

Q3W1A2-Pagbasa at Pagsusuri i
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Medium
Edgar Monte
Used 7+ times
FREE Resource
53 Slides • 52 Questions
1
Q3W1.1-Pagbasa at Pagsusuri
By Edgar Monte
2
Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa
(F11PT-IIIa-88)
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
3
Inaasahang pagkatapos ng pag-aaral sa modyul na ito ang mga mag-aaral ay:
1. Natutukoy ang kahulugan ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang uri ng tekstong binasa
2. Natutukoy ang katangian ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang uri ng tekstong binasa
3. Nasusuri ang mga mahahalagang salitang ginamit sa ibat’t ibang uri ng tekstong binasa
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
4
Subukin
Panuto: Hanapin sa CROSSWORD PUZZLE ang mga salita na may kinalaman sa COVID-19 sa tulong ng mga kahulugan na nasa ibaba.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
5
Fill in the Blank
Unang kawal
6
Fill in the Blank
Pangkaraniwan
7
Fill in the Blank
Daglat ng General Community Quarantine
8
Fill in the Blank
Paglayo-layo ng mga tao
9
Fill in the Blank
Bago sa pangkaraniwan
10
Fill in the Blank
Pananatili sa isang lugar
11
Fill in the Blank
Paghuhugas ng kamay
12
Fill in the Blank
Daglat ng Personal Protecting Equipment
13
Fill in the Blank
Likidong panlaban sa COVID-19
14
Fill in the Blank
Mabilisang pagkahawa ng mga tao sa isang sakit
15
Fill in the Blank
Pagtulong ng walang inaasahang kapalit
16
Fill in the Blank
Pinansiyal na tulong mula sa gobyerno
17
Fill in the Blank
Daglat ng Modified Community Quarantine
18
Fill in the Blank
Proteksyon o pantakip sa ilong at bibig
19
Fill in the Blank
Paglakas ng katawan galing sa sakit
20
Aralin 2- Pagtukoy ng Kahulugan at Katangian ng Mahahalagang Salitang Ginamit ng Iba’t Ibang Uri ng Tekstong Binasa
Some text here about the topic of discussion
21
Hindi naman sa Iahat ng pagkakataon ay kailangang sumangguni sa diksiyunaryo tuwing may mababasang salitang mahirap unawain. Maaaring pansamantalang lagyan ng marka ang salita, gamit ang lapis at ipagpatuloy ang pagbabasa. Maaaring gumawa ng tentatibong paghihinuha sa maaaring kahulugan ng salita sa pamamagitan ng gamit nito sa pangungusap.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
22
Una, BIGKASIN ang salita. Madalas ay nagkakaroon tayo ng ideya o nakikilala natin ang kahulugan ng salita kapag narinig natin itong binigkas. Sa isangbanda, kapag mali ang bigkas ng salita, nagkakaroon din ito ng ibang pagpapakahulugan. Ikalawa, suriin ang ESTRUKTURA ng salita. Pag-aralan kung
ito ba ay salitang-ugat, maylapi, inuulit, o tambalan. Tukuyin ang mga bahagi ng
salita upang magkaroon ng ideya sa kahulugan nito. Tukuyin din kung sa anong
bahagi ng pananalita ito kabilang, halimbawa, kung ito ay pangngalan, pandiwa,
pang-uri, at iba pa. Tukuyin din kung pormal at di pormal ang katangian ng salita.Pagkatapos, pag-aralan ang KONTEKSTO. Hulaan ang kahulugan ng salita bataysa kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap, sa sinundang pahayag, o sasusunod na pahayag. Kapag hindi pa rin makuha ang kahulugan, kumonsulta nasa diksiyunaryo. Maaari ding tumingin sa glosari ng aklat kung mayroon ito.
23
Itala ang salita at kabisahin ang kahulugan nito upang maidagdag sa kaalaman sa talasalitaan. Kung pag-aari ang aklat, isulat ang kasingkahulugan o anumang karagdagang impormasyon sa gilid ng aklat gamit ang lapis. Kung hindisariling pag-aari ang aklat, gumawa ng sariling talaan ng mahihirap na salitang nabasa.
