Search Header Logo
Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon

Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon

Assessment

Presentation

•

Other

•

8th Grade

•

Hard

Created by

Frince Domingo

Used 2+ times

FREE Resource

6 Slides • 0 Questions

1

Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon

By Frince Domingo

2

Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan ay kabilang sa impormal na mga salita. Ito ay nauuri sa apat.​

3

  1. Lalawiganin (Provincialism)- ito ay mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito. kapansin-pansin ang mga ito, bukod sa iba ang bigkas, may kakaiba pang tono ito.

    halimbawa:

    tugang (Bikol)

    dako (Bisaya)

    ngarud (​Ilokano)

4

  1. Balbal (Slang)- ang mga salitang ito noon ay hindi tinatanggap ng matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan ang mga ito. tinatawag ding salitang kalye o salitang kanto ang balbal.

    ​

    Halimbawa:

    ​

    erpat-tatay sikyo-security guard ​ tsikot-kotse yosi-sigarilyo

5

  1. Kolokyal (Colloquial)- Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagama't may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.

    halimbawa:

    Pormal​ Kolokyal

    aywan​ ewan

    piyesta pista​

6

  1. Banyaga- ito ay mga salitang mula sa iba pang wika. karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak, wika, teknikal,pang-agham, simbolong pangmatematika, o mga salitang banyaga na walang salin sa wikang Filipino.

pattern-tertiary
Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon

By Frince Domingo

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 6

SLIDE