Search Header Logo
MGA DULOG SA PAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO

MGA DULOG SA PAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO

Assessment

Presentation

Professional Development

Professional Development

Medium

Created by

JENIFER BUGAS

Used 3+ times

FREE Resource

14 Slides • 10 Questions

1

MGA DULOG SA PAGTUTURO

NG ASIGNATURANG FILIPINO

JENIFER BUGAS, PhD

Tagapagsalita​

media

2

Poll

1. Alam mo ba ang kahulugan ng Pagdulog?

Oo

Hindi

Bahagyang alam

3

Multiple Choice

2. Ano ang tawag sa isang set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo?

1

Pamamaraan

2

Dulog o Lapit

3

Teknik

4

Disenyo

4

Multiple Choice

3. Ano ang tawag sa pangkalahatang sistematikong pagpaplano na binubuo ng mga hakbang batay sa isang dulog?

1

Pamamaraan

2

Dulog o lapit

3

Teknik

4

Disenyo

5

Multiple Choice

4.      Ang lapit o dulog na ito sa pagtuturoi ng wika ay tumutukoy sa pabuod na pamamaraan ng paggabay sa mga mag-aaral sa pagtalakay at pag-oorganisa ng mga ideya at pagproseso nito.

1

Patuklas na Lapit

2

Konseptwal na Lapit

3

Unified Approach

4

Dulog Istruktural

6

Multiple Choice

5.      Binibigyang-diin nito ang kognitibong pagkatuto: pagkatuto sa nilalaman at pagtamo ng kaalaman, anong uri ito ng dulog sa pagtuturo ng wika?

1

Patuklas na Lapit

2

Konseptwal na Lapit

3

Unified Approach

4

Dulog Istruktural

7

Multiple Choice

6.     Naniniwala ang dulog na ito na ang pagkatuto ng wika ay may kinalaman sa paglinang ng ugali o gawi. Anong uri ito ng pagdulog sa pagtuturo ng wika?

1

Patuklas na Lapit

2

Konseptwal na Lapit

3

Unified Approach

4

Dulog Istruktural

8

Multiple Choice

7.     Nagagamit ang dulog na ito sa pagsusuri sa damdamin, aral at gawi ng tao batay sa kapaligirang sosyo-kultural. Pabuuin ang mga mag-aaral ng balita, pagtatalo o di kaya’y reaksyong papel. Anong dulog ito sa pagtuturo ng panitikan?

1

Dulog Sosyolohikal

2

Dulog Sikolohikal

3

Dulog Istaylistiko

4

Dulog Moralistiko

9

Multiple Choice

8. Binibigyang-diin ng dulog na ito sa pagtuturo ng panitikan ang mga elementong bumubuo sa katha.

1

Dulog Pormalistiko

2

Dulog Moralistiko

3

Dulog Sosyolohikal

4

Dulog Sikolohikal

10

Multiple Choice

9. Nakatuon ang dulog na ito sa pagtuturo ng panitikan sa pagsusuri sa istilo at devices na ginamit ng mga awtor tulad ng wikang ginamit,pananaw, paglalarawan sa tauhan at mga tayutay.

1

Dulog Sosyolohikal

2

Dulog Sikolohikal

3

Dulog Istaylistiko

4

Dulog Pormalistiko

11

Multiple Choice

10. Tinatalakay sa dulog na ito sa pagtuturo ng panitikan ang nakakubling layunin ng mga manlilikha at mga motibo ng mga tauhan sa isang akda.

1

Dulog Sikolohikal

2

Dulog Istaylistiko

3

Dulog Sosyolohikal

4

Dulog Moralistiko

12

Ano ang Dulog o Lapit?

Ang dulog o lapit ay isang set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo.

13

Ano ang Pamamaraan o Estratehiya ?

Ang pamamaraan naman o estratehiya ay tumutukoy sa pangkalahatang sistematikong pagpaplano na binubuo ng mga hakbang batay sa isang dulog (Anthony (1963) halaw kay Badayos, 98).

14

LAPIT/DULOG SA PAGTUTURO NG WIKA

1. Patuklas na Lapit

     Himukin ang mga mag-aaral na manuklas ng ibang paraan o tumuklas ng panibagong tuntunin o paraan. Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maging aktibong partisipante ng pagkatuto sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawain, pagmamanipula ng mga kagamitan at pag-interpret ng mga kinalabasan.

PAANO ITO GAGAMITIN?

Ang lapit o dulog na ito ay tumutukoy sa pabuod na pamamaraan ng paggabay sa mga mag-aaral sa pagtalakay at pag-oorganisa ng mga ideya at pagproseso nito. Ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang gamitin ang mga ideyang natutuhan sa pagtuklas ng panibagon ideya.

PAGLALARAWAN

15

2. Konseptwal na Lapit

Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga ideya tungo sa makabuluhan at mas malalaking ideya, mula sa konsepto tungo sa paglalahat. Bigyan ang mga mag-aaral ng sapat na pagkakataon para magbasa, makinig at magsulat.

PAANO ITO GAGAMITIN?

     Binibigyang-diin nito ang kognitibong pagkatuto: pagkatuto sa nilalaman at pagtamo ng kaalaman. Kinasasangkutan ito ng paglikom ng sapat na mga ideya o konsepto.

