Search Header Logo
ESP 3q Week 7

ESP 3q Week 7

Assessment

Presentation

Life Skills

5th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

Dominic Liquido

Used 1+ times

FREE Resource

10 Slides • 30 Questions

1

ESP 3q Week 7 - Pakikiisa sa Pagpapanatili ng Kapayapaan

By Dominic Liquido

2

Bilang isang mag-aaral paano ka makatutulong upang mahadlangan ang tuluyang pagkasira ng ating kapaligiran? Isulat ang mga nararapat mong gawin bilang isang mag-aaral upang mabuo ang pangungusap.

3

Open Ended

Upang maiwasan ang polusyon sa hangin ang maari kong gawin ay

4

Open Ended

Sa pagtatapon ng mga basura, ang maaari kong gawin ay

5

Open Ended

Kapag walang puno sa bakuran, ang maari kong gawin ay

6

Open Ended

Upang maiwasan ang pagdami ng mga langaw, ipis, at daga ang maari kong gawin ay

7

Open Ended

Kapag may nakitang usok mula sa tambutso ng sasakyan ang maari kong gawin ay

8

Open Ended

Upang mabawasan ang polusyon sa dagat ang maari kong gawin ay

9

Open Ended

Kapag may nakitang nakasinding ilaw at walang gumagamit ang maari kong gawin ay

10

Open Ended

Sa pagtitipid sa tubig ang maari kong gawin ay

11

Open Ended

Kapag may mga bulaklak sa paligid ang maari kong gawin ay

12

Open Ended

Upang maiwasan ang pagdami ng lamok ang maari kong gawin ay

13

Karapatan ng bawat isa ang mapayapang pamumuhay. Mahalagang malaman mo rin na ang bawat isa ay may sariling pananaw. Ang paggalang sa opinyon ng iba ay pagbibigay paggalang sa ideya ng iyong kapwa. Halimbawa nito ang pakikipagusap ng mahinahon, pag-​

iwas sa paggamit ng nakakasakit na salita pakikinig sa opinyon ng iba at pagtanggap sa kagustuhan ng nakararami lalo na kung ito ay nakabubuti para sa lahat.​

14

Ang kapayapaan ay paggalang din sa mga karapatang pantao. Nakasulat sa Universal Declaration of Human Rights at Child Protection Program ang mga karapatan ng bawat tao. Ito ay nagsisilbing gabay upang mamuhay ang bawat isa ng payapa at masaya. Ilan sa mga nakasaad dito ay ang karapatang mabuhay ng malusog, payapa at ligtas, karapatang makapag-aral at makapaglibang, karapatang pumili ng nais iboto, at pumili sa kinaanibang relihiyon, kultura at iba pa.​

15

Kahit mag kaiba-iba man ang mga paniniwala at pananaw, iisa lang ang hangarin sa puso ng bawat isa, ito ay ang kapayapaan. Dahil dito, maraming mga programa ang isinusulong ng pamahalaan o kahit sa iyong lugar upang makamit ang kapayapaan.

16

Halimbawa ang pagsunod sa batas trapiko, pananatili sa loob ng bahay kung oras na ng curfew, paglilinis ng paligid bilang pagsunod sa Clean and Green at pagtatali ng mga alagang aso upang hindi makagala at makagat. Responsibilidad mong makilahok at ikampanya ang mga ito.

17

Tungkulin mo ring igalang anomang ipinatutupad, tanggapin at unawain ang ideya at opinyon ng iba upang tunay na mamayani ang kapayapaan sa pamayanan.

18

Basahin ang mga programa, alituntunin, o kampanya na nagsusulong ng kapayapaan. Alamin kung ito ay: paggalang sa karapatang pantao o paggalang sa opinyon ng iba.

19

Multiple Choice

Universal Declaration of Human Rights

1

paggalang sa karapatang pantao

2

paggalang sa opinyon ng iba

20

Multiple Choice

Child Protection Program

1

paggalang sa karapatang pantao

2

paggalang sa opinyon ng iba

21

Multiple Choice

Pagsunod sa kagustuhan ng nakararami lalo na kung ito ay nakabubuti para sa lahat

1

paggalang sa karapatang pantao

2

paggalang sa opinyon ng iba

22

Multiple Choice

Malayang pagpili ng nais ibotong opisyales ng Supreme Pupil Government o SPG

1

paggalang sa karapatang pantao

2

paggalang sa opinyon ng iba

23

Multiple Choice

Pag-unawa at pagtanggap sa ideya ng iba

1

paggalang sa karapatang pantao

2

paggalang sa opinyon ng iba

24

Isulat ang Tama kung ang pahayag ay nagpapakita ng pakikiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at Mali naman kung hindi.

25

Fill in the Blank

Pagsunod sa mga protocols ngayong pandemya.

26

Fill in the Blank

Pagpumilit na sundin ang sariling ideya para sa ginagawang proyekto sa ESP.

27

Fill in the Blank

Pagsalita ng mahinahon kung nais ipahayag ang sariling opinyon.

28

Fill in the Blank

Pakipagkaibigan sa kaklaseng may ibang paniniwala sa iyo.

29

Fill in the Blank

Panlalait sa kapitbahay na may kapansanan.

30

Fill in the Blank

Pagsunod sa batas trapiko.

31

Fill in the Blank

Pagtali sa mga alagang aso upang hindi makakagat.

32

Fill in the Blank

Pagpigil sa nakababatang kapatid na isumbong ka sa iyong magulang sa kasalanang iyong nagawa

33

Fill in the Blank

Paglabas ng bahay kahit oras ng curfew

34

Fill in the Blank

Paggamit ng. mga magagalang na salita kung nakikipag-usap.

35

Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon? Isulat at ipaliwanag ang sagot.

36

Open Ended

Nang yayain mo ang kapatid mong maglinis ay sinagot kang “Hindi ako boy scout. Ang paglilinis ay ginagawa lamang ng boy scout.”

37

Open Ended

Iba ang relihiyon ng isa mong kaklase. Niyaya ka niyang sumama sa kanilang simbahan. Ano ang gagawin mo?

38

Open Ended

Napansin mong habang nagsasalita ang inyong lider tungkol sa pangkatang gawain, ang ilan sa iyong mga kagrupo ay hindi nakikinig.

39

Open Ended

Nagbigay ng pangkatang gawain ang iyong guro. Ikaw ang napiling mamuno sa iyong pangkat. Isa sa mga miyembro mo ay nagbahagi ng kanyang ideya para sa inyong gawain.

40

Open Ended

Hatinggabi na ngunit malakas pa ring magpatugtog ng karaoke ang inyong kapitbahay.

ESP 3q Week 7 - Pakikiisa sa Pagpapanatili ng Kapayapaan

By Dominic Liquido

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 40

SLIDE