24
Balikan
Panuto: Tukuyin ang paksa ng mga pahayag. Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
25
Multiple Choice
Ang uri ng tekstong naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa maraming
bagay na may pinagbabatayan.
Impormativ
Narativ
Persweysiv
Prosijural
26
Multiple Choice
Ang uri ng tekstong ito na tumutukoy sa pagsasalaysay na isinulat o ikinuwento
ang mga tiyak na pangyayari, kilos, at galaw sa isang tiyak na panahon.
Impormativ
Narativ
Persweysiv
Prosijural
27
Multiple Choice
Ang uri ng teksto na nagbibigay kung paano gumawa ng isang bagay o kaya’y
maisakatuparan ang mga hakbangin.
Impormativ
Narativ
Persweysiv
Prosijural
28
Multiple Choice
Ang uri ng tekstong gumagamit ng mga salitang naglalarawan. Binubuhay nito
ang imahinasyon ng sinomang babasa ng teksto.
Impormativ
Narativ
Deskriptiv
Prosijural
29
Multiple Choice
Ang uri ng tekstong ito na ang layunin ay mangatwiran.
Impormativ
Narativ
Deskriptiv
Prosijural
30
Tuklasin
TEKSTONG IMPORMATIV
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
31
NEW NORMAL
ni Niňo T. Cansicio
32
Binago ng COVID-19 ang ating buhay, Dati rati’y hindi sanay maghugas ng kamay, Ngunit ngayo’y napaisip na ito’y kailangan, Isang kaugalian na resulta ng New Normal.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
33
New Normal na nakasentro sa kalusugan,
Prayoridad ang pagpapalakas ng katawan, Upang matiyak na kayang labanan,
Ang anomang uri ng virus na di natin namamalayan .
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
34
Kahit edukasyon malaki ang pinagbago,
Maraming nagsulputan sa pagkatuto,
Nariyan ang distance learning na modular,
Na tiyak lahat ay makikinabang.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
35
Kahit magwakas ang pandemyang ito,
Leksiyong naiwan, hindi malilimutan,
Pinasingkad ang kamalayan sa kalusugan,
Nagkaroon ng bagong kultura at kagawian.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
36
Open Ended
Bigyang kahulugan ang mga salitang di naunawaan sa binasang teksto?
37
Open Ended
Ano-ano ang mga estruktura ng salitang napili mo?
38
Open Ended
Ano-anong paraan sa pagbibigay kahulugan ang ginamit mo upang mabigyan
mo ito ng kahulugan?
39
Open Ended
Anong katangian ng salita ang natukoy mo sa mga salitang di mo masyadong
naunawaan?
40
Suriin
Pagpapakahulugan ng Salita
Ang malawak na pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakailangan ng tao upang higit na maging mahusay at epektibo ang pakikipagkomunikasyon. Narito ang mga paraan kung paano mabibigyang kahulugan ang mga salita o pangungusap.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
41
1. Pagbibigay-kahulugan — ito ang pagbibigay ng kahulugan na mula sa taong may sapat na kabatiran tungkol sa salita/pangungusap na nais bigyang kahulugan o kaya'y maaaring mula sa mga diksyunaryo, aklat, ensayklopedya, magasin o pahayagan.
Halimbawa :
pambihira - katangi-tangi
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
42
2.Pagbibigay ng iba pang kahulugan o barayti ng salita — ito ang pagbibigay ng magkatulad na kahulugan
Halimbawa :
Paghanga- pagmamahal
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
43
3. Pagbibigay ng mga halimbawa — ito ang pagbibigay ng kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa.
Halimbawa :
Ang buhay ng tao ay parang isang gulong. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. Minsan ay nakararanas tayo ng hirap at minsan narnan ay nakararanas ng ginhawa.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
44
4. Paglalapi at pagsasama ng salita sa pangungusap — ito ang pagkakaroon ng iba't ibang pagpapakahulugan sa salita kapag nilalapian.
Halimbawa :
Mata lamang ang walang latay. (sobra ang natanggap na pananakit)
Lagi na lamang akong minamata ni Nene. (nang-aapi o mababa ang pagtingin sa kapwa)
Matalas ang mata ni Totoy. (bahagi ng katawan)
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
45
5. Paggamit ng mga idyomatikong pahayag at pagtatayutay — ito ang pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang matalinhaga sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga salitang ginamit.