PAGLALARAWAN

16

3. Unified Approach

    Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagtukoy sa pangunahing ideya o konsepto ng isang paksang aralin, pagbibigay ng halimbawa, pagbabalik-tanaw sa nakaraang pagtatalakay at pagbibigay-diin sa mahahalagang konsepto ng paksang tatalakayin.

PAANO ITO GAGAMITIN?

Ang dulog na ito ay sumasangkot sa prosesong kognitibo gaya ng pagkokompara, pag-uugnay-ugnay, pagtukoy sa sanhi at bunga, paghula sa posibleng resulta at maging sinstesis ng isang paksa. Nilalayon nito na malinang ang mga mag-aaral na suriin at busisiin ang pangkalahatan o kabuoan ng mga bagay-bagay.

PAGLALARAWAN

17

4. Dulog Istruktural

Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga tuntunin, pagbibigay-halimbawa, pagsasaulo at panggagaya.

PAANO ITO GAGAMITIN?

Naniniwala and dulog na ito na ang pagkatuto ng wika ay may kinalaman sa paglinang ng ugali o gawi. Samakatwid, inaalam ang istruktura ng wika at batay dito ay sinasanay ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-uulit at pagsasaulo.

PAGLALARAWAN

18

5. Dulog Audio-Lingual

Nagagamit sa pamamagitan ng pagpaparinig ng mga tula, kanta at iba pang gawaing kasasangkutan ng pandinig.

PAANO ITO GAGAMITIN?

    Ang lapit na ito ay gumagamit ng teyp rekorder, larawan, pelikula, slides upang mapadali ang pagkatuto ng wika.

PAGLALARAWAN

19

Dulog o Lapit sa Pagtuturo ng Panitikan

  1. Dulog Pormalistiko

     Isinasagawa ang dulog na ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga elemento ng katha. Sa pagsusuri, maaaring gumamit ng iba’t ibang grapikong pantulong sa pag-oorganisa ng mga elemento.

PAANO ITO GAGAMITIN?

     Binibigyang-diin ng dulog na ito ang mga elementong bumubuo sa katha. Tinatalakay angpagkakaugnay ng mga bahagi ng katha.

PAGLALARAWAN

20

2. Dulog Moralistiko

    Nagagamit ang dulog na ito sa pagsusuri sa bisang taglay ng panitikan,kaisipang moral, halaga ng tao, karangalan at kadakilaan. Ang pagsasadula sa moral na nakapaloob sa akda ay maaring isagawa upang maisabuhay ang mga ito.

PAANO ITO GAGAMITIN?

Pinagtutuonan ng dulog na ito ang pamantayang moral na nakapaloob sa akda. Pinag-aaralan sa lapit na ito ang panitikan na may pagtatangkang hubugin ang tao at lipunan.

PAGLALARAWAN

21

3. Dulog Sosyolohikal

Nagagamit ang dulog na ito sa pagsusuri sa damdamin, aral at gawi ng tao batay sa kapaligirang sosyo-kultural. Pabuuin ang mga mag-aaral ng balita, pagtatalo o di kaya’y reaksyong papel.

PAANO ITO GAGAMITIN?

     Pinagtutuonan ng pansin ng dulog na ito ang mga elemento ng panitikan kabilang na ang ugnayang sosyo-kultural, politikal at pamumuhay, damdamin,asal kilos at reaksyon ng tao.

PAGLALARAWAN

22

4. Dulog Sikolohikal

Naisasagawa sa pamamagitan ng pagpapasulat ng mga komposisyon ayon sa pansariling estilo ng mga mag-aaral at iba pang gawaing susukat sa pagkamalikhain. 

PAANO ITO GAGAMITIN?

Tinatalakay sa dulog na ito ang nakakubling layunin ng mga manlilikha at mga motibo ng mga tauhan sa isang akda.

PAGLALARAWAN

23

5. Dulog Istaylistiko

Naisasagawa sa pamamagitan ng pagpapasulat ng mga komposisyon ayon sa pansariling estilo ng mga mag-aaral at iba pang gawaing susukat sa pagkamalikhain. 

PAANO ITO GAGAMITIN?

Nakatuon ang dulog na ito sa pagsusuri sa istilo at devices na ginamit ng mga awtor tulad ng wikang ginamit, pananaw, paglalarawan sa tauhan at mga tayutay.

PAGLALARAWAN

24

Sanggunian

Imbentaryo ng Lapit O Dulog at Estratehiya O Pamamaraansa Pagtuturo ng Wika at Panitikan

Acero, Victorina O. et. al., Principles and Strategies of Teaching, Quezon City: Rex Bookstore Inc. 2000.

Badayos, Paquibot B. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Mga Teorya, Simulain at Istratehiya, Makati City: Grandwater Publications and Research Corporation, 1999.

Electronic Sources

https://pr`ezi.com/z2kykr5bqzwz/mga-lapit-pagdulog-at-istratehiya/?webgl=0

MGA LAPIT, PAGDULOG AT ISTRATEHIYA, Abril 21, 2018.

Subject | Subject

MGA DULOG SA PAGTUTURO

NG ASIGNATURANG FILIPINO

JENIFER BUGAS, PhD

Tagapagsalita​

media

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 24

SLIDE