Search Header Logo
Q3W2-FILIPINO SA PILING LARANGAN - AKADEMIK-Aralin 1.1 Abstrak

Q3W2-FILIPINO SA PILING LARANGAN - AKADEMIK-Aralin 1.1 Abstrak

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Medium

Created by

Edgar Monte

Used 2+ times

FREE Resource

19 Slides • 17 Questions

1

Q3W2-FILIPINO SA PILING LARANGAN - AKADEMIK

By Edgar Monte

2

​Alamin

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng isang aralin:

• Aralin 1 – Mga Hakbang sa Pagsulat ng Iba’t Ibang Akademikong Pagsulat

➢ Aralin 1.1 – Abstrak

➢ Aralin 1.2 – Sinopsis o Buod

➢ Aralin 1.3 – Bionote

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

3

​Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling akademikong sulatin; CS_FA12PU-0d-f-92

2. Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo ng katitikang-pulong at sintesis o buod; CS_FAPN-0j-I-92

3. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin. CS_FAPU-0d-f-93

Subject | Subject

4

​Subukin

Panuto: Basahin ang bawat talata sa ibaba mula sa buod ng kwentong. Ang Alibughang Anak na hango sa Bibliya, Lukas 15:11-32. Isaayos ang bawat talata ayon sa simula, gitna at wakas upang mabuo ang kwento. Isulat sa patlang ang letrang A, B at C.

Filipino sa Piling Larangan - Akademik

Some text here about the topic of discussion

5

Fill in the Blanks

Type answer...

6

Open Ended

Question image

Balikan

Ngayon ay handang-handa ka na upang ibahagi ang iyong natutunan sa leksyon natin ukol sa paraan ng pagsulat ng akademikong sulatin. Gamitin mo ang iyong natutunan sa pamamagitan ng pagsulat ng isang buod mula sa napanood na teleserye.

7

​Tuklasin

Pag-unawa sa Binasa

Ekonomiks sa Diwang Pilipino:

Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari

Tereso S. Tullao, Jr.

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

8

Intensyon ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng wikang Filipino upang lalong mapabilis ang intelektwalisasyon nito. Marapat lamang sundin, hamak man, ang mga katangi-tanging sulatin na pinasimulan ng mga Pilipinong propesor tulad nina Nicanor Tiongson, Virgilio Enriquez, Emerita Quito, Wilfrido Villacorta at Isagani Cruz na gumamit ng wikang Filipino bilang instrumento sa pagsusuri, paglilinaw at pagsasaayos ng mga konseptong naglalarawan ng ating katauhan, buhay at lipunan.

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

9

Sa sanaysay na ito, tinalakay at sinuri ang limang pangunahing konsepto sa ekonomiks sa diwang Pilipino. Ang layunin ay hindi lamang upang makapagbigay ng panimulang introduksyon sa isang mahalagang sangay ng agham panlipunan kung hindi gamitin ang kaalamang ito sa paglutas ng pangunahing problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran.

Mga Susing Salita: pagpapaunlad ng wika, intelektwalisasyon, konsepto sa ekonomiks, diwang Pilipino, problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran.

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

10

Panuto: Base sa nabasang pahayag “Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari Ni Tereso S. Tullao, Jr.” Sagutin mo ang hinihingi sa bawat bilang.

1. PAKSA (tungkol saan ang paksang pinag-uusapan sa pahayag na nabasa)

2. LAYUNIN (ano ang intensiyon o adhikain ng pahayag na nabasa)

3. KAHALAGAHAN NG AKADEMIKONG SULATIN (mahalagang konseptongnatutunan sa aralin)

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

Gawain 3​

11

Open Ended

PAKSA:

12

Open Ended

LAYUNIN:

13

Open Ended

KAHALAGAHAN NG AKADEMIKONG SULATIN:

14

Aralin 1​.1-Abstrak

Suriin

Ano nga ba ang akademikong sulatin?

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

15

Ang akademikong sulatin ay isang uri ng pormal na sulating isinasagawa sa isang akademikong institusyon na ginagamitan ng matataas na pamamaraan ng kasanayan sa pagsulat. Taglay ng Akademikong sulatin ang pagkakaroon ng prosesong dapat sundin. Bagamat masalimuot ang proseso ng akademikong sulatin, may maaasahang paraan upang malagpasan ang hamon kaugnay sa pagsulat.

Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses: academique; Medieval Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.

(www.oxforddictionaries.com/Piling Larang sa Filipino;Rex Book Store)

16

​Abstrak

Ang Abstrak ay isang buod ng pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon, rebyu, proceedings at papel pananaliksik na naisumite sa komperensiya at iba pang gawain na may kaugnay sa disiplina upang mabilis na matukoy ang layunin ng teksto. Kadalasang makikita ito sa simula pa lang ng manuskrito, ngunit itinuturing ito na may sapat nang impormasyon kung kaya’t maaaring mag-isa o tumayo sa kaniyang sarili.