Halimbawa :
Di-maliparang uwak – malawak
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
46
Kaantasan ng Wika
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kaniyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan, at okasyong dinadaluhan. Kaya mahalagang kilalanin ang mga salita upang maging pamilyar sa katangiang tinataglay nito.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
47
A. Pormal na Wika - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala o ginagamit ng nakararami.
1. Pambansa- Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at
pambalarila para sa paaralan at pamahalaan.
Halimbawa:
asawa, anak, tahanan
2. Pampanitikan o Panretorika- Ito ay ginagamit ng mga malikhaing
manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalalim, makulay, at masining.
Halimbawa:
Kabiyak ng puso, Bunga ng pag-ibig, Pusod ng Pagmamahalan
48
B. Impormal na Wika - Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, at pangaraw- araw. Madalas itong gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
1. Lalawigan- Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan,makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
Halimbawa:
Papanaw ka na? (Aalis ka na)
Nakain ka na? (Kumain ka na)
Buang! (Baliw)
49
B. Impormal na Wika - Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, at pangaraw- araw. Madalas itong gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
2. Kolokyal- Pang-araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maaari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang titik sa salita.
Halimbawa:
Meron - Mayroon
Nasan - Nasaan
Sakin - sa akin
50
B. Impormal na Wika - Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, at pangaraw- araw. Madalas itong gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
3. Balbal- Sa Ingles ito ay Slang. Nagkaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito, ikalawa sa antas bulgar.
Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (bente pesos)
Pinoy (Pilipino)
51
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal:
1. Paghango sa mga salitang katutubo
Halimbawa:
Gurang (matanda)
Bayot (bakla)
Barat (kuripot)
2. Panghihiram sa mga wikang banyaga
Halimbawa:
Epek (effect)
Futbol (naalis)
Tong (wheels)
52
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal:
3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog
Halimbawa:
Buwaya (Crocodile)
Bata (Child/Girlfriend)
Durog (powdered/high in addiction)
Papa (father/lover)
53
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal:
4. Pagpapaikli
Halimbawa:
Pakialam - paki
Malay ko at pakialam ko -ma at pa
Anong sinabi -ansabe
Anong nangyari -anyare
54
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal:
5. Pagbabaliktad
Halimbawa:
Etneb- bente
Kita- atik
Ngetpa- panget
Dehin- hindi
55
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal:
6. Paggamit ng Akronim
Halimbawa:
PUI -Pasyenteng Uusisain at Ipapa-confine
PUM-Pasyenteng Uuwi at Mamalagi sa bahay
AWIT- AW ang sakIT
56
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal:
7. Pagpapalit ng Pantig
Halimbawa:
Lagpak / palpak -Bigo
Torpe / Tyope /Torpe -naduwag
57
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal:
Paghahalo ng Salita
Halimbawa:
Bow na lang ng Bow
Mag-MU
Mag-jr (joy riding)
58
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal:
9. Paggamit ng Bilang
Halimbawa:
45-Baril
143- I love you
50/50- naghihingalo
59
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal:
10. Pagdaragdag
Halimbawa:
Puti - isputing
Kulang -kulongbisi
60
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal:
11. Kumbinasyon (Pagbabaligtad at Pagdaragdag)
Halimbawa:
Hiya-yahi-Dyahi
12. Pagpapaikli at pag-Pilipino
Halimbawa:
Pino -Pinoy
Mestiso-Tiso-Tisoy
61
13. Pagpapaikli at pagbabaligtad
Halimbawa:
Pantalon-Talon-Lonta
Sigarilyo-Siyo-Yosi
14. Panghihiram at pagpapaikli
Halimbawa:
Security -Sikyo
Brain Damage - Brenda
15. Panghihiram at Pagdaragdag
Halimbawa:
Get -Gets/Getsing
Cry -Crayola
62
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal:
11. Kumbinasyon (Pagbabaligtad at Pagdaragdag)
Halimbawa:
Hiya-yahi-Dyahi
12. Pagpapaikli at pag-Pilipino
Halimbawa:
Pino -Pinoy
Mestiso-Tiso-Tisoy
63
Pagyamanin
Panuto: Basahin ang tekstong Prosijural. Bigyang kahulugan at katangian ang mahahalagang salitang ginamit sa teksto.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
64
Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang laban sa COVID-19
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.
Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19.
Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng
mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19.
65
1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay
Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.
Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na sa paghawak natin ng ating mukha, nailipat na ang virus sa mata, ilong, at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol.
66
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig
Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong
makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong, at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot ng sakit.
67
3. Takpan ang iyong pag-ubo at pagbahing
Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, ay sumusunod sa tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.
Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay.
68
4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo
Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung ang iyong edad ay 60 pataas o may dati nang karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa
iyo at sa kung sinomang may lagnat o ubo.Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinomang may iba pang may sakit.
69
5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit
Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang.
Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao.
70
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo, at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad ngunit tawagan mo muna ang health facility
Kung ikaw ay may lagnat, ubo, at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta ng maaga – kung kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para masabihan ka kung saan ka pupunta.
Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro sa tamang health facility, at maiwasan mong makahawa sa iba.
71
7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad
Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang awtoridad.
Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang Department of Health, World Health Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo.
72
Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili.
Sanggunian: “Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID19,” World Health Organization, nakuha noong Mayo 25, 2020, https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/ pitong-simpleng-hakbang-upang-maprotektahan-ang-sarili-at-ang-iba-labansa- covid-19
73
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mahahalagang salitang ginamit sa binasang teksto.
Some text here about the topic of discussion
74
Multiple Choice
Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may
alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.
Palagian
Malimit
Mabilisan
Lahat ng ito
75
Multiple Choice
Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan.
Hindi alam
Wala sa katinuan
Hindi apektado
Wala sa nabanggit
76
Multiple Choice
Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, ay sumusunod sa tamang
respiratory hygiene.
Pagtakip ng ilog at bibig
Paghuhugas ng paa
Pagpapahinga
Pagpapapawis
77
Multiple Choice
Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas
mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao.
Talsik na likido na nagmula sa ilong at bibig
Talamsik ng tubig sa kanal
Tulo ng tubig sa gripo
Patak ng ulan sa bubong
78
Panuto: Tukuyin ang katangian ng mahahalagang salitang nakasalungguhit na ginamit sa teksto.
79
Multiple Choice
Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang.
Pagtigil
Pagpirmi
A at B
Paghinto
80
Multiple Choice
Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong maibibigay sa ’yo, ikaw ay
maituturo sa tamang health facility, at maiwawasan mong makahawa sa iba.
Pambansa
Pampanitikan
Lalawiganin
Balbal
81
Multiple Choice
Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa
mapagkakatiwalaang awtoridad.
Pambansa
Pampanitikan
Lalawiganin
Balbal
82
Multiple Choice
Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi
malalang sintomas at gagaling.
Pambansa
Pampanitikan
Lalawiganin
Balbal
83
Multiple Choice
Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay,
kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay
gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol.
Pambansa
Pampanitikan
Lalawiganin
Balbal
84
Multiple Choice
Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-
19 sa lagnat at tuyong
Pambansa
Pampanitikan
Lalawiganin
Balbal
85
Isaisip
Panuto: Kumpletuhin ang mga patlang sa ibaba upang makabuo ng isang makabuluhang pahayag ukol sa pagpapatukoy ng kahulugan at katangian ng isang salita sa loob ng pangungusap. Piliin ang mga mahahalagang salita na maaaring gamitin sa loob ng pangungusap. Isulat ang sagot sa nakahiwalay na papel.
86
Drag and Drop
tuwing may mababasang salitang mahirap unawain. Maaaring
gumawa ng tentatibong
pamamagitan ng gamit nito sa pangungusap. Tukuyin din kung ano ang
ang kahulugan ng salita batay sa kung paano ito ginamit sa loob ng
pangungusap, sa sinundang pahayag, o sa susunod na pahayag. Kapag hindi
pa rin makuha ang
87
Drag and Drop
tumingin sa ng aklat kung mayroon ito. Ang malawak na
pagpapakahulugan sa
maging mahusay at
kaantasan ng wika ay nahahati sa dalawa, ang pormal at
mga uri ng pormal na wika ay
impormal na wika ay Lalawiganin, Kolokyal at
88
Open Ended
Isagawa
Panuto: Sumulat ng isang tekstong impormativ tungkol sa iyong sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig na kinakaharap ang problema kaugnay ng
pandemyang COVID-19. Salungguhitan ang mahahalagang salita na ginamit sa loob ng teksto, Tukuyin ang kahulugan at katangian nito.
