
Q3 M1: Pagpapahalaga sa Galing at Tagumpay ng Pilipino
Presentation
•
Moral Science, Education
•
6th Grade
•
Practice Problem
•
Easy
OSCAR NATIVIDAD
Used 6+ times
FREE Resource
14 Slides • 27 Questions
1
Pagpapahalaga sa Galing at Tagumpay ng Pilipino
Quarter 3 Module 1
By Oscar Natividad, LPT, MAEd
2
“Ang talento ay mas mura pa kaysa sa asin. Ang pagkakaiba ng talentado sa matagumpay ay napakaraming pagsisikap at pagpupunyagi”
-Stephen King
Alamin
3
Paano mo pahahalagahan ang galing at tagumpay ng mga Pilipino?
Gabay Tanong:
- Sulatin para sa e-Journal #1
4
Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa pamamagitan ng:
1. Pagmomodelo ng kanilang pagtatagumpay;
2. Kuwento ng kanilang pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para sa bayan; at
3. Pagtulad sa mga mabubuting katangian na naging susi sa pagtatagumpay ng mga Pilipino.
EsP6PPP- IIIc-d–35
5
Panuto: May mga katangian ang mga Pilipino na kinilala sa iba’t ibang larangan na
naging susi sa kanilang pagtatagumpay. Punan ang tsart ng mga kinakailangang datos.
Subukin
6
Draw
Punan ang tsart ng mga kinakailangang datos.
7
“Panuto: Tama o Mali
Piliin ang TAMA kung ang inilahad ay nagpapakita ng paggalang sa suhestiyon ng kapwa at Mali naman kung hindi.
Balikan
8
Multiple Choice
1. Iniiwasan ni Leo ang kaniyang kaibigang nagbigay-puna sa ginawa niyang
laruan.
9
Multiple Choice
2. Nakangiting pinakikinggan ni Mary Jane ang mga suhestiyon ng kaniyang
mga kaklase.
10
Multiple Choice
3. Sumama ang loob ni Carlito nang hindi naisama ang kaniyang ideya sa
pagbuo ng kanilang proyekto sa Agham.
11
Multiple Choice
4. Binuo nina Liza ang kanilang likhang kuwento tungkol sa paggalang sa kapwa
sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng kanilang mga karanasan.
12
Multiple Choice
5. Nag-organisa ng paligsahan sa pag-awit para sa mga kabataan ang pamunuang
bayan sa kanilang lugar.
13
Basahin at unawain ang mga tala tungkol sa “Mga Pilipinong Natatangi at Naging Tanyag sa Larangan ng Sining, Politika, Pangkabuhayan, Agrikultura at Panitikan”.
Sagutin ang sumusunod na katanungan.
Tuklasin
14
Open Ended
Sino ang nasa larawan?
15
A. Musika - Lea Salonga-Chen
Ipinanganak noong Pebrero 22,1971, isang Pilipinang mang-aawit at aktres na naging bantog dahil sa kaniyang pagganap sa musical na Miss Saigon kung saan siya ay nagwagi ng Olivier, Tony, Drama Desk, Outer Critics at Theater World Awards. Siya ang kauna-unahang nanalo ng iba’t ibang International Awards para sa iisang
pagganap.
16
Open Ended
1. Bakit isa si Lea Salonga sa itinuturing na natatanging Pilipino?
17
Open Ended
2. Sa paanong paraan niya ibinahagi ang kaniyang talento?
18
Open Ended
3. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, anong talento ang nais mong ibahagi?
19
Open Ended
Sino ang nasa larawan?
20
B. Sining-Pintor - Fernando Amorsolo
Siya ay isa sa pinakamahalagang artista ng sining sa bansang Pilipinas. Si Amorsolo ay isang pintor ng mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Sa panahon man ng kapayapaan o digmaa,n nanatili ang pagpinta sa isipan ni Amorsolo na nagbunga naman ng mga dibuhong may pagpapahalaga sa paghubog,
pag-unlad at pagtatala ng tunay at natatanging katauhan, ngiti, damdamin at kaluluwa ng mga mamamayang Pilipino. Dahil sa gawain ng kaniyang malikhaing kamay sa tulong ng pinsel at pintura, tinagurian siyang unang Pambansang Alagad ng Sining ng
Pilipinas.
21
Open Ended
1. Sa anong larangan sumikat si Fernando Amorsolo?
22
Open Ended
2. Ano ang pagkakaiba ng mga obra o gawa ni Amorsolo sa iba pang pintor? Dapat bang pahalagahan ang kaniyang mga iginuhit? Bakit?
23
Open Ended
3. Anong karangalan ang natamo ni Fernando Amorsolo?
24
Open Ended
Sino ang nasa larawan?
25
C.Agrikultura/Negosyo - Henry SY
Si Henry Sy ang pinakamayamang Pilipino noong siya ay nabubuhay, na may kabuoang kayamanang nagkakahalaga ng $3.8 bilyon. Siya ang may-ari ng 28 SM Mall sa buong bansa (at 2 sa ibang bansa), pati na rin ng Banco De Oro, China Banking Corp, at iba pang mga negosyo sa lupain. Bata pa lamang ay nagtitinda na si Sy sa
isang maliit na sari-sari store na pagmamay-ari ng kaniyang ama. Noong sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig ay nasunog ang tindahang ito, kung kaya’t napilitan siyang magbenta ng kung ano-ano para sa ikabubuhay ng kaniyang pamilya. Noong natapos ang digmaan, sinimulan niya ang isang maliit na tindahan ng mga sapatos. Nag-aral din siya sa Far Eastern University.
