumamit ng sariling papel sa pagsagot at isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng Akademikong Pagsulat gamit ang concept map sa ibaba. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat baitang

62

Open Ended

Question image

Gawain 5

Panuto: Magsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan at katangian ng napiling dalawang uri ng akademikong sulatin sa tulong ng graphic organizer.

63

Tayahin

Gawain 6

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na pahayag.

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

64

Multiple Choice

Ayon sa kanya “Ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring pasalin-salin sa bawat panahon”.

1

Mabelin

2

Jose Rizal

3

Rodrigo Duterte

4

Emilio Jacinto

65

Multiple Choice

Ito ay nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong sumusulat.

1

Paksa

2

Layunin

3

Wika

4

Pagsulat

66

Multiple Choice

Ito ay nagsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.

1

Paraan

2

Layunin

3

Personal

4

Pagsulat

67

Multiple Choice

Ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangang lutasin ang isang problema o suliranin.

1

Teknikal na Pagsulat

2

Malikhaing Pagsulat

3

Akademikong Pagsulat

4

Dyornaliktik na Pagsulat

68

Multiple Choice

Ito ay may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan.

1

Reperensiyal na Pagssulat

2

Malikhaing Pagsulat

3

Akademikong Pagsulat

4

Propesyonal na Pagsulat

69

Multiple Choice

Ang ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala.

1

May paninindigan

2

May pananagutan

3

Maliwanag at organisado

4

Pormal

70

Multiple Choice

Alin sa mga sumusunod ang katangian na dapat taglayin ng isang mabuting manunulat.

1

Pagiging impormal sa paglalahad ng pambabatikos.

2

Pagsaalang-alang sa paksa, layunin at mga salitang gagamitin upang maging mabisa ang paglalahad ng isang sulatin.

3

Paggamit ng mga mahihirap na salita upang mahirap unawain.

4

Pagiging lantaran sa mga sensitibong usapin.

71

Multiple Choice

Alin sa mga sumusunod ang angkop na paglalarawan sa akademikong sulatin?

1

Ito ay mahirap gawin at hindi nakatutulong sa mga mag-aaral

2

Ito ay nakabatay lamang sa mga sulatin na may kaugnayan sa akademiko lalo na sa paaralan.

3

Hindi na kailangan pag-aralan dahil madali lang itong matututunan.

4

Mahalagang matutunan upang maging maayos, makabuluhan, nakakaangat sa pagsulat bilang tugon sa mahigpit na kompetisyon sa larangan ng edukasyon at trabaho.

72

Multiple Choice

Mahalagang iwasan ang paggamit ng mga wikang kolokyal at balbal sa halip ay gumamit ng mga salitang madaling maunawaan.

1

Impormal

2

Pormal

3

Kaakit-akit

4

Paglalahad

73

Multiple Choice

Ang mga kaisipan ay nararapat maayos ang pagkakasunod-sunod at malinaw ang paglalahad nito.

1

May paninindigan

2

May pananagutan

3

Maliwanag at organisado

4

Obhetibo

Q3W1- Filipino sa Piling Larang (Akademik)

By Edgar Monte

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 73

SLIDE