89
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
Panuto: Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salita na ginamit sa iba’t ibang tekstong binasa. Isulat ang wastong sagot sa malaking titik.
Tayahin
90
Fill in the Blank
Lahat tayo ay apektado ng krisis na ito ngunit may mga itinuturo din itong aral
sa atin.
91
Fill in the Blank
Buhay pa rin ang Bayanihan sa ating bansa ngunit digital na sa tulong ng mga
apps at fund transfers.
92
Fill in the Blank
Epektibo ito lalo na sa panahong hindi tayo makalabas sa ating bahay.
93
Fill in the Blank
Ine-encourage ding gamitin ang cashless payment options via QR code sa mga
groceries bilang contactless way of payment ngayong may epidemya.
94
Fill in the Blank
IUpdated digitally na ang halos lahat ng bagay pati ang pagtulong sa ating kapwa
ngayong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) kung saan
kailangan sundin ang physical/social distancing.
95
Fill in the Blank
Nakabubuti din sa atin ang pagiging social media savvy dahil maaari nating
gamitin ito sa paggawa ng mabubuting hangarin o mga advocacies.
96
Fill in the Blank
Epektibo din ito upang maengganyong lumahok ang ibang tao sa inyong pagmomobilized.
97
Fill in the Blank
Pagkatapos ng krisis na ito, hindi na tayo babalik sa normal nating pamumuhay.
98
Fill in the Blank
Marami ang magbabago at iyon ang magiging “new normal” para sa ating
lahat.
99
Fill in the Blank
Nawa’y kasabay ng mga pagbabagong iyon, hindi mawawala ang ating
kagustuhang makatulong at tumulong sa ating kapwang nangangailangan.
100
Panuto: Tukuyin ang katangian ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang tekstong binasa.
Tukuyin kung pambansa, pampanitikan, lalawiganin, kolokyal, at balbal.
Isulat sa malaking titik ang sagot.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
101
Fill in the Blank
Daayud -____________________
102
Fill in the Blank
Pamalit -_____________________
103
Fill in the Blank
Tulong-Pinansiyal -____________________
104
Fill in the Blank
Ayuda -____________________
105
Fill in the Blank
Soc. Ame.-___________________
Q3W1.1-Pagbasa at Pagsusuri
By Edgar Monte
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 105
SLIDE
Similar Resources on Wayground
93 questions
BADAN USAHA
Lesson
•
11th Grade
96 questions
Organelles & transport
Lesson
•
9th - 11th Grade
100 questions
Pengetahuan umum
Lesson
•
KG
101 questions
TRÁCH NHIỆM ĐỊA LÍ
Lesson
•
11th Grade
98 questions
Lição sem título
Lesson
•
KG - University
94 questions
Ocular Symptoms and Examination
Lesson
•
KG
105 questions
HÓA SINH 1 - LINK 1
Lesson
•
University
94 questions
làm đi em
Lesson
•
KG - University
Popular Resources on Wayground
15 questions
Fractions on a Number Line
Quiz
•
3rd Grade
14 questions
Boundaries & Healthy Relationships
Lesson
•
6th - 8th Grade
13 questions
SMS Cafeteria Expectations Quiz
Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
SMS Restroom Expectations Quiz
Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Pi Day Trivia!
Quiz
•
6th - 9th Grade
Discover more resources for Other
15 questions
Pi Day Trivia
Quiz
•
9th - 12th Grade
10 questions
Understanding Pi and Its Applications
Interactive video
•
7th - 12th Grade
22 questions
El Imperfecto
Quiz
•
9th - 12th Grade
15 questions
ACT Reading Practice
Quiz
•
11th Grade
20 questions
Grammar
Quiz
•
9th - 12th Grade
7 questions
History of St. Patrick's Day for Kids | Bedtime History
Interactive video
•
1st - 12th Grade
30 questions
ACT Bootcamp Rotation 2 Session
Quiz
•
11th Grade
27 questions
quiz review Senderos 2 En el consultorio
Quiz
•
9th - 12th Grade