26
Open Ended
1. Sa inyong palagay ano ang naging puhunan ni Henry Sy at siya ay tinanghal na
pinakamayamang Pilipino noong siya ay nabubuhay pa?
27
Open Ended
2. Anong uri ng buhay mayroon si Henry Sy noong kabataan nya?
28
Open Ended
3. Anong katangian niya ang gusto ninyong tularan?
29
Panuto: Suriin ang mga larawan. Basahin ang mga impormasyong nakasulat sa
larawan. Isulat ang katangian ng nasa larawan ayon sa impormasyong nabasa.
Suriin
30
Open Ended
Bago nanalo si Bb. Pia Wurtsbach ng Miss Universe noong
2015, maraming beses siyang sumali sa mga beauty pageant at siya ay tatlong beses na natalo. (matatag, matapang, determinado, at matiyaga).
Ipaliwanag______________________
31
Open Ended
Si Dolphy ang tinawag na Hari ng Komedya at siya ay nakilala dahil sa kaniyang malaking kontribusyon sa sining at teatro. (matapang, determinado, masipag, produktibo).
Ipaliwanag__________________________
32
Open Ended
Pinahusay ni Manny Pacquiao ang kaniyang sarili sa
boksing upang matulungan niya ang kaniyang pamilya at
ipagmalaki ng Pilipinas (makabansa, matapang, matatag,
determinado).
Ipaliwanag___________________________
33
Open Ended
Iminulat ni Dr. Jose Rizal ang kamalayan ng mga Pilipino
mula sa pang-aalipin ng mga Espanyol sa pamamagitan ng
papel at panulat (makabansa, matapang, makabayan,
determinado).
Ipaliwanag______________________________
34
GAWAIN 1: Isapuso Natin
Panuto: Piliin ang puso (♡) kung ang pahayag kung ito ay karapat-dapat pahalagahan.
Piliin naman ang ekis (×) kung hindi dapat tularan.
Pagyamanin
35
Multiple Choice
1. Si Nora Aunor ay dating nagtitinda ng tubig sa may riles ng tren. Dahil sa
kaniyang kasipagan at pagtitiyaga siya ay naging matagumpay na Pilipino.
36
Multiple Choice
2. Si Jose Dela Cruz ay isang boksingero. Hindi napahalagahan ang kaniyang
talento dahil siya ay nalulong sa masamang bisyo at tuluyang napariwara ang
kaniyang buhay.
37
Multiple Choice
3. Si Hidilyn Diaz ay nagsikap sa kaniyang larangan sa “Weightlifting” upang
makamit ang gintong medalya sa Olympics.
38
Multiple Choice
4. Hindi sumuko sa hirap ng buhay si Jericho Rosales. Nagsipag siya at
nagsumikap kung kaya’t patuloy na umangat ang kaniyang buhay at naging
produktibong Pilipino.
39
Multiple Choice
5. Malaki ang naiambag ni Andres Bonifacio sa kalayaan ng Pilipinas. Ibinuwis
niya ang kaniyang buhay upang maipaglaban niya ang kalayaan at
ipagtanggol ang bansa mula sa mga dayuhang mananakop.
40
GAWAIN 1: e-Journal
Asynchronous Activity
Isagawa
41
Gawing gabay ang mga tanong sa pagsulat ng e-journal: Gawin sa hiwalay na papel o slides.
1. Ano ang pangarap mo sa iyong buhay?
2. May maitutulong ba ito sa ating bayan?
3. Sino ang gusto mong tularan?
4. Ano-ano ang iyong gagawin upang maabot mo ang iyong pangarap?
e-Journal #1:
Pagpapahalaga sa Galing at Tagumpay ng Pilipino
Quarter 3 Module 1
By Oscar Natividad, LPT, MAEd
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 41
SLIDE
Similar Resources on Wayground
35 questions
Q3 Lesson 5 - Women of the Revolution
Presentation
•
5th Grade
40 questions
Ôn tập HK II Tin học lớp 5
Presentation
•
5th Grade
34 questions
HENERAL ANTONIO LUNA
Presentation
•
6th Grade
33 questions
Q3 AP6 W6
Presentation
•
6th Grade
37 questions
Textul narativ literar in proză
Presentation
•
5th - 6th Grade
37 questions
PAGLAGANAP AT KATURUAN NG ISLAM SA PILIPINAS
Presentation
•
5th Grade
34 questions
Khulafaur Rasyidin Penerus Perjuangan Nabi
Presentation
•
7th Grade
32 questions
La nouvelle
Presentation
•
KG
Popular Resources on Wayground
11 questions
Hallway & Bathroom Expectations
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Assessment 2
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
12 questions
2026 TAP Technology in the Classroom
Presentation
•
Professional Development
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 2 Review
Quiz
•
5th Grade
15 questions
HCS SCI 04 Summer School Review 2
Quiz
•
4th Grade
59 questions
Geometry Unit 3 Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
14 questions
FAST ELA READING SMAPLE TEST MATERIALS
Passage
•
3rd Grade