
Kultura (AP 3)
Presentation
•
History
•
3rd Grade
•
Easy
ANGELY AGUILAR
Used 13+ times
FREE Resource
20 Slides • 15 Questions
1
Kultura ng kinabibilangang Rehiyon at Lungsod
ARALING PANLIPUNAN 3
2
Ang kalagayang pangheograpiya ay naging dahilan ng pagkakaroon ng
iba-ibang pangkat etniko sa Pilipinas. Ang bawat ay nagpapakita ng sari-sariling kaugalian, paniniwala, panahanan at iba pang pagkakakilanlan.
3
Ano ang Kultura?
4
KULTURA
ang tawag sa pagkakakilanlan ng bawat pangkat ng mga tao sa isang lugar, komunidad at bansa.
5
KULTURA
ang tawag sa pagkakakilanlan ng bawat pangkat ng mga tao sa isang lugar, komunidad at bansa. Nagpapakita ito sa paraan ng pamumuhay ng mga nananinirahan dito, ang mga halimbawa ay kaugalian, paniniwala, tradisyon, relihiyon, edukasyon, sining at agham, pananamit, uri ng panahanan, wika, pagkain, sining, kasuotan, panahanan, relihiyon, at pamahalaan.
6
2 uri ng kultura
1. Materyal na Kultura – mga kulturang nakikita at ginagawa ng mga tao o naninirahan sa isang partikular na lugar
-uri ng tahanan, iba’t-ibang kasangkapan, pagkain ,pananamit at iba pang uri ng mga kagamitan.
7
2. Di- Materyal na Kultura – tumutukoy sa mga kultura na hindi nahahawakan
ngunit nakikita sa pamamagitan ng pagsasagawa nito paniniwala,
kaugalian, tradisyon, relihiyon, sining agham, wika at iba pa
8
Masasabi na ang Pilipinas ay isang bansa na may sariling pinagmulan, kasaysayan at kultura. Bago pa man nagsidating ang mga banyaga sa ating bansa ay mayroon nang sariling kulturaang ating mga ninuno. Ang kultura ay paraan ng pamumuhay ng mga tao. Kabilang rito ang paraan ng kanilang magsamba, pag-aaral, panahanan, pamahalaan, at iba pa. Payak lamang ang pamumuhay ng ating mga ninuno. Hindi mahalaga sa kanila ang pagmamay-ari ng anumang bagay.
9
Gawain 1-A
Panuto: Piliin ang TAMA ang patlang kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tamang impormasyon tungkol sa ating kultura at MALI
kung hindi.
10
Multiple Choice
1. Kultura ang tawag sa pagkakakilanlan ng bawat pangkat ng mga
tao sa isang komunidad.
TAMA
MALI
11
Multiple Choice
2. May dalawang uri ang kultura ito ay materyal at di-materyal na
kultura.
TAMA
MALI
12
Multiple Choice
3. Walang sariling kultura at ating mga ninunong Pilipino bago dumating
ang mga banyaga.
TAMA
MALI
13
Multiple Choice
4. May malaking impluwensiya ang mga dayuhang nanakop sa Pilipinas
tulad ng Hapones, Amerikano, Espanyol sa kulturang Pilipino.
TAMA
MALI
14
Multiple Choice
5. Payak lamang ang pamumuhay ng ating mga ninuno.
TAMA
MALI
15
Mga Halimbawa ng Materyal na Kultura
1. KASANGKAPAN
Bago pa man dumating ang mga dayuhang Espanyol sa Pilipinas, may
iba’t ibang uri ng kagamitang gawa ang ating mga ninuno para sa pangaraw- araw nilang pamumuhay. Natuklasan ito sa mga yungib na ginawa nilang panirahan at sa loob ng mga banga. Niluluto ang mga pagkain sa mga palayok at bumbong ng kawayan.
16
2. KASUOTAN
Katangi-tangi rin ang pananamit ng ating mga ninuno noon. Nagkakaiba -iba sila ayon sa kanilang pinagmulan at pag-aangkop sa klima ng kapaligiran.
URI NG KASUOTAN
● Sa mga lalake
Kangan -pang-itaas na damit na walang kuwelyo at manggas
Bahag -kapirasong tela na ginagamit pangibaba.
Putong - kapirasong tela na iniikot sa ulo.
17
● Sa mga babae
Baro - pang-itaas na may mahabang manggas na parang jacket
Saya - kapirasong tela o tapis na iniikot sa
baywang. Patadyong naman ang tawag ng mga Visaya rito.
Sari-saring alahas din ang suot ng ating mga ninuno gaya ng singsing, kuwintas, hikaw, at pulseras. Hindi lamang ang mga leeg, kamay, at tainga ang kanilang nilalagyan ng alahas. Sinasabitan pa nila ang kanilang mga binti, braso, at pagitan ng mga ngipin. Yari pa ito sa ginto at mamahaling bato na kanilang namimina.
18
3. PAGKAIN- Dahil hindi pa marunong
magtanim ang mga ninunong Pilipino noong unang yugto ng prehistorikong panahon
nanggagaling lamang sa dagat, ilog, at
mga punongkahoy sa kagubatan ang
kanilang pagkain.
19
4. TAHANAN
Walang naging tiyak na tirahan ang
ating mga ninuno. Nagpalipat-lipat sila ng tirahan kung saan sila mapadpad. Batay sa mga pagsasaliksik ng mga mag-aaral o
dalubhasa sa pinagmulan ng tao,
nanirahan muna sila sa loob ng kuweba. Sa paglipas ng panahon, natuto silang gumawa ng isang palapag na bahay nayari sa pawid, kahoy, kawayan, sawali, at kugon.