Inilalahad ng Abstrak ang masalimuot na datos sa pananaliksik at pangunahing mga metodolohiya at resulta sa pamamagitan ng paksang pangungusap o kaya’y isa hanggang tatlong pangungusap sa bawat bahagi. Ito’y may layuning magpabatid, mang-aliw at manghikayat.

17

Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng;

1. Pamagat - Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.

2. Introduksyon o Panimula - nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin at mapanghikayat ang bahaging ito upang makapukaw ng interes sa mambabasa at sa manunulat.

3. Kaugnay na literatura - Batayan upang makapagbibigay ng malinaw nakasagutan o tugon para sa mga mambabasa.

4. Metodolohiya - Isang plano sistema para matapos ang isang gawain.

5. Resulta - Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin.

6. Konklusyon - Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-iiwan ng palaisipan kaugnay sa paksa.

18

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak

1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak.

2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksyon, kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.

3. Buuin gamit ang mga talata ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuuan ng mga papel.

4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, grapiko, talahanayan, at iba pa maliban na lamang kung sadyang kinakailangan.

5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat isama rito.

6. Isulat ang pinal na sipi nito.

19

Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak

1. Binubuo ng 200-250 na salita

2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap

3. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel

4. Nauunawaan ng target na mambabasa

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

20

Pagyamanin

​Gawain 4.1: Pagbasa

Panuto: Basahin at intindihin ang Abstrak sa ibaba.

Some text here about the topic of discussion

21

​Konsepto ng Bayan isang Akda ng “Kapitan Sino” ni Bob Ong

Camille L. Valdez

Ang bayani ay tinuturing na isang unibersal na karakter na binibigyangbuhay sa midya, sining at panitikan. Isa ang bayani sa mga sentral na tauhan kaya naman hindi kataka-taka na maging laganap ang konseptong ito sa buong mundo. Ang pokus ng pag-aaral na ito ay ang akdang Kapitan Sino ni Bob Ong. Layunin ng pag-aaral na matuklasan ang konsepto ng bayani at pagkabayani sa akda.

Subject | Subject

Some text here about the topic of discussion

22

Sa pag-aaral, matutunghayang umaangkop si Kapitan Sino sa mga katangian ng isang bayani sa teoryang Arketipo ni Jung. Mayroon siyang mga kalakasan at kahinaan. Batay naman sa kolektibong impresyon, mabibigyanglinaw ang mga usapin sa Lipunan ni Kapitan Sino. Makikita ang kontradiksyon sa lipunan sa tunggalian sa pagitan ng naghaharing uri at di-naghaharing-uri. Ang namamayaning ideolohiya ay nagsisikap na matabunan ang ediolohiya ng nakararaming api sa lipunan na naghahanap ng mga “bayani” na siyang kikilos nang sama-sama upang maging kinatawan ng kanilang kolektibong mga mithiin.

Si Kapitan Sino ay nagsilbing simbolikong resolusyon na inaasam ng mga taga-Pelaez na hindi natatamo sa tunay na Buhay. Ipinakita ni Kapitan Sino na ang

23

pagkabayani ay hindi nangangailangan ng iisang dakilang taong siyang nagliligtas sa lahat, bagkus ang bayani ay nag-uudyok sa mga taong kumilos at maging bayani din sa kanilang paraan.

Sanggunian:

Pamela C. Constantino, Galileo S. Zafra; Aurora E. Batnag. Filipino sa Piling Larangan (AKADEMIK); Rex Book Store

24

Open Ended

Question image

Panuto: Mula sa binasang akda sa itaas, kilalanin ang mga karagdagang bahagi ng abstrak na binanggit sa loob ng kahon.

25

Isaisip

Gawain 5

Panuto: Kilalanin kung ano o sino ang tinutukoy sa bawat numero. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Some text here about the topic of discussion

26

Fill in the Blanks

Type answer...

27

Fill in the Blanks

Type answer...

28

Fill in the Blanks

Type answer...

29

Fill in the Blanks

Type answer...

30

Fill in the Blanks

Type answer...

31

Open Ended

Question image

Panuto: Bumuo o sumulat ng isang abstrak o lagom batay sa iyong sariling interes o paksang malapit sa iyong puso. Tandaan ang katangian ng mahusay na Abstrak. Sundin ang pamantayan sa ibaba.

32

Fill in the Blanks

Type answer...

33

Fill in the Blanks

Type answer...

34

Fill in the Blanks

Type answer...

35

Fill in the Blanks

Type answer...

36

Fill in the Blanks

Type answer...

Q3W2-FILIPINO SA PILING LARANGAN - AKADEMIK

By Edgar Monte

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 36

SLIDE