20
GAWAIN 2
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng materyal na kultura ang hinihingi sa pangungusap. Piliin ang titik ng wastong sagot sa tanong.
21
Multiple Choice
1. Ang mga sinaunang Pilipino ay gumamit ng mga pana, palaso at sibat sa
pangangaso.
kagamitan
kasuotan
tahanan
22
Multiple Choice
2. Ang mga sinaunang Pilipino ay nanirahan sa mga kuweba at ang iba ay
nagpapalipat-lipat ng tirahan.
kasangkapan
kasuotan
tahanan
23
Multiple Choice
3. Niluluto ang mga pagkain sa mga palayok at bumbong ng kawayan.
kasangkapan
kasuotan
tahanan
24
Multiple Choice
4. Baro’t saya ang kasuotan ng mga kababaihan.
kasangkapan
kasuotan
tahanan
25
Multiple Choice
5. Nanggagaling lamang sa dagat, ilog, at mga punongkahoy sa
kagubatan ang kanilang pagkain.
pagkain
kasuotan
tahanan
26
Di- Materyal na Kultura
Ito ay tumutukoy sa mga kultura na hindi
nahahawakan ngunit nakikita sa pamamagitan ng pagsasagawa nito. Tulad ng edukasyon, kaugalian, pamahalaan, paniniwala at relihiyon, sining at
agham, wika.
27
Hindi nakaranas pumasok sa pormal na paaralan ang ating mga ninuno. Natutong sumulat at bumasa ang ating mga ninuno bunga ng kanilang karanasan at pagmamasid sa kalikasan. Sa tahanan, ang mga babae ay tinuturuan ng mga ina ng gawaing pantahanan tulad ng pagluluto, paglalaba, at pag-aalaga ng bata. Ang mga lalaki naman ay tinuturuan ng kanilang ama sa mga gawaing kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay tulad ng pangangaso at pangingisda.
Edukasyon
28
Noon pa man ay may kaalaman na sa pamamahala ang ating
mga ninuno. Balangay ang tawag sa kanilang pamayanan. Binubuo ito ng tatlumpu hanggang isangdaang pamilya. Datu ang tawag sa pinuno na tinutulungan ng pangkat ng mga matatanda na tinatawag na Maginoo.
Bagama’t ang sistema ng pamamahala sa kasalukuyan ay sumusunod sa batas na itinakda ng ating bansa, may ilang bahagi ng kultura ng ating mga ninuno ang umiiral pa rin.
Pamahalaan
29
Bathala ang tawag sa itinuturing na Panginoon ng ating mga ninuno. Itinuturing nila itong pinakamakapangyarihan sa lahat. Naniniwala silang may lugar na pinupuntahan ang mga kaluluwa kapag namatay na ang mga tao.
Naniniwala din sila sa kapangyarihan ng iba’t ibang espiritwal na tagabantay tulad ng diyos, diwata, at anito. Ang mga ito ay kaisa ng kalikasan kaya’t sinasamba, pinapahalagahan, at pinapangalagaan nila ang mga ito sa pamamagitan ng pagsamba sa imahe na yari sa kahoy, bato, o ginto. Dinadasalan at inaalayan pa nila ang mga ito ng pagkain.
Pananampalataya at Relihiyon
30
GAWAIN 3
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
di-materyal at Mali kung hindi
31
Poll
1. Tinuturuan ng mga kalalakihan ang kanilang mga anak sa
pangangaso at pangingisda.
TAMA
MALI
32
Poll
2. Naniniwala ang ating mga ninuno kay Bathala at iba pang mga
ispiritwal na tagabantay.
TAMA
MALI
33
Poll
3. Bathala ang itinuturing na pnaginoon ng ating mga ninuno.
TAMA
MALI
34
Poll
4. May pormal na edukasyon ang ating mga ninuno.
TAMA
MALI
35
Poll
5. Ang di-materyal na kultura ay tumutukoy sa mga kultura na hindi
nahahawakan ngunit nakikita sa pamamagitan ng pagsasagawa
nito.
TAMA
MALI
Kultura ng kinabibilangang Rehiyon at Lungsod
ARALING PANLIPUNAN 3
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 35
SLIDE
Similar Resources on Wayground
29 questions
TEMA 3 SOCIALES
Presentation
•
3rd Grade
23 questions
REVISA 1ºBIM HIST 3ºANO AULA 1
Presentation
•
3rd Grade
28 questions
08/10 - Primavera Árabe.
Presentation
•
3rd Grade
28 questions
ARTE E OS ELEMENTOS DA COMUNICAÇÃO
Presentation
•
3rd Grade
30 questions
LICH SỬ ĐỊA LÝ
Presentation
•
4th Grade
28 questions
24. Początek I wojny światowej
Presentation
•
3rd Grade
26 questions
O PODER DA IGREJA NA IDADE MÉDIA
Presentation
•
3rd Grade
30 questions
Bolesław Chrobry - pierwszy król Polski
Presentation
•
4th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
5.P.1.3 Distance/Time Graphs
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Fire Drill
Quiz
•
2nd - 5th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
School Wide Vocab Group 1 Master
Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
12 questions
What makes Nebraska's government unique?
Quiz
•
4th - 5th Grade
Discover more resources for History
5 questions
Unlocking Earth's Past: The Fascinating World of Fossils
Interactive video
•
1st - 6th Grade
7 questions
Julius Caesar for Kids | Bedtime History
Interactive video
•
1st - 12th Grade
36 questions
8th Grade US History STAAR Review
Quiz
•
KG - University
12 questions
Branches of Government Sort
Quiz
•
3rd - 5